Mga Mapagkukunan ng Brand

Nasa ibaba ang mga bumubuo sa aming brand. Bagama't narito ang page na ito upang tulungan kang makapagsimula, kailangang aprubahan ng YouTube ang lahat ng paggamit.

Magsagot ng Form ng Kahilingan sa Paggamit ng Brand

Paggamit sa Logo ng YouTube

Safe Space

Ang YouTube Logo ay laging nangangailangan ng safe space na walang imagery at text na nakapaligid dito. Gamitin ang kalahati ng lapad ng Icon upang matukoy ang minimum na laki ng safe space na dapat nakapaligid sa Logo.

Kung may lumalabas na copy sa ibaba ng Logo, dapat mong sukatin ang safe space mula sa ibaba ng Logo hanggang sa x-height ng text.

YouTube logo, full color, sa maliwanag na background

Minimum na laki

Ang salitang "YouTube" ay dapat laging madaling basahin. Kaya sa digital content, hindi dapat lumabas na mas maliit ang Logo sa 24dp na taas.

Ang minimum na laki para sa pag-apply ng Logo sa print ay 0.125 in/3.1 mm na taas.

YouTube logo, full color, sa maliwanag na background

Minimum na taas sa digital: 24dp

YouTube logo, full color, sa maliwanag na background

Minimum na taas sa print: 0.125in o 3.1mm

Ang hindi dapat gawin sa Logo

Ang YouTube Logo ay isang symbol na kilala ng mga tao kaya hindi ito kailanman dapat baguhin.

Narito ang ilang halimbawa ng hindi dapat gawin sa YouTube Logo.

Huwag Gawin

  • Baguhin ang espasyo sa pagitan ng icon at ng salitang "YouTube" o ng mga titik nito
  • Gumamit ng anumang kulay maliban sa pula, halos itim, o puti
  • Pumili ng ibang typeface para sa "YouTube"
  • Magdagdag ng visual effects gaya ng drop shadow
  • Baguhin o palitan ang salitang "YouTube" sa anumang paraan
  • Baguhin ang hugis ng Logo
  • Gamitin ang Logo sa phrase o sentence
Mga karaniwang pagkakamali kapag gumagamit ng mga logo ng YouTube

Paggamit sa Logo sa mga solid na background

Makikita sa mga halimbawang ito ang mga tamang pag-apply ng kulay sa YouTube Logo sa iba't ibang solid background. Dapat ay gamitin ang halos itim na Logo sa background na mas maliwanag kaysa sa 40% gray. Dapat ay gamitin ang puting full-color Logo sa background na mas madilim kaysa sa 50% gray.

YouTube logo sa solid backgrounds

Full-color Logo

May dalawang bersyon ng full-color Logo, halos itim at puti – pero ang tatsulok sa Icon ay dapat laging puti.

Gamitin ang halos itim na full-color Logo sa maliwanag na background. Gamitin ang puting full-color Logo sa madilim na background.

Full-color YouTube Logo sa full-color backgrounds

Monochrome Logo

Kung mahirap makita ang full-color Logo dahil sa kulay ng background, dapat mong gamitin ang monochrome Logo.

Ang halos itim (#282828) na monochrome Logo ay may puting tatsulok sa Icon. Dapat itong gamitin sa light multi-colored images.

Ang puting (#FFFFFF) monochrome Logo ay may no-fill triangle. Dapat itong gamitin sa dark multi-colored images.

Ang logo ng YouTube sa isang gray gradient na background

Paggamit sa Icon ng YouTube

Aming Icon

Ang aming Icon ay flexible mark na nagsisilbing call-to-action at mas maliit na bersyon ng aming Logo. Kung wala kang sapat na lugar para magamit ang Logo sa 24dp nang may tamang laki ng safe space, gamitin mo na lang ang YouTube Icon.

YouTube icon, full-color

Safe space

Tulad ng Logo, kailangan din ng aming Icon ng blangkong espasyo sa paligid nito. Upang malaman ang tamang safe space, gamitin lang ang kalahati ng lapad ng Icon.

Logo ng YouTube, maliwanag, puti sa isang madilim na background

Minimum na laki

Ang Icon ay dapat may sapat na laki para makita nang malinaw. Kaya sa digital content, hindi kailanman ito dapat lumabas na mas maliit sa 24dp na taas.

Ang minimum na laki para sa pag-apply ng Icon sa print ay 0.125 in/3.1 mm na taas.

YouTube icon, full color, sa maliwanag na backround

Minimum na taas sa digital: 24dp

YouTube icon, full color, sa maliwanag na backround

Minimum na taas sa print: 0.125in o 3.1mm

Ang hindi dapat gawin sa Icon

Hindi kailanman dapat baguhin ang YouTube Icon.

