Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Fernando Magallanes sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang ciudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo. Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas. Naging laganap ang sosyal at pampolitika na organisasyon ng populasyon sa mga pulo. Ang mga magsasaka lamang ng Hilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo. Ang simpleng yunit ng pamahalaan ay ang barangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu.
Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885 – Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikongDanes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito.
May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk
Protesta para kay George Floyd: 40 lungsod sa Estados Unidos ang nagpataw ng kurpyo (curfew) sa magdamag upang pahupain ang kaharasan mula sa protesta.
Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas: Nagsimula ang GCQ o general community quarantine (pangkalahatang kuwarantina ng pamayanan) sa Kalakhang Maynila at ilang Rehiyon ng Pilipinas bunga ng banta ng COVID-19. Bagaman mas maluwag ang mga patakaran sa GCQ kaysa ECQ o enhanced community quarantine (pinataas na kuwarantina ng pamayanan), nahirapan ang mga bumabiyahe sa Kalakhang Maynila na makasakay sa pampublikong transportasyon.
Pandemya ng COVID-19: Lumagpas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa anim na milyon sa buong sanlibutan. Nanatili ang Estados Unidos na pandaigdigang episentro, na may tinatayang 29% ng lahat ng naiulat at kumpirmadong kaso sa buong sanlibutan.
Pandemya ng COVID-19 sa Rwanda: Unang inulat ng Rwanda ang kauna-unahan nitong pasyenteng namatay dahil sa COVID-19, isang 65-taong-gulang na may malubhang respiratoryong komplikasyon at ginamot sa isang espesyalisadong sentro.
Ang sasakyang pangkalawakan na Crew Dragon ng SpaceX (nakalarawan) ay matagumpay na kumabit sa International Space Station (ISS) kasama ang mga astronawta ng NASA na sina Bob Behnken at Douglas Hurley na sumama sa tripulanteng lulan na ng estasyong pangkalawan.
... na patuloy na tumatanggi ang pamahalaan ng India na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras na ngayo'y nasa isang Pamantayang Oras ng India?
... na unang nagkaroon ng problema si Aman Dangat sa mga awtoridad ng Espanya noong mga panahon na inilipat ang mga tagabaryo ng Sabtang at Vuhus sa San Vicente at San Felix sa bayan ng Ivana noong 1785 sa panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?