Polonya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Poland)
Tungkol ito sa isang bansa. Para sa elemento, pumunta sa Polonyo (elemento).
Republika ng Polonya

Rzeczpospolita Polska
Eskudo ng Polonya
Eskudo
Salawikain: wala[1]
Awiting Pambansa: Mazurek Dąbrowskiego
Kinaroroonan ng  Polonya  (kahel) – sa lupalop ng Europa  (kamelyo & puti) – sa Unyong Europeo  (kamelyo)
Kinaroroonan ng  Polonya  (kahel)

– sa lupalop ng Europa  (kamelyo & puti)
– sa Unyong Europeo  (kamelyo)


Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Varsovia
Wikang opisyalPolako[2]
PamahalaanRepublikang parlamentaryo
• Pangulo
Andrzej Duda
Mateusz Morawiecki
Pagkabuo
14 Abril 966
11 Nobyembre 1918
Lawak
• Kabuuan
312,685 km2 (120,728 mi kuw)[d] (ika-69)
• Katubigan (%)
3.07
Populasyon
• Pagtataya sa 2019
38,433,600 (2019) [3][4] (ika-34)
• Senso ng 2011
38,501,000
• Kapal
120/km2 ([convert: di tugmang yunit]) (ika-83)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2011
• Kabuuan
$771.658 bilyon[5]
• Bawat kapita
$20,334[5]
KDP (nominal)Pagtataya sa 2011
• Kabuuan
$513.821 bilyon[5]
• Bawat kapita
$13,540[5]
TKP (2011)0.813[6]
napakataas · ika-39
SalapiEsloti (PLN)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Kodigong pantelepono48
Internet TLD.pl

Ang Polonya (Polako: Polska), opisyal na Republika ng Polonya (Polako: Rzeczpospolita Polska), ay bansang matatagpuan sa Gitnang Europa. Sumasaklaw ng lawak na 312,696 km2 at may populasyon na halos 38.2 milyon, ito ang ikalimang pinakamataong estado sa Unyong Europeo. Pinapaligiran ito ng Litwanya at Rusya sa hilagang-silangan, Eslobakya at Republikang Tseko sa timog, Biyelorusya at Ukranya sa silangan, at Alemanya sa kanluran. Nagbabahagi rin ito ng mga hangganang pandagat sa Dinamarka at Suwesya. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Varsovia, na sinusundan ng sentrong akademiko-kultural ng Cracovia.

Unang itinatag ang Polonya noong 966 sa Kristiyanisasyon nito. Inabot ng Polonya ang rurok nito noong ika-16 dantaon sa pagkatatag ng Malasariling Pamahalaan ng Polonya at Litwaniya hanggang sa paghahati-hati nito sa pagitan ng Kabagindahang Ruso, Austriya-Unggarya at ang Kaharian ng Prusya noong ika-19 dantaon, kung saan tumigil ang pag-iral nito bilang hiwalay na bansa. Muling itinatag ang Polonya noong 11 Nobyembre 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, na kilala bilang Ikalawang Republika ng Polonya.

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maaaring nagmula ang pangalang "Polonya" sa mga Polano (Polako: Polanie), isang liping Kanlurang Eslabo. Hindi alam ang etimolohiya nito, ngunit maaaring nagmula ito sa salitang "pole" (parang):[7] nagsisimula ang mga kaparangan sa mga lupaing Polako mula sa dalampasigan ng Dagat Baltiko hanggang sa paanan ng Carpatos sa timog.

Sa ibang mga wika, nagmula naman ang mga eksonimo para sa Polonya mula sa pangalan ng ibang tribo o lipi, ang mga Lekito (Polako: Lechici, Ingles: Lechites).

Maaari ring nagmula ang pangalang "Polonya" sa isang alamat ng mga Hudyo, kung saan naghanap sila ng isang ligtas na lugar kung saan maaari silang manirahan. Narinig nila umano ang salitang Ebreong "po-lin" ("dito kayo magpahinga") mula sa langit, at dito umano nagmula ang pangalan ng bansa.[8]

Politika[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Andrzej Duda, ang kasalukuyang Pangulo ng Polonya.

Isang demokrasya ang Polonya, ayon sa saligang batas na inangkin nito noong 1997. Pinamumunuan ito ng isang pangulo bilang pinuno ng estado, ngunit nakatuon ang balangkas ng pamahalaan sa isang punong ministro (Polako: premier) bilang pinuno ng pamahalaan, na nakasentro sa Konseho ng mga Ministro bilang gabinete nito. Binubuo ang Konseho ng mga ministrong ipinili ng Pangulo sa payo ng Punong Ministro, at karaniwa'y nagmumula sa partidong may mayoridad sa tagapagbatas ang mga ministrong bumubuo nito.

Kasalukuyang nanunungkulan bilang Pangulo ng Polonya si Andrzej Duda, na inihalal noong 2015 matapos natalo sa halalan ang nanguna sa kaniya, si Bronisław Komorowski. Nanunungkulan naman bilang Punong Ministro si Mateusz Morawiecki.

May dalawang kapulungan ang Asambleang Pambansa (Zgromadzenie Narodowe), ang tagapagbatas ng Polonya: ang Sejm, na may 460 kinatawan (poseł, literal na "sugo"), at ang Senado, na binubuo ng 100 senador. May mariskal (ispiker) na namumuno sa bawa't kapulungan ng Asamblea. Gayunpaman, hindi nagkakaisa ang dalawang magkahiwalay na kapulungan maliban na sa tatlong pagkakataon: kapag may bagong Pangulo at siya'y manunumpa sa Asamblea, kapag may habla laban sa Pangulo sa Tribunal ng Estado, o kapag nais ihayag ng Asamblea na wala nang kakayahan ang Pangulo na manungkulan sa posisyon. Kasalukuyang nangyari lamang ang unang pagkakataon sa pagtatanghal ng Pambansang Asamblea.

Demograpiya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga pangunahing lungsod

Talababa[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Tingnan din ang mga di-opisyal na pambansang kasabihan ng Polonya.
  2. Ginagamit ang Biyeloruso, Kasubyo, Aleman, at Ukranyano sa 5 gmina (Litwano). Gayumpaman, hindi sila itinuturing na mga opisyal na wika sa antas pang-estado.
  3. Główny Urząd Statystyczny, dane na dzień 30.06.2013
  4. "GUS – Population as of 30.06.2010". Stat.gov.pl. Nakuha noong 26 Mayo 2011.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Poland". Pandaigdigang Pondong Pananalapi. Nakuha noong 20 Abril 2012.
  6. "Table 1 – Human Development Index and its components" (PDF). Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao 2010 (sa wikang Ingles). Human Development Reports. Tinago mula sa orihinal (PDF) noong 2010-11-21. Nakuha noong 4 Nobyembre 2010.
  7. "fr. pal, pele, altd. pal, pael, dn. pael, sw. pale, isl. pall, bre. pal, peul, it. polo, pole, pila, [in:] A dictionary of the Anglo-Saxon languages. Joseph Bosworth. S.275.; planus, plain, flat; from Indo- Germanic pele, flat, to spread, also the root of words like plan, floor, and field. [in:] John Hejduk. Soundings. 1993. p. 399"; "the root pele is the source of the English words "field" and "floor". The root "plak" is the source of the English word "flake" [in:] Loren Edward Meierding. Ace the Verbal on the SAT. 2005. p. 82
  8. The Museum of the History of Polish Jews: Asking, Exploring, Discovering (Ang Museo ng Kasaysayan ng mga Hudyong Polako: Nagtatanong, Naghahanap, Nagtutuklas)