Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Flag of India.svg

Ang Republika ng Indiya o Republika ng India (internasyonal: Republic of India) ay isang bansang matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo. Ang mga karatig-bansa ng India ay ang: Tsina, Pakistan, Bhutan, Myanmar, Nepal, at Bangladesh. Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), Bagong Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai (dating Madras). Ang India ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya na napapaligiran ng mga bansang Bhutan at Nepal sa hilaga, Bangladesh at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog, at Pakistan sa kanluran. Ito'y may lawak na 3,185,018.83km/ 5124695.29747milya. Ito'y napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng Himalayas at sa Talampas ng Tibet. Sa kasalukuyan, ang pangulo ng Indiya ay si Pratibha Patil, na unang nagsilbi noong 25 Hulyo 2007. Siya ang unang babae na naging pangulo ng Indiya. Ang tirahan o palasyo ng pangulo ay ang Rasthrapati Bhavan. Ang Indiya ay itinuturing na Pinakamalaking Demokrasya sa Daigdig dahil may sistemang parliyamentarya-demokrasya ang gobyerno nito at ang populasyon nito ay tinatayang may 1,147,995,904 na katao (2008), ang ikalawang bansa na may pinakamaraming tao. Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), New Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai (dating Madras). Isinilang sia Indiya ang pananampalatayang Hinduismo.

Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

Taal Volcano aerial 2013.jpg
  • Apat na mga sundalong taga-Iraq ang nasugatan nang tumama ang mga bala ng mortar sa Baseng Paliparan ng Balad, mga 40 mulya (64 km) hilaga ng Baghdad, na tinitirhan ng mga kawaning militar ng Estados Unidos. Humampas ang mga mortar sa runway o daanan sa loob ng base.
  • Naglabas ang Bulkang Taal (nakalarawan na kuha noong 2012) sa katimugang Luzon, Pilipinas, ng mala-ulap na mga abo na tinatayang may sukat na 1 kilometro (0.62 mi). Itinalaga ng Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya ang isang alertong antas na "level 3", na ipinapahiwatig ng isang mataas na antas ng "magmatic unrest" (kaguluhang magmatiko) na maaring magdulot ng isang "mapanganib na pagsabog sa darating na mga linggo."
  • Humingi ng paumanhin ang pamahalaan ng Ontario sa Canada sa paglabas ng maling alerto tungkol sa iang insidente sa isang plantang nukleyar malapit sa Toronto at sinisi ang pagkakamali sa pagsasanay. Humingi ng pagsisiyat ang mga galit na mga lokal na alkalde na nagsabing ang mensahe pang-emerhensiya tungkol sa tumatandang Pickering Nuclear Generating Station ay nagdulot ng di-kinakailangang pagkabagabag.
  • Relasyong Hapon-Saudi Arabia: Dumating ang Punong Ministro ng Hapon na si Shinzo Abe sa Saudi Arabia na kanyang unang pagdalo sa Gitnang Silangan kung saan inaasahan siyang pumagitan sa tumataas na tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
  • Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Lunop han Dughan folktale about Mt Danglay.jpg
    • ... na ang Kaesong, Hilagang Korea ay ang tanging lungsod na nagbago ang mayhawak kasunod ng Kasunduan ng Armistisyo ng Korea noong 1953?
    • ... na ang sarsuwelang Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda ay ginugunita ang mga pumanaw dahil sa pananalasa ng super bagyong Yolanda?
    • ... na patuloy na tumatanggi ang pamahalaan ng India na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras na ngayo'y nasa isang Pamantayang Oras ng India?
    • ... na unang nagkaroon ng problema si Aman Dangat sa mga awtoridad ng Espanya noong mga panahon na inilipat ang mga tagabaryo ng Sabtang at Vuhus sa San Vicente at San Felix sa bayan ng Ivana noong 1785 sa panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
    • ... na binago ang pangalan ng kabisera ng Kazakhstan sa Nur-Sultan mula sa dating Astana noong Marso 2019?

    Pebrero 17

    Kosovo

    Mga huling araw: Pebrero 16Pebrero 15Pebrero 14

    Ngayon ay Pebrero 17, 2020 (UTC) – Sariwain ang pahina
    Estonyano
    (Eesti)
    Azerbaijani
    (Azərbaycanca)
    Galisyano
    (Galego)
    Ingles (payak)
    (English (simple))
    Noruwego
    (nynorsk)
    (Norsk (nynorsk))
    Latin
    (Latina)
    Taylandes
    (ไทย)
    Griyego
    (Ελληνικά)
    Newar / Nepal Bhasa
    (नेपाल भाषा)
    Arumano
    (Armãneashce)
    Occitan
    (Occittan)
    Serbo-Kroato
    (Srpskohrvatski / Српскохрватски)
    Heorhiyano
    (ქართული)
    Masedonyo
    (Македонски)
    Tagalog
    (Wikang Tagalog)
    Haytian
    (Krèyol ayisyen)
    Piedmontese
    (Piemontèis)
    Telugu
    (తెలుగు)