Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kamag-anakan ng Microsoft Windows

Ang Microsoft Windows, kilala rin sa katawagang Windows o MS-Windows, ay isang kamag-anakan ng mga kaparaanang pampamamalakad na ginawa ng Microsoft. Bagaman sa mga unang bersyon nito ang Windows ay ginawa ng Microsoft bilang isang kapaligirang pampamamalakad at pakikihalubilong makikitang pantagagamit lamang habang halos lahat ng mga paglakad ay sa MS-DOS pa rin isinasalalay, lahat na ng mga sumunod na bersyon nito ay mga OS na. At noong simula rin, ang mga bersyon ng Windows ay ginawa alang-alang sa mga tahanan lamang, at ang mga OS namang pantanggapan ay sa mga bersyon ng Windows NT. Ngunit nagtapos ito noong inilabas ang Windows XP, na nagsanib ng dalawang hanay na pang-OS ng Microsoft, ang Microsoft Windows at ang Windows NT. Sa kasalukuyan, ang Windows ang pinakatanyag na kaparaananang pampamamalakad sa buong mundo. Pinanghahawakan sa kasalukuyan ng Microsoft ang 91.13% ng pamilihang pang-OS habang ang hinahawakan ng pinakamalaking katunggali nito sa pamilihan ay 7.82%; ito ang Mac OS ng Apple Inc.. Bagaman sa laki ng agwat na ito, mayroon pa ring ilang nagsasabing ipinapanganiban pa rin ang Windows na bumagsak. Nagsimula ang Microsoft Windows bilang isang pakikihalubilong makikitang pantagagamit at kapaligirang pampamamalakad ng mga kompyuter ng IBM at iba pang mga kahalintulad na kompyuter na tumatakbo sa ilalim ng MS-DOS. Ito ay noong Nobyembre 20, 1985, ang pagkakalabas ng Windows 1.0.

Nürnberg St. Lorenz Dreikönigsaltar Geburt 01.jpg

Ang natibidad ni Jesus, natibidad ni Cristo, kapanganakan ni Cristo o kapanganakan ni Jesus ay nilalarawan sa mga ebanghelyo ng Bibliya na Lucas at Mateo. Sumasang-ayon ang dalawang salaysay na ipinanganak si Jesus sa Bethlehem sa Judea, na tinakdang ikasal ang kanyang inang si Maria sa isang lalaki na nagngangalang Jose, na nagmula sa lahi ni Haring David at hindi amang pambiyolohiya ni Jesus, at dulot ng dibinong pamamagitan ang kanyang kapanganakan. Batayan ang natibidad para sa pistang Kristiyano ng Pasko tuwing Disyembre 25, at gumaganap ito ng isang pangunahing papel sa panliturhiyang Kristiyanong taon. Maraming mga Kristiyano ang tradisyunal na pinapakita ang mga maliliit na mga belen sa kanilang mga tahanan na isinasalarawan ang eksena sa natibidad, o dumadalo sa mga Palabas ng Natibidad o mga Paskong pagtatanghal na nakatuon sa siklo ng natibidad sa Bibliya. Ang pinainam na mga pinapakitang natibidad na tinatawag na "mga eksenang creche", na tinatampukan ng mga estatwang kasing-laki ng tao, ay isang tradisyon sa panlupalop na mga bansang Europeo tuwing Kapaskuhan.

May-akda ng larawan: Uoaei1

Benigno Aquino III Official 2015.jpg
  • Namatay ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III (nakalarawan) dulot ng sakit na may kaugnayan sa bato na sekondarya sa diyabetes.
  • Nagsimula sa Belarus ang paglilitis laban sa asawa ng pinuno ng oposisyon ng Belarus na si Sviatlana Tsikhanouskaya. Haharap si Sergei Tikhanovsky sa mga kaso ng pag-uudyok ng protesta noong 2020 laban sa pamahalaan ni Alexander Lukashenko at maaring harapin ang hanggang 15 taon ng pagkakabilanggo.
  • Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas: Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na aarestuhin ang mga indibiduwal na tatanggi na magpabakuna laban sa COVID-19 at sinabi sa kanila na umalis sa bansa kung hindi sila makikipagtulungan sa mga pagsisikap para wakasan ang isang publikong emerhensiyang pangkalusugan.
  • Pinatawad ng pamahalaang Espanya ang siyam na nabilanggong separatistang Catalan na nahatulang may sala sa pagganap nila sa bigong pagpapahayag ng kalayaan noong 2017.
  • Nagsimulang subukin ng Reino Unido ang bago nitong sistema ng alerto para sa emerhensiya na may ilang tagagamit ng teleponong selular ang nakatanggap ng tunog na parang sirena na pinapabatid sa kanila ang sinubok na alerto. Kapag naging live ang serbisyong alerto, mag-iisyu ang mga babala sa publiko tungkol sa mga insidente ng terorismo, pagbaha at publikong emerhensiyang pangkalusugan.


Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Os d'Ishango IRSNB.JPG

Hunyo 24

Pablo Picasso

Mga huling araw: Hunyo 23Hunyo 22Hunyo 21

Ngayon ay Hunyo 24, 2021 (UTC) – Sariwain ang pahina
Newar / Nepal Bhasa
(नेपाल भाषा)
Arumano
(Armãneashce)
Occitan
(Occittan)
Tagalog
(Wikang Tagalog)
Haytian
(Krèyol ayisyen)
Piedmontese
(Piemontèis)
Telugu
(తెలుగు)