May Bisa sa Pebrero 1, 2022

Ang aming misyon ay ikonekta ang mga propesyunal sa mundo upang pahintulutan silang mas maging produktibo at matagumpay. Dinisenyo ang aming mga serbisyo upang isulong ang oportunidad sa ekonomiya para sa aming mga miyembro sa pamamagitan ng pagbibigay kakayahan sa iyo at milyong iba pang mga propesyunal na matugunan, makipagpalitan ng mga ideya, matuto, at humanap ng mga oportunidad o empleyado, trabaho, at gumawa ng mga desisyon sa isang network ng pinagkakatiwalaang mga ugnayan.

  1. Introduksyon

    1.1 Kontrata

    Kapag ginamit mo ang aming mga Serbisyo sumasang-ayon ka sa lahat ng aming mga tuntunin. Ang paggamit mo ng aming mga Serbisyo ay napapailalim din sa aming Patakaran sa Cookie at ng aming Patakaran sa Pagkapribado, na sumasakop sa kung paano namin kinokolekta, ginagamit, ibinabahagi, at iniimbak ang iyong personal na impormasyon.

    Sumasang-ayon ka na sa pag-click sa “Sumali Ngayon”, “Sumali sa LinkedIn”, “Mag-sign Up” o katulad, pagrerehistro, pag-access o paggamit ng aming mga serbisyo (inilarawan sa ibaba),  sumasang-ayon ka na pumasok sa isang legal na kontrata kasama ng LinkedIn (kahit na ginagamit mo ang aming mga Serbisyo sa ngalan ng isang kompanya). Kung hindi ka sumasang-ayon sa kontratang ito (“Kontrata” o “Kasunduan ng mga Gumagamit”),  huwag i-click ang “Sumali Ngayon” (o katulad) at huwag i-access o gamitin ang aming mga Serbisyo. Kung gusto mong tapusin ang kontratang ito, anumang oras maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng pagsara ng iyong account at huwag na kailanman i-access o gamitin ang aming mga Serbisyo.

    Mga Serbisyo

    Naaangkop ang Kontrata na ito sa LinkedIn.com, LinkedIn-branded apps, LinkedIn Learning at iba pang mga site na nauuugnay sa LinkedIn, mga app, mga komunikasyon at iba pang mga serbisyo na nagsasabing sila ay inalok sa ilalim ng Kontratang ito (“Mga Serbisyo”), kabilang ang offsite na koleksyon ng datos sa mga Serbisyong iyon, tulad ng aming mga patalastas at ang “Mag-apply sa LinkedIn” at “Ibahagi sa LinkedIn” na mga plugin. Ang nakarehistrong mga gumagamit sa aming mga Serbisyo ay “Mga Miyembro” at ang hindi nakarehistrong mga gumagamit ay “Mga Bisita”.

    LinkedIn

    Ikaw ay pumapasok sa Kontratang ito kasama ng LinkedIn (na tinutukoy din bilang “kami” at “tayo”).

    Ginagamit namin ang terminong “ Mga Itinalagang Bansa ” upang tukuyin ang mga bansa sa European Union (EU), European Economic Area (EEA), at Switzerland.

    Kung naninirahan ka sa “Mga Itinalagang Bansa”, pumapasok ka sa Kontratang ito kasama ng LinkedIn Ireland Unlimited Company (“LinkedIn Ireland”) at ang LinkedIn Ireland ang tagapangasiwa ng iyong personal na datos na ibinigay sa, o nakolekta ng o para sa, o naproseso na may kaugnayan sa aming mga Serbisyo.

    Kung nakatira ka sa labas ng "Mga Itinalagang Bansa", ikaw ay pumapasok sa Kontratang ito kasama ng LinkedIn Corporation ("LinkedIn Corp.") at ng LingkedIn Corp. ang tagapangasiwa ng iyong personal na datos na ibinigay sa, o nakolekta ng o para sa, o naproseso na may kaugnayan sa, aming mga Serbisyo.

    Naaangkop ang Kontratang ito sa Mga Miyembro at Bisita.

    Bilang isang Bisita o Miyembro ng aming mga Serbisyo, ang pagkolekta, paggamit at pagbabahagi ng personal mong datos ay napapailalim sa Patakaran sa Pagkapribado  na ito (na kinabibilangan ng aming  Patakaran ng Cookie  at iba pang mga dokumento na isinangguni sa Patakaran sa Pagkapribado na ito) at mga update.

    1.2 Mga Miyembro at Bisita

    Kapag nagparehistro at sumali ka sa mga Serbisyo ng LinkedIn, ikaw ay magiging isang Miyembro. Kung pinili mong hindi magparehistro para sa aming mga Serbisyo, makaka-access ka sa ilang mga tampok bilang “Bisita.”

    1.3 Baguhin

    Maaaring gumawa kami ng mga pagbabago sa Kontrata.

