Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
William Fettes Douglas - The Alchemist.jpg

Ang alkimiya ay isang sinaunang mala-agham na may elemento ng kimika, pisika, astrolohiya, sining, semiotika, metalurhiya, medisina, mistisismo, at relihiyon. Tatlo ang pangunahing layunin ng maraming alkimiko. Isa sa pinakakilala rito ay ang layuning makagawa ng ginto o ng pilak mula sa ano mang karaniwang metal sa pamamagitan ng transmutasyon (pagbabagong-anyo). Sinubukan din nilang gumawa ng isang tanging gamot na makapagpapagaling sa lahat ng sakit at magpapahaba ng buhay. Isa rito ay ang paggamit ng bato ng pilosopo. Ang maalamat na batong ito, na maaaring ring pulbos o likido, ay may katangian daw gawin ang dalawang nasabi. Ang paglalang ng buhay ng tao ang ikatlong layunin nito. Sinasabing ang alkimiya ang siyang pinagmulan ng makabagong agham ng kimika bago ang pormulasasyon ng makaagham na pamamaraan. Ang salitang alkimiya ay mula sa salitang Arabe na al-kīmiya o al-khīmiya (الكيمياء or الخيمياء), na maaring binuo mula sa pantukoy na al- at salitang Griyegong khumeia (χυμεία) na may kahulugang "humubog", "maghinang", "humulma" at iba pa (mula sa khumatos, "na siyang ibinuhos, isang kinapal na metal"). Ang isa pang sinasabing pinagmulan ng salitang Arabeng al-kīmiya ay ang kahulugang literal nito na "agham ng Ehipto" na galing sa salitang Coptico na kēme. Ang salitang Coptico ay galing naman sa salitang Demotico kmỉ, na galing naman sa lumang Ehipsyong salitang kmt na tumutukoy sa bansa o kulay na "itim".

Pluto-01 Stern 03 Pluto Color TXT.jpg

Ang Pluto (designasyon ng planetang hindi pangunahin: 134340 Pluto) ay isang planetang unano sa Kuiper belt, isang sinturon ng mga bagay lampas sa Neptune. Ito ay ang unang bagay sa Kuiper belt na natuklasan. Ito rin ang pinakamalaki at ikalawang pinakamabigat na kilalang planetang unano sa Sistemang Solar at ang ikasiyam na pinakamalaking, ikasampung pinakamabigat na bagay na direktang umiinog sa Araw. May-akda ng larawan: NASA / Johns Hopkins University Applied Physics Laboratory / Southwest Research Institute

Marawi City II.jpg

Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Ebola virus em.png
  • ... na ang Temple Run 2 ay isang sequel ng Temple Run?
  • ... na ang Unilever ay may dalawang himpilan?
  • ... na ang Bear Brand ay isang tatak ng gatas?
  • ... na si Tim Cone ay kilalang gumagamit ng estilong tatsulok na opensa sa larong basketbol?
  • ... na ang sakit na Ebola ay isang karamdaman na dulot ng isang birus (nakalarawan)?
  • ... na ang alkohol na amyl ay isa sa 8 mga alkohol na may pormulang C5H11OH?
  • ... na ang alkali ay ang matubig na solusyon na mayroong halaga ng pH na mahigit sa pito?
  • ... na ang organismong aerobiko ay mga mikrobyo na nabubuhay, namamalagi at lumalaki sa isang kapaligirang may oksiheno?
  • ... na ang epinephrine at ang adrenalin ay iisang hormone lamang?


Hunyo 6

Robert Francis "Bobby" Kennedy


Mga huling araw: Hunyo 5Hunyo 4Hunyo 3

Ngayon ay Hunyo 6, 2017 (UTC) – Sariwain ang pahina
Estonyano
(Eesti)
Azerbaijani
(Azərbaycanca)
Galisyano
(Galego)
Ingles (payak)
(English (simple))
Noruwego
(nynorsk)
(Norsk (nynorsk))
Latin
(Latina)
Taylandes
(ไทย)
Griyego
(Ελληνικά)
Newar / Nepal Bhasa
(नेपाल भाषा)
Arumano
(Armãneashce)
Occitan
(Occittan)
Serbo-Kroato
(Srpskohrvatski / Српскохрватски)
Heorhiyano
(ქართული)
Masedonyo
(Македонски)
Tagalog
(Wikang Tagalog)
Haytian
(Krèyol ayisyen)
Piedmontese
(Piemontèis)
Telugu
(తెలుగు)