Talaan ng mga planetang menor
Ito ay isang talaan ng mga bilang ng planetang menor sa Sistemang Solar, sa ayos ng pagbibigay ng bilang.
Magmula noong Mayo 2010[ref] Mayroon nang 241,562 nabigyang bilang na mga planetang hindi pangunahin, at mga kasingdami na hindi pa nibibigyan ng bilang. Karamihan ay hindi partikular na may kahalagahan; nasa 15,000 mga planetang mababa ang antas lamang ang nabigyan ng mga pangalan (ang unang walang pangalang planetang di-pangunahin ay ang bilang 3708).
Para sa isang maikling talaan ng mahahalagang mga asteroyd, tingnan ang talaan ng mahahalagang mga asteroyd, at para sa mahahalagang mga planetang hindi pangunahin na lampas sa orbito ng Neptuno, tingnan ang bagay na trans-Neptuno at talaan ng mga kandidatong plutoyd.
Limang mga planetang menor ang naiklasipika bilang mga Planetang Dwende at hindi bababa sa apat pa na maaaring makakamit ng ganitong klasipikasyon.
Mga kaparaan sa pagbibigay-bilang at pagpapangalan[baguhin | baguhin ang batayan]
Pagkaraan ng pagkakatuklas, pangunahing tumatanggap ang mga asteroyd ng designasyong probisyonal o pansamantalang katawagan (katulad ng "1989 AC"), na masusundan ng isang bilang (katulad ng 4179), at sa huli (maaaring wala nito) isang pangalan (katulad ng "Toutatis"), alinsunod sa ganitong pagkakasunud-sunod.
Sa makabagong kapanahunan, tumatanggap ang isang asteroyd ng isang bilang na may panunuran pagkaraan lamang na malaman ang tumpak nitong orbito. Ang mga asteroyd na hindi (pa) natitiyak ang orbito ay kilala ayon sa kanilang katawagang pansamantala. Hindi talagang nasusunod ang patakarang ito noong mas maagang mga panahon, at ilang mga asteroyd ang nakatanggap ng bilang subalit "nawala" sa paglaon. Lahat ng mga ito ay muli nang naibalik; ang pinakahuling "nawala" asteroyd na nabigyan ng bilang ay ang 719 Albert.
Pagkaraan lamang na makapagbigay ng isang bilang saka magiging maaaring makatanggap ng pangalan ang isang asteroyd. Karaniwang ang nakatuklas ay binibigyan ng hanggang sa sampung taon upang makapili ng pangalan; may ilang mga asteroyd na nananatiling hindi napapangalanan. Natatangi na ang hanggang sa wakas ng ika-21 daang taon, na may malakihang-sukat na mga programang pantuklas ng asteroyd na may automasyon katulad ng LINEAR, ang mga hakbang sa pagtuklas ay naging napakataas kaya tila parang hindi na mabibigyan ng mga pangalan ang karamihan sa mga planetang hindi pangunahin.
Dahil sa mga kadahilanang nabanggit sa itaas, ang pagkakasunud-sunod ng mga bilang ay mga pagtataya lamang o pagtatantsa lang ng pagkakatugma sa guhit ng panahon ng pagkakatuklas. Sa sukdulang mga kaso, katulad ng "nawalang" mga asteroyd, maaaring may malaking hindi pagkakatugma: halimbawa na ang may mataas na bigay na bilang na 69230 Hermes, na orihinal na natuklasan noong 1937, subalit isa itong nawawalang asteroyd hanggang sa pagsapit ng 2003. Noong matuklasan lamang itong muli saka maaaring tukuyin ang orbito nito at mapagtatakdaan ng isang bilang.
Talatuntunan para sa talaan ng mga menor na planeta[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga aklat[baguhin | baguhin ang batayan]
- Dictionary of Minor Planet Names, ika-5 edisyon: Inihanda para sa Komisyon 20 sa ilalim ng Pangangasiwa ng Internasyunal na Unyong Astronomikal, Lutz D. Schmadel, ISBN 3-540-00238-3
- The Names of the Minor Planets, Paul Herget, 1968
Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]
- MPC Archive Statistics (mga estadistika, mga obserbasyon, mga orbito at mga pangalan)
- MPC Discovery Circumstances (mga planetang di-pangunahin ayon sa bilang)
Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]
- Lists and plots: Minor Planets
- NASA Near Earth Object Program
- PDS Asteroid Data Archive
- SBN Small Bodies Data Archive
- JPL Minor Planet Database for physical and orbital data (of any small solar system body)
|