Kapag gumamit ka ng aming mga serbisyo, ipinagkakatiwala mo sa amin ang iyong impormasyon. Gusto naming magsimula sa pamamagitan ng pagsasabi sa iyo kung ano ang ginagawa namin sa mga ito:
Nagbibigay-daan sa amin ang data na ibigay ang aming mga serbisyo gaya ng Search, Gmail at Maps.
Tinutulungan din kami ng data na magpakita ng mga nauugnay na ad, nang sa gayon ay gawin naming libre para sa lahat ang aming mga serbisyo.
Tandaan na hindi namin ibinebenta ang iyong personal na impormasyon.
At ikaw ang namamahala sa mga uri ng impormasyon na aming kinokolekta at ginagamit.
At panghuli, wala ng iba pang mas makakapagpanatili sa iyo at sa iyong impormasyon na ligtas at secure.
Makakakita ka rito ng mga sagot sa mga karaniwang tanong na naririnig namin tungkol sa privacy at seguridad..
Nakabatay ang mga pangunahing uri ng data na kinokolekta namin sa mga isinasagawa mong pagkilos sa paggamit ng aming mga serbisyo, gaya ng mga karaniwang detalye ng iyong account at mga bagay na ginagawa iyong ginagawa.
Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo - halimbawa, nagsagawa ng paghahanap sa Google, kumuha ng mga direksyon sa Google Maps o nanood ng video sa YouTube - nangongolekta kami ng karaniwang impormasyon upang paganahin ang mga serbisyong ito. Kapag nag-sign up ka para sa isang Google Account, itinatabi namin ang pangunahing impormasyon ng account na ibinibigay mo sa amin, tulad ng iyong pangalan, email at password. At iniimbak at pinoprotektahan namin kung ano ang ginagawa mo gamit ang aming mga serbisyo, upang madali mong makuha ang iyong mga email, larawan, video at dokumento kapag kailangan mo ang mga ito.
Binibigyan ka rin namin ng mga tool upang pamahalaan ang mga uri ng data na aming kinokolekta at ginagamit.
Matuto nang higit pa tungkol sa kung anong data ang kinokolekta ng Google
Una sa lahat, gumagamit kami ng data upang gawing mas mabilis, mas mahusay at higit na kapaki-pakinabang sa iyo ang aming mga serbisyo, gaya ng pagbibigay ng mas mahuhusay na resulta ng paghahanap at nasa oras na mga pag-update sa trapiko. Nakakatulong din sa amin ang data na sumuri ng mga pattern upang protektahan ka mula sa malware, phishing at iba pang kahina-hinalang aktibidad. Halimbawa, bibigyang-babala ka namin kapag sinubukan mong bumisita sa mga mapanganib na website. Gumagamit din kami ng data upang magpakita sa iyo ng mga ad na may kaugnayan at kapaki-pakinabang, at upang gawing libre ang aming mga serbisyo para sa lahat.
Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano gumagamit ang Google ng data
Hindi. Hindi namin ibinebenta ang iyong personal na impormasyon.
Gumagamit kami ng ilang impormasyon, tulad ng mga ginawa mong paghahanap at iyong lokasyon, upang gawing may kaugnayan at nakakatulong ang mga ad na ipinapakita namin. Ang mga ad ang nagbibigay kakayahan sa amin na gawing libre ang aming mga serbisyon tulad ng Search, Gmail, at Maps para sa lahat. Hindi kami nagbabahagi ng impormasyon sa mga advertiser sa paraan na personal kang makikilala, maliban na lang kung binigyan mo kami ng pahintulot. Gamit ang aming tool na Mga Setting ng Ad, maaari mong makontrol ang mga ad batay sa iyong mga interes at mga paghahanap na ginawa mo.
Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano nagpapakita ng mga ad ang Google
May mga tool kami na madaling gamitin na tutulong sa iyong makontrol ang paggana ng Google para sa iyo.
Sa Aking Account, makakakita ka ng mga tool upang pamahalaan ang iyong privacy at impormasyon sa iisang lugar.
Gamit ang aming mga kontrol sa data sa Mga Kontrol sa Aktibidad, mapapamahalaan mo ang mga uri ng data na kinokolekta namin, kabilang ang iyong aktibidad sa Search, YouTube at lokasyon.
Gamit ang aming tool na Mga Setting ng Mga Ad , makokontrol mo ang mga ad batay sa iyong mga interes at sa mga paghahanap na iyong isinagawa.
Kung hindi secure ang iyong impormasyon, hindi ito pribado. Kaya naman kapag ginamit mo ang mga serbisyo ng Google, pinoprotektahan ka ng isa sa mga pinaka-advanced na imprastraktura sa seguridad sa buong mundo.
Ang teknolohiyang Ligtas na Pagba-browse ng Google, na nagpoprotekta sa mahigit 1 bilyong tao, ay nagbibigay-babala sa iyo kapag sinubukan mong bumisita sa isang site na maaaring naglalaman ng malware o pagtatangka sa phishing.
Tinitiyak ng pag-encrypt na mas ligtas ang iyong impormasyon kapag naglakbay ito sa pagitan ng iyong device at ng Google.
Pinoprotektahan ka ng seguridad sa Gmail sa spam, phishing at malware nang mas mahusay kaysa sa anumang iba pang serbisyo sa email.
Matuto nang higit pa tungkol sa kung paano ka namin pinapanatiling ligtas online
Binuo ang lahat ng aming produkto nang may advanced na online na seguridad. Ang mga ito ang tatlong madadali ngunit mahahalagang bagay na magagawa mo upang mapanatiling ligtas ang iyong impormasyon.
Regular na Isagawa ang Checkup sa Seguridad upang makatulong na panatilihing ligtas at secure ang iyong Google Account. Magtatagal lang ito nang ilang minuto.
Gumawa ng matibay na password, pagkatapos ay huwag itong gamitin kailanman para sa anumang iba pang bagay bukod sa iyong Google Account.
Magdagdag ng numero ng telepono sa pag-recover sa mobile sa iyong account, upang makumpirma namin ang iyong pagkakakilanlan kung ma-lock out ka o kung sa palagay namin ay may ibang tao na sumusubok na makapasok dito.
Matuto nang higit pa tungkol sa kung ano ang magagawa mo upang manatiling ligtas online
Pumunta sa My Account upang maghanap ng mga tool para sa pamamahala sa iyong privacy at seguridad.