Pulo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Larawan ng mga pulo sa Hundred Islands National Park

Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.

Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal.

Pulong kontinental[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pulong kontinental ay mga pulo na matatagpuan sa continental shelf ng isang kontinente. Isang halimbawa nito ang isla ng Lupanlunti, na nasa kontinente ng Hilagang Amerika.

Pagkakaiba ng mga pulo at mga kontinente[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Greenland ay ang pinakamalaking pulo sa daigdig[1] na may sukat na mahigit sa 2.1 million km², samantalang ang Australia, ang pinakamaliit na kontinente[2] ay may sukat na 7.6 milyon km², subalit walang pamantayang sukat na makapagsasabi at magpapaiba sa mga pulo mula sa mga kontinente,[3] o mula sa mga munting pulo.[4]


Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Joshua Calder's World Island Info". Worldislandinfo.com. Nakuha noong July 29, 2011.
  2. "Australia: Island or Continent?". Worldislandinfo.com. Nakuha noong April 10, 2012.
  3. Brown, Mike. How I Killed Pluto and Why It Had It Coming. New York: Random House Digital, 2010. ISBN 0-385-53108-7
  4. Royle, Stephen A. A Geography of Islands: Small Island Insularity. Psychology Press, 2001. pp. 7–11 ISBN 1-85728-865-3

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pulo ng Aguirangan sa Camarines Sur, Pilipinas
Pulo ng Apo sa Dauin, Negros Oriental, Pilipinas
isla ng Camara sa probensiya ng Zambales, Pilipinas
isla sa Bonot-Sta Rosa, Calabanga Camarines Sur, Pilipinas