New Zealand

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Bagong Silandiya

Aotearoa
Watawat ng Bagong Silandiya
Watawat
Eskudo ng Bagong Silandiya
Eskudo
Awit: 
Lokasyon ng Bagong Silandiya sa loob ng [[nasasakupan ng Bagong Silandiya
Lokasyon ng Bagong Silandiya sa loob ng [[nasasakupan ng Bagong Silandiya

KabiseraWellington
Pinakamalaking lungsodAuckland
Wikang opisyal
Pangkat-etniko
(2013)
Katawagan
PamahalaanUnitary parliamentary constitutional monarchy
• Monarch
Elizabeth II
Jerry Mateparae
Jacinda Ardern
LehislaturaParliament
(House of Representatives)
Independence 
17 January 1853
• Dominion
26 September 1907
25 November 1947
13 December 1986
Lawak
• Kabuuan
268,021 km2 (103,483 mi kuw) (75th)
• Katubigan (%)
1.6[n 3]
Populasyon
• Pagtataya sa June 2014
4,537,081[6] (123rd)
• Senso ng 2013
4,242,048[7]
• Kapal
16.5/km2 (42.7/sq mi) (205th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2013
• Kabuuan
$122.193 billion[8]
• Bawat kapita
$30,493[8]
KDP (nominal)Pagtataya sa 2013
• Kabuuan
$181.3 billion[8]
• Bawat kapita
$40,481[8]
Gini  (1997)36.2[9]
katamtaman
HDI (2013)Straight Line Steady.svg 0.910[10]
napakataas · 7th
SalapiNew Zealand dollar (NZD)
Sona ng orasUTC+12 (NZST[n 4])
• Tag-init (DST)
UTC+13 (NZDT)
(Sep to Apr)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy
Gilid ng pagmamaneholeft
Kodigong pantelepono+64
Internet TLD.nz
Ang watawat ng New Zealand.

Ang New Zealand o Bagong Silandiya (nagmula sa salitang Olandes na Nova Zeelandia)[11] o Aotearoa (Māori para sa Lupain ng Mahabang Puting Ulap), ay isang bansa ng dalawang malalaking pulo na Hilagang Pulo (Ingles: North Island, Māori: Te Ika-a-Māui) at Timog Pulo (Ingles: South Island, Māori: Te Wai Pounamu) at maraming mas maliliit na mga pulo sa timog-kanlurang Karagatang Pasipiko. Sa mga bansa sa Timog Pasipiko, ang New Zealand ang may pinakamalaki at pinaka-industrialisadong ekonomiya at pumapangalawa lamang ang populasyon nito sa Papua New Guinea. Natatangi ang New Zealand sa kanyang pagkabukod, nakahiwalay sa Australya sa hilaga-kanluran sa pamamagitan ng Dagat Tasman, mga 2,000 km ang pagitan. Ang New Caledonia, Fiji at Tonga ang malalapit na mga kapitbahay. Binubuo ng karamihan sa populasyon sa Papua New Guinea ng mga taong nagmula sa Europa, kasama ang katutubong Māori na kabilang sa pinakamalaking minorya. Ang mga taong hindi Māori na Polynesian at Asyano ang mga mahahalagang minorya, lalo na sa mga lungsod.

Pinanggalingan ng salitang "Bagong Silandiya"[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang salitang "New Zealand" ay galing sa wikang Olandes. Tinawag itong "Nove Zeelandia", pero iningles ito ni James Cook, isang kilalang manlalakbay na bumisita sa New Zealand noong 1769. Bagamat ito ang kalimitang ginagamit na pangalan ng bansang ito, may iba namang pangalan ang mga katutubo doon para sa bansa nila.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang unang mga tao na dumating sa New Zealand ay mga Polynesian na ngayon ay tinatawag na Māori. 'Di tiyak ang maraming mga detalye ng kanilang pagdating. Bagamat may mga kuwento ang mga Māori tungkol dito, hindi masisigurado na tunay ang mga ito. Ayon sa mga Māori, ang ninuno nilang si Kupe ay naglakbay mula sa Hawaiiki hanggang nakarating siya sa New Zealand. Ang unang ekspedisyon ng mga Europeo na nakarating sa New Zealand ay pinangunahan ng taga-Olanda na si Abel Tasman. Pumunta siya doon noong taong 1642. Ang ilan sa mga kasama niya ay pinatay ng mga Māori, kaya bumalik sina tasman sa Olanda. Ang susunod na European na pumunta sa New Zealand ay si Capitan James Cook, na dumaan doon noong paglalakbay niya noong 1768-1771. Gumawa si Cook ng mga maayos na mapa ng New Zealand. Pagkatapos niya, dumami ang mga taga-Europa na pumunta doon. Ang karamihan sa kanila ay mga manghuhuli ng balyena at seal, at mga mangangalakal. Susunod na dumating ang mga misyonero. Maraming mga Māori ay tumalikod sa kanilang tradisyonal na pananampalataya at naging mga Kristyano.

