Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Fernando Magallanes sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang ciudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo. Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas. Naging laganap ang sosyal at pampolitika na organisasyon ng populasyon sa mga pulo. Ang mga magsasaka lamang ng Hilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo. Ang simpleng yunit ng pamahalaan ay ang barangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu.
Ang bakunang mRNA ay isang uri ng bakuna na ginagamit ang isang kopya ng isang molekula na tinatawag na messenger RNA (mRNA) upang makagawa ng tugon sa inmune. Nagpapadala ang bakuna ng mga molekula ng antigen-encoding (antihenong nagsasakodigo) na mRNA papunta sa selulang inmune, na gamit ang dinisenyong mRNA bilang isang kopya upang gawin ang banyagang protina na karaniwang nalilikha ng isang mikroorganismo (tulad ng isang bayrus) o sa pamamagitan ng isang selula ng kanser. Pinapasigla ng mga molekulang protina na mga ito ang isang umaangkop na tugon sa inmune na tinuturuan ang katawan na matukoy at wasakin ang katumbas na patoheno/mikroorganismo o mga selula ng kanser. Dinadala ang mRNA sa pamamagitan ng kapwa-pormulasyon ng RNA na isinakapsula sa mga lipidong nanopartikula na prinoprotekta ang mga hibla ng RNA at kanilang absorpsyon patungo sa loob ng mga selula.
May-akda ng larawan: SCNAT (Swiss Academy of Sciences o Swisong Akademya ng mga Agham)
Isang tao ang namatay at 41 iba pa ang nasugatan habang pumutok ang bulkang Semeru (nakalarawan) sa Silangang Java, Indonesia.
Pagbabakuna laban sa COVID-19 sa Pilipinas: Ipinabatid ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas na lahat ng adulto na may gulang na higit sa 18 ay maaring makatanggap ng booster dose o dosis na pampalakas sa hindi bababa sa anim na buwan pagkatapos ng kanilang ikalawang dosis o hindi bababa sa tatlong buwan pagkatapos ng nag-iisang dosis.
Pinasinaya si Dama Sandra Mason bilang ang unang pangulo ng Barbados, habang ang bansa ay naging ika-34 na republika ng Komonwelt ng mga Bansa.
Tinanggap ng namamayaning gitnang-kanang Partidong Nasyunal ng Honduras ang tagumpay ng makakaliwang si Xiomara Castro, na minarkahan ang pagbalik ng mga nasa kaliwa sa kapangyarihan pagkatapos napatalsik ang asawa ni Castro, si Manuel Zelaya, noong kudeta ng 2009.
... na sumuko lamang ang mga Kastila noong Pagkubkob ng Baler nang mabasa ng kanilang pinuno ang artikulong limbag ng kanyang malapit na kaibigan sa isang dyaryong nagpapatunay sa pagwawakas ng digmaan?
Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
Nakasulat ang Wikipedia na ito sa Tagalog, isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Mayroon din ibang Wikipedia na nakasulat sa ibang wika na mula sa Pilipinas na nakatala sa sumusunod.