ISANG kilometro bago dumating ng Angono, Rizal, may isang nipa hut restoran. Malimit ko nang makita ang restoran. Ngunit nung isang Sabado lang ako nagka-interes na lasahan ito. Si Aling Geling, may-ari ng restoran, ang masiglang sumalubong sa amin. Tila edad 69, may katabaan at nakapusod ang buhok. Malumanay ang kanyang tinig at may puntong Batangueño ang kanyang pagsasalita.