Ang One Direction (daglat: 1D) ay isang pop na bandang Britaniko (British pop boy band) na binubuo nina Niall Horan, Zayn Malik, Liam Payne, Harry Styles at Louis Tomlinson. Sila ay nakapirma sa Syco Records ni Simon Cowell matapos na mabuo at makamit ang ikatlong puwesto sa ikapitong serye ng The X Factor. Bunsod ng social media kaya naging matagumpay sa iba't-ibang bansa, ang apat na album ng One Direction, ang Up All Night (2011), Take Me Home (2012), Midnight Memories (2013) at Four (2014) ay nakabura ng mga dating rekord, nanguna sa mga talaan sa malalaking merkado, at nakagawa ng mga patok na awitin kabilang ang "What Makes You Beautiful", "Live While We’re Young", "Story of My Life", at "Steal My Girl".
Kabilang sa kanilang mga nakamit ang apat na Gantimpalang Brit (Brit Awards) at apat na MTV Gantimpala sa Awit-Bidyo (MTV Video Music Awards). Kinatawan ng One Direction ang $50 milyong imperyong pang-negosyo (business empire) noong Hunyo 2012. Ipinroklama silang "Nangungunang Bagong Mang-Aawit" (Top New Artist) ng 2012 ng Billboard. Matapos ilabas ang Four, ang One Direction ang naging unang banda sa kasaysayan ng Billboard 200 ng Estados Unidos na nagkaroon ng unang apat na album na nag-umpisang numero uno. Ang kanilang ikatlong album na Midnight Memories ang naging pinakamabiling album sa buong mundo noong 2013.
Ang bakunang mRNA ay isang uri ng bakuna na ginagamit ang isang kopya ng isang molekula na tinatawag na messenger RNA (mRNA) upang makagawa ng tugon sa inmune. Nagpapadala ang bakuna ng mga molekula ng antigen-encoding (antihenong nagsasakodigo) na mRNA papunta sa selulang inmune, na gamit ang dinisenyong mRNA bilang isang kopya upang gawin ang banyagang protina na karaniwang nalilikha ng isang mikroorganismo (tulad ng isang bayrus) o sa pamamagitan ng isang selula ng kanser. Pinapasigla ng mga molekulang protina na mga ito ang isang umaangkop na tugon sa inmune na tinuturuan ang katawan na matukoy at wasakin ang katumbas na patoheno/mikroorganismo o mga selula ng kanser. Dinadala ang mRNA sa pamamagitan ng kapwa-pormulasyon ng RNA na isinakapsula sa mga lipidong nanopartikula na prinoprotekta ang mga hibla ng RNA at kanilang absorpsyon patungo sa loob ng mga selula.
May-akda ng larawan: SCNAT (Swiss Academy of Sciences o Swisong Akademya ng mga Agham)
... na pinanatili ni Ferdinand Marcos ang buong kapangyarihan bilang diktador kahit pa pormal na natanggal ang batas militar (nakalarawan ang pahayagang binalita ang deklarasyon ng batas militar sa ilalim ni Marcos) noong Enero 17, 1981?
... na nagbibigay ang akdang Sinaunang Panahon ng mga Hudyo ni Josefo kasama ang isa pang pangunahing akda, ang Digmaang Hudyo (De Bello Iudaico), ng mahalagang materyal para sa mga dalubhasa sa kasaysayan na nais maunawaan ang Hudaismo noong unang siglo CE at panahon ng sinaunang Kristiyanismo?
... na para kay Mao Zedong, "ang mamatay para sa bayan ay mas matimbang kaysa Bundok Tai, ngunit ang magtrabaho para sa mga pasista at mamatay para sa mga mapagsamantala at mapang-api ay higit na magaan kaysa isang balahibo"?
... na ang Foiano della Chiana ay nagkaroon ng mga pader na hugis-puso noong 1480 matapos itong mapasailalim sa kapangyarihan ng Florencia?
Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
Nakasulat ang Wikipedia na ito sa Tagalog, isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Mayroon din ibang Wikipedia na nakasulat sa ibang wika na mula sa Pilipinas na nakatala sa sumusunod.