Napiling artikulo
Si Ariadna Thalía Sodi Miranda Mottola, higit na kilala bilang Thalía lamang, ay isang mang-aawit at aktres mula sa Mehikong nagantimpalaan ng Latin Grammy. Isa siya sa mga kilalang aktres sa telebisyon, at nakapagbenta ng halos 20 milyong album sa buong mundo. Nang namatay ang kanyang ama sa sakit na diabetis, nang siya ay limang taon pa lamang, si Thalía ay hindi man lamang nakapagnigkas ng kahit isang salita nang isang taon. Nag-alala ang kanyang pamilya sa kanyang katayuan, na naging dahilan sa pagpapatingin sa kanya sa isang sikologo. Idolo niya si Nadia Comaneci, isang sikat na himnasta. Kaya si Thalía ay nag-ambisyong maging isang gymnast. Maraming nakakapagsabing mayroong alitan sina Thalía at Paulina Rubio, ang dating kasamahan ni Thalía noong sila ay miyembro pa ng grupong Timbiriche. Nagsimula ang kwentong ito nang ang dalawa ay, hindi umano, nag-away bago magsimula ang isang pagtatanghal, ito raw ay dahil masyadong maganda raw si Thalía kaysa kay Paulinang nagdulot naman ng pagkainggit niya kay Thalía. Nagtambal sina Thalía at Eduardo Capetillo, isang dating miyembro ng Timbiriche, sa telenobelang Marimar. Habang namatay naman ang kanyang nobyong dapat papakasalan niya nang si Alfredo Díaz Ordaz, ang gumawa ng una niyang dalawang album, noong Disyembre 16, 1993. Ito ang naging dahilan sa paghiwalay ni Thalía sa Timbiriche, at pagiging malayo sa balitang ito noong panahon ng Marimar.
Napiling larawan
Ang pulang soro (Vulpes vulpes) ay ang pinakamalaki sa mga tunay na soro at isa sa pinakamalawak na laganap na kasapi ng orden na Carnivora, na makikita sa buong Hilagang Emisperyo kabilang ang karamihan ng Hilagang Amerika, Europa at Asya, dagdag pa ang ilang bahagi ng Hilagang Aprika. Nakatala ito sa IUCN bilang least concern o pinakamaliit ang pag-aalala. Tumaas ang naabot nito kasama ng paglago ng tao. Nang ipinakilala ito sa Australya, tinuri itong nakakasama sa mga katutubong mamalya at mga populasyon ng ibon. Dahil sa presensya nito sa Australya, naitala ito sa "100 pinakamalalang espesyang sumasakop."
May-akda ng larawan: Uoaei1
|
Mga kasalukuyang pangyayari
Alam ba ninyo
Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:
- ... na ayon sa mga tradisyon, nagmula ang Kristiyanismo sa India nang lumapag si Santo Tomas ang Alagad sa Baybaying Malabar at si San Bartolome ang Alagad sa Baybaying Konkan?
- ... na ang Scala Sancta, na isang hagdang relikya na kinuha ni Reyna Elena mula sa praetorium ng palasyo ni Poncio Pilato sa Herusalem, ay diumano kung saan umakyat si Hesukristo bilang bahagi ng kaniyang Pasyon?
- ... na ang lungsod ng Multan, Pakistan ay isa sa mag sentro ng Islamikong medyebal ng India at kinatatangian ng mga dakilang mausoleo?
- ... na ang toga ay komplikadong isuot at sa naglaon ay naging panseremonyang kasuotan na lamang ng mga nakatataas na uri sa sinaunang Roma?
- ... na ang pinagmulan ng Simbahan ng Santa Maria sopra Minerva ay dahil inakalang nakatayo ito sa pundayon ng guhong templo ng diyosang Minerva, ngunit napag-alamang ito pala ay templong alay sa Ehiptong diyosang si Isis?
- ... na si Mimar Sinan (nakalarawan), na nagtrabaho sa ilalim ni Suleiman ang Maringal, ay itinuring bilang isa sa pinakadakilang arkitektong Otomano, maihahambing sa kaniyang kapanahunang si Michelangelo?
- ... na itinuring na isa sa ama ng arkitekturang Baroko si Francesco Borromini dahil sa kaniyang unang solong proyekto–ang Simbahan ng San Carlo alle Quattro Fontane sa Roma?
- ... na gawa-gawa lamang ang pangalan ni Fibonacci, noong 1838 ni Guillaume Libri, isang Pranko-Italyanong dalubhasa sa kasaysayan?
|