YouTube para sa Mga Developer
Dalhin ang YouTube sa anumang screen, anumang oras.
Gustong dalhin ang YouTube sa iyong mga user? Ang Mga YouTube API at Tool ay magbibigay-daan sa iyong isama ang nilalamang video at pagpapagana ng YouTube sa iyong website, app, o device.
Pangkalahatang-ideya
Isama sa YouTube
Hinahayaan ka ng Mga Data API na isama ang pagpapagana ng YouTube sa sarili mong application o website. Maaari kang maghanap, mag-upload ng mga video, lumikha ng mga playlist, at higit pa.
I-customize ang YouTube Player
Ang Mga Player API ay nagbibigay sa iyo ng kontrol sa pag-playback ng video sa YouTube sa iyong website o sa iyong mobile app. I-configure ang mga pangunahing setting, gamitin ang interface ng player, o bumuo pa ng mga sarili mong kontrol ng player.
Kolektahin at pangasiwaan ang mga isinumiteng video mula sa iyong mga user
Ang YouTube Direct Lite ay nagbibigay-daan sa iyong manghingi ng nilalamang binuo ng user mula sa mga bisita sa iyong site, pangasiwaan ang mga pagsusumite, at ipakita ang mga iyon sa iyong site sa madaling paraan.
Matuto Nang Higit Pa
Mag-embed ng mga video sa iyong app
Madaling magpakita ng mga video sa YouTube sa iyong Web o mobile app, at i-customize ang player -- gamit ang pag-embed ng iframe, mga parameter ng player o ang mga iframe at Android Player API.
Kumuha ng analytics ng video
Kumuha ng mga istatistika ng panonood, sukatan ng kasikatan, at demograpikong impormasyon sa iyong mga video at channel sa YouTube gamit ang Analytics API.
Mag-upload ng mga video mula sa iyong app o site
Gamitin ang Mga YouTube Data API upang direktang mag-upload ng mga video. Mayroon kaming mga client library sa maraming programming language upang padaliin ito para sa iyo.
Button sa pag-subscribe
Maglagay ng button sa pag-subscribe sa YouTube sa iyong website upang matulungan ang mga bisita mo na magbahagi ng nilalaman at kumonekta sa iyo sa YouTube.