    Maaaring baguhin namin ang Kontratang ito, ang aming Patakaran sa Pagkapribado, at ang aming Patakaran sa Cookie paminsan-minsan. Kung gumawa kami ng mga makabuluhang pagbabago rito, bibigyan ka namin ng abiso sa pamamagitan ng aming mga Serbisyo, o sa iba pang paraan, para bigyan ka ng oportunidad upang repasuhin ang mga pagbabago bago sila magkabisa. Sumasang-ayon kami na ang mga pagbabago ay hindi retroactive. Kung tututulan mo ang anumang mga pagbabago, maaari mong isara ang iyong account. Ang patuloy mong paggamit ng aming Mga Serbisyo matapos naming mailathala o maipadala ang abiso tungkol sa mga pagbabago sa mga tuntunin na ito ay nangangahulungan na pinapayagan mo ang mga update sa tuntunin mula sa petsa ng pagiging epektibo nito.

  2. 2. Mga Obligasyon

    2.1. Pagiging Karapat-dapat sa Serbisyo

    Narito ang ilang mga pangako na gagawin mo sa amin sa Kontratang ito:

    Ikaw ay karapat-dapat na pumasok sa Kontratang ito at ikaw ay dapat nasa “Pinakamababang Edad”.

    Ang mga Serbisyo ay hindi gagamitin para gamitin ng mga bata na mas bata sa edad na 16.

    Upang gamitin ang mga Sebrisyo, sumasang-ayon ka na: (1) ikaw ay dapat nasa "Pinakamababang Edad"(inilarawan sa ibaba) o mas matanda; (2) magkakaroon ka ng isang account lamang sa LinkedIn , na dapat nasa iyong totoong pangalan; at (3) ikaw ay hindi ipinagbabawal ng LinkedIn mula sa paggamit ng mga Serbisyo. Ang paglikha ng account na may maling impormasyon ay isang paglabag sa aming mga tuntunin, kabilang ang mga account na nakarehistro sa ngalan ng mga iba pa o tao na mas bata sa edad na 16.

    Ang ibig sabihi ng “Pinakamababang Edad” ay 16 na taong gulang. Gayunman, kung hinihiling ng batas na dapat ikaw ay mas matanda upang legal na maibigay sa iyo ng LinkedIn ang mga Serbisyo nang hindi kailangan ng pahintulot ng magulang (kabilang ang paggamit ng iyong personal na datos), samakatuwid ang Pinakamababang Edad ay ang naturang mas matandang edad.

    2.2 Iyong Account

    Pananatilihin mong lihim ang iyong password.

    Hindi mo ibabahagi ang account na ito sa sinuman at susunod sa aming mga alituntunin at batas.

    Ang mga miyembro ay mga account holder. Sumasang-ayon ka na: (1) gumamit ng malakas na password at panatilihin itong kumpidensyal; (2) hindi ililipat ang anumang bahagi ng iyong account (hal. mga koneksyon) at (3) sundin ang batas at aming listahan ng Mga Gagawin at Hindi Gagawin at  Mga Patakaran sa Propesyunal na Komunidad. Ikaw ay responsable para sa lahat ng mangyayari sa iyong account maliban kung isara mo ito o iulat na nagamit nang hindi tama.

    Kung sa pagitan mo at ng iba pa (kabilang ang iyong employer), pag-aari mo ang iyong account. Gayunman, kung ang mga Serbisyo na binili ng ibang partido para magamit mo (hal. Recruiter seat na binili ng iyong employer), ang partidong nagbayad ng Serbisyong iyon ay may karapatan na pangasiwaan ang access sa at kumuha ng mga ulat sa iyong paggamit ng naturang binayarang Serbisyo; gayunman, wala silang karapatan sa iyong personal na account.

    2.3 Bayad

    Igagalang mo ang iyong mga obligasyon sa pagbabayad at pumapayag ka sa pag-iimbak namin ng iyong impormasyon sa pagbabayad. Nauunawaan mo na maaaring magkaroon ng mga bayarin at mga buwis na idinadagdag sa aming mga presyo.

    Ang mga refund ay napapailalim sa aming patakaran.

    Kapag bumili ka ng anuman sa aming binabayarang mga Serbisyo (“Premium na mga Serbisyo”), sumasang-ayon ka na bayaran kami ng naaangkop na mga bayarin at buwis at sa   karagdagang mga tuntunin  na partikular sa binabayarang mga Serbisyo. Ang pagkabigo na mabayaran ang mga bayaring ito ay magreresulta sa pagtatapos ng iyong binabayarang mga Serbisyo. At, sumasang-ayon ka na:

    • Ang iyong binili ay napapailalim sa mga bayarin sa palitan ng pera o mga pagkakaiba sa mga presyo batay sa iyong lokasyon (hal. antas ng palitan ng pera).
    • Maaaring iimbak namin at patuloy na sisingilin ang paraan ng iyong pagbabayad (hal. credit card) kahit matapos itong mapaso, upang maiwasan ang pagka-antala ng iyong mga Serbisyo at para magamit ang pagbabayad sa iba pang mga Serbisyo na maaari mong bilhin.
    • Kapag bumili ka ng suskrisyon, awtomatikong sisingilin ang iyong paraan ng pagbabayad simula sa panahon ng bawat suskrisyon para sa mga singilin at buwis na naaangkop sa panahong iyon. Upang maiwasan ang panghinaharap na mga pagsingil, magkansela bago ang petsa ng pagpanibago. Alamin kung paano  kanselahin o suspendihin  ang iyong Premium na mga Serbisyo.
    • Lahat ng iyong mga pagbili sa mga Serbisyo ay napapailalim sa  patakaran ng pag-refund  ng LinkedIn.
    • Maaari naming kalkulahin ang babayaran mong buwis batay sa impormasyon ng pagsingil na ibinigay mo sa amin sa panahon ng pagbili.