Narito ang ilang halimbawa ng hindi dapat gawin sa Icon.

Huwag Gawin

  • I-stretch ang hugis ng Icon nang pahalang o patayo
  • Baguhin ang mga anggulo o laki ng tatsulok
  • Gumamit ng mga kulay maliban sa pula, halos itim, o puti
  • I-rotate ang Icon
  • Magdagdag ng anumang special effect
  • Magdagdag ng pattern o image sa Icon
  • Palitan ng ibang hugis o icon ang tatsulok
  • Palitan ng mga salita ang tatsulok
  • Pumili ng bagong hugis para sa parihaba
Mga karaniwang pagkakamali kapag gumagamit ng mga icon ng YouTube

Paggamit sa Icon sa social media

Maaari lang gamitin ang YouTube Icon sa social media assets kapag nagli-link ito sa YouTube channel.

Mahalaga: Ang tanging pagkakataon na magagawang link ang isang Logo o Icon ay kapag isang channel sa YouTube ang destination URL.

Ang Icon ng YouTube sa konteksto ng bar sa pagbabahagi ng social media

Isang icon ng social media ng YouTube na nasa konteksto

Mga kulay ng YouTube

Ang anumang paggamit ng mga elemento ng brand ng YouTube ay nangangailangan ng espesyal na pag-apruba at dapat isumite sa wikang English sa pamamagitan ng Form ng Kahilingan sa Paggamit ng Brand para sa pagsusuri. Para sa mga kahilingang hindi sa wikang English, makipag-ugnayan sa iyong kinatawan sa YouTube Partnerships. Nakalaan sa YouTube ang karapatang tumutol sa anumang hindi naaangkop na paggamit sa mga trademark nito at gamitin ang mga karapatan nito anumang oras.

Magsagot ng Form ng Kahilingan sa Paggamit ng Brand

Mga Kasosyo at Advertiser

Gusto mong i-promote ang iyong channel o content sa YouTube at gusto naming tumulong. Maaari mong gamitin ang pangalan, Logo, at Icon ng YouTube hangga't nakakasunod ka sa mga alituntunin sa paggamit ng Logo at Icon, pati na rin sa mga makikita sa ibaba.

Gawin

  • Ipaapruba sa YouTube ang bawat paggamit ng anumang elemento ng brand ng YouTube
  • Sundin ang lahat ng alituntunin para sa brand ng YouTube
  • Iwasan ang paulit-ulit na paggamit ng YouTube Logo sa channel art
  • Tiyaking up to date ang mga ginagamit na Logo
  • Gamitin ang YouTube Icon sa social Icon lineup
  • Gamitin ang karaniwang Logo para i-promote ang iyong channel o content kapag nagli-link o nagda-drive ng traffic sa channel mo

Huwag Gawin

  • Gumamit ng Logos o brand elements para mag-drive ng sites sa labas ng YouTube
  • Baguhin ang mga Logo, Icon, o iba pang tatak sa anumang paraan, kasama ang ngunit hindi limitado sa pagbago ng mga proporsyon, posisyon, pag-stretch, pag-condense, pagpapalit ng kulay o mga typeface, pag-flip o pag-rotate, o pagdaragdag ng effects
  • Ilagay ang full-color Logo sa pula (dahil hindi ito makikita)
  • Bahagyang takpan ang Logo o Icon
  • Maglagay ng image sa loob ng Logo o Icon

Narito ang ilang halimbawa ng maayos at hindi maayos na paggamit ng branding sa YouTube:

Kapag ginagamit ang YouTube nang inline sa ibang social media icons, pinakamainam na gamitin ang YouTube icon sa halip na YouTube Logo.

Gawin
Huwag Gawin

Tamang Logo at Icon ng YouTube

Paki-double check upang matiyak na ginagamit mo ang tama at updated na Logo ng YouTube at hindi isang hindi opisyal o lumang Logo (maraming ganoon). Mada-download ang mga pinakabagong Logo .

Gawin
Huwag Gawin

Hindi dapat ilagay sa pulang background ang karaniwang Logo dahil hindi ito makikita. Pinakamainam na ilagay ang puting monochrome Logo sa pula.

Gawin
Huwag Gawin

Hindi dapat gamitin ang full-color Logo sa channel art dahil kalabisan ito sa ipinapakitang YouTube Logo sa website.

