Ang aming kumpanya
Nagtutulungan ang mga talentado naming empleyado mula sa iba't ibang background sa mahigit 35 tanggapan sa buong mundo.
Ang aming pamunuan
Si Parag ang technology lead na may hawak sa pagpaplanong teknikal ng Twitter at siya ang tumututok sa machine learning at AI ng aming mga consumer, revenue, at science team. Pagkasali niya sa Twitter noong 2011, pinangunahan ni Parag ang mga gawain sa pagpapalawak sa mga system ng Twitter Ads, at pati na rin ang muling pagpapabilis sa pagdami ng user sa pamamagitan ng pagpapahusay sa kaugnayan ng timeline sa Home.
Bago sumali sa Twitter, nagsaliksik si Parag tungkol sa malawakang pamamahala ng data katuwang ang mga collaborator sa Microsoft Research, Yahoo! Research, at AT&T Labs.
Nakapagtapos siya ng bachelor’s degree mula sa IIT Bombay at Ph.D in computer science mula sa Stanford University.
Si Leslie Berland ang people and marketing lead na may hawak sa global consumer, product, at sales marketing and communications ng Twitter. Bilang head ng people, pinamumunuan ni Leslie ang mga team ng human resources, recruitment, at learning and organizational development ng Twitter.
Bago sumali sa kumpanya noong 2016, siya ay naging executive vice president, global advertising, marketing and digital partnerships sa American Express. Noong sumali si Leslie sa American Express noong 2005, nakapamuno siya ng isang pandaigdigang team na responsable sa pagbuo ng demand sa market at sa pagsulong ng komersyo sa pamamagitan ng iba't ibang produkto, marketing, at karanasan ng customer sa buong mundo. Bilang bahagi ng global management team ng kumpanya, tinutukan ni Leslie ang advertising, media, mga sponsorship, content, pagkakakilanlan ng brand, at mga digital na pakikipagsosyo. Sa unang bahagi ng kanyang career, namuno si Leslie sa mga istratehiya sa PR at mga online na pakikipag-ugnayan para sa mga brand sa buong mundo sa panig ng agency.
Nagtapos ng B.S. si Leslie sa College of Communications ng Boston University.
Si Kayvon Beykpour ang namumuno sa product team ng Twitter at hawak niya ang pagpaplano at pag-develop ng produkto. Dati niyang hawak ang pagsasama ng mga live na video na produkto ng Twitter para ma-optimize ang video para sa bawat customer sa pinakamahusay na paraan at makagawa ng isang world-class na karanasan sa produkto.
Isa si Kayvon sa mga co-founder ng Periscope, isang live na platform para sa video kung saan makakagawa, makakapanood, makakatuklas, at makakapagbahagi ng live na video ang mga tao, at na-acquire ito ng Twitter noong 2015. Bago ang Periscope, kasama siya sa mga nagtatag ng Terriblyclever Design LLC, isang kumpanya ng software na ibinenta sa Blackboard Inc. Pagkatapos ng acquisition, pinamunuan ni Kayvon ang mobile division ng Blackboard sa loob ng apat na taon kung saan napalago niya ang kanyang team mula lima hanggang sa mahigit sa 100 empleyado, at tinulungan niya ang kumpanya na maging isa sa mga may pinaka-in demand na mga app sa industriya ng pagtuturo.
Nag-aral si Kayvon sa Stanford at nakapagtapos siya ng computer science.
Si Matt ang namumuno sa mga operasyon ng Twitter na nakadirekta sa mga customer, at tinututukan niya ang mga organisasyon ng kumpanyang nagpapasok ng kita mula sa ad, kabilang ang pandaigdigang sales sa advertising, mga pandaigdigang partnership sa content, mga operasyon kaugnay ng live na content at kita, at karanasan ng customer.
Bago sumali sa Twitter, humawak ng iba't ibang matataas na tungkulin si Matt sa Google. Nagtrabaho rin si Matt sa The Weather Channel companies, at siya ang namuno sa mga solusyon sa marketing para sa pinakamalalaki nilang team na nagpapasok ng kita.
