Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
One Direction at the Logies Awards 2012.jpg

Ang One Direction (daglat: 1D) ay isang pop na bandang Britaniko (British pop boy band) na binubuo nina Niall Horan, Zayn Malik, Liam Payne, Harry Styles at Louis Tomlinson. Sila ay nakapirma sa Syco Records ni Simon Cowell matapos na mabuo at makamit ang ikatlong puwesto sa ikapitong serye ng The X Factor. Bunsod ng social media kaya naging matagumpay sa iba't-ibang bansa, ang apat na album ng One Direction, ang Up All Night (2011), Take Me Home (2012), Midnight Memories (2013) at Four (2014) ay nakabura ng mga dating rekord, nanguna sa mga talaan sa malalaking merkado, at nakagawa ng mga patok na awitin kabilang ang "What Makes You Beautiful", "Live While We’re Young", "Story of My Life", at "Steal My Girl". Kabilang sa kanilang mga nakamit ang apat na Gantimpalang Brit (Brit Awards) at apat na MTV Gantimpala sa Awit-Bidyo (MTV Video Music Awards). Kinatawan ng One Direction ang $50 milyong imperyong pang-negosyo (business empire) noong Hunyo 2012. Ipinroklama silang "Nangungunang Bagong Mang-Aawit" (Top New Artist) ng 2012 ng Billboard. Matapos ilabas ang Four, ang One Direction ang naging unang banda sa kasaysayan ng Billboard 200 ng Estados Unidos na nagkaroon ng unang apat na album na nag-umpisang numero uno. Ang kanilang ikatlong album na Midnight Memories ang naging pinakamabiling album sa buong mundo noong 2013.

Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

Secretary Dr. Francisco Duque - 2018 (cropped).jpg
  • Pandemya ng coronavirus ng 2020 sa Pilipinas: Pinagbibitiw ng mga ilang Senador ang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan na si Francisco Duque III (nakalarawan) dahil sa kabiguan nitong pamunuan ang krisis sa banta ng COVID-19. Samantala, umabot na ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas sa 353 na nilagpasan na ang bilang ng mga namatay sa bansa.
  • Kinukunsidera ng pamahalaan ng Pilipinas ang ganap na pagsasara o total lockdown sa mga lansangan kung patuloy ang paglabag ng "pinagbuting kuwarantinang pamayanan" o "enhanced community quarantine" sa buong Luzon.
  • Na-deactivate ang isang bomba sa Guindulungan, Maguindanao ng mga eksperto sa bomba mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
  • Lehislatibong halalan sa Timog Korea ng 2020: Naganap ang halalan para sa ika-21 Pambansang Asemblea ng Timog Korea sa kabila ng pandemya ng coronavirus.
  • Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Lunop han Dughan folktale about Mt Danglay.jpg
    • ... na ang mga bayan ng Rizal na Montalban at San Mateo ay dating napapaloob sa dating lalawigan ng Maynila?
    • ... na umiral ang Lungsod ng Malawakang Maynila bilang isang agarang hakbang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    • ... na ang sarsuwelang Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda (nakalarawan) ay ginugunita ang mga pumanaw dahil sa pananalasa ng super bagyong Yolanda?
    • ... na patuloy na tumatanggi ang pamahalaan ng India na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras na ngayo'y nasa isang Pamantayang Oras ng India?
    • ... na unang nagkaroon ng problema si Aman Dangat sa mga awtoridad ng Espanya noong mga panahon na inilipat ang mga tagabaryo ng Sabtang at Vuhus sa San Vicente at San Felix sa bayan ng Ivana noong 1785 sa panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
    Sunrise, Manaslu.jpg

    Mayo 4: Araw ng mga Ibon sa Estados Unidos; Araw ng Berde sa Hapon

    Ngayon ay Mayo 4, 2020 (UTC) – Sariwain ang pahina
    Estonyano
    (Eesti)
    Azerbaijani
    (Azərbaycanca)
    Galisyano
    (Galego)
    Ingles (payak)
    (English (simple))
    Noruwego
    (nynorsk)
    (Norsk (nynorsk))
    Latin
    (Latina)
    Taylandes
    (ไทย)
    Griyego
    (Ελληνικά)
    Newar / Nepal Bhasa
    (नेपाल भाषा)
    Arumano
    (Armãneashce)
    Occitan
    (Occittan)
    Serbo-Kroato
    (Srpskohrvatski / Српскохрватски)
    Heorhiyano
    (ქართული)
    Masedonyo
    (Македонски)
    Tagalog
    (Wikang Tagalog)
    Haytian
    (Krèyol ayisyen)
    Piedmontese
    (Piemontèis)
    Telugu
    (తెలుగు)