Ang ahedres ay isang nakalilibang at labanang laro para sa dalawang manlalaro. Kung minsang tinatawag na kanluraning ahedres o pandaigdigang ahedres upang maipagkaiba ito mula sa mga naunang uri o ibang kahalintulad ng larong ahedres. Lumitaw ang pangkasalukuyang porma ng laro mula sa Katimugang Europa noong pangalawang-kalahati ng ika-15 siglo matapos na mahubog mula sa katulad at may matandang mga laro na may simulain sa India. Sa ngayon, isa sa mga pinakabantog na mga laro ang ahedres, na nilalaro ng milyun-milyong ng mga tao sa buong mundo sa mga kapisanang pang-ahedres, sa internet, sa pamamagitan ng pamamaraang tugunan o pakikipagkalatasan, sa mga torneo at sa mga hindi pormal o hindi opisyal na pagkakataon o pasumala lamang. May mga aspeto ng sining at agham na makikita sa kabuuan ng ahedres at teoriya. Ipinamamahagi rin ang ahedres bilang isang daang nagpapainam sa kakayahan ng diwa. Nilalaro ang laro sa ibabaw ng isang parisukat na tablang may 64 na maliliit pang parisukat na may dalawang magkaibang kalimliman ng kulay. Sa simula, bawat manlalaro (puti at itim) ang nagmamando sa labinganim na mga piyesa ng ahedres: isang hari, isang reyna, dalawang tore, dalawang obispo, dalawang kabalyero, at walong mga kawal (Ingles: pawn). Layunin ng laro ang mabitag (Ingles: checkmate) ang kalabang hari, kung saan ang hari ay agad na napailalim sa isang paglusob at wala nang ibang paraan upang alisin ito sa pagkakasilo sa susunod na galaw.
Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885 – Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikongDanes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito.
May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk
Lindol sa Iran-Turkey ng 2020: Isang lindol sa Lalawigan ng Kanlurang Azerbaijan, Iran, ang kumitil sa hindi bababa sa siyam na tao at sinugatan ang higit sa isang daan na iba pa.
Pagsiklab ng coronavirus, 2019-20: Pitumpu't anim pang kaso ng coronavirus ang natiyak sa Italya na nagdulot sa pagtaas ng bilang sa 155 na kabuuang kaso sa bansa. Sa Timog Korea naman, may 169 katao ang nahawaan ng coronavirus sa bansa, na itinaas ang kabuuan sa 602. Nagsara naman ang Turkey at Pakistan ang kanilang mga hangganan sa Iran dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus sa Iran. Samantala, umakayat na sa 59 ang mga Pilipino ang nagkaroon ng COVID-19 sa barkong panliliwaliw o cruise ship sang-ayon sa Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas.
Lehislatibong halalan sa Comoros ng 2020: Nagaganap ang ikalawang yugto ng pinakabagong halalan sa Comoros. Kasalukuyang binoboykot ng oposisyong pampolitika ang halalan.
... na patuloy na tumatanggi ang pamahalaan ng India na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras na ngayo'y nasa isang Pamantayang Oras ng India?
... na unang nagkaroon ng problema si Aman Dangat sa mga awtoridad ng Espanya noong mga panahon na inilipat ang mga tagabaryo ng Sabtang at Vuhus sa San Vicente at San Felix sa bayan ng Ivana noong 1785 sa panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
... na binago ang pangalan ng kabisera ng Kazakhstan sa Nur-Sultan mula sa dating Astana noong Marso 2019?