Paano ko maaayos kung paano ipinapakita ang mga ad sa Facebook sa akin batay sa data tungkol sa aking aktibidad mula sa mga partner?

Para magpakita sa iyo ng mga ad na mas may kaugnayan sa iyo, tumatanggap at gumagamit kami ng data na ibinibigay sa amin ng mga advertiser at iba pang partner tungkol sa iyong aktibidad sa kanilang mga website at app, pati na rin ang ilan sa iyong mga offline na pakikipag-ugnayan, tulad ng mga pagbili. Halimbawa, maaaring magpakita kami sa iyo ng ad para sa isang shirt batay sa iyong pagbisita sa website ng damit.
Makokontrol mo kung makakakita ka ng mga ad batay sa iyong aktibidad sa labas ng Facebook, sa pamamagitan ng Data Tungkol sa Iyong Aktibidad Mula sa Mga Partner sa iyong Mga Kagustuhan sa Ad.
Para makita at ayusin ang setting na ito:
  1. I-click ang account sa kanang bahagi sa itaas ng Facebook.
  2. Piliin ang Mga Setting at Privacy, pagkatapos ay i-click ang Mga Setting.
  3. Mag-scroll pababa at i-click ang Mga Ad sa menu sa kaliwa.
  4. I-click ang Mga Setting ng Ad, at pagkatapos ay i-click ang Data tungkol sa iyong aktibidad mula sa mga partner.
  5. Piliin kung pwede naming gamitin ang data mula sa aming mga partner para magpakita sa iyo ng mga ad.
Tandaan, kinokontrol ng setting na ito kung makakapagpakita kami sa iyo ng mga na-personalize na ad sa Facebook batay sa data tungkol sa iyong aktibidad mula sa aming mga partner. Kung na-OFF mo ang setting na ito, ang mga ad na makikita mo ay maaaring batay pa rin sa iyong aktibidad sa aming platform. Maaaring batay ang mga ito sa impormasyon mula sa isang partikular na negosyo na nag-share ng listahan ng mga indibidwal o device sa amin, kung natugma namin ang iyong profile sa impormasyon sa listahang iyon.
Nalalapat lamang ang setting na ito sa mga ad na nakikita mo sa iyong Facebook account, kabilang ang sa Messenger, at sa mga ad na nakikita mo sa mga website, app, at device na ipinapakita ng mga serbisyo sa pag-a-advertise ng Facebook. Hindi nalalapat ang setting na ito sa mga ad na nakikita mo sa Instagram, maliban na lang kung naka-enable ang mga connected experience sa iyong Instagram at Facebook account. Alamin kung paano ayusin kung paano ipinapakita sa iyo ang mga ad sa Instagram.
Kung na-enable mo ang mga connected experience sa iyong Instagram at Facebook account, maaari mo ring ayusin ang iyong karanasan sa mga ad sa Instagram sa pamamagitan ng setting na Data Tungkol sa Iyong Aktibidad Mula sa Mga Partner.
Sumusunod kami sa Mga Prinsipyo na Kinontrol Mag-isa para sa Online na Pag-a-advertise Batay sa Gawi ng mga Tao at lumalahok sa mga opt-out program na itinatag ng Digital Advertising Alliance, ang Digital Advertising Alliance of Canada at ang European Interactive Digital Advertising Alliance. Pwede kang mag-opt out mula sa lahat ng kalahok na kumpanya sa pamamagitan ng mga site na ito.
Alamin pa ang tungkol sa iyong mga kagustuhan sa ad sa Facebook.
Nakatulong ba ito?
Oo
Hindi