Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Flag of India.svg

Ang Republika ng Indiya o Republika ng India (internasyonal: Republic of India) ay isang bansang matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo. Ang mga karatig-bansa ng India ay ang: Tsina, Pakistan, Bhutan, Myanmar, Nepal, at Bangladesh. Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), Bagong Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai (dating Madras). Ang India ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya na napapaligiran ng mga bansang Bhutan at Nepal sa hilaga, Bangladesh at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog, at Pakistan sa kanluran. Ito'y may lawak na 3,185,018.83km/ 5124695.29747milya. Ito'y napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng Himalayas at sa Talampas ng Tibet. Sa kasalukuyan, ang pangulo ng Indiya ay si Pratibha Patil, na unang nagsilbi noong 25 Hulyo 2007. Siya ang unang babae na naging pangulo ng Indiya. Ang tirahan o palasyo ng pangulo ay ang Rasthrapati Bhavan. Ang Indiya ay itinuturing na Pinakamalaking Demokrasya sa Daigdig dahil may sistemang parliyamentarya-demokrasya ang gobyerno nito at ang populasyon nito ay tinatayang may 1,147,995,904 na katao (2008), ang ikalawang bansa na may pinakamaraming tao. Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), New Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai (dating Madras). Isinilang sia Indiya ang pananampalatayang Hinduismo.

Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

Esa-hubble-k2-18a impression (cropped).jpg
  • Dalawang dalisayan ng petrolyo ng Saudi Aramco, isa sa Abqaiq at ang isa naman sa Khurais, Saudi Arabia, ay inatake ng mga drone, na nagdulot ng mga napakalaking sunog. Kontrolado ang mga sunog, sang-ayon sa Ministeryo ng Interyor ng Saudi Arabia. Inako ng mga militanteng Houti ang responsibilidad, at sinabing gumamit sila ng 10 drone sa pag-atake.
  • Sa Plasa ni San Pedro, ginunita ni Papa Francisco ang mga natatanging bahagi ng kanyang pagdalaw sa Mozambique, Madagascar at Mauritius noong Septyembre 4-10.
  • Inulat ng mga siyentipiko mula sa Denmark at Reino Unido na natukoy nila ang henetikong impormasyon mula sa isang enamel ng ngipin ng 1.7 milyong gulang na Stephanorhinus sa Dmanisi, Georgia, na naging ang pinakamatandang henetikong datos na natala.
  • Natuklasang may singaw ng tubig sa planetang ekstrasolar na K2-18b (nakalarawan ang isang impresyon ng isang tagaguhit) na matatagpuan sa layo na mga 111 taong-liwanag mula sa Daigdig. Ito ang unang pagkakataon na nakumpirma na may tubig sa isang planetang ekstrasolar sa loob ng natitirhang sonang circumstellar ng isang bituin
  • Isang pag-atakeng denial-of-service ang ginawa sa Wikipedia, na nagdulot sa mga tagagamit na hindi makapasok sa ensiklopedya sa Europa at ilang bahagi ng Gitnang Silangan. Sinisi ng Pundasyong Wikimedia ang isang "napakalaki at malawak" na atakeng distributed denial of service.
  • Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Chandra 04.jpg
    • ... na binago ang pangalan ng kabisera ng Kazakhstan sa Nur-Sultan mula sa dating Astana noong Marso 2019?
    • ... na ang Palitan ng Smart Connect ng North Luzon Expressway ay ang pinakamalaking palitan o interchange sa Pilipinas batay sa lawak ng lupa?
    • ... na ang Ika-10 Abenida, Caloocan pati na ang distrito ng Grace Park, Caloocan ay dating isang palapagan o airfield bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    • ... na ang makasaysayang lungsod ng Samarqand, Uzbekistan ay idinagdag ng UNESCO sa talaan nito ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook noong 2001 bilang Samarkand – Crossroads of Cultures?
    • ... na si Chandra Bahadur Dangi (nakalarawan) ay ang pinakamaigsing tao na namatay noong 2015?
    • ... na si Sultan Kösen ay ang pinakamatangkad na nabubuhay na tao sa mundo?

    Oktubre 9

    Che Guevara

    Mga huling araw: Oktubre 8Oktubre 7Oktubre 6

    Ngayon ay Oktubre 9, 2019 (UTC) – Sariwain ang pahina
    Estonyano
    (Eesti)
    Azerbaijani
    (Azərbaycanca)
    Galisyano
    (Galego)
    Ingles (payak)
    (English (simple))
    Noruwego
    (nynorsk)
    (Norsk (nynorsk))
    Latin
    (Latina)
    Taylandes
    (ไทย)
    Griyego
    (Ελληνικά)
    Newar / Nepal Bhasa
    (नेपाल भाषा)
    Arumano
    (Armãneashce)
    Occitan
    (Occittan)
    Serbo-Kroato
    (Srpskohrvatski / Српскохрватски)
    Heorhiyano
    (ქართული)
    Masedonyo
    (Македонски)
    Tagalog
    (Wikang Tagalog)
    Haytian
    (Krèyol ayisyen)
    Piedmontese
    (Piemontèis)
    Telugu
    (తెలుగు)