Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
King Jigme Khesar Namgyel Wangchuck (edit).jpg

Si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck (Dzongkha: Jigme khesar namgyel wangchuck name.svg, ipinanganak noong 21 Pebrero 1980) ay ang ikalimang Haring Dragon ng Bhutan at puno ng dinastiyang Wangchuck. Siya ay kasalukuyang pinakabatang monarka at puno ng estado. Si Khesar ay panganay ng ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan, Jigme Singye Wangchuck, at ang ikatlong asawa ng kanyang ama, Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Siya ay may mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Siya ay wala pang asawa. Kaugnay ng pamilya, si Khesar ang panganay ng ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan na si Jigme Singye Wangchuck, at ang ikatlong asawa ng kanyang ama, Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Siya ay may mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Siya ay wala pang asawa. Noong Disyembre 2005, ipinahayag ni Haring Jigme Singye Wangchuck ang kanyang intensiyon sa pagbababa sa trono alang-alang sa kanyang anak bilang bigaylugod, at sinisimula niyang ipasa nang kagyat ang mga tungkulin sa kanya. Siya ay opisyal na pinutungan ng korona noong 6 Nobyembre 2008, sa buwan ng lalaking Daga (tahaklaw o lupang daga), sa maharlikang palasyo sa Timpu. Ang marangyang koronasyon ay binubuo ng sinauna at makulay na rituwal, dinaluhan ng mga libong dayuhang dignitaryo.

Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

ZuzanaCaputovaPokracujeVKampani-Orez-IMG 0394-SF.jpg
  • Iniutos ng Korte Suprema ng Pilipinas na ilabas ang mga dokumento na may kaugnayan sa kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulo Rodrigo Duterte.
  • Sinara ng Google ang social network na Google+ pagkatapos ng pitong taon dahil sa mababang pakikipag-ugnayan ng mga tagagamit at mga depekto sa disenyo na nagdulot sa malaking data breach o pagkawala ng datos noong 2018.
  • Nagbitiw ang 82-taong-gulang na Pangulo ng Algeria na si Abdelaziz Bouteflika sa kabila ng kagipitan mula sa publiko at militar. Pinamunuan niya ang bansa simula pa noong 1999..
  • Naihayag na Reiwa (令和) ang bagong pangalang Kapanahunang Hapon na magsisimula sa Mayo 1 sa sandali ng pag-akyat sa Trono ng Crysanthemum ni Tagapagmanang Prinsipe Naruhito bilang ika-126 na Emperador ng Hapon.
  • Nanalo sa ikalawang bahagi ng halalang pampangulo ng Slovakia ang kontra-korupsyon na kandidato na si Zuzana Čaputová (nakalarawan) ng partido Progresibo ng Slovakia na tinalo ang kasalukuyang namamahalang partidong kandidato na si Maroš Šefčovič, sa 58 bahagdan laban sa 42%. Siya ang magiging unang babaeng pinuno ng estado ng bansa.
  • Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Chandra 04.jpg
    • ... na sa lungsod ng Magadan sa dulong-silangang Rusya, isandaang araw lamang ang panahon ng pagtubo ng mga halaman doon dahil sa maginaw na klima?
    • ... na si Chandra Bahadur Dangi (nakalarawan) ay ang pinakamaigsing tao na namatay noong 2015?
    • ... na si Sultan Kösen ay ang pinakamatangkad na nabubuhay na tao sa mundo?
    • ... na ang Golpo ng Leyte ay isang mayamang pinagkukunan ng alimango noong 1985?
    • ... na ang Lansangang N402 ng Philippine highway network ay binubuo ng mga daan sa Kabite na dumadaan sa mga bayan ng Tanza, Naic, Indang at Mendez at lungsod ng Tagaytay?
    • ... na ang pintang The Hands Resist Him ay nakilala noong 2000 bilang "nagmumultong pinta ng eBay"?

    Abril 3

    Mga huling araw: Marso 31Abril 1Abril 2

    Ngayon ay Abril 3, 2019 (UTC) – Sariwain ang pahina
    Estonyano
    (Eesti)
    Azerbaijani
    (Azərbaycanca)
    Galisyano
    (Galego)
    Ingles (payak)
    (English (simple))
    Noruwego
    (nynorsk)
    (Norsk (nynorsk))
    Latin
    (Latina)
    Taylandes
    (ไทย)
    Griyego
    (Ελληνικά)
    Newar / Nepal Bhasa
    (नेपाल भाषा)
    Arumano
    (Armãneashce)
    Occitan
    (Occittan)
    Serbo-Kroato
    (Srpskohrvatski / Српскохрватски)
    Heorhiyano
    (ქართული)
    Masedonyo
    (Македонски)
    Tagalog
    (Wikang Tagalog)
    Haytian
    (Krèyol ayisyen)
    Piedmontese
    (Piemontèis)
    Telugu
    (తెలుగు)