    Makakakuha ka ng kopya ng iyong invoice sa pamamagitan ng mga setting sa iyong LinkedIn account sa ilalim ng “Kasaysayan ng Pagbili”.

    2.4 Mga Abiso at Mensahe

    Pumapayag ka na bigyan ka namin ng mga abiso at mensahe sa pamamagitan ng aming mga website, app, at impormasyon ng pakikipag-ugnayan. Kung wala na sa panahon ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan, maaaring makaligtaan mo ang mga mahahalagang abiso.

    Sumasang-ayon ka na bibigyan ka namin ng mga abiso at mensahe sa sumusunod na mga paraan: (1) sa loob ng Serbisyo, o (2) ipapadala sa ibinigay mong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa amin (hal. email, numero ng mobile, pisikal na address). Sumasang-ayon ka na panatilihing napapanahon ang iyong  impormasyon sa pakikipag-ugnayan

    Mangyaring repasuhin ang iyong mga setting upang pangasiwaan at limitahan ang mga mensahe na iyong natatanggap mula sa amin.

    2.5 Pagbabahagi

    Kapag ibinahagi mo ang impormasyon sa aming mga Serbisyo, makikita ng iba, makokopya at magagamit ang impormasyong iyon.

    Pinapayagan ng aming mga Serbisyo ang pagmemensahe at pagbabahagi ng impormasyon sa maraming paraan, tulad ng sa iyong profile, artikulo, mga pang-grupong post, mga link ng artikulo sa balita, mga patalastas sa trabaho, mga mensahe at InMail. Ang impormasyon at nilalaman na ibinabahagi o pinopost ay maaaring makita ng iba mga Miyembro, Bisita o iba pa (kabilang ang nasa labas ng mga Serbisyo). Kung saan mayroon sa mga setting, igagalang namin ang mga pinili mo kung sino ang makakakita ng nilalaman o impormasyon (hal. nilalaman ng mensahe sa iyong mga address, pagbabahagi lamang ng nilalaman sa mga koneksyon sa LinkedIn, paghihigpit sa pagpapakita ng iyong profile mula sa mga search engine, o pagpili na hindi maabisuhan ang iba tungkol sa iyong update sa profile sa LinkedIn). Para sa mga aktibidad ng paghahanap ng trabaho, ito ay naka-default na hindi abisuhan ang network ng iyong mga koneksyon o ang publiko. Kaya, kung nag-a-apply ka ng trabaho sa pamamagitan ng aming Serbisyo o pumili na bigyan magbigay ng signal na interesado ka sa trabaho, ang default namin ay ibahagi lamang ito sa nagpatalastas ng trabaho.

    Wala kaming obligasyon na ilathala ang anumang impormasyon o nilalaman ng aming Serbisyo at maaari itong tanggalin nang walang abiso.

  3. 3. Mga Karapatan at Limitasyon

    3.1. 3.1 Ang Iyong Lisensya sa LinkedIn

    Ikaw ang may-ari ng lahat ng nilalaman, katugunan at personal na impormasyon na ibinigay mo sa amin, ngunit binigyan mo rin kami ng hindi-ekslusibong lisensya para rito.

    Igagalang namin ang mga pinili mo tungkol sa kung sinong makakakita ng iyong impormasyon at nilalaman, kabilang ang kung paano ito magagamit para sa mga patalastas.

    Ayon sa pagitan mo at ng LinkedIn, ikaw ang may-ari ng nilalaman at impormasyon na iyong isusumite o ipapaskil sa mga Serbisyo, at binibigyan mo lamang ang LinkedIn at ang aming mga kaakibat ng sumusunod na hindi-eksklusibong lisensya:

    Ang pandaigdigan, naililipat at sublicensable na karapatan upang gamitin, kopyahin, baguhin, ipamahagi, ilathala at iproseso ang impormasyon at nilalaman na iyong ibinibigay sa pamamagitan ng aming mga Serbisyo at mga serbisyo ng iba, nang walang anumang karagdagang pahintulot, abiso at/o kabayaran sa iyo o sa iba pa. Ang mga karapatang ito ay limitado sa sumusunod na mga paraan:

    1. Maaari mong tapusin ang lisensyang ito para sa isang partikular na nilalaman sa pamamagitan ng pagtanggal ng naturang nilalaman mula sa mga Serbisyo, o pangkalahatan sa pamamagitan ng pagsara ng iyong account, maliban sa (a) kung papaano mo ito ibinahagi sa iba bilang bahagi ng Serbisyo at kinopya nila, muling ibinahagi ito o inimbak ito at (b) para sa makatuwirang panahon na kinakailangan upang alisin mula sa backup at iba pang mga sistema.
    2. Hindi namin isasama ang iyong nilalaman sa mga patalastas para sa mga produkto at serbisyo ng mga ikatlong partido sa iba nang walang hiwalay na pahintulot mo (kabilang ang inisponsor na nilalaman). Gayunman, mayroon kaming karapatan, nang walang pagbabayad sa iyo o sa iba, na maghatid ng mga patalastas malapit sa iyong nilalaman at impormasyon, at ang iyong  mga aksyong panlipunan ay maaaring makikita at kabilang ang mga patalastas, ayon sa binanggit sa Patakaran sa Pagkapribado. Kung ginagamit mo ang tampok ng Serbisyo, maaari naming banggitin iyon kasama ng iyong pangalan o larawan upang isulong ang tampok sa loob ng aming mga Serbisyo, na napapailalim sa iyong mga setting.
    3. Hihingin namin ang iyong pahintulot kung gusto naming bigyan ang iba ng karapatan na ilathala ang iyong nilalaman na labas sa aming mga Serbisyo. Gayunman, kung pipiliin mong ibahagi ang iyong post bilang “pampubliko, lahat o katulad", papaganahin namin ang isang tampok na magpapahintulot sa ibang mga Miyembro na i-embed ang pampublikong post na iyon sa ikatlong-partidong mga serbisyo, at papaganahin namin ang mga search engine upang mahahanap ang pampublikong nilalaman na iyon sa kanilang mga serbisyo.  Matuto pa
    4. Habang maaari naming i-edit at gumawa ng mga pagbabago sa pormat ng iyong nilalaman (tulad ng pagsasalin o pag-transcribe nito, baguhin ang laki, layout o uri ng file o pagtanggal ng metadata), hindi namin babaguhin ang kahulugan ng iyong pagpapahayag.
    5. Dahil pagmamay-ari mo ang iyong nilalaman at impormasyon at mayroon lamang kaming hindi-ekslusibong karapatan dito, maaari mong piliin na magagamit ito ng iba pa, kabilang ang napapailalim sa mga tuntunin ng  lisensya ng Creative Commons.

    Ikaw at ang LinkedIn ay sumasang-ayon na kapag kabilang sa nilalaman ang personal na datos, ito ay napapailalim sa aming Patakaran sa Pagkapribado.

    Ikaw at ang LinkedIn ay sumasang-ayon na maaari naming i-access, iimbak, iproseso at gamitin ang anumang impormasyon at personal na datos na ibinigay mo alinsunod sa mga tuntunin ng  Patakaran sa Pagkapribado  at iyong mga pagpipilian (kabilang ang mga setting).

    Sa pagsumite ng mga mungkahi o iba pang mga feedback tungkol sa aming mga Serbisyo sa LinkedIn, sumasang-ayon ka na maaaring gamitin at ibahagi ng LinkedIn (ngunit hindi kailangan) ang feedback na iyon para sa anumang layunin nang walang kompensasyon sa iyo.

    Pinapangako mo na ibibigay mo lamang ang impormasyon at nilalaman na mayroon kang karapatang ibahagi, at magiging totoo ang iyong profile sa LinkedIn.

    Sumasang-ayon ka na magbibigay lamang ng nilalaman o impormasyon na hindi lumalabag sa anumang batas o karapatan ng sinuman (kabilang ang mga karapatan sa intellectual property). Sumasang-ayon ka rin na magiging totoo ang impormasyon ng iyong profile. Maaaring hilingin ng batas sa LinkedIn na tanggalin ang ilang impormasyon o nilalaman sa ilang mga bansa.

    3.2 Pagiging Available ng Serbisyo

    Maaari naming baguhin o tapusin ang anumang Serbisyo o baguhin ang aming presyo sa hinaharap.

    Maaari naming baguhin, suspendihin, o ihinto ang anuman sa aming mga Serbisyo. Maaari rin naming baguhin ang mga presyo na may bisa sa hinaharap nang may makatwirang abiso sa abot na pinapayagan sa ilalim ng batas.

    Hindi namin ipinapangako na iimbak o palaging ipapakita ang anumang impormasyon at nilalaman na iyong pinost. Ang LinkedIn ay hindi isang serbisyo ng pag-iimbak. Sumasang-ayon ka na wala kaming obligasyon na mag-imbak, magpanaatili o magbigay sa iyo ng kopya ng anumang nilalaman o impormasyon na ibinibigay mo o ng iba, maliban kung kinakailangan ng naaangkop na batas at tulad ng nabanggit sa aming Patakaran sa Pagkapribado.

    3.3 Iba pang Nilalaman, mga Site at App

    Ang paggamit mo nilalaman at impormasyon ng iba na naka-post sa aming mga Serbisyo ay nasa iyong peligro.

    Ang iba ay maaaring mag-alok ng kanilang sariling produkto at serbisyo sa pamamagitan ng aming mga Serbisyo, at hindi kami responsable para sa mga aktibidad ng ikatlong partido.

    Sa paggamit ng mga Serbisyo, maaari kang makatagpo ng nilalaman o impormasyon na maaaring hindi tama, kulang, nahuhuli, nakalilinlang, ilegal, nakakasakit ng damdamin, o kung hindi man, mapanira. Pangkalahatang hindi nirerepaso ng LinkedIn ang nilalaman na ibinibigay ng aming mga Miyembro o ng iba. Sumasang-ayon ka na hindi kami responsable para sa (kabilang ang iba pang Mga Miyembro) nilalaman o impormasyon. Hindi namin laging maiiwasan ang maling paggamit ng aming mga Serbisyo, at sumasang-ayon ka na hindi kami responsable para sa anumang maling paggamit. Tinatanggap mo rin ang panganib na ikaw o ang iyong organisasyon ay maaaring mali na nauugnay sa nilalaman tungkol sa iba kapag ipinaalam namin sa mga koneksyon at tagasubaybay na ikaw o ang iyong organisasyon ay nabanggit sa balita. Ang mga miyembro ay mayroong mga pagpipilian tungkol sa tampok na ito.

    Maaaring matulungang ikonekta ng LinkedIn ang mga Miyembro na nag-aalok ng kanilang mga serbisyo (career coaching, accounting, atbp.) Hindi gumaganap ang LinkedIn o nage-empleyo ng mga indibidwal na gumanap ng mga serbisyong ito. Dapat ikaw ay hindi bababa sa 18 taong gulang upang mag-alok, gumanap o kumuha ng mga serbisyong ito. Tinatanggap mo na ang LinkedIn ay hindi nangangasiwa, nag-uutos, nagkokontrol o nagsusubaybay ng mga Miyembro sa pagganap ng mga serbisyong ito at sumasang-ayon na (1) ang LinkedIn ay hindi responsable para sa pag-aalok, pagganap o pagkuha ng mga serbisyong ito, (2) ang LinkedIn ay hindi nag-eendorso ng anumang partikular na inaalok na mga serbisyo ng Miyembro, at (3) walang dapat lumikha ng isang trabaho, ahensya, o pinagsamang pakikipag-ugnayan sa pakikipagsapalaran sa pagitan ng LinkedIn at sinumang Miyembro na nag-aalok ng mga serbisyo. Kung ikaw ay isang Miyembro na nag-aalok ng mga serbisyo, kinakatawan at ginagarantiya mo na mayroon ka ng lahat ng kinakailangang lisensya at magbibigay ng mga serbisyo na naaayon sa aming Mga Patakaran sa Propesyunal na Komunidad.

    Katulad nito, maaaring tulungan ka ng LinkedIn na magparehistro para sa at/o dumalo sa mga kaganapan na inayos ng mga Miyembro at kumonekta sa iba pang mga Miyembro na dumalo sa naturang mga kaganapan. Sumasang-ayon ka na (1) ang LinkedIn ay hindi responsable para sa pag-uugali ng sinuman sa mga Miyembro o iba pang dadalo sa mga kaganapang ito, (2) hindi ini-endorso ng LinkedIn ang anumang partikular na kaganapan na nakalista sa aming mga Serbisyo, (3) Hindi narerepaso at/o sinusuri ng LinkedIn ang alinman sa mga kaganapang ito, at (4) na susundin mo ang mga tuntunin at kondisyon na naaangkop sa mga kaganapang ito.

    3.4 Mga Limitasyon

    May karapatan kaming limitahan kung paano ka kokonekta at makikipag-ugnayan sa aming mga Serbisyo.

    Nilalaan ng LinkedIn ang karapatan na limitahan ang paggamit mo ng mga Serbisyo, kabilang ang bilang ng iyong mga koneksyon at ang iyong kakayahan na makipag-ugnayan sa iba pang mga Miyembro. Nilalaan ng LinkedIn ang karapatan na maghigptin, magsuspinde, o tapusin ang iyong account kapag lumabag ka sa Kontratang ito o sa batas o hindi tamang paggamit ng mga Serbisyo (hal. paglabag sa anumang mga Gagawin at Hindi Gagawin o  Mga Patakataran ng Propesyunal na Komunidad).

    3.5 Mga Karapatan sa mga Intelektwal na Pag-aari.

    Bibigyan ka namin ng abiso tungkol sa aming mga karapatan sa mga intelektwal na pag-aari.

    Nilalaan ng LinkedIn ang lahat ng karapatan sa mga intelektwal na pag-aari sa mga Serbisyo. Ang mga trademark at logo na ginagamit na may kaugnayan sa mga Serbisyo ay mga trademark ng kani-kanilang mga may-ari. Ang LinkedIn, at “sa” logo at iba pang mga trademark ng LinkedIn, mga marka ng serbisyo, graphics at mga logo na ginagamit para sa aming mga Serbisyo ay mga trademark o rehistradong trademark ng LinkedIn.

    3.6 Awtomatikong Pagpo-proseso

    Ginagamit namin ang datos at impormasyon tungkol sa iyo upang makagawa ng mga mungkahi na may kaugnayan sa iyo at sa iba.

    Ginagamit namin ang impormasyon at datos na iyong ibinibigay at mayroon kaming mga Miyembro na gumagawa ng mga rekomendasyon para sa mga koneksyon, nilalaman at mga tampok na maaaring maging kapaki-pakinabang sa iyo. Halimbawa, ginagamit namin ang datos at impormasyon tungkol sa iyo upang magrekomenda ng mga trabaho sa iyo at ikaw sa mga recruiter. Ang pagpapanatiling wastoat napapanahon ng iyong profile ay nakakatulong sa amin upang maging mas wasto at may kaugnayan ang mga rekomendasyon na ito. Matuto pa

  4. 4. Pagtatatwa at Limitasyon ng Pananagutan

    4.1 Walang Garantiya

    Ito ang aming pagtatatwa ng legal na pananagutan para sa kalidad, kaligtasan, o pagiging maasahan ng aming mga Serbisyo.

