Pag-deactivate o Pag-delete ng Iyong Account
Kung ide-deactivate mo ang iyong account:
- Pwede mong i-reactivate kailan man gusto mo.
- Hindi makakikita ng mga tao ang iyong timeline o hanapin ka.
- Ang ilang impormasyon ay maaaring manatiling nakikita ng iba (halimbawa: mga ipinadala mong mga message).
- Hindi mo magagamit ang iyong Facebook account para i-access ang Mga Produkto ng Oculus o ang iyong impormasyon sa Oculus.
Kung ide-delete mo ang iyong account:
- Hindi ka na makakakuha ng access kapag dinelete na ito.
- Inaantala namin ang pag-delete ilang araw pagkatapos ang pag-request nito. Kina-cancel ang pag-delete ng request kung magla-log in ka muli sa iyong Facebook account sa oras na ito.
- Ang ilang impormasyon, tulad ng history ng pagme-message, ay hindi naka-store sa iyong account. Ang ibig sabihin nito ang mga kaibigan ay maaari pa ring magkaroon ng access sa mga message na ipinadala mo pagkatapos i-delete ang iyong account.
- Ang ilang kopya ng materyal (halimbawa: mga record ng log) ay maaaring manatili sa aming database pero hindi nauugnay mula sa personal na kumikilala.
- Kung ginagamit mo ang iyong Facebook account para mag-log in sa Oculus, made-delete din ang iyong impormasyon sa Oculus kapag na-delete ang iyong Facebook account. Kasama rito ang mga pagbili mo sa app at iyong mga achievement. Hindi mo na rin maibabalik ang anumang app at mawawala ang anumang dati nang store credit.
Pwede mong pansamantalang i-deactivate ang iyong account at piliing bumalik kailan mo man gusto.
Para i-deactivate ang iyong account:
- Mag-click sa kanang itaas ng Facebook.
- Piliin ang Mga Setting at Privacy > Mga Setting.
- I-click ang Iyong Impormasyon sa Facebook sa kaliwang column.
- I-click ang Pag-deactivate at Pag-delete.
- Piliin ang I-deactivate ang Account, pagkatapos ay i-click ang Magpatuloy sa Pag-deactivate ng Account at sundin ang mga instruksyon para kumpirmahin.
Kapag dine-activate mo ang iyong account:
- Walang ibang makakakita ng iyong profile.
- Ang ilan sa impormasyon, katulad ng mga message na ipinadala mo sa mga kaibigan, ay maaari pa rin makita.
- Maaari pa rin makita ang pangalan mo sa listahan ng kanilang mga kaibigan. Makikita lang ito ng iyong mga kaibigan, at mula lang sa listahan ng kanilang mga kaibigan.
- Maaari pa rin makita ng mga admin ng grupo ang iyong mga post at mga comment, kasama ang pangalan mo.
- Hindi mo magagamit ang iyong Facebook account para i-access ang mga produkto ng Oculus o ang iyong impormasyon sa Oculus.
Tandaan na kung pipiliin mong panatilihing active ang Messenger o naka-log in ka sa Messenger kapag dineactivate mo ang iyong Facebook account, mananatiling active ang Messenger. Alamin kung paano i-deactivate ang Messenger.
Kapag na-deactivate ang iyong Facebook account, pero mayroon ka pa ring Messenger.
- Pwede ka pa rin makipag-chat sa mga kaibigan sa Messenger.
- Makikita pa rin ang iyong litrato sa profile sa Facebook sa iyong mga pag-uusap sa Messenger.
- Pwede kang hanapin ng ibang tao para padalhan ka ng message.
Pag-reactivate ng iyong account:
Kung gusto mong bumalik sa Facebook pagkatapos mong i-deactivate ang iyong account, pwede mong i-reactivate ang iyong account anumang oras sa pamamagitan ng pag-log in ulit sa Facebook o sa paggamit ng iyong Facebook account para mag-log in sa ibang lugar. Tandaan, kailangan mong magkaroon ng access sa email o mobile number na ginagamit mo para mag-log in para makumpleto ang pag-reactivate.
Alamin kung paano permanenteng i-delete ang iyong account.
Pwede mong i-reactivate ang iyong Facebook account anumang oras sa pamamagitan ng pag-log in ulit sa Facebook o sa pamamagitan ng paggamit ng Facebook account mo para mag-log in sa ibang lugar.
Tandaan na kakailanganin mong magkaroon ng access sa email o mobile number na ginagamit mo para mag-log in. Kung hindi mo matandaan ang iyong password, pwede kang mag-request ng bago. Kung hindi mo ma-acess ang email na nauugnay sa iyong account, alamin kung paano i-reactivate ang iyong account.
Ano ang mangyayari kung permanente kong ide-delete ang aking Facebook account?
- Hindi mo magagawang i-reactivate ang iyong account.
- Permanenteng ide-delete ang iyong profile, mga litrato, post, video at lahat ng iba pang idinagdag mo. Hindi mo makukuha ang anumang idinagdag mo.
- Hindi mo na magagamit ang Facebook Messenger.
- HIndi mo magagamit ang Pag-log in sa Facebook para sa iba pang app na maaaring nag-sign up ka gamit ang iyong Facebook account, tulad ng Spotify o Pinterest. Maaari mong kailanganing kontakin ang mga app at mga website para ma-recover ang mga account na iyon.
