Nagawa ang Twitter bird mula sa tatlong hanay ng nagpapatung-patong na bilog, na nagmumungkahi kung paano nag-uugnayan ang mga interes, event at tao sa Twitter.

Mga Format

Ang aming logo ay palaging asul o puti. Hindi kailanman ipapakita ang Twitter bird sa kulay na itim o sa iba pang mga kulay.

I-download ang aming asul na logo ng Twitter
EPS · PNG 

I-download ang aming puting logo ng Twitter
EPS · PNG

Espasyong pangkaligtasan

Kapag ginagamit ang ibon kasama ng iba pang mga logo at graphic element, maglagay ng espasyong pangkaligtasan na katumbas ng 200% ng laki ng parisukat sa palibot ng ibon na iyon.

Mga alituntunin sa paggamit

Kasama sa mga mark ng Twitter ang, ngunit hindi limitado sa, pangalan ng Twitter, logo, ang terminong “Tweet” at anumang salita, parirala, imahe, o iba pang pagtatalaga na kumikilala sa pinagmulan ng anumang mga produkto ng Twitter. Huwag baguhin ang mga mark o gamitin ang mga iyon sa nakalilitong paraan, kabilang ang pagmumungkahi ng pag-sponsor o pag-endorso ng Twitter, o sa paraang nanlilito sa pag-uugnay ng Twitter sa isa pang brand. Gamitin ang aming opisyal at hindi nabagong Twitter bird upang katawanin ang Twitter.

Bad Twitter logos

Huwag Gawin:

  • Gumamit ng mga speech bubble o salita sa palibot ng ibon
  • Paikutin o baguhin ang direksyon ng ibon
  • I-animate ang ibon
  • Isama ang ibon sa iba pang mga ibon o nilalang
  • Baguhin ang kulay ng ibon
  • I-overprint o harangan ang anumang bahagi ng ibon
  • I-anthropomorphize ang ibon
  • Magdagdag ng mga special effect sa ibon
  • Gumamit ng mga lumang bersyon o anumang iba pang mark o logo upang katawanin ang aming brand

Mga Kulay

Pangunahing palette

Ang bawat variant ng Twitter gray ay may kaunting asul dito upang payagang mapares sa Twitter Blue at aming mga pangalawang kulay. Puti, #ffffff, at itim, #000000, kumpletuhin ang set.

Typography

Hindi lang ibig sabihin ang dala ng mga salita; sinasabi nito ang ibig sabihin nito mula sa mismong anyo nito. Pangunahing ginagamit namin ang Gotham font family: elegante at direkta, may estilo ngunit hindi eksklusibo. Ang paglalagay ng mga mahusay na idinisenyong salita sa aming produkto ay nagpapaganda sa karanasan ng user.

Mga alituntunin sa pagpapakita

Idinisenyo ang mga alituntuning ito na tulungan kang gamitin ang aming brand at mga asset, kabilang ang aming logo, nilalaman at mga trademark nang hindi kinakailangang mag-ayos ng mga legal na kasunduan para sa bawat paggamit. Upang magamit ang anuman sa aming mga mark sa paraang hindi sakop ng mga alituntuning ito, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa trademarks at twitter.com at magsama ng visual na mockup ng nilayong paggamit.

Para sa impormasyon kaugnay sa paggamit ng mga trademark ng Vine o kung paano magpakita ng mga video mula sa Vine, pakitingnan ang vine.co/logo.

Pag-promote sa iyong Twitter account

Maaaring Gawin:

  • Gamitin ang isa sa mga button ng Twitter bilang link sa iyong account sa online.
  • Gamitin ang isa sa mga logo ng Twitter bird malapit sa iyong @username na naka-print.
  • I-type ang Sundan kami sa Twitter kasunod ng iyong @username kung hindi mo maipakita ang Twitter bird.

Huwag Gawin:

  • Manipulahin ang Twitter bird.
  • Gumamit ng anumang iba pang artwork mula sa aming site, gaya ng beripikadong badge.
  • Gawin ang mga sarili mong button o imahe gamit ang aming mga logo maliban kung talagang kinakailangan, gaya ng sa mga signature bar. Kung gagawin mo, gamitin ang binagong laki na bersyon na ito ng Twitter bird.

Gamitin ang Twitter brand sa mga materyal sa advertising o marketing 

Maaaring Gawin:

  • Gamitin ang Twitter bird upang ipakita na akma ang iyong produkto o device sa Twitter.
  • Ipakita ang Twitter bird sa harap ng iyong #hashtag o @username na kasing laki ng text.
  • Tiyakin na kung babanggitin mo ang “Tweet,” magsasama ka ng direktang reference sa Twitter (halimbawa, “Mag-tweet gamit ang Twitter”) o ipakita ang brand o mga trademark ng Twitter na may binaggit na “Tweet.”
  • Tingnan ang seksyon patungkol sa Pagpapakita ng Mga Tweet at iba pang nilalaman mula sa Twitter kung gumagamit ng mga Tweet o bumubuo ng microsite.

Huwag Gawin:

  • Ipakita ang logo o mga trademark ng Twitter na mas malaki kaysa sa mga sarili mong mark.
  • Gamitin ang Twitter o mga mark ng Tweet upang mag-refer sa anumang serbisyo bukod sa Twitter.

Merchandise at mga mina-manufacture na item 

Pakitandaang sa pangkalahatan ay hindi namin pinapahintulutan ang paggamit ng aming mga mark sa merchandise.

Maaaring Gawin:

  • Gamitin ang Twitter bird sa packaging ng iyong produkto kasama ng iyong @username upang ipaalam sa mga customer na nasa Twitter ka. Dapat na kasing laki ng Twitter bird ang iyong @username at hindi dapat mas malaki kaysa sa sarili mong branding.