Habang dumadami ang mga lumilipat sa New Zealand mula sa Europa, natakot ang mga Māori. Ang iba sa mga Pakeha, o puting taga-New Zealand ay gumagawa ng mga masasamang bagay. Gusto ng mga Māori na pangasiwaan ng reyna ng Inglatera ang mga Pakeha para maparusahan ang mga masasama. Natatakot naman ang mga taga-Inglatera na kukunin ng Pransiya ang New Zealand. Noong 6 Pebrero 1840, pinirmahan ng mga Māori ang Treaty (o usapan) ng Waitangi. Ayon sa usapang ito, mamumuno ang Inglatera sa New Zealand. Ngunit may mga problema ang salin ng usapang ito, at hanggang ngayon ay kontrobersiyal pa ang usapang ito.

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Ang "God Save the Queen" ay opisyal na pambansang awit subalit sa pangkalahatan ay ginagamit lamang sa mga okasyong kasama ang mga opisyal ng kaharian.[1][2]
  2. Language percentages add to more than 100% because some people speak more than one language. They exclude unusable responses and those who spoke no language (e.g. too young to talk).[3]
  3. The proportion of New Zealand's area (excluding estuaries) covered by rivers, lakes and ponds, based on figures from the New Zealand Land Cover Database,[5] is (357526 + 81936) / (26821559 – 92499–26033 – 19216) = 1.6%. If estuarine open water, mangroves, and herbaceous saline vegetation are included, the figure is 2.2%.
  4. The Chatham Islands have a separate time zone, 45 minutes ahead of the rest of New Zealand.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "New Zealand's National Anthems". Ministry for Culture and Heritage. Kinuha noong 17 Peb 2008.
  2. "Protocol for using New Zealand's National Anthems". Ministry for Culture and Heritage. Kinuha noong 17 Peb 2008.
  3. "2013 Census QuickStats about culture and identity – Languages spoken". Statistics New Zealand. Kinuha noong 8 Setyembre 2016.
  4. "2013 Census - Cultural Diversity". Statistics New Zealand.
  5. "The New Zealand Land Cover Database". New Zealand Land Cover Database 2. New Zealand Ministry for the Environment. 1 July 2009. Tinago mula orihinal hanggang 14 March 2011. Kinuha noong 26 April 2011.
  6. "Estimated resident population of New Zealand". Statistics New Zealand. 30 January 2014. Kinuha noong 30 January 2014.
  7. "Number of Electorates and Electoral Populations: 2013 Census – Media Release". 2013 Census. Statistics New Zealand. Kinuha noong 7 October 2013.
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 "New Zealand". International Monetary Fund. Kinuha noong 20 April 2012.
  9. "Equality and inequality: Gini index". Human Development Report 2009. United Nations Development Programme. Tinago mula orihinal hanggang 17 October 2009. Kinuha noong 14 April 2011.
  10. "Human Development Report 2013" (PDF). United Nations. pa. 16. Kinuha noong 5 May 2013.
  11. Mallari, Emilio S. (16 Agosto 1935). "Kasaysayan ng Daigdig". Liwayway. Maynila: Ramon Roces Publications, Inc. XIII (40): 24, 32-33. ...naririyan ang maraming hayop na makakain at ang hinahangaang "ave del paraiso", mga inaaning napapagbilhan ng maraming salapi, bakit nito lamang taong nagdaan, ang kolonya ay nakapagbili ng kalakal sa Australia, New Zealand, Inglatera at Olanda ng angaw-angaw na librang esterlina?