Napiling artikulo
Si Chiune Sugihara (Hapones: 杉原千畝, Sugihara Chiune; Enero 1, 1900 – Hulyo 31, 1986) ay isang diplomatang Hapones, na naglingkod bilang isang Pangalawang Konsul para sa Imperyong Hapones sa Litwaniya. Daglian pagkaraan ng Pananakop sa Litwaniya (Pananakop sa mga estadong Baltiko) ng Unyong Sobyet, tinulungan niya ang ilang libong mga Hudyo upang makalikas sa bansa sa pamamagitan ng mga bisang transito (sa pasaporte) o pantawid sa mga Hudyo upang makapaglakbay sila patungong bansang Hapon. Karamihan sa mga Hudyong nakaligtas ang nanggaling sa Polonya o mga naninirahan sa Litwaniya. Dahil sa kaniyang mga ginawa sa pagsagip sa mga Hudyo mula sa mga Nazi, pinarangalan si Sugihara ng Israel bilang Matuwid at Makatuwirang Kahalubilo ng mga Nasyon (o Righteous Among the Nations). Ipinanganak si Chiune Sugihara noong Enero 1, 1900, sa Yaotsu, isang areang rural sa Prepekturang Gipu ng rehiyong Chūbu sa Hapon, sa isang panggitnang-antas na ama, si Yoshimizu Sugihara, at Yatsu Sugihara, isang uring-samurai na ina. Ikalawa siya sa limang magkakapatid na lalaki at iisang babae. Noong 1912, nagtapos siya ng may mga karangalan mula sa Paaralang Furuwatari, at pumasok sa Nagoya Daigo Chugaku (mataas na paaralang Zuiryo ngayon), isang magkasanib na mataas na paaralang pang-diyunyor at senyor.
Napiling larawan
Ang natibidad ni Jesus, natibidad ni Cristo, kapanganakan ni Cristo o kapanganakan ni Jesus ay nilalarawan sa mga ebanghelyo ng Bibliya na Lucas at Mateo. Sumasang-ayon ang dalawang salaysay na ipinanganak si Jesus sa Bethlehem sa Judea, na tinakdang ikasal ang kanyang inang si Maria sa isang lalaki na nagngangalang Jose, na nagmula sa lahi ni Haring David at hindi amang pambiyolohiya ni Jesus, at dulot ng dibinong pamamagitan ang kanyang kapanganakan. Batayan ang natibidad para sa pistang Kristiyano ng Pasko tuwing Disyembre 25, at gumaganap ito ng isang pangunahing papel sa panliturhiyang Kristiyanong taon. Maraming mga Kristiyano ang tradisyunal na pinapakita ang mga maliliit na mga belen sa kanilang mga tahanan na isinasalarawan ang eksena sa natibidad, o dumadalo sa mga Palabas ng Natibidad o mga Paskong pagtatanghal na nakatuon sa siklo ng natibidad sa Bibliya. Ang pinainam na mga pinapakitang natibidad na tinatawag na "mga eksenang creche", na tinatampukan ng mga estatwang kasing-laki ng tao, ay isang tradisyon sa panlupalop na mga bansang Europeo tuwing Kapaskuhan.
May-akda ng larawan: Uoaei1
|
Mga kasalukuyang pangyayari
- Pumanaw si Prinsipe Philip ng Edinburgh (nakalarawan) ng Reyno Unido sa edad na 99, dalawang buwan bago ang kanyang ika-100 kaarawan sa Hunyo 10. Siya ang pinakamatagal na naglingkod bilang konsorte ng monarkiya sa Reyno Unido at kabiyak ni Elizabeth II. Matapos nito, sinimulan na ang Operation Forth Bridge bilang pag-aksyon sa kanyang pagbuburol.
- Ipinabatid ng pamahalaan ang enhanced community quarantine (pinag-ibayong kuwarentenang pampamayanan) sa Maynila at apat na mga karatig bayan nito bilang tugon sa tumataas na bilang ng COVID-19 sa Pilipinas. Kabilang dito ang curfew mula 6:00 p.m. hanggang 5:00 a.m sa loob ng isang linggo, mula Marso 29 hanggang sa Abril 4.
- Mga protesta sa Myanmar ng 2021: Napatay ng militar ang higit sa 114 kontra-kudeta habang nagdiwang ang pinuno ng junta na si Min Aung Hlaing ng Araw ng Hukbong Sandatahan at ipinangako na "ipagsanggalang ang mga tao upang magpunyagi para sa demokrasya." Simiklab ang mga protesta sa buong bansa sa kabila ng isang babala ng estadong telebisyon na ang mga nagproprotesta ay maaring "barilin sa ulo at likuran."
- Naharang ang Kanal ng Suez sa parehong direksyon pagkatapos sumadsad sa hilaga ng Daungan ng Suez sa Ehipto ang kargamentong barko na Ever Given na nakarehistro sa Panama.
- 8,019 mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Kagawaran ng Kalusugan sa Pilipinas na umabot sa kabuuang kaso na 671,792. Ito ang pinakaunang bugso na lumagpas mula sa dating pinakamataas noong Agosto 10, 2020 na 6,958 at may kabuuang bilang na 136,638.
Alam ba ninyo
|