Secure na pagsa-sign in sa Google

Kung nagsa-sign in ka sa iyong Google Account mula sa isang device na ikaw lang ang gumagamit (halimbawa, isang personal na laptop), inirerekomenda namin na iwanang nakapili ang checkbox na "Manatiling naka-sign in." Tinitiyak nito na hindi ka palaging gagambalain upang muling ilagay ang iyong password at mas pinapadali ang iyong mga pag-sign in sa hinaharap gamit ang mga tagapili ng account.

Para sa mga nakabahaging device (halimbawa, computer sa isang Internet cafe), inirerekomenda pa rin naming iwan mong nakapili ang checkbox, ngunit narito ang aming mga rekomendasyon upang makatulong na matiyak na secure kang makakapag-sign in:

Mga device na ginagamit ng maraming tao
Mga Halimbawa: Mga computer sa mga library o mga internet cafe

Awtomatikong kini-clear ng mga pampublikong computer, kung napapanatili nang maayos, ang history ng paghahanap ng user at mga cookie. Kung hindi ka nakakatiyak, inirerekomenda namin na gamitin mo ang feature na pribadong pagba-browse ng browser. Kung hindi available ang pribadong pagba-browse, i-clear ang kasaysayan, cache, at cookies bago at pagkatapos mong gamitin ang device.

Mga device na ginagamit ng iilang tao
Mga Halimbawa: Computer na pampamilya

Kung plano mo lang na gamitin nang sandali ang device, gaya ng kapag bumibisita sa isang kaibigan o kamag-anak, iminumungkahi naming gamitin ang pribadong pagba-browse.

Kung plano mong gamitin nang madalas ang device (halimbawa, ito ay ang computer na pampamilya), iminumungkahi naming gumawa ng profile ng user sa operating system o sa browser upang mapanatili mong pribado ang iyong impormasyon mula sa iba pang mga user. Inirerekomenda namin na hayaan mong nakapili ang checkbox na "Manatiling naka-sign in" upang masamantala ang Tagapili ng Account at mga mahabang session. Matutunan kung paano magdagdag ng mga profile ng user sa isang Android device o sa Chrome.

Kung wala sa mga opsyon sa seguridad na ito ang available sa iyo, lubos naming iminumungkahi na huwag kang mag-sign in sa iyong Google Account. Kung magsa-sign in ka, inirerekomena namin na alisin sa pagkakapili ang checkbox na "Manatiling naka-sign in" sakaling makalimutan mong mag-sign out.