    Ang LINKEDIN AT MGA KAAKIBAT NITO AY WALANG GINAWANG REPRESENTASYON O GARANTIYA SA MGA SERBISYO, KABILANG ANG ANUMANG REPRESENTASYON NA ANG MGA SERBISYO AY HINDI MAABALA O WALANG MALI AT MAGBIBIGAY NG MGA SERBISYO (KABILANG ANG NILALAMAN AT IMPORMASYON) SA ISANG “AS IS” AT “AS AVAILABLE” NA BATAYAN. SA ABOT NA PINAPAYAGAN SA ILALIM NG NAAANGKOP NA BATAS, ANG LINKEDIN AT MGA KAAKIBAT NITO AY ITINATATWA ANG ANUMANG IMPLIED O STATUTORY NA GARANTIYA, KABILANG ANG ANUMANG IPINAHIWATIG NA GARANTIYA NG TITULO, KAWASTUHAN NG DATOS, HINDI PAGLABAG, MABEBENTA O KAANGKUPAN PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN.

    4.2 Pagbubukod ng Pananagutan

    Ito ang mga limitasyon ng legal na pananagutan na mayroon kami para sa iyo.

    SA ABOT NG PINAPAYAGAN SA ILALIM NG BATAS (AT MALIBAN KUNG PUMASOK ANG LINKEDIN SA ISANG MAGKAHIWALAY NA NAKASULAT NA KASUNDUAN NA NAGBABALEWALA SA KONTRATANG ITO), ANG LINKEDIN, KABILANG ANG MGA KAAKIBAT NITO, AY WALANG PANANAGUTAN KAUGNAY SA KONTRATANG ITO PARA SA NALUGI O NAWALANG MGA OPORTUNIDAD SA NEGOSYO, REPUTASYON (HAL. NAKAKASAKIT O PANINIRANG PURI), PAGKAWALA NG DATOS (HAL. PAGHINTO O PAGKAWALA, PAGGAMIT NG, O MGA PAGBABAGO SA, IYONG IMPORMASYON O NILALAMAN), O ANUMANG HINDI DIREKTANG INSIDENTE, KINAHINATNAN, ESPESYAL O MGA PINSALANG DULOT NG KAPAHAMAKAN.

    ANG LINKEDIN AT MGA KAAKIBAT NITO AY WALANG PANANAGUTAN SA IYO KAUGNAY SA KONTRANG ITO SA ANUMANG HALAGA NA LAMPAS (A) SA KABUUANG HALAGA NA BINAYAD O BABAYARAN SA IYO NG LINKEDIN PARA SA MGA SERBISYO SA PANAHON NG TUNTUNIN NG KONTRATANG ITO, KUNG MAYROON MAN, O (B) US $1000.

    4.3 Batayan ng Kasunduan; Mga Pagbubukod

    Ang mga limitasyon ng pananagutan sa Seksyon 4 na ito ay bahagi ng batayan ng kaskunduan sa pagitan mo at ng LinkedIn at dapat naaangkop sa lahat ng mga paghahabol sa pananagutan (hal. garantiya, sibil na salarin, kapabayaan, kontrata at batas) kahit na nasabihan ang LinkedIn at mga kaakibat nito ng posibilidad ng anumang pinsala, at kahit na ang mga remedyo ay nabigo sa kanilang mahalagang layunin.

    Ang mga limitasyong ito ng pananagutan ay hindi naaangkop sa pananagutan para sa pagkamatay o personal na pinsala o para sa pandaraya, matinding kapabayaan o sadyang maling pag-uugali, o sa mga kaso ng kapabayaan kung saan ang isang makabuluhang obligasyon ay nilabag, isang makabuluhang obligasyon na tulad nito na bumubuo ng isang paunang kinakailangan sa aming paghahatid ng mga serbisyo at kung saan maaari kang lubos na umasa, ngunit sa saklaw lamang na ang mga pinsala ay direktang sanhi ng paglabag at napuna na sa pagtatapos ng Kontrata na ito at sa lawak na ang mga ito ay karaniwang sa konteksto ng Kontrata na ito.

  5. 5. Pagwawakas

    Maaari nating parehong tapusin ang Kontratang ito, pero maaaring matira ang ilang karapatan at obligasyon.

    Maaaring tapusin ninyo pareho ng LinkedIn ang Kontratang ito anumang oras na may paabiso sa iba. Sa pagtatapos, mawawalan ka ng karapatan sa access o paggamit ng mga Serbisyo. Ang sumusunod ay matitira sa pagtatapos:

    • Aming mga karapatan sa paggamit at pagsisiwalat ng iyong feedback;
    • Ang mga miyembro at/o mga karapatan ng Bisita upang muling ibahagi ang nilalaman at impormasyon na ibinahagi mo sa pamamagitan ng mga Serbisyo;
    • Seksyon 4, 6, 7 at 8.2 ng Kontratang ito;
    • Anumang halaga na utang ng alinmang partido bago ang pagtatapos ay mananatiling utang kahit tinapos na ito.

    Maaari mong bisitahin ang aming  Sentro ng Tulong  upang isara ang iyong account.

  6. 6. Namamahalang Batas at Resolusyon sa Hindi Pagkakaunawaan

    Sa hindi inaasahang kaganapan na humantong tayo sa isang hindi pagkakaunawaan, ikaw at ang LinkedIn ay sumasang-ayon na ayusin ito sa mga korte ng California gamit ang batas ng California, o sa mga korte ng Dublin Ireland gamit ang batas ng Irish, o sa iyong lokal na mga korte gamit ang lokal na batas.

