Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang MariMar ay isang Pilipinong palabas na ipinalabas sa GMA Network noong Agosto 13, 2007 hanggang Marso 14, 2008 na pinagbibidahan nina Marian Rivera bilang MariMar, Dingdong Dantes bilang Sergio Santibañez, at Katrina Halili bilang Angelika Santibañez. Isinagawa ito ng GMA Network sa Pilipinas mula sa orihinal na palabas sa Mehiko na may kaparehong pamagat, ngunit may mga pagbabago sa balangkas. Pinagbidahan nina Thalía at Eduardo Capetillo ang naunang serye, na isa ring muling pagsasagawa ng seryeng LaVeganza, na nagmula din sa TeleVisa. Ang orihinal na MariMar mula sa Mexico ay ipinalabas noong taong 1997 sa RPN. Ito ay mabilis na tinangkilik ng mga Pilipino, at nagkaroon ng antas na umabot hanggang 50%. Ang seryeng ito ng Mehiko ang nagbigay kay Thalía ng kasikatan sa Pilipinas upang tangkilikin muli ng mga Pilipino ang iba pa niyang palabas tulad ng Maria Mercedes, Maria La del Barrio, at Rosalinda na umabot sa 75% na grado, na sinasabing pinakamataas na grado ng palabas sa Pilipinas. Sa unang gabing ipinalabas ang MariMar noong Agosto 13, 2007, nakakuha ng mataas na marka ang palabas na mayroong 36.6% (ayon sa pagsusuri sa Kalakhang Maynila). Matapos ang isang buwan, noong Setyembre 13, 2007, nakakuha ito ng 39.3% na marka, lagpas sa 38.3% nakuha nila sa unang linggo. Noong Oktubre 5, 2007, nakuha na nila ang 40% marka. Noong Oktubre 26, 2007, nakuha naman nila ang 44.6% marka sa Kalakhang Maynila. Noong Nobyembre 19, 2007, nakuha na nila ang 49.5% marka, malapit sa markang 50% nakuha ng Mehikanong telenobelang MariMar ni Thalía.

Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

COVID-19 pandemic cases in the Philippines.svg
  • Pandemya ng coronavirus ng 2020 sa Pilipinas: Dineklera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang "pinagbuting kuwarantinang pamayanan" o "enhanced community quarantine" sa buong Luzon noong ikalawang araw ng pagpapatupad ng pagkuwarantina ng pamayanan sa Kalakhang Maynila. Samantala, si Senador Juan Miguel Zubiri ang naging isa sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas (nakalarawan ang mga kaso sa bawat lalawigan noong Marso 18, 2020) nang nagpositibo ang kanyang resulta. Noong Marso 19, mayroon nang 217 kaso na may 17 namatay at 8 gumaling.
  • Inakayat ng Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya ang katayuang alerto para sa Bulkang Kanlaon mula sa Antas Alerto 0 sa Antas Alerto 1 dahil sa pagpapakita ng di-normal na kondisyon.
  • Black Monday (2020): Bumagsak ang bond market sa unang pagkakataon simula noong pandaigdigang krisis sa pananalapi ng 2008-2009 na ang stock at mga bond market ay gumalaw sa parehong direksyon, pinapahiwatig ang malaki at mabigat na pagbenta ng mga portpolyo habang ang mga namumuhunan ay naghahanap ng salapi.
  • Pandemya ng coronavirus ng 2019–20: Opisyal na inihayag ng World Health Organization na isang pandemya ang pagsiklab ng COVID-19.
  • Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Lunop han Dughan folktale about Mt Danglay.jpg
    • ... na umiral ang Lungsod ng Malawakang Maynila bilang isang agarang hakbang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    • ... na ang sarsuwelang Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda (nakalarawan) ay ginugunita ang mga pumanaw dahil sa pananalasa ng super bagyong Yolanda?
    • ... na patuloy na tumatanggi ang pamahalaan ng India na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras na ngayo'y nasa isang Pamantayang Oras ng India?
    • ... na unang nagkaroon ng problema si Aman Dangat sa mga awtoridad ng Espanya noong mga panahon na inilipat ang mga tagabaryo ng Sabtang at Vuhus sa San Vicente at San Felix sa bayan ng Ivana noong 1785 sa panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
    • ... na binago ang pangalan ng kabisera ng Kazakhstan sa Nur-Sultan mula sa dating Astana noong Marso 2019?

    Abril 3

    Mga huling araw: Marso 31Abril 1Abril 2

    Ngayon ay Abril 3, 2020 (UTC) – Sariwain ang pahina
    Estonyano
    (Eesti)
    Azerbaijani
    (Azərbaycanca)
    Galisyano
    (Galego)
    Ingles (payak)
    (English (simple))
    Noruwego
    (nynorsk)
    (Norsk (nynorsk))
    Latin
    (Latina)
    Taylandes
    (ไทย)
    Griyego
    (Ελληνικά)
    Newar / Nepal Bhasa
    (नेपाल भाषा)
    Arumano
    (Armãneashce)
    Occitan
    (Occittan)
    Serbo-Kroato
    (Srpskohrvatski / Српскохрватски)
    Heorhiyano
    (ქართული)
    Masedonyo
    (Македонски)
    Tagalog
    (Wikang Tagalog)
    Haytian
    (Krèyol ayisyen)
    Piedmontese
    (Piemontèis)
    Telugu
    (తెలుగు)