2009
Jump to navigation
Jump to search
Dantaon: | ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon |
Dekada: | Dekada 1970 Dekada 1980 Dekada 1990 - Dekada 2000 - Dekada 2010 Dekada 2020 Dekada 2030
|
Taon: | 2006 2007 2008 - 2009 - 2010 2011 2012 |
Ang 2009 (MMIX) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Huwebes sa kalendaryong Gregoryano. Ito ang ika-2009 na taon sa pagtatalagang Karaniwang Panahon o Anno Domini, ang ika-9 na taon ng ikatlong milenyo at ika-21 dantaon, at ang ika-10 at huling dekada ng dekada 2000.
Itinalaga ang 2009 bilang:
- Internasyunal na Taon ng Astronomiya[1][2]
- Internasyunal na Taon ng Likas na mga Hibla[3]
Kaganapan[baguhin | baguhin ang batayan]
Enero[baguhin | baguhin ang batayan]
- Enero 3 – Naitatag ang unang ("Genesis") bloke o block ng blockchain ng salaping kripto at desentralisadong sistemang pambayad na Bitcoin ng lumikha ng sistema, na kilala bilang Satoshi Nakamoto.[4]
- Enero 20 – Nanumpa si Barack Obama bilang ika-44 Pangulo ng Estados Unidos, na naging unang Aprikano-Amerikano na umupo sa puwestong ito.[5]
Pebrero[baguhin | baguhin ang batayan]
- Pebrero 1 – Nailuklok si Patriarka Cirilo ng Moscow bilang Patriarka ng Rusong Ortodoksong Simbahan pagkatapos mamatay ng kanyang sinundan, si Patriarka Alejo II noong 2008.[6]
Marso[baguhin | baguhin ang batayan]
- Marso 17 – Napatalsik ang Pangulo ng Madagascar, si Marc Ravalomanana, sa isang kudeta, pagkatapos ng isang buwan ng kaguluhan sa Antananarivo.[7]
Abril[baguhin | baguhin ang batayan]
- Abril 6 – Niyanig ng isang 6.3 magnitud na lindol ang lugar na malapit sa L'Aquila, Italy, na kinitil ang 308 at sinugatan ang higit sa 1,500.[8]
- Abril 21 – Nilunsad ng UNESCO ang Pandaigdigang Aklatang Dihital.[9]
Mayo[baguhin | baguhin ang batayan]
- Mayo 18 – Pagkatapos ng higit sa sangkapat na siglo na paglalaban, natapos ang Digmaan Sibil sa Sri Lanka kasama ang buong pagkatalo ng militar ng Mga Tigreng Liberasyon ng Tamil Eelam.[10]
Hunyo[baguhin | baguhin ang batayan]
- Hunyo 30 – Bumagsak ang Lipad 626 ng Yemenia sa baybayin ng Moroni, Comoros, na pinatay ang lahat maliban sa isa sa mga 153 pasahero at tripulante.[11]
Hulyo[baguhin | baguhin ang batayan]
- Hulyo 11 – Patuloy pa rin ang mga Misa ng Paggaling para sa dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino na lumalaban sa kanyang sakit na kanser. [12]
Agosto[baguhin | baguhin ang batayan]
- Agosto 14 – Nagpataw ang Reino Unido ng direktang pasya sa Kapuluang Turks at Caicos pagkatapos ang pagsisiyasat na natagpuan ang patunay ng korupsyon sa pamahalaan.[13]
Setyembre[baguhin | baguhin ang batayan]
- Setyembre 29 – Isang 8.1 Mw na lindol ang yumanig sa Samoa, na may isang pinakamataas na intensidad sa Mercalli na VII (Napakalakas), na iniwan ang hindi bababa sa 192 katao na patay.[14]
- Setyembre 30 – Isang 7.6 Mw na lindol ang yumanig sa Sumatra, Indonesia, na may isang intensidad sa Mercalli na VIII (Matindi), na iniwan sa hindi bababa sa 1,115 katao ang namatay.[15]
Oktubre[baguhin | baguhin ang batayan]
- Oktubre 2
- Ginanap ang ikalawang reperendum sa Ireland para sa Kasunduan sa Lisbon ng Unyong Europeo. Naaprubahan ang amyenda ng mga bumotong Irlandes,[16][17][18][19][20] na tinanggihan noong reperendum na Lisbon I ng nakaraang taon.
- Ginawaran ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko sa Rio de Janeiro ang karapatang maging punong-abala ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2016.[21]
- Oktubre 20 – Pinasinayaan si Susilo Bambang Yudhoyono bilang Pangulo ng Indonesia sa ikalawang termino.
- Oktubre 22 – Nilabas ng Microsoft ang Windows 7.