Nakapagtapos si Matt ng B.A. in English mula sa Georgetown University at isa siyang inductee sa Advertising Hall of Achievement.
Isa si Jack Dorsey sa mga nagtatag ng Twitter Inc. noong 2006, at bumalik siya para maging chief executive officer noong Setyembre 2015. Isa rin si Jack sa founder ng Square, kung saan siya ang kasalukuyang CEO at chairman.
Si Bruce Falck ang revenue product lead, at tinututukan niya ang pagpaplano at pagpapatupad ng mga produktong pang-advertising para sa mga marketer sa Twitter. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, nakabuo si Bruce Falck ng isang malalim na pang-unawa sa monetization at digital advertising. Kamakailan siyang naging CEO ng Turn na ibinenta sa Singtel/Amobee. Bago sa Turn, COO muna siya sa BrightRoll, ang nangungunang platform para sa mga programmatic na video ad na ibinenta sa Yahoo. Walong taon din siya sa Google, kung saan naging katuwang siya sa pagbuo at paggabay sa mga negosyo sa pag-advertise na bilyun-bilyong dolyar ang halaga, kabilang ang Google Display Network, DoubleClick Bid Manager (DBM), at Advertising Exchange ng Google.
Nakapagtapos si Bruce ng computer science sa Stellenbosch University sa South Africa.
Si Vijaya Gadde (VIJ-ee-yah GAD-ee) ang legal, public policy, at trust and safety lead ng Twitter. Dati siyang legal director sa Twitter, kung saan pinamahalaan niya ang mga internasyonal at pangkumpanyang legal team. Bago sumali sa Twitter noong 2011, si Vijaya ay senior director, legal sa Juniper Networks; bago pa noon, isa siyang associate sa Wilson Sonsini Goodrich & Rosati sa loob ng halos isang dekada. Habang nasa WSGR, naging counsel si Vijaya sa Proxy Working Group at Commission on Corporate Governance ng New York Stock Exchange.
Nakapagtapos si Vijaya ng J.D. sa New York University School of Law at B.S. in industrial and labor relations sa Cornell University.
Si Michael Montano ang namumuno sa pandaigdigang engineering team ng Twitter. Bago sumali sa Twitter, isa siya sa mga naging founder ng BackType na nakatuon sa pagsasaayos ng mga online na usapan at tumutulong sa mga taong sundan kung ano ang pinag-uusapan. Nilikha ng kumpanya at ginawa nilang open source ang Apache Storm project, isang distributed at realtime na computation system. Na-acquire ng Twitter ang BackType noong 2011. Simula noong sumali si Michael sa Twitter, marami na siyang napamunuang team sa platform, sa mga produkto para sa advertiser at consumer.
Lumaki si Michael sa Canada at nag-aral siya ng Electrical and Computer Engineering sa University of Toronto.
Si Ned Segal ang chief financial officer ng Twitter na tumututok sa accounting, business development, corporate development, corporate security, financial planning at analysis, investor relations, internal audit, real estate at workplace, at tax at treasury para sa Twitter. Bago sumali sa Twitter, naging senior vice president si Ned ng finance para sa Small Business Group ng Intuit. Naging chief financial officer din siya ng RPX, ang nangunguna pagdating sa mga patent risk management solution sa mga kumpanya ng teknolohiya sa buong mundo, at tumagal siya nang 17 taon sa Goldman Sachs, at naging managing director, head of global software investment banking doon bago umalis. Nakatira si Ned sa San Francisco kasama ang kanyang asawa at tatlong anak.
Para sabay na mapagtuunan ang paglago habang nagme-maintain ng isang bukas na platform, kailangan ng isang mahusay na executive team na handang humarap sa hamon. Nangangailangan din ito ng isang board ng mga director na nagsusulong ng ating misyon habang pinoprotektahan ang mga pampinansyal nating layunin. Sa Twitter, maswerte kami na nasa amin ang lahat ng iyon.
- Read Previous
- Read Next
Gumawa ng mga bagay na mahalaga