Tungkol sa mga lupon

Ang mga lupon ay isang mahalagang bahagi ng Google+. Ang mga ito ay ang susi sa pagbabahagi! Ang maganda tungkol sa mga lupon ay hinahayaan ka nitong pagsama-samahin ang mga tao batay sa kung ano ang palagay mo sa kanila sa tunay na buhay. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga lupon na:

  • Magbahagi ng mga biro at sikreto sa iyong lupon ng Mga Matalik na Kaibigan
  • Iharap ang iyong pinaka-propesyonal na bahagi kapag nag-post ka sa iyong lupon ng Trabaho
  • Ipakita ang diwa ng iyong koponan kasama ng iyong mga post sa iyong lupon ng Mga panatiko sa palakasan

Sa Mga Lupon, makikita ng mga tao ang lahat ng nilalaman na gusto mong makita nila, at wala sa nilalamang ayaw mo. 

Bago sa mga lupon? Maghanap ng mga tao!

  1. Buksan ang Google+. Ilagay ang iyong cursor sa pinaka itaas na kaliwang sulok para sa pangunahing menu ng Google+. I-click ang Mga Tao.
  2. Gamitin ang Mga Suhestiyon upang maghanap ng mga tao na idinagdag mo sa iyong mga lupon o upang magdagdag ng mga tao patungo sa iyong mga lupon.
  3. Gamitin ang 'Maghanap ng mga katrabaho' o 'Maghanap ng mga kaklase' upang maghanap ng karagdagang mga tao at idagdag sila sa iyong mga lupon.
Ipakita ako sa Google+

Lumikha ng mga bagong lupon, o magdagdag ng mga tao sa iyong umiiral nang mga lupon

  1. Buksan ang Google+. Ilagay ang iyong cursor sa pinaka itaas na kaliwang sulok para sa pangunahing menu ng Google+.Ilagay ang iyong cursor sa itaas na kaliwang sulok para sa pangunahing menu ng Google+. I-click ang Mga Tao
  2. I-click ang tab na Iyong mga lupon 
  3. Mag-click sa mga taong gusto mong idagdag sa isang lupon (maaari kang mag-click ng maraming tao sa isang pagkakataon)
    • Para gumawa ng bagong lupon, mag-drag ng  naka-highlight na pangkat ng mga tao sa  .
    • Upang magdagdag sa isang lupon na nalikha mo na, i-drag ang na-highlight na pangkat ng mga tao sa isang umiiral nang lupon

I-customize ang iyong impormasyon sa profile ayon sa lupon

Ikaw ang magpapasya kung sino ang makakakita sa bawat piraso ng personal na impormayson sa iyong profile. Halimbawa, maaaring nakikita ang iyong mga detalye sa pakikipag-ugnay at impormasyon ng kaugnayan ng iyong lupon ng mga kaibigan, habang nakikita ang iyong kasaysayan ng pagtatrabaho at edukasyon ng iyong lupon ng mga asosayon ng alumni. Matuto nang higit pa tungkol sa pagpapakita ng iyong impormasyon sa profile.