Ang iyong kaarawan at Google+

Kapag nag-sign up ka para sa Google+, hihilingin namin sa iyong ibigay ang iyong kaarawan upang mabigyan ka namin ng mga tampok tulad ng mga setting na naaangkop sa edad kapag gumamit ka ng mga serbisyo ng Google at personalized na nilalaman. Kung mayroon ka nang kaarawang nauugnay sa iyong Google account, hindi ka mapo-prompt na ilagay ang iyong kaarawan. Bilang default, makikita ng mga tao sa iyong mga lupon ang iyong kaarawan (araw at buwan lang). Maaari mong i-edit anumang oras kung sino ang maaaring makakita nito sa iyong profile.

Upang i-edit ang iyong kaarawan:

  1. Buksan ang Google+. Ilagay ang iyong cursor sa pinaka itaas na kaliwang sulok para sa pangunahing menu ng Google+. I-click ang Profile.
  2. I-click ang Tungkol Dito sa itaas.
  3. Sa ilalim ng seksyong  Pangunahing Impormasyon, i-click ang I-edit.
  4. Sa seksyong Kaarawan, ilagay ang buwan, araw, at taon ng iyong kaarawan. Maaari mong isaayos kung sino ang maaaring makakita nito sa iyong profile gamit ang dropdown na menu sa kanan.
  5. I-click ang I-save.