Gawin
Huwag Gawin

Mga pag-apruba ng third party

  • May pananagutan kang makakuha ng mga pag-apruba ng third-party mula sa mga nauugnay na may-ari ng content para sa anumang content na ina-upload mo sa YouTube na hindi mo pagmamay-ari.
  • Mayroon ka dapat naaangkop na pag-apruba ng third-party mula sa mga nauugnay na may-ari ng content kung magpapakita ka ng anumang content sa pampromosyong materyal.
  • Hindi nakikipagnegosasyon ang YouTube tungkol sa mga pahintulot sa ngalan ng aming mga kasosyo. Dapat kang direktang makipag-ugnayan sa may-ari ng larawan o video upang makuha ang mga naaangkop na pahintulot.
  • Sa pamamagitan ng pag-upload sa YouTube, ginagarantiya mo na mayroon ka ng mga kinakailangang karapatan upang i-upload ang iyong video. Nakalaan sa YouTube ang karapatang alisin ang anumang content sa site na maaaring lumabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit o Mga Alituntunin ng KomunidadC nito.

Paggamit sa salitang "YouTuber"

Mga alituntunin para sa mga creator

  • Natutuwa kami na napakaraming creator ang gustong tawagin ang kanilang mga sarili na mga YouTuber. Ang hinihiling lang namin ay gamitin lang ang “YouTuber” o “Tuber” kapag nag-uusap tungkol sa isang taong gumagawa at nag-a-upload ng orihinal na content na video o musika sa YouTube.
  • Gusto rin naming panatilihing casual ang "YouTuber\." Sa ganoong paraan, magagamit ito ng lahat. Kaya huwag gamitin ang “YouTuber” o “Tuber” sa mga opisyal na pangalan ng mga bagay tulad ng mga serye ng video, aklat, at programa, o magparehistro ng mga domain, pangalan ng channel, o trademark na naglalaman ng mga ganoong salita. Makakatulong ito sa amin na protektahan ang trademark ng YouTube para sa buong community ng creator.

Mga alituntunin para sa mga advertiser

  • Dapat lang gamitin ang “YouTuber” kapag tumutukoy sa isang taong gumagawa at nag-a-upload ng orihinal na video o content na musika sa YouTube. Hindi ok na tawaging "Mga YouTuber\” ang mga taong nag-a-upload lang ng content sa iba pang platform ng video.
  • Upang makatiyak kami na gagamitin lang ang "YouTuber" sa casual na paraan, hinihiling namin sa mga third party na huwag gamitin ang “YouTuber” sa mga opisyal na pangalan ng mga bagay tulad ng mga serye ng video, aklat, at programa, o subukang magparehistro ng mga domain, pangalan ng channel, o trademark na naglalaman ng mga ganoong salita. Makakatulong itong protektahan ang trademark ng YouTube para sa amin at para sa komunidad.
  • Bagama't magagamit ng mga creator sa YouTube ang “Tuber” sa hindi pormal na paraan, hindi ito dapat kailanman gamitin ng mga advertiser.

Ang anumang paggamit ng mga elemento ng brand ng YouTube ay nangangailangan ng espesyal na pag-apruba at dapat isumite sa wikang English sa pamamagitan ng Form ng Kahilingan sa Paggamit ng Brand para sa pagsusuri. Para sa mga kahilingang hindi sa wikang English, makipag-ugnayan sa iyong kinatawan sa YouTube Partnerships. Nakalaan sa YouTube ang karapatang tumutol sa anumang hindi naaangkop na paggamit sa mga trademark nito at gamitin ang mga karapatan nito anumang oras.

Magsagot ng Form ng Kahilingan sa Paggamit ng Brand

Entertainment at Media

Upang ipakita ang brand ng YouTube sa anumang media (mga video, palabas sa TV, pelikula, pahayagan, atbp), pakibasa ang mga alituntuning ito.

Pag-apruba sa paggamit ng brand

Kung ikaw ay nasa industriya ng entertainment at media, dapat aprubahan ng YouTube ang lahat ng placement ng produkto na nagpapakita ng anumang Logo, Icon, elemento ng UI (hal. mga button, page, screenshot sa mobile, atbp.) ng YouTube sa anumang media (hal. TV, mga music video, mga pelikula, mga aklat, atbp.). Sumunod sa usage guidelines ng Logo at pati na rin sa mga makikita sa ibaba, pagkatapos ay isumite ang iyong kahilingang nakasulat sa English sa pamamagitan ng Request Form sa Brand Use. Kung ang placement ng produkto ay makikita ng malaking audience, maaaring kailanganin mong lagyan ng signature ang mga form sa pag-release ng Google Inc.

