Australia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Komonwelt ng Australia (Commonwealth of Australia)
Pambansang Kasabihan: wala (dati'y Advance Australia)
Pambansang Awit: Advance Australia Fair
PununglunsodCanberra
35°15′S 149°28′E / 35.250°S 149.467°E / -35.250; 149.467
Pinakamalaking lungsod Sydney
Opisyal na wika Ingles (de facto)1
Pamahalaan Monarkiyang konstitusyonal
 -  Reyna Elizabeth II[1]
 -  Gobernador-Heneral
 -  Punong Ministro Scott Morrison
Kalayaan mula sa Nagkakaisang Kaharian 
 -  Saligang-batas Enero 1, 1901 
 -  Kautusan ng Westminster Disyembre 11, 1931 
 -  Batas Australia Marso 3, 1986 
Lawak
 -  Kabuuan 7,686,850 km2 (6th)
2,967,909 sq mi 
 -  Katubigan (%) 1
Santauhan
 -  Pagtataya ng Setyembre 2005 20,406,800 (ika-52)
 -  Lahatambilang ng 2001 18,972,350 
 -  Kakapalan 2/km2 (ika-191)
5.2/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2006
 -  Kabuuan $674.97 bilyon (ika-16)
 -  Bawat ulo $32,686 (ika-13)
TKT (2003) 0.955 (mataas) (ika-3)
Pananalapi Dolyar (AUD)
Pook ng oras iba't-ibang lugar ng Australia2 (TPO+8–+10)
 -  Tag-araw (DST) iba't-ibang lugar ng Australia2 (TPO+8–+11)
Internet TLD .au
Kodigong pantawag 61
1Ang wikang Ingles ay wala pa sa uring opisyal na de jure (source)
2May mga maliit na pagkakaiba mula sa tatlong nabanggit na timezones.

Ang Komonwelt ng Australia[n 1] (Kastila: Aus·tra·lia; Ingles: Aus·tra·lia /əˈstrljə,_ɒʔ,_ʔiə/,[2][3]) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki rito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isang pederasyon at pinamamahalaan bilang parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal (constitutional monarchy). Kasama sa mga karatig-bansa ng Australia ay ang Indonesia, Silangang Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Kapuluang Pasipiko sa hilagang-kanluran, ang Kapuluang Solomon at Vanuatu sa hilagang-silangan, at ang New Zealand sa timog-silangan.

Sa loob ng di-bababa sa 40,000 taon bago ang unang pananahan ng mga Ingles sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ang Australia ay pinaninirahan ng mga katutubong Australian, na nagsasalita ng mga wikang nakapangkat sa humigit-kumulang 250 grupo ng mga lengguwahe. Matapos matuklasan ng mga Europeo ang kontinente sa pamamagitan ng mga manlalayag na Olandes noong 1606, ang silangang bahagi ng Australia ay inangkin ng Gran Britanya noong 1770 at nang simula'y naging tapunan ng mga bilanggo sa kolonya ng New South Wales mula 26 Enero 1788. Lumaki ang populasyon nang sumunod na mga dekada; ang kontinente ay ginalugad at naitatag ang karagdagang limang nagsasariling Crown Colonies.

Noong 1 Enero 1901, naging isang pederasyon ang anim na kolonya, na ngayo'y tinatawag na Komonwelt ng Australya. Mula noong Pederasyon, napanatili ng Australya ang isang matatag na sistemang pulitikal na demokratikong liberal, na kumikilos bilang isang demokrasyang parlamentaryong pederal at monarkiyang konstitusyonal, na binubuo ng anim na estado at ilang mga teritoryo. Ang populasyon na 23.6 na milyon ay higit na urbanisado at nakatuon sa mga silangang estado at sa baybayin.

Ang Australia ay isang maunlad na bansa at isa sa mga pinakamayaman sa mundo, dahil sa ekonomiya nitong ika-12 sa pinakamalaki. Noong 2012 ang Australia ang may ikalimang pinakamataas na kita bawat tao sa buong mundo, at ang gastos-militar ng Australia ang ika-13 pinamakamalaki sa mundo. Dahil taglay nito ang ikalawang pinakamataas na pandaigdigang indise ng kaunlaran ng tao (human development index), mataas ang nagiging ranggo ng Australia sa mga pandaigdigang paghahambing ng pambansang paggawa (national performance), katulad ng kalidad ng buhay, kalusugan, edukasyon, kalayaang pang-ekonomiya, at proteksiyon ng mga kalayaang sibil at mga karapatang pulitikal. Ang Australia ay kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, G20, Komonwelt ng mga Bansa, ANZUS, Organisasyon para sa Pagtutulungang Ekonomiko at Pag-unlad (Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD), Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan (World Trade Organization o WTO), Kooperasyong Ekonomiko sa Asya-Pasipiko (Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC), at ng Pacific Islands Forum.

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Binibigkas bilang [əˈstɹæɪljə, -liə] sa Ingles Australiano, ang pangalang Australia ay nagmula sa salitang Latin na australis, na nangangahulugang "katimugan." Tinutukoy din ang bansa sa wikang kolokyal bilang Oz mula noong simula ng ika-20 dantaon. Ang Aussie ay isang karaniwang salitang balbal para sa "Australiano." Sa kapitbahayang New Zealand, at bibihira naman sa Australia mismo, ang pangngalang "Aussie" ay ginagamit din upang tukuyin ang bansa, isang pagbubukod na tawag mula sa mga naninirahan dito. Ang awit-pampalakasan na C'mon Aussie C'mon ay isang halimbawa ng lokal na gamit ng Aussie bilang kasingkahulugan ng Australia.

Ang mga alamat tungkol sa Terra Australis Incognita—isang "di-kilalang kalupaan sa Timog"—ay nag-umpisa mula pa noong panahon ng mga Romano at naging isang karaniwang bagay sa heograpiya ng Kalagitnaang Panahon, bagaman at hindi ito batay sa anumang nasusulat na kaalaman hinggil sa kontinente. Matapos ang pagkakatuklas ng mga Europeo, ang pangalan para sa kalupaang Australian ay malimit na nagiging batayan ng sikat na Terra Australis.

Ang pinakaunang naitalang paggamit ng salitang Australia ay noong 1625 sa “Isang talá ng Australia del Espiritu Santo, isinulat ni Ginoong Richard Hakluyt,” (A note of Australia del Espíritu Santo, written by Sir Richard Hakluyt) inilathala ni Samuel Purchas sa Hakluytus Posthumus, isang korupsiyon ng orihinal na pangalang Espanyol na "Tierra Austral del Espíritu Santo" (Katimugang Lupain ng Espiritu Santo) para sa pulo ng Vanuatu. Ang pang-uring Olandes na salitang Australische ay ginamit sa isang aklat na Olandes sa Batavia (Jakarta) noong 1638, upang tumukoy sa bagong tuklas na mga lupain sa timog. Ginamit sa ibang pagkakataon ang Australia noong 1693 sa isang salin ng Les Aventures de Jacques Sadeur dans la Découverte et le Voyage de la Terre Australe, isang nobelang Pranses noong 1676 ni Gabriel de Foigny, sa ilalim ng sagisag-panulat na Jacques Sadeur. Upang tumukoy sa buong rehiyon ng Timog Pasipiko, ginamit ito ni Alexander Dalrymple sa Isang Makasaysayang Paglilikom ng mga Paglalakbay at mga Natuklasan sa Timog Karagatang Pasipiko (An Historical Collection of Voyages and Discoveries in the South Pacific Ocean) noong 1771. Sa pagtatapos ng ika-18 siglo, ang katawagan ay ginamit upang partikular na tukuyin ang mismong bansa, na isinulat naman ng mga botanistang sina George Shaw at Ginoong James Smith ang tungkol sa “malawak na pulo, o manapa’y kontinente, ng Australia, Australasia, o New Holland” sa kanilang dokumento noong 1793 na Soolohiya at Botanika ng New Holland (Zoology and Botany of New Holland), at si James Wilson naman na isinama ito sa isang talangguhit noong 1799.

Ang pangalang Australia ay pinasikat ng manlalakbay na si Matthew Flinders, na nagtulak dito upang pormal itong pagtibayin simula 1804. Sa dokumento ni Robert Brown na Pangkalahatang puna, heograprikal at sistematikal, hinggil sa botanika ng Terra Australis (General remarks, geographical and systematical, on the botany of Terra Australis), ginamit ni Brown ang salitang pang-uri na Australian sa kabuuan – ang unang nalalamang gamit ng pormang iyon. Sa kabila ng popular na kabatiran, ang aklat ay hindi nakatulong sa pag-angkin ng pangalan: ang pangalan ay unti-unting tinanggap higit sampung taon pa ang dumaan.

Ang unang beses na ang pangalang Australia ay lumitaw upang opisyal na gamitin ay sa isang pagsugo kay Lord Bathurst ng 04 Abril 1817 kung saan kinilala ni Gobernador Lachlan Macquarie ang pagtanggap sa mga talangguhit ng Australia ni Kapitan Flinders. Noong 12 Disyembre 1817, itinagubilin ni Macquarie sa Tanggapang Kolonyal na pormal itong kilalanin. Noong 1824, sumang-ayon ang Kaalmirantehan (Admiralty) na ang kontinente’y dapat opisyal na kilalanin bilang Australia.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Binabaybay din na Australiya. Tingnan: "Australiya, Australia". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.; Panganiban, Jose Villa. (1969). "Australiya, Australia". Concise English-Tagalog Dictionary.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. https://www.dfat.gov.au/protocol/Protocol_Guidelines/15.html.
  2. Macquarie ABC Dictionary. The Macquarie Library Pty Ltd. 2003. p. 56. ISBN 1-876429-37-2.
  3. "Australia". Oxford Dictionaries. Oxford University Press. April 2010. Nakuha noong 26 July 2012.

Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]