Creative Commons

Ang mga lisensya ng Creative Commons ay nagbibigay ng karaniwang paraan sa mga gumagawa ng nilalaman upang magbigay sa ibang tao ng pahintulot na gamitin ang kanilang gawa. Pinapayagan ng YouTube ang mga user na markahan ang kanilang mga video ng lisensyang CC BY ng Creative Commons. Pagkatapos, maa-access ang mga video na ito upang magamit ng mga user ng YouTube, kahit pangkomersyal, sa sarili nilang mga video sa pamamagitan ng Video Editor ng YouTube.

Awtomatiko ang pagpapatungkol sa ilalim ng CC BY license, na nangangahulugang awtomatikong ipapakita ng anumang video na ginawa mo gamit ang nilalaman ng Creative Commons ang mga pamagat ng mga pinagmulang video sa ibaba ng video player. Mapapanatili mo ang iyong copyright at muling magagamit ng ibang mga user ang iyong gawa nang napapailalim sa mga tuntunin ng lisensya.

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa Creative Commons sa YouTube:

Available lang ang kakayahang markahan ang mga na-upload na video na may lisensya ng Creative Commons ng mga user na nasa magandang status ang account. Matitingnan mo ang status ng iyong account sa ilalim ng iyong mga setting ng account sa YouTube.

Nananatiling default sa lahat ng upload ang karaniwang lisensya ng YouTube. Upang suriin ang mga tuntunin ng karaniwang lisensya sa YouTube, mangyaring sumangguni sa aming Tuntunin ng Serbisyo.

Hindi mo maaaring markahan ang iyong video gamit ang lisensya ng Creative Commons kung mayroon itong claim sa Content ID.

Sa pagmamarka ng iyong orihinal na video na may lisensya ng Creative Commons, binibigyan mo ng karapatan ang buong komunidad ng YouTube na muling gamiting at i-edit ang video na iyon.

Kung ano ang karapat-dapat sa lisensya ng Creative Commons

Mangyaring unawain na maaari mo lang markahan ang na-upload mong video ng lisensya ng Creative Commons kung ganap itong binubuo ng nilalamang maaari mong bigyan ng lisensya sa ilalim ng CC BY license. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga nilalaman na mabibigyan ng lisensya ay:

  1. Ang orihinal na nilalaman na gawa mo
  2. Iba pang video na minarkahan ng CC BY license
  3. Mga video sa pampublikong domain