Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Isang bandeha ng iba't-ibang uri ng keso.

Ang keso ay pagkaing gawa mula sa kinultang gatas ng baka, kalabaw, kambing, tupa at iba pang mamalya. Ang pagkukulta ay mula sa paghahalo ng kuwaho (rennet) (o kahalili nito) at pagpapaasim ng gatas. Ang bakterya ang nagpapaasim sa gatas at nagbibigay ng lasa at anyo sa karamihan ng keso. May ilang keso ang sadyang binabalutan o pinaluluoban ng piniling amag (molds). Maraming uri ang keso. Ang iba’t ibang uri at lasa ng keso ay bunga ng paggamit ng iba’t-ibang bakterya at amag, iba’t-ibang dami ng taba ng gatas (milk fat), haba ng pag-iimbak nito, iba’t-ibang proseso tulad ng cheddaring, pagbatak, pag-aasin, paghuhugas sa amag at iba’t–ibang kasta ng baka, tupa at iba pang nagagatasang hayop. Ang kinakain ng hayop at pagdaragdag ng pampalasa tulad ng mga yerba, mga panlasa (spices), o usok ng kahoy ang iba pang nagdudulot ng kakaibang lasa o anyo sa keso. Kahit dumaan o hindi ang keso sa pasteurisasyon nagdudulot din ng kakaibang lasa ito.

Nürnberg St. Lorenz Dreikönigsaltar Geburt 01.jpg

Ang natibidad ni Jesus, natibidad ni Cristo, kapanganakan ni Cristo o kapanganakan ni Jesus ay nilalarawan sa mga ebanghelyo ng Bibliya na Lucas at Mateo. Sumasang-ayon ang dalawang salaysay na ipinanganak si Jesus sa Bethlehem sa Judea, na tinakdang ikasal ang kanyang inang si Maria sa isang lalaki na nagngangalang Jose, na nagmula sa lahi ni Haring David at hindi amang pambiyolohiya ni Jesus, at dulot ng dibinong pamamagitan ang kanyang kapanganakan. Batayan ang natibidad para sa pistang Kristiyano ng Pasko tuwing Disyembre 25, at gumaganap ito ng isang pangunahing papel sa panliturhiyang Kristiyanong taon. Maraming mga Kristiyano ang tradisyunal na pinapakita ang mga maliliit na mga belen sa kanilang mga tahanan na isinasalarawan ang eksena sa natibidad, o dumadalo sa mga Palabas ng Natibidad o mga Paskong pagtatanghal na nakatuon sa siklo ng natibidad sa Bibliya. Ang pinainam na mga pinapakitang natibidad na tinatawag na "mga eksenang creche", na tinatampukan ng mga estatwang kasing-laki ng tao, ay isang tradisyon sa panlupalop na mga bansang Europeo tuwing Kapaskuhan.

May-akda ng larawan: Uoaei1

Joe Biden, Kamala Harris (collage).jpg
  • Nailagay ang Brisbane sa lockdown sa loob ng tatlong araw upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19 pagkatapos masuri ang isang tagalinis sa isang otel pangkuwarantena na may isang bagong bariyante ng SARS-CoV-2. Ipinagbawal ng Hilagang Teritoryo at Tasmania ang mga manlalakbay mula Brisbane.
  • Nilagpasan ni Elon Musk si Jeff Bezos ng mga $ 4 na bilyon upang maging pinakamayamang tao sa buong mundo.
  • Sa kabila ng pagsalakay sa Kapitolyo ng Estados Unidos, sinertipika ng Kongreso ng Estados Unidos ang pagkahalal ni Joe Biden (nakalarawan sa kaliwa) bilang Pangulo ng Estados Unidos at ni Kamala Harris (nakalarawan sa kanan) bilang Pangalawang Pangulo. Nakatanggap sina Biden at Harris ng 306 na botong pangeleksyon habang nakakuha sina Donald Trump at Mike Pence ng 232. Itatalaga sa tungkulin ang mga nanalo sa Enero 20.
  • Pinalaya ng piskal ng Lungsod ng Makati ang tatlong suspek na naunang inaresto kaugnay sa kontrobersyal na pagkamatay ni Christine Dacera, isang tagapasilbi sa eroplano (flight attendant).
  • Sinalakay ng libo-libong mga manggugulo na maka-Trump, na armado ang ilan, ang Kapitolyo ng Estados Unidos, na nagdulot sa paglikas ng mga naroon sa loob. Idineklara ng alkalde ng Washington, D.C. na si Muriel Bowser ang isang panggabing curfew sa buong lungsod. May mga pagputok, at hindi bababa sa anim na tao ang nasugatan. Isang babaeng tagasuporta ni Trump ang namatay dulot ng mga sugat sa pagkabaril sa kanya, sang-ayon sa pulis. Maraming kasapi ng Kongreso na tinawag ito bilang isang tangka ng kudeta. Ipinakalat ang FBI, pulis at Pambansang Guwardiya mula sa Maryland, Virginia at sa D.C. mismo upang pigilan ang kaguluhan. Ginamit din ang mga bombang usok at wisikang paminta. Naiulat ang maraming pinaghihinalaan bombang tubo, kabilang sa punong-himpilan ng Partido Republikano.

Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Os d'Ishango IRSNB.JPG

Pebrero 26

Napoleon Bonaparte

Mga huling araw: Pebrero 25Pebrero 24Pebrero 23

Ngayon ay Pebrero 26, 2021 (UTC) – Sariwain ang pahina
Newar / Nepal Bhasa
(नेपाल भाषा)
Arumano
(Armãneashce)
Occitan
(Occittan)
Tagalog
(Wikang Tagalog)
Haytian
(Krèyol ayisyen)
Piedmontese
(Piemontèis)
Telugu
(తెలుగు)