Skip to main content

Mga Tuntunin ng Serbisyo

Ipinatutupad mula noong: Setyembre 29, 2023

Buod ng aming Mga Tuntunin

Ang Mga Tuntunin ng Serbisyo (“Mga Tuntunin”) na ito ay bahagi ng Kasunduan para sa User– isang kontratang legal na ipinatutupad at sumasaklaw sa inyong paggamit ng X. Dapat ninyong basahin ang Mga Tuntunin ng Serbisyo (“Mga Tuntunin”) na ito sa kabuoan, ngunit narito ang ilang pangunahing bagay na dapat ninyong tandaan:

  • Makakakita kayo ng advertising sa platform: Bilang kapalit ng pag-access sa Mga Serbisyo, maaaring magpakita ng advertising sa inyo ang X at iba pang third-party na provider at kasosyo.

  • Kapag nagpo-post ng Content at ginagamit ang Mga Serbisyo, dapat kayong sumunod sa Kasunduan para sa User at Angkop na Batas: May pananagutan kayo para sa paggamit ninyo ng Mga Serbisyo at sa inyong Content. Dapat kayong sumunod sa Kasunduan para sa User na ito, sa mga polisiyang nakapaloob dito, at sa lahat ng angkop na batas.

  • Dapat ninyong sundin ang mga tuntunin sa katanggap-tanggap na paggamit ng Mga Serbisyo: Hindi ninyo maaaring i-access ang Mga Serbisyo sa anumang paraan bukod sa kasalukuyang available at naka-publish na interface na ibinibigay namin. Halimbawa, ibig sabihin, hindi ninyo maaaring i-scrape ang Mga Serbisyo, subuking lusutan ang anumang teknikal na limitasyong ipinapataw namin, o kaya naman ay tangkaing abalahin ang pagpapatakbo ng Mga Serbisyo. 

  • Mayroon kaming malalawak na karapatang magpatupad ng patakaran: Nakalaan sa X ang karapatang magpatupad ng patakaran laban sa inyo kung lalabagin ninyo ang mga tuntuning ito, gaya ng, halimbawa, pag-alis sa inyong Content, paglimita sa visibility, paghinto ng inyong access sa X, o pagsasagawa ng legal na aksiyon. Maaari din naming suspendihin o wakasan ang inyong account para sa iba pang dahilan, gaya ng kawalan ng aktibidad sa loob ng matagal na panahon, panganib na malantad sa usaping legal, o kawalan ng kakayahang mapagkakitaan. 

  • Mayroong Mga Lisensiya sa Intelektuwal na Pag-aari sa Mga Tuntuning ito: Mananatili sa inyo ang pagmamay-ari at mga karapatan sa alinman sa inyong Content na ipo-post o ibabahagi ninyo, at bibigyan ninyo kami ng lisensiyang malawakan at walang royalty upang gawing available ang inyong Content sa lahat ng iba pa sa mundo at hayaan ang iba na gawin din ito. Bilang kapalit, bibigyan namin kayo ng lisensiya upang gamitin ang software na ibinibigay namin bilang bahagi ng Mga Serbisyo, gaya ng X mobile application, na para lang sa layunin ng pagbibigay sa inyo ng kakayahang gamitin at i-enjoy ang benepisyo ng Mga Serbisyo. 

  • Sarili ninyong pananagutan ang inyong paggamit sa Mga Serbisyo: Ibinibigay namin ang Mga Serbisyo nang “AS IS” at “AS AVAILABLE”, at itinatatwa namin ang lahat ng warranty, responsibilidad, at sagutin sa inyo o sa iba pa sa lawak na pinahihintulutan ng batas. Maaari kayong malantad sa mapanakit o mapaminsalang content na na-post ng iba pang user. Maaaring magbago ang Mga Serbisyo paminsan-minsan, at maaari naming limitahan o wakasan ang pagiging available ng Mga Serbisyo o mga partikular na feature sa inyo o sa iba pang user anumang oras. 

  • Mayroon kayong mga mekanismong pangremedyo at pangwasto, ngunit may limitasyon ang aming sagutin: Mayroon kayong karapatang wakasan ang kasunduang ito anumang oras kapag nag-deactivate kayo ng account at inihinto ninyo ang paggamit sa Mga Serbisyo. Tandaang hindi kami mananagot para sa ilang partikular na uri ng pinsala tulad ng inilalarawan sa kasunduan, at sakaling may mangyaring ganitong sitwasyon, ang pangkalahatan naming sagutin ay hindi lalampas sa kung anuman ang mas malaki sa $100 USD o sa halagang binayaran ninyo sa amin, kung mayroon man, sa loob ng nakaraang anim na buwan para sa Mga Serbisyong dahilan ng paghahabol. Dagdag pa rito, kung naniniwala kayo na kinopya ang inyong Content sa paraang may paglabag sa copyright, nakadetalye ang proseso ng pag-uulat sa Mga Tuntuning ito. 

Pakitandaan din na nakapaloob sa Mga Tuntuning ito ang aming Patakaran sa Privacy (https://x.com/privacy) pati na ang iba pang tuntuning angkop sa inyong paggamit sa Mga Serbisyo at sa inyong Content. Bilang panghuli, maaaring mag-iba-iba ang mga tuntuning ito depende sa kung saan kayo naninirahan, ngunit sa kahit anong sitwasyon, dapat ay nasa 13 taong gulang pataas na kayo upang magamit ang X.

Kung naninirahan kayo sa labas ng European Union, EFTA States, o United Kingdom, kabilang na ang kung naninirahan kayo sa United States, kasama sa Kasunduan para sa User ng X ang Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito, ang aming Patakaran sa Privacyang aming Mga Patakaran at Polisiya, at ang lahat ng polisiyang nakapaloob dito.

Kung naninirahan kayo sa loob ng European Union, EFTA States, o United Kingdom, kasama sa Kasunduan para sa User ng X ang Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito, ang aming Patakaran sa Privacyang aming Mga Patakaran at Polisiya, at ang lahat ng polisiyang nakapaloob dito.

Mga Tuntunin ng Serbisyo ng X

Kung naninirahan kayo sa labas ng European Union, EFTA States, o United Kingdom, kabilang na ang kung naninirahan kayo sa United States

Ang Mga Tuntunin ng Serbisyo (“Mga Tuntunin”) na ito ang sumasaklaw sa inyong pag-access at paggamit sa aming mga serbisyo, kabilang na ang aming iba't ibang website, SMS, API, abiso sa email, application, button, widget, ad, serbisyo ng komersiyo, at ang aming iba pang sinasaklaw na serbisyo (https://help.x.com/rules-and-policies/x-services-and-corporate-affiliates) na nauugnay sa Mga Tuntuning ito (na sama-samang tinutukoy bilang “Mga Serbisyo”), at anumang impormasyon, text, link, graphics, larawan, audio, video, o iba pang materyales o ayos ng materyales na na-upload, na-download, o lumalabas sa Mga Serbisyo (na sama-samang tinutukoy bilang “Content”). Kapag ginamit ninyo ang Mga Serbisyo, ibig sabihin, sang-ayon kayong mapailalim sa Mga Tuntuning ito.

Ang Mga Tuntