Ang gampanin ng mga Kababaihan sa Pilipinas (mga Pinay) ay ipinaliwanag ayon sa diwa ng kalinangang Pilipino, pamantayan, pananaw at kaisipan. Nilarawan ang Pilipinas bilang isang bansa ng mga matatatag na mga kababaihan, na tuwiran at hindi tuwirang nagpapatakbo sa mag-anak, negosyo, mga tanggapan ng pamahalaan at mga hasyenda. Bagaman pangkalahatang pinakakahuluganan nila ang kanilang mga sarili sa isang tagpuan sa Asya na napapangibabawan ng mga kalalakihan sa isang lipunang dumaan sa kolonyalismo at Katoliko, namumuhay ang mga Pilipinong kababaihan sa isang kulturang nakatuon ang pansin sa pamayanan, na ang mag-anak ang pangunahing bahagi ng lipunan. Dito sa balangkas na ito - na may kayariang pangkahanayan, pagkakaiba-ibang antas sa lipunan, kadahilanang makapananampalataya, at pamumuhay sa isang umuunlad na bansa ng mundo - nakikibaka ang mga kababaihang Pilipino. Ang kayariang panlipunan ng Pilipinas bago maging kolonya ay nagbibigay ng pantay na pagpapahalaga sa kahanayang maka-ina at maka-ama. Dahil sa pamamaraang ito, napagkalooban ang mga kababaihang Pilipino ng higit na kapangyarihan sa loob ng isang angkan. Mayroon silang karapatang magkaroon ng ari-arian, makilahok sa kalakalan at maaaring hiwalayan o dibosiyuhin ang asawang lalaki. Maaari rin silang maging pinuno ng nayon kung walang tagapagmanang lalaki sa katungkulan.
Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885 – Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikongDanes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito.
May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk
Kinukunsidera ng pamahalaan ng Pilipinas ang ganap na pagsasara o total lockdown sa mga lansangan kung patuloy ang paglabag ng "pinagbuting kuwarentenang pampamayanan" o "enhanced community quarantine" sa buong Luzon.
... na patuloy na tumatanggi ang pamahalaan ng India na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras na ngayo'y nasa isang Pamantayang Oras ng India?
... na unang nagkaroon ng problema si Aman Dangat sa mga awtoridad ng Espanya noong mga panahon na inilipat ang mga tagabaryo ng Sabtang at Vuhus sa San Vicente at San Felix sa bayan ng Ivana noong 1785 sa panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?