    Kung nakatira ka sa Mga Itinalagang Bansa, ang mga batas ng Ireland ang mamahala ng lahat ng mga paghahabol na may kaugnayan sa pagbibigay ng LinkedIn ng mga Serbisyo, ngunit hindi nito ipagkakait sa iyo ang inaatas na mga proteksyon ng mamimili sa ilalim ng batas sa bansa kung saan binibigay namin ang iyong mga Serbisyo kung saan ka nakagawiang naninirahan. Kaugnay ng hurisdiksyon, ikaw at ang LinkedIn ay sumasang-ayon na piliin ang mga korte ng bansa kung saan namin ibinibigay ang iyong mga Serbisyo kung saan mayroon kang nakagawiang paninirahan para sa lahat ng mga hindi pagkakaunawaan na nagmumula sa o nauugnay sa Kasunduan ng mga Gumagamit na ito, o bilang alternatibo, maaari mong piliin ang responsableng hukuman sa Ireland.

    Para sa ibang nasa labas ng Mga Itinalagang Bansa, kabilang ang mga nakatira sa labas ng Estados Unidos: Ikaw at ang LinkedIn ay sumasang-ayon na ang mga batas ng Estado ng California, U.S.A., hindi kasama ang mga salungatan sa mga alituntunin ng batas, ang dapat na eksklusibong mamamahala sa anumang hindi pagkakaunawaan na may kaugnayan sa Kontrata at/o mga Serbisyong ito. Ikaw at ang LinkedIn ay parehong sumasang-ayon na lahat ng mga pagahahabol ay maaaring kasuhan lamang sa pederal o pang-estadong mga korte sa Santa Clara County, USA, at ikaw at ang LinkedIn ay parehong sumasang-yon sa personal na hurisdiksyon sa mga korteng iyon.

  7. 7. Mga Pangkalahatang Tuntunin

    Narito ang ilang mahalagang mga detalye tungkol sa Kontrata.

    Kung matuklasan ng isang korte na may awtoridad sa Kontrata na ito ang anumang bahagi nito na hindi maipapatupad, ikaw at kami ay sumasang-ayon na dapat baguhin ng korte ang mga tuntunin upang maisagawa ang bahaging iyon habang makakamit pa rin ang hangarin nito. Kung hindi ito magagawa ng korte, ikaw at ako ay sumasang-ayon na hilingin ang korte na tanggalin ang hindi maipapatupad na bahagi at ipapatupad pa rin ang natitirang bahagi ng Kontratang ito.

    Ang Kontratang ito (kabilang ang karagdagang mga tuntunin na maaari naming ibigay kapag ikaw ay nakilahok sa tampok ng mga Serbisyo) ang tanging kasunduan sa pagitan natin tungkol sa mga Serbisyo at papalit sa lahat na naunang mga kasunduan para sa mga Serbisyo.

    Kung hindi kami kikilos upang maipatupad ang paglabag sa Kontratang ito, hindi ito nangangahulugan na tinanggihan ng LinkedIn ang karapatan nito na ipatupad ang Kontratang ito. Hindi mo maaaring italaga o ilipat ang Kontratang ito (o ang iyong pagiging miyembro o paggamit ng mga Serbisyo) sa sinuman na walang pahintulot. Gayunman, sumasang-ayon ka na maaaring italaga ng LinkedIn ang Kontrata na ito sa mga kaakibat nito o sa isang partido na bibili nito nang walang pahintulot mo. Walang mga benepisyaryo ng ikatlong partido sa Kontrata na ito.

    Sumasang-ayon ka na ang tanging paraan upang magbigay ng legal na abiso ay sa address na ibinigay sa Seksyon 10.

  8. 8. Mga “Gagawin at Hindi Gagawin” sa LinkedIn

    Ang LinkedIn ay isang komunidad ng mga propesyunal. Ang mga listahan ng “Mga Gagawin at Hindi Gagawin” kasama ng aming Mga Patakaran ng Komunidad ng Propesyunal ay nililimitahan ang magagawa at hindi magagawa sa aming mga Serbisyo.

    8.1. Mga Gagawin

    Sumasang-ayon ka na ikaw ay:

    1. Susunod sa lahat ng naaangkop na mga batas, kabilang ang, walang limitasyon, mga batas ng pagkapribado, mga batas ng intelektwal na pag-aari, mga batas sa anti-spam, mga batas sa pagkontrol sa export, mga batas sa buwis, at mga kinakailangang sa regulasyon;
    2. Magbigay sa amin ng tumpak na impormasyon at panatilihin itong napapanahon;
    3. Gamitin ang tunay na pangalan mo sa iyong profile; at
    4. Gamitin ang mga Serbisyo sa isang propesyonal na paraan.