Huwag Gawin:

  • Gamitin ang pangalan ng Twitter, ang Twitter bird, Tweet, o anumang iba pang nakakalitong kaparehong mark sa anumang kasuotan, produkto, laruan, o anumang iba pang merchandise.

Pagpapangalan ng mga application, produkto, o domain 

Maaaring Gawin:

  • Pangalanan ang iyong website, produkto, o application nang natatangi.


Huwag Gawin:

  • Gamitin ang Twitter sa pangalan ng iyong website, application o produkto.
  • Gamitin lang ang “Tweet” o “Tweet” kasama ng isang simpleng kombinasyon ng titik o numero (halimbawa, 1Tweet, Tweet, Mga Tweet).
  • Magrehistro ng domain na naglalaman ng “twitter”, mga maling spelling, transliteration o kaparehong bersyon noon.
  • Mag-apply ng trademark na may pangalang kasama ang “Twitter”, “Tweet”, ang Twitter bird, mga transliteration o mga kaparehong bersyon noon.
  • Gamitin ang “Tweet” sa pangalan ng iyong application kung ginamit kasama ng anumang iba pang serbisyo.

Visual na disenyo ng iyong website o application 

Maaaring Gawin:

  • Idisenyo ang iyong site gamit ang mga natatanging branding at logo.

Huwag Gawin:

  • Kopyahin agn aming hitsura at pakiramdam, dahil maaari itong makapagpalito sa user.

Mga aklat o publication tungkol sa Twitter 

Maaaring Gawin:

  • Tiyaking malinaw na ipinapakita ng pamagat ng iyong aklat o publication na tungkol ito sa Twitter, at hindi ginawa ng Twitter. Halimbawa, ang “Matutunan kung paano ‘mag-X’ sa Twitter” ay naaangkop, at “Ang gabay ng Twitter sa ‘X’” ay hindi.
  • Tingnan ang seksyon patungkol sa paggamit ng nilalaman mula sa Twitter kung nagpapakita ng mga Tweet.

Huwag Gawin:

  • Gamitin ang Twitter bird sa iyong cover o sa iyong pamagat.
  • Gamitin ang salitang Tweet upang mag-refer sa mga serbisyo bukod sa Twitter.

Pagpapakita ng mga Tweet at iba pang nilalaman ng Twitter 

Kapag nagpapakita ng Tweet sa online, sa offline, o sa broadcast, huwag magsama ng mga aksyon mula sa iba pang mga social platform, dahil maaari nitong lituhin ang mga user. Ang anumang mga Tweet na ipinapakita ay dapat na totoo, mula sa mga totoong account, at sa ilang kaso, gaya ng nakalista sa ibaba, na inaprubahan ng may-akda.

Sa broadcast

Para sa buong alituntunin sa broadcast, pakitingnan ang aming mapagkukunan sa aming Help Center.

Maaaring Gawin:

  • Tiyaking ang mga Tweet na ipinapakita on air ay may kasamang pangalan, @username, at hindi nabagong text ng Tweet na malapit sa Twitter bird.
  • Ipakita ang nauugnay na Tweet at pagtatangi na may mga imahe o media. Ang mga gallery na may maraming imahe o mga scenic na pagsasama ay dapat na malinaw na markahan na “mula sa Twitter” at ibigay ang nauugnay na #hashtag o @username.
  • Ipakita ang Twitter bago ang mga #hashtag at @username upang i-maximize ang pakikipag-ugnayan. Ang ibon ay dapat na kasing laki ng text.

Huwag Gawin:

  • Burahin, harangan, o baguhin ang pagkakakilanlan ng user. Maaari kang magpakita ng mga Tweet nang hindi nakikilala sa ilang kaso, kung may mga alalahanin tungkol sa privacy ng user.
  • Lituhin ang broadcast sa mga advertisement, na nangangailangan ng pag-apruba mula sa may-akda ng Tweet.
Online (mga developer at kampanya sa microsite)

Offline (mga static na paggamit at mga publication)

  • Ipakita ang pangalan, @username, hindi nabagong text ng Tweet, at nasa malapit ang Twitter bird, pati na rin ang timestamp.
  • Kung nagpapakita ng mga Tweet, tiyaking totoo ang mga iyon, mula sa mga totoong account, at may pahintulot ka mula sa may-akda kung kinakailangan.
  • Ipakita ang nauugnay na Tweet at pagtatangi na may mga imahe o media.
  • Kung nagpapakita ng mga screenshot, ipakita lang ang sarili mong pahina ng profile, ang pahina ng @twitter, ang pahinang ‘Tungkol sa’ ng Twitter, o pahina na may pahintulot ka mula sa may-akda na ipakita.
  • Tingnana ng seksyon sa pagpapakita ng mga trademark ng Twitter.

Iba pang mga bagay na dapat malaman  

  • Huwag gumamit ng mga mark ng Twitter sa iyong avatar o sa background ng iyong pahina sa Twitter.
  • I-capitalize ang T sa Twitter at Tweet.

Sa pamamagitan ng paggamit sa mga maark ng Twitter, sumasang-ayon kang sundin ang patakarang ito pati ang aming Mga Tuntunin ng Serbisyo at lahat ng mga tuntunin at patakaran ng Twitter. Inilalaan ng Twitter ang karapatang kanselahin, baguhin, o palitan ang pahintulot sa patakarang ito anumang oras sa sarili nitong pagpapasya. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa paggamit ng pangalan at mga trademark ng Twitter, mangyaring makipag-ugnay sa trademarks at twitter.com.