Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
               44,573 artikulong nasa Tagalog.
               Miyerkules Setyembre 22, 2021 09:56 (GMT+8:00)
               Sariwain
Pinayavatar.jpg

Ang gampanin ng mga Kababaihan sa Pilipinas (mga Pinay) ay ipinaliwanag ayon sa diwa ng kalinangang Pilipino, pamantayan, pananaw at kaisipan. Nilarawan ang Pilipinas bilang isang bansa ng mga matatatag na mga kababaihan, na tuwiran at hindi tuwirang nagpapatakbo sa mag-anak, negosyo, mga tanggapan ng pamahalaan at mga hasyenda. Bagaman pangkalahatang pinakakahuluganan nila ang kanilang mga sarili sa isang tagpuan sa Asya na napapangibabawan ng mga kalalakihan sa isang lipunang dumaan sa kolonyalismo at Katoliko, namumuhay ang mga Pilipinong kababaihan sa isang kulturang nakatuon ang pansin sa pamayanan, na ang mag-anak ang pangunahing bahagi ng lipunan. Dito sa balangkas na ito - na may kayariang pangkahanayan, pagkakaiba-ibang antas sa lipunan, kadahilanang makapananampalataya, at pamumuhay sa isang umuunlad na bansa ng mundo - nakikibaka ang mga kababaihang Pilipino. Ang kayariang panlipunan ng Pilipinas bago maging kolonya ay nagbibigay ng pantay na pagpapahalaga sa kahanayang maka-ina at maka-ama. Dahil sa pamamaraang ito, napagkalooban ang mga kababaihang Pilipino ng higit na kapangyarihan sa loob ng isang angkan. Mayroon silang karapatang magkaroon ng ari-arian, makilahok sa kalakalan at maaaring hiwalayan o dibosiyuhin ang asawang lalaki. Maaari rin silang maging pinuno ng nayon kung walang tagapagmanang lalaki sa katungkulan.

Lion (Panthera leo) old male Chobe.jpg

Ang leon o liyon (Panthera leo) ay isang espesye sa pamilyang Felidae at isang miyembro ng genus Panthera. Mayroon itong malaman, katawang may malalim na dibdib, maliit, bilugan ang ulo, bilog na tainga, at isang mabuhok na tuktok sa dulo ng buntot nito. Sekswal na dimorpiko ito; mas malaki ang adultong lalaking leon kaysa mga babae at prominente ang melena (buhok na pumapalibot sa leeg) sa adultong lalaki. Isang espesye na mahilig makipagkapwa ang mga ito, na nagbubuo ng mga pangkat na tinatawag na kawan ng leon. Binubuo ang isang kawan ng ilang adultong lalaki, kaugnay na mga babae at mga katsoro (o maliit na anak ng leon). Kadalasang nangangaso ng sama-sama ang mga babaeng leon na sinsila ang malalaking ungulata sa karamihan. Ang leon ay parehong maninilang nasa tutktok (apex predator) at susing maninila (keystone predator); bagaman nanginginain ang ilang leon kapag may pagkakataon at nakikilala silang nanghuhuli ng tao, tipikal na hindi ginagawa ng espesye na ito.

May-akda ng larawan: Charles J Sharp

Abdelaziz Bouteflika - cropped from Secretary Clinton Addresses Reporters in Algiers (8141547674).jpg
  • Isang tao ang namatay at pito pa ang nasugtan sa pagsabog ng isang granada sa isang tunggalian ng balibol sa Datu Piang, Maguindanao, Pilipinas.
  • Kampeonato ng Open Pool sa Estados Unidos ng 2021: Sa nine-ball pool, tinalo ni Carlo Biado ng Pilipinas si Aloysius Yapp ng Singapore, sa iskor na 13–8, sa huling labanan upang manalo sa kampeonato na ginaganap sa Atlantic City, New Jersey.
  • Lumapag ang misyong Inspiration4 ng SpaceX sa Karagatang Atlantiko sa may baybayin ng Florida, na kinumpleto ang unang pag-orbitang paglipad sa kalawakan ng mga pasaherong lahat sibilyan.
  • Panloob na labanan sa Myanmar: Walumpung toreng pantelekomunikasyon na pagmamay-ari ng Mytel ang winasak sa Myanmar, na iniwan ang 700,000 katao na walang komunikasyon. Inako ng People's Defence Force ang responsibilidad sa pagkawasak.
  • Namatay ang dating pangulo ng Alherya na si Abdelaziz Bouteflika (nakalarawan) sa edad na 84.

Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Setyembre 22

Bulgarya

Mga huling araw: Setyembre 21Setyembre 20Setyembre 19

Ngayon ay Setyembre 22, 2021 (UTC) – Sariwain ang pahina
  • Cup-o-cofee-simple.svg Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
  • Cscr-featured.svg Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
  • Cscr-candidate.svg Nominasyon ng mga Napiling Nilalaman – Pahina sa pagnomina ng mga itatampok na artikulo at larawan.
  • Admin mop.PNG Tagapangasiwa – Pahina tungkol sa pangkalahatang impormasyon sa mga tagapangasiwa ng Tagalog Wikipedia at kung paano makikipag-ugnayan sa kanila.

Crystal Clear app email.png   Embahada at koordinasyong multilingguwal   Crystal Clear app email.png

Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embahada · Embajada · Embassy · 大使館

Koordinasyong multilingguwal · Paano magsimula ng isang Wikipedia

Pinapaandar ang Wikipedia ng Pundasyong Wikimedia, isang di-kumikitang organisasyon na pinapatakbo din ang iba pang mga proyekto: