Bawiin ang isang claim ng paglabag sa copyright
Pagkatapos magsumite ng notification ng paglabag sa copyright, maaaring mabatid ng isang may-ari ng nilalaman na nagkamali siya sa pagtukoy ng nilalaman o maaaring magbago ang kanyang isip tungkol sa kanyang reklamo. Kapag nangyari ito, ikalulugod ng YouTube na kilalanin ang mga pagbawi ng mga claim sa copyright mula sa party na orihinal na nagsumite sa mga ito.
Kung nag-alis ka ng video:
Kung may-ari ka ng nilalaman at gusto mong bawiin ang isang notification ng paglabag sa copyright, mangyaring sundin ang mga tagubilin para sa paraan ng pag-aalis na iyong ginamit.
Kung nag-alis ka ng video dahil sa ipinaparatang na paglabag sa copyright, maaari mong bawiin ang iyong mga claim sa pahina ng Mga Pagbawi. Mayroon ding mga pahina kung saan maaari mong bawiin ang mga claim na ibinigay sa pamamagitan ng CVP at CMS. Kakailanganin mong mag-sign in sa YouTube account na nagbigay ng claim sa copyright upang makapagsumite ng pagbawi.
Kung wala kang YouTube account at gusto mong bawiin ang isang claim ng paglabag sa copyright, pakitiyak na ipapadala mo sa amin ang sumusunod na impormasyon:
- Isang pahayag ng pagbawi (tulad ng "Binabawi ko ang aking claim ng paglabag sa copyright")
- Ang kumpleto at partikular na URL ng video na pinag-uusapan (tulad ng: www.youtube.com/watch?v=xxxxxxxxx)
- Isang electronic na lagda (maaari mo ring i-type ang iyong buong legal na pangalan)
Pakisumite ang iyong pagbawi sa copyright@youtube.com mula sa parehong email address na ginamit upang isumite ang iyong orihinal na claim ng paglabag. Kung iba ang email address, maaaring hindi namin maproseso ang iyong pagbawi.
Kung inalis ang iyong video:
Kung isa kang user na naapektuhan ng isang claim sa copyright, maaari kang direktang makipag-ugnayan sa may-ari ng copyright upang humiling ng pagbawi.
Kung may YouTube account ang naghahabol, ang pinakamadaling paraan upang makipag-ugnayan sa kanya ay sa pamamagitan ng feature na pribadong pagmemensahe ng YouTube.
Pakitandaan na ang mga pagbawi lang na ipinadala mula sa parehong email address o domain na nagsumite ng orihinal na claim ng paglabag sa copyright ang ipoproseso namin.