Unang dantaon
Milenyo: | ika-1 milenyo |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | 0 dekada 10 dekada 20 dekada 30 dekada 40 dekada 50 dekada 60 dekada 70 dekada 80 dekada 90 |
Ang unang dantaon (taon: AD 91 – 100), ay isang siglo na tumagal mula 1 AD hanggang 100 AD sang-ayon sa kalendaryong Huliyano. Kadalasan itong sinusulat bilang unang dantaon AD[1] o unang dantaon CE upang ipagkaiba sa Unang dantaon BC (o BCE) na sinundan nito. Tinuturing ang unang dantaon bilang bahagi ng Klasikong panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.
Sa panahong ito, bumagsak ang Europa, Hilagang Aprika at ang Malapit na Silangan sa ilalim ng tumataas na pangingibabaw ng Imperyong Romano, na patuloy na lumalawak, pinakakapansin-pansin ang pagsakop sa Britanya sa ilalim ni emperador Claudio (43 AD). Pinatatag ang imperyo ng repormang ipinakilala ni Augusto noong kanyang mahabang paghahari pagkatapos ng kaguluhan ng nakaraang siglo dulot ng mga digmaang sibil. Kalaunan ng siglo, natapos ang dinastiyang Julio-Claudio, na itinatag ng Augusto, noong pagpapakamatay ni Nero noong 68 AD. Sinundan ito ng tanyag na Taon ng Apat na mga Emperador, isang maikling panahon ng digmaang sibil at kawalang-tatag, na natapos na rin sa wakas ni Vespasiano, ika-9 na Romanong emperador, at ang tagapagtatag ng dinastiyang Flavia. Pangkalahatang nakaranas ang Imperyong Romano ng isang panahon ng kaunlaran at pangingibabaw sa panahong ito at naalala ang unang siglo bilang bahagi ng Ginintuang panahon ng Imperyo.
Nakita ng unang siglo ang paglitaw ng Kristiyanismo. Noong mga 29 AD (tradisyunal na petsa), sinimulan ni Jesus ang kanyang ministeryo at ipinako siya sa krus noong 33 AD (tradisyunal na petsa) na minarkahan ang unang pagsisimula ng Kristiyanismo.[2][3][4][5][6][7][8] Noong mga 33 AD hanggang 36 AD, ang Apostol Pablo ay naging Kristiyano at naging isa sa mga mahahalagang tao sa Kristiyanismo.[9][10][11]
Sa Tsina, nagpatuloy ang pangingibabaw ng Dinastiyang Han, sa kabila ng labing-apat na taong paggagambala ng dinastiyang Xin sa ilalim ni Wang Mang. Muling naibalik ang pamumunong Han noong 23 AD: kinakatawan ng pamumuno ni Wang Mang ang tubig-saluran sa pagitan ng Kanluran/Dating Han at ang Silangan/Kalaunang Han. Nailipat din ang kabisera mula Chang'an tungong Luoyang.
Mahahalagang tao[baguhin | baguhin ang batayan]
- Cesar Augusto, unang emperador ng Roma
- Boudica, Seltikong Briton na pinuno
- Caligula, emperador ng Roma
- Claudio, emperador ng Roma
- Domitian, emperador ng Roma
- Galba, emperador ng Roma
- Germanicus, Romanong Heneral
- Jesus ng Nazareno
- Juan Bautista, relihiyosong propeta ng Kristiyanismo at Islam
- Marcus Cocceius Nerva, emperador ng Roma
- Pablo ng Tarso, Kristiyanong Apostol
- Pedro, Simon, Kristiyanong apostol, unang papa ng Roma
- Poncio Pilato, Roman prokurator of Judea
- Tomas ang Apostol, Kristiyanong Apostol
- Tiberio, emperador ng Roma
- Tito, emperador ng Roma
- Trajano, emperador ng Roma
- Vespasiano, emperador ng Roma
- Vitelio, emperador ng Roma
Panitikan[baguhin | baguhin ang batayan]
- Ovid, Romanong manunula
- Petronio, Roman manunula
- Cayo Julio Fedro, Romanong manunulat ng pabula na mula sa Macedonia
- Plinio ang Nakababata, Romanong manunulat at abogado
Science and philosophy[baguhin | baguhin ang batayan]
- Heron ng Alehandriya, Greek mathematician and engineer
- Flavio Josefo, Hudyong-Romanong iskolar at dalubhasa sa kasaysayan
- Livio, Romanong dalubhasa sa kasaysayan
- Filon ng Alehandriya, Hudyong Hellenistikong pilosopo
- Plutarko, Griyegong dalubhasa sa kasaysayan at biograpo
- Quinto Curcio Rufo, Romanong dalubahsa sa kasaysayan
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ Sa paglabag sa pangkalahatang patakaran na ang pinaikling AD ay dapat bago ang petsa na sinasabi.
- ↑ J. Dwight Pentecost, The Words and Works of Jesus Christ: A Study of the Life of Christ (Zondervan, 1981) pages 577-578 (sa Ingles).
- ↑ Andreas J. Köstenberger, John (Baker Academic, 2004), pahina 110 (sa Ingles).
- ↑ Eerdmans Dictionary of the Bible 2000 Amsterdam University Press ISBN 90-5356-503-5 pahina 249 (sa Ingles)
- ↑ Paul L. Maier "The Date of the Nativity and Chronology of Jesus" in Jerry Vardaman and Edwin M. Yamauchi, Chronos, kairos, Christos: nativity and chronological studies (1989) ISBN 0-931464-50-1, pp. 113-129 (sa Ingles)
- ↑ The Riddles of the Fourth Gospel: An Introduction to John by Paul N. Anderson 2011 ISBN 0-8006-0427-X pahina 200 (sa Ingles)
- ↑ Herod the Great by Jerry Knoblet 2005 ISBN 0-7618-3087-1 pahina 183-184 (sa Ingles)
- ↑ Jesus in Johannine tradition by Robert Tomson Fortna, Tom Thatcher 2001 ISBN 978-0-664-22219-2 pahina 77 (sa Ingles)
- ↑ Bromiley, Geoffrey William (1979). International Standard Bible Encyclopedia: A-D (International Standard Bible Encyclopedia (W.B.Eerdmans)) (sa wikang Ingles). Wm. B. Eerdmans Publishing Company. pa. 689. ISBN 0-8028-3781-6.
- ↑ Barnett, Paul (2002). Jesus, the Rise of Early Christianity: A History of New Testament Times (sa wikang Ingles). InterVarsity Press. pa. 21. ISBN 0-8308-2699-8.
- ↑ L. Niswonger, Richard (1993). New Testament History (sa wikang Ingles). Zondervan Publishing Company. pa. 200. ISBN 0-310-31201-9.