Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
ChessSet.jpg

Ang ahedres ay isang nakalilibang at labanang laro para sa dalawang manlalaro. Kung minsang tinatawag na kanluraning ahedres o pandaigdigang ahedres upang maipagkaiba ito mula sa mga naunang uri o ibang kahalintulad ng larong ahedres. Lumitaw ang pangkasalukuyang porma ng laro mula sa Katimugang Europa noong pangalawang-kalahati ng ika-15 siglo matapos na mahubog mula sa katulad at may matandang mga laro na may simulain sa India. Sa ngayon, isa sa mga pinakabantog na mga laro ang ahedres, na nilalaro ng milyun-milyong ng mga tao sa buong mundo sa mga kapisanang pang-ahedres, sa internet, sa pamamagitan ng pamamaraang tugunan o pakikipagkalatasan, sa mga torneo at sa mga hindi pormal o hindi opisyal na pagkakataon o pasumala lamang. May mga aspeto ng sining at agham na makikita sa kabuuan ng ahedres at teoriya. Ipinamamahagi rin ang ahedres bilang isang daang nagpapainam sa kakayahan ng diwa. Nilalaro ang laro sa ibabaw ng isang parisukat na tablang may 64 na maliliit pang parisukat na may dalawang magkaibang kalimliman ng kulay. Sa simula, bawat manlalaro (puti at itim) ang nagmamando sa labinganim na mga piyesa ng ahedres: isang hari, isang reyna, dalawang tore, dalawang obispo, dalawang kabalyero, at walong mga kawal (Ingles: pawn). Layunin ng laro ang mabitag (Ingles: checkmate) ang kalabang hari, kung saan ang hari ay agad na napailalim sa isang paglusob at wala nang ibang paraan upang alisin ito sa pagkakasilo sa susunod na galaw.

Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

20190702 Totality LaSerena Chile.jpg
  • Isang buong eklipse ng araw (nakalarawan) ang nakita mula sa ilang bahagi ng Chile at Arhentina, at sa malawak na kahabaan ng katimugang Pasipiko.
  • Higit sa 200 ang nalason sa pagkain sa mga dumalo sa pagdiriwang ng ika-90 kaarawan ng dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos sa Lungsod ng Pasig, Pilipinas.
  • Pagkatapos ng halos dalawang linggong nasa coma, namatay ang artistang si Eddie Garcia sa gulang na 90.
  • Dumating ang Pangulo ng Tsina na si Xi Jinping sa Hilagang Korea para dalawang-araw na pagdalong estado kay Kim Jong-un.
  • Mga protesta kontra sa batas ng ekstradisyon sa Hong Kong noong 2019: Ang nakatakdang mapayapang malawakang protesta, sa kabila ng pagsuspinde ng batas kahapon, ng halos 2 milyong katao ang nagtipon sa Liwasan ng Victoria na hinihingi ang iurong ang lehislasyon. Kung ikukumpirma ang bilang ng mga nag-organisa, ito ang pinakamalaking protesta kailanman. Humingi ng paumanhin ang pinuno ng Hong Kong na si Carrie Lam sa pagmungkahi sa batas. Sabi ng pulis ang bilang na mga nagprotesta ay 338,000 sa tugatog nito.
  • Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Chandra 04.jpg
    • ... na ang Palitan ng Smart Connect ng North Luzon Expressway ay ang pinakamalaking palitan o interchange sa Pilipinas batay sa lawak ng lupa?
    • ... na ang lungsod ng Lubumbashi sa Demokratikong Republika ng Congo ay ang pagmiminang kabisera ng bansa?
    • ... na ang Ika-10 Abenida, Caloocan pati na ang distrito ng Grace Park, Caloocan ay dating isang palapagan o airfield bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    • ... na ang makasaysayang lungsod ng Samarqand, Uzbekistan ay idinagdag ng UNESCO sa talaan nito ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook noong 2001 bilang Samarkand – Crossroads of Cultures?
    • ... na si Chandra Bahadur Dangi (nakalarawan) ay ang pinakamaigsing tao na namatay noong 2015?
    • ... na si Sultan Kösen ay ang pinakamatangkad na nabubuhay na tao sa mundo?

    Hulyo 7

    Katipunan


    Mga huling araw: Hulyo 6Hulyo 5Hulyo 4

    Ngayon ay Hulyo 7, 2019 (UTC) – Sariwain ang pahina
    Estonyano
    (Eesti)
    Azerbaijani
    (Azərbaycanca)
    Galisyano
    (Galego)
    Ingles (payak)
    (English (simple))
    Noruwego
    (nynorsk)
    (Norsk (nynorsk))
    Latin
    (Latina)
    Taylandes
    (ไทย)
    Griyego
    (Ελληνικά)
    Newar / Nepal Bhasa
    (नेपाल भाषा)
    Arumano
    (Armãneashce)
    Occitan
    (Occittan)
    Serbo-Kroato
    (Srpskohrvatski / Српскохрватски)
    Heorhiyano
    (ქართული)
    Masedonyo
    (Македонски)
    Tagalog
    (Wikang Tagalog)
    Haytian
    (Krèyol ayisyen)
    Piedmontese
    (Piemontèis)
    Telugu
    (తెలుగు)