Nobyembre[baguhin | baguhin ang batayan]
- Nobyembre 23 – Sa Pilipinas, hindi bababa sa 58 katao ang dinukot at pinatay sa lalawigan ng Maguindanao, na tinawag ng Kumite upang Protektahan ang mga Mamamahayag na pinakanakamamatay na isahang pag-atake sa mga mamamahayag sa kasaysayan.[22]
Disyembre[baguhin | baguhin ang batayan]
- Disyembre 1 – Naipapatupad na ang Kasunduan sa Lisbon.[23]
- Disyembre 16 – Natuklasan ng mga astronomo ang GJ 1214 b, ang pinakaunang kilalang eksoplaneta kung saan maaring magkaroon ng tubig.[24]
Kapanganakan[baguhin | baguhin ang batayan]
Kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]
- Mayo 23 – Roh Moo-hyun, Ika-16 na Pangulo ng Timog Korea (ipinanganak 1946)
- Hunyo 25 – Michael Jackson, Amerikanong mang-aawit (ipinanganak noong 1958)
- Hulyo 25 – Harry Patch, Ingles na beterano sa digmaan (ipinanganak 1898)
- Agosto 1 – Corazon C. Aquino, ika-11 Pangulo ng Pilipinas (ipinanganak 1933)
- Agosto 18 – Kim Dae-jung, Ika-15 Pangulo ng South Korea (ipinanganak 1925)
- Setyembre 8 – Aage Bohr, Nobel na pisikong Danes (ipinanganak 1922)
- Setyembre 23 – Ertuğrul Osman, ika-43 na Pinuno ng Dinastiyang Otomano (ipinanganak 1912)
- Oktubre 19 – Joseph Wiseman, artistang taga-Canada (ipinanganak 1918)
- Nobyembre 24 – Samak Sundaravej, ika-25 Punong Ministro ng Thailand (ipinanganak 1935)
- Disyembre 27 – Takashi Takabayashi, putbolistang Hapon (ipinanganak 1931)
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ "News Release – IAU0606: The International Astronomical Union announces the International Year of Astronomy 2009" (sa Ingles). International Astronomical Union. Oktubre 27, 2006. Tinago mula sa orihinal mula Setyembre 19, 2008. Kinuha noong 2008-11-01.
- ↑ "The International Year of Astronomy 2009" (sa Ingles). IYA2009. Tinago mula orihinal hanggang Nobyembre 3, 2008. Kinuha noong 2008-11-01.
- ↑ United Nations General Assembly Session 61 Resolution 189. International Year of National Fibres, 2009 A/RES/61/189 (sa Ingles). Disyembre 20, 2006. Hinango noong 2008-07-15.
- ↑ Davis, Joshua (2011-10-11). "The Crypto-Currency: Bitcoin and its mysterious inventor". The New Yorker (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula 2013-09-18. Kinuha noong 2019-01-03.
- ↑ Ruane, Michael (2009-01-20). "D.C.'s Inauguration Head Count: 1.8 Million". The Washington Post (sa Ingles). Kinuha noong 2009-01-22.
- ↑ "Orthodox Church enthrones leader". BBC News (sa Ingles). Pebrero 1, 2009. Kinuha noong Hulyo 16, 2009.
- ↑ "Madagascar president forced out". BBC News (sa Ingles). Marso 17, 2009. Tinago mula sa orihinal mula Marso 19, 2009. Kinuha noong Marso 17, 2009.
- ↑ "BBC: Italian rescuers work into night". BBC News. April 7, 2009. Kinuha noong August 23, 2010.
- ↑ Cody, Edward (Abril 21, 2009). "U.N. Launches Library Of World's Knowledge". The Washington Post (sa Ingles). Kinuha noong Abril 21, 2009.
- ↑ C. Bryson Hull and Ranga Sirilal. "Sri Lanka's long war reaches end, Tigers defeated" (sa Ingles). Tinago mula orihinal hanggang Enero 15, 2011. Kinuha noong Mayo 31, 2009.
- ↑ "Girl survives Yemen plane crash". BBC News (sa Ingles). Hulyo 1, 2009. Kinuha noong Hulyo 1, 2009.
- ↑ (Manila Bulletin) Naka-arkibo 2012-01-19 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ "UK imposes Turks and Caicos rule". BBC News (sa Ingles). 2009-08-14. Kinuha noong 2009-08-14.
- ↑ "Samoa quake 'triggered tsunami'". BBC News (sa Ingles). Kinuha noong 2006-09-28.
- ↑ "Indonesia quake deaths pass 1,000". BBC News (sa Ingles). Kinuha noong 2017-01-14.
- ↑ "67% vote Yes to Lisbon Treaty". RTÉ News (sa Ingles). October 3, 2009. Tinago mula orihinal hanggang Oktubre 5, 2009. Kinuha noong Oktubre 3, 2009.
- ↑ "Results received at the Central Count Centre for the Referendum on Treaty of Lisbon 2009" (sa Ingles). Tinago mula orihinal hanggang Oktubre 4, 2009. Kinuha noong Oktubre 3, 2009.
- ↑ "Irish Ayes on Lisbon Treaty Have Europe Smiling". Time (sa Ingles). Oktubre 4, 2009. Tinago mula sa orihinal mula Oktubre 5, 2009. Kinuha noong Oktubre 4, 2009.
- ↑ "Lisbon II referendum set for 2 October". RTÉ News (sa Ingles). Hulyo 8, 2009. Kinuha noong Hulyo 8, 2009.
- ↑ "Irish treaty vote set for October". BBC News (sa Ingles). Hulyo 8, 2009. Kinuha noong Hunyo 8, 2009.
- ↑ "Rio to stage 2016 Olympic Games". BBC News (sa Ingles). Oktubre 2, 2009. Kinuha noong Setyembre 17, 2017.
- ↑ Papa, Alcuin. "Maguindanao massacre worst-ever for journalists". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Tinago mula orihinal hanggang Disyembre 2, 2009. Kinuha noong Nobyembre 26, 2009.
- ↑ "EU reform treaty passes last test". BBC News (sa Ingles). Nobyembre 3, 2009. Kinuha noong Agosto 23, 2010.
- ↑ "Waterworld planet six times the size of Earth discovered". The Telegraph (sa Ingles). London. Disyembre 17, 2009. Tinago mula sa orihinal mula Agosto 4, 2010. Kinuha noong Agosto 23, 2010.