Mahalaga: Kung bahagi ka ng press, hindi mo kailangang magsumite ng kahilingan para sa pagsusuri sa pamamagitan ng Form ng Kahilingan sa Paggamit ng Brand. Pakibasa ang . Pagkatapos nito, malaya mong mada-download ang Logo o Icon ng YouTube upang magamit.

Punan ang isang Form ng Mga Pahintulot ng Google

Bago isumite ang iyong kahilingan sa mga placement ng produkto, pakitiyak ang sumusunod

  1. Ipinapakita ng placement ng produkto ang YouTube sa isang positibo o neutral na paraan.
  2. Ang anumang content ng video na partikular na binuo para sa placement ng produkto ay hindi lumalabag sa Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube at hindi lalabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng YouTube.
  3. Maaari kang magbigay ng sapat na konteksto para sa placement na isa-submit kasama ng iyong request. Dapat kang mag-submit ng PDF file kasama ang mocks ng YouTube Logo at/o YouTube interface sa konteksto, pati na rin ang relevant na script pages, overview ng production, pangalan ng production company, pangalan ng production, at anumang iba pang detalye gaya ng (mga) aktor, direktor, atbp. na tutulong sa aming maunawaan kung paano ire-represent ang YouTube sa production.

Mga pag-apruba ng third party

  • Hindi pagmamay-ari ng YouTube ang mga karapatan sa content ng third party sa site. Kung nagpapakita ang iyong placement ng produkto ng content ng isang user o ng isang kasosyo, may pananagutan kang linawin ang paggamit ng content sa (mga) may-ari ng content.
  • Hindi nakikipagnegosasyon ang YouTube tungkol sa mga pahintulot sa ngalan ng aming mga kasosyo. Dapat kang direktang makipag-ugnayan sa may-ari ng larawan o video upang makuha ang mga naaangkop na pahintulot.
  • Sa pamamagitan ng pag-upload sa YouTube, ginagarantiya mo na mayroon ka ng mga kinakailangang karapatan upang mag-upload. Nakalaan sa YouTube ang karapatang alisin ang anumang content sa site na maaaring lumabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit o Mga Alituntunin ng Komunidad nito.
  • Kapag mayroon ka na ng lahat ng iyong impormasyon at materyal, magsumite ng kahilingan sa paggamit ng brand sa wikang English para sa pagsusuri sa pamamagitan ng Form ng Kahilingan sa Paggamit ng Brand. Maglaan ng hanggang isang linggo para sa tugon. Para sa mga kahilingang wala sa wikang English, makipag-ugnayan sa iyong katumbas na YouTube Partnerships. Nakalaan sa YouTube ang karapatang tumutol sa anumang hindi naaangkop na paggamit sa mga trademark nito at ipatupad ang mga karapatan nito anumang oras.

Ang anumang paggamit ng mga elemento ng brand ng YouTube ay nangangailangan ng espesyal na pag-apruba at dapat isumite sa wikang English sa pamamagitan ng Form ng Kahilingan sa Paggamit ng Brand para sa pagsusuri. Para sa mga kahilingang hindi sa wikang English, makipag-ugnayan sa iyong kinatawan sa YouTube Partnerships. Nakalaan sa YouTube ang karapatang tumutol sa anumang hindi naaangkop na paggamit sa mga trademark nito at gamitin ang mga karapatan nito anumang oras.

Punan ang isang Form ng Mga Pahintulot ng Google

Mga developer ng API

Binibigyang-daan ka ng YouTube API na isama ang functionality ng YouTube sa iyong application o device. Bisitahin ang site sa ibaba upang maunawaan ang mga alituntunin at i-download ang mga asset na kailangan mo upang idagdag ang branding ng YouTube sa iyong application, device, o mga materyal sa marketing.

Bisitahin ang Mga Alituntunin sa Branding ng Mga Developer ng YouTube API

Mga kasosyo sa device

Upang makakuha ng pag-apruba para sa iyong paggamit ng brand ng YouTube, magsumite ng kahilingan sa wikang English sa pamamagitan ng Form ng Kahilingan sa Paggamit ng Brand para sa pagsusuri. Maglaan ng hanggang isang linggo para sa tugon. Nakalaan sa YouTube ang karapatang tumutol sa anumang hindi naaangkop na paggamit sa mga trademark nito at ipatupad ang mga karapatan nito anumang oras. Ang paggamit mo ng YouTube at ng brand ng YouTube sa iyong device ay nangangailangan ng hiwalay na nakasulat na kasunduan sa YouTube at napapailalim sa pagpasa ng device sa mga kinakailangan sa certification ng YouTube sa ilalim ng kasunduan.

Magsagot ng Form ng Kahilingan sa Paggamit ng Brand