    8.2. Mga Hindi Gagawin

    Sumasang-ayon ka na hindi ka:

    1. Lilikha ng isang maling pagkakakilanlan sa LinkedIn, maling sabihin ang iyong pagkakakilanlan, lumikha ng isang profile ng Miyembro para sa sinuman maliban sa iyong sarili (tunay na tao), o gumamit o subukang gumamit ng ibang account;
    2. Bubuo, susuporta o gagamit ng software, mga kagamitan, script, robot o anupamang paraan o proseso (kabilang ang mga crawler, browser plugins, at mga add-on o anupamang ibang teknolohiya) upang kayurin ang mga Serbisyo o kung hindi man ay kopyahin ang mga profile at iba pang datos mula sa mga Serbisyo;
    3. I-override ang anumang mga tampok na seguridad o hakbangan o dayain ang anumang mga kontrol sa access o gamitin ang mga limitasyon ng Serbisyo (tulad ng mga cap sa keyword searches o mga pagtingin sa profile);
    4. Kokopyahin, gagamitin, isisiwalat o ipapamahagi ang anumang impormasyon na nakuha mula sa mga Serbisyo, direkta man o sa pamamagitan ng ikatlong partido (tulad ng mga search engine), nang walang pahintulot ng LinkedIn;
    5. Isisiwalat ang impormasyon na wala kang pahintulot na isiwalat (tulad ng kompidensyal na impormasyon ng iba (kabilang ang iyong employer));
    6. Lalabag sa mga karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari ng iba , kabilang ang mga copyright, patent, trademark, trade secret o iba pang mga karapatan ng propriyedad. Halimbawa, huwag kokopyahin o ipapamahagi (maliban sa pamamagitan ng available na functionality ng pagbabahagi) ang mga post o iba pang nilalaman ng iba nang wala pahintulot nila, na maaari nilang maibigay sa pamamagitan ng pag-post sa ilalim ng lisensya ng Creative Commons;
    7. Lalabag sa intelektwal na pagmamay-ari o iba pang mga karapatan ng LinkedIn, kabilang ang, walang limitasyon, (i) pagkopya o pamamahagi ng aming learning video o iba pang mga materyal o (ii) pagkopya o pamamahagi ng aming teknolohiya, maliban kung ito ay inilabas sa ilalim ng mga lisensya ng open source; (iii) gamit ang salitang “LinkedIn” o aming mga logo sa anumang pangalan ng negosyo, email, o URL maliban kung ibinahagi sa Mga Gabay sa Tatak;
    8. Magpo-post ng anumang naglalaman ng mga virus ng software, worm, o anumang harmful code;
    9. Ire-reverse engineer, ide-decompile, idi-disassemble, ide-decipher o kaya susubukan upang makuha ang source code para sa mga Serbisyo o anumang kaugnay na teknolohiya na hindi open source;
    10. Ipapahiwatig o sasabihin na ikaw ay kaakibat ng o inendorso ng LinkedIn nang walang pahintulot namin (hal., kumakatawan sa iyong sarili bilang isang akreditadong tagapagsanay sa LinkedIn);
    11. Pag-uupa, pag-uutang, pangangalakal, pagbebenta/ muling pagbebenta o kung hindi man imo-monetize ang mga Serbisyo o mga kaugnay na data o pag-access dito, nang walang pahintulot ng LinkedIn;
    12. Malalim na pagkaka-link sa aming mga Serbisyo para sa iba pang layunin maliban sa pagtataguyod ng iyong profile o isang Grupo sa aming mga Serbisyo, nang walang pahintulot ng LinkedIn;
    13. Gagamit ng mga bot o iba pang awtomated na paraan upang ma-access ang mga Serbisyo, magdagdag o mag-download ng mga kontrata, magpadala o i-redirect ang mga mensahe;
    14. Susubaybayan ang availability, pagganap o functionality ng mga Serbisyo para sa anumang layunin ng pagiging kompetetibo;
    15. Paglalahok sa “pag-frame,” “pag-mirror,” o kung hindi man gagayahin ang itsura o function ng mga Serbisyo;
    16. I-o-overlay o kung hindi man babaguhin ang mga Serbisyo o ang kanilang hitsura (tulad ng sa pagpasok ng mga elemento sa Serbisyo o pag-aalis, takip, o pagtakpan ng isang ad na kasama sa Mga Serbisyo);
    17. Papakialaman ang pagpapatakbo ng, o maglalagay ng isang hindi makatwirang pag-load sa, mga Serbisyo (hal., spam, pagtanggi sa service attack,, mga virus, gaming algorithm); at/o
    18. Lalabag sa   Mga Patakaran sa Komunidad ng Propesyunal   o anumang karagdagang mga tuntunin patungkol sa isang tiyak na Serbisyo na ibinibigay kapag nag-sign up ka o nagsimulang gamitin ang naturang Serbisyo, at ang mga tuntunin ng  Bing Maps  kung saan naaangkop.
  9. 9. Mga Reklamo Tungkol sa Nilalaman

    Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa reklamo tungkol sa nilalaman na ibinigay ng aming Mga Miyembro.

    Nirerespeto din namin ang mga karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari ng iba. Kinakailangan namin na ang impormasyong nai-post ng Mga Miyembro ay maging tumpak at hindi lumalabag sa mga karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari o iba pang mga karapatan ng mga ikatlong partido. Nagbibigay kami ng  patakaran at proseso  para sa mga reklamo tungkol sa nilalaman na nai-post ng aming mga Miyembro.

  10. 10. Paano Makipag-ugnayan sa Amin

    Aming Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan. Ang aming Help Center ay nagbibigay din ng impormasyon tungkol sa aming mga Serbisyo.

    Para sa mga pangkalahatang pagtatanong, maaari mo kaming kontakin  online. Para sa mga legal na abiso o serbisyo ng proseso, maaari mo kaming sulatan sa  mga address na ito.