Sa Estados Unidos, ang patas na paggamit ay tinutukoy ng isang hukom, na sinusuri kung paano naaangkop ang bawat isa sa mga batayan ng patas na paggamit sa isang partikular na kaso.
1. Ang layunin at katangian ng paggamit, kasama kung ang nasabing paggamit ay komersyal o para sa mga hindi pinagkakakitaang layunin sa pag-aaral
Karaniwang tumutuon ang mga hukuman sa kung “nakakapagpabago” ang paggamit. Ang ibig sabihin nito, kung nagdaragdag ito ng bagong pahayag o kahulugan sa orihinal, o kung basta lang itong kumokopya mula sa orihinal. Ang mga paggamit na komersyal ay malabong maituring na patas, bagama't posibleng i-monetize ang isang video at makinabang pa rin sa pagtanggol gamit ang patas na paggamit.
2. Ang katangian ng may copyright na akda
Mas malamang na maituring na patas ang paggamit ng materyal mula sa mga makatotohanang akda kaysa sa paggamit ng mga kathang-isip na akda.
3. Ang halaga at kahalagahan ng bahaging ginamit kaugnay sa na-copyright na likha sa kabuuan
Mas malamang na maituring na patas na paggamit ang panghihiram ng maliliit na bahagi ng materyal sa isang orihinal na akda kaysa sa panghihiram ng malalaking bahagi. Gayunpaman, sa ilang sitwasyon, ang pagkuha ng kahit maliit na bahagi lang ay maaaring maituring na labag sa patas na paggamit kung ang pinakamahalagang bahagi ng akda ang kinuha.
4. Ang epekto ng paggamit sa potensyal na market, o halaga, ng may copyright na akda
Hindi masyadong malamang na maging mga patas na paggamit ang mga paggamit na nakakasama sa kakayahang kumita ng may-ari ng copyright mula sa orihinal niyang akda. Minsan nang gumawa ng pagbubukod ang mga hukuman sa ilalim ng salik na ito sa mga kasong kinasasangkutan ng mga parody.