Ang tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, may iilan lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya nanganganib na ngayon ito. Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na parang titik V. Ito ang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa. Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang Piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990. May anyong pangkaraniwan sa pamilyang kinabibilangan nito (ang Bovidae) ang Bubalus mindorensis. May siksik, mabigat na kayarian, wangis-bakang katawan, apat na mga hitang nagtatapos sa mga unguladong paa at isang maliit, nasusungayang ulo sa hangganan ng maliit na leeg. May maliit ito at masiksik kung ihahambing sa Asyatikong pantubig na kalabaw (Bubalus bubalis).
Ang leon o liyon (Panthera leo) ay isang espesye sa pamilyang Felidae at isang miyembro ng genusPanthera. Mayroon itong malaman, katawang may malalim na dibdib, maliit, bilugan ang ulo, bilog na tainga, at isang mabuhok na tuktok sa dulo ng buntot nito. Sekswal na dimorpiko ito; mas malaki ang adultong lalaking leon kaysa mga babae at prominente ang melena (buhok na pumapalibot sa leeg) sa adultong lalaki. Isang espesye na mahilig makipagkapwa ang mga ito, na nagbubuo ng mga pangkat na tinatawag na kawan ng leon. Binubuo ang isang kawan ng ilang adultong lalaki, kaugnay na mga babae at mga katsoro (o maliit na anak ng leon). Kadalasang nangangaso ng sama-sama ang mga babaeng leon na sinsila ang malalaking ungulata sa karamihan. Ang leon ay parehong maninilang nasa tutktok (apex predator) at susing maninila (keystone predator); bagaman nanginginain ang ilang leon kapag may pagkakataon at nakikilala silang nanghuhuli ng tao, tipikal na hindi ginagawa ng espesye na ito.
Pandemya ng COVID 19 sa Pransya: Inaprubahan ng Parliyamentong Pranses ang isang batas na iniutusan ang lahat ng mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan na magpabakuna sa Setyembre 15 at ang adopsyon ng isang "Health Pass" upang makapasok sila sa mga restawran, tren, eroplano at ilang pampublikong lugar.
Mga ugnayang Tsina-Estados Unidos: Kasunod ng mga sansyon ng mga ehekutibong Tanggapan ng Pag-uugnayan ng Hong Kong, ipinabatid ng Tsina ang ganting sansyon sa Konseho ng Demokrasya ng Hong Kong at ilang mga Amerikano, kabilang ang dating Kalihim ng Komersyo na si Wilbur Ross.
Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
Nakasulat ang Wikipedia na ito sa Tagalog, isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Mayroon din ibang Wikipedia na nakasulat sa ibang wika na mula sa Pilipinas na nakatala sa sumusunod.