- Ang ilan sa impormasyon, tulad ng mga message na ipinadala mo sa mga kaibigan, ay maaari pa rin nilang makita pagkatapos mong i-delete ang iyong account. Ang mga kopya ng mga message na ipinadala mo ay ini-store sa mga inbox ng iyong mga kaibigan.
- Kung ginagamit mo ang iyong Facebook account para mag-log in sa Oculus, made-delete din ang iyong impormasyon sa Oculus kapag na-delete ang iyong Facebook account. Kasama rito ang mga pagbili mo sa app at iyong mga achievement. Hindi mo na rin maibabalik ang anumang app at mawawala ang anumang dati nang store credit.
Paano kung ayokong i-delete ang lahat ng aking content, pero gusto kong magpahinga muna sa Facebook?
Pwede ka munang magpahinga sa Facebook at pansamantalang i-deactivate ang iyong account. Kapag pansamantala mong ide-deactivate ang iyong account:
- Hindi makikita o mapupuntahan ng mga tao ang iyong Facebook profile.
- Hindi ide-delete ang iyong mga litrato, post at mga video.
- Pwede mo pa rin gamitin ang Facebook Messenger. Makikita pa rin ang iyong litrato sa profile sa iyong mga pag-uusap at mahahanap ka pa rin ng mga tao gamit ang pangalan para magpadala sa iyo ng message. Patuloy kang lalabas sa mga kaibigan sa Facebook sa mga lugar kung saan ka nila pwedeng padalhan ng message.
- Pwede mo pa rin gamitin ang Pag-log in sa Facebook para sa iyong iba pang app, tulad ng Spotify, Pinterest o Games.
- Hindi mo magagamit ang iyong Facebook account para i-access ang Mga Produkto ng Oculus o ang iyong impormasyon sa Oculus.
- Pwede mong piliing bumalik kailan mo man gusto.
Alamin kung paano pansamantalang ide-deactivate ang iyong account.
Paano ko permanenteng ide-delete ang aking account?
Bago i-delete ang iyong account, maaaring gusto mong mag-log in at mag-download ng kopya ng iyong impormasyon (gaya ng iyong mga litrato at post) mula sa Facebook, at ng kopya ng iyong impormasyon sa Oculus kung ginagamit mo ang iyong Facebook account para mag-log in sa Oculus. Pagkatapos ma-delete ang iyong account, hindi mo makukuha ang lahat ng idinagdag mo.
Para permanenteng i-delete ang iyong account:
- Mag-click sa kanang itaas ng Facebook.
- Piliin ang Mga Setting at Privacy > Mga Setting.
- I-click ang Iyong Impormasyon sa Facebook sa kaliwang column.
- I-click ang Pag-deactivate at Pag-delete.
- Piliin ang Permanenteng I-delete ang Account, pagkatapos ay i-click ang Magpatuloy sa Pag-delete ng Account.
- I-click ang I-delete ang Account, ilagay ang iyong password at pagkatapos ay i-click ang Magpatuloy.
Pwede ko bang i-cancel ang pag-delete ng aking account?
Kung wala pang 30 araw simula nang sinimulan mo ang pag-delete, pwede mong i-cancel ang pag-delete ng iyong account. Pagkatapos ng 30 araw, permanenteng ide-delete ang lahat ng iyong impormasyon, at hindi mo na makukuha ang iyong impormasyon.
Maaaring abutin nang hanggang 90 araw mula sa simula ng proseso ng pag-delete para i-delete ang lahat ng na-post mong bagay. Habang dine-delete namin ang impormasyong ito, hindi ito maa-access ng ibang taong gumagamit ng Facebook.
Ang mga kopya ng iyong impormasyon ay maaaring manatili pagkatapos ng 90 araw sa backup storage na ginagamit namin para makabawi kung magkakaroon ng sakuna, software error, o iba pang pagkawala ng data. Maaari rin naming itago ang iyong impormasyon para sa mga bagay tulad ng mga legal na isyu, mga paglabag ng mga tuntunin, o mga pagsusumikap sa pag-iwas ng pinsala. Alamin pa ang tungkol sa aming Patakaran sa Data.
Para i-cancel ang pag-delete ng aking account:
- Mag-log in sa iyong Facebook account sa loob ng 30 araw ng pag-delete ng iyong account.
- I-click ang I-cancel ang Pag-delete.
Kung ang iyong kaibigan o miyembro ng pamilya ay walang kakayahang pangkaisipan o pisikal na hindi na gagaling para panatilihing ang kanyang Facebook account, maaari ka naming matulungang alisin ito.
- Para sa isang bata na wala pa sa edad na 13: Hinihiling namin ang aming mga miyembro na maging nasa 13 taong edad. Kung naniniwala kang mayroong bata na wala pa sa edad na 13 na gumagamit ng Facebook, paki report ang account sa amin.
- Para sa isang tao na mahigit sa 13: Mangyaring mag-submit ng request dito. Ire-review namin ang impormasyong ibibigay mo at sasabihin namin sa iyo kung anong aksyon ang magagawa namin. Tandaan na dapat lang gamitin ang form na ito para mag-report ng mga user na may kapansanan. Alamin kung ano ang dapat gawin kung ikaw ay mawawalan ng access sa iyong account, o kung paano i-report ang isang na-hack na account o pumanaw na user.
Tandaan: Hindi namin itinuturing na may kapansanan ang isang tao na nasa rehab o bilanggo. Kung miyembro ka ng nagpapatupad ng batas at gusto mong i-report ang isang tao sa Facebook na kasalukuyang nakakulong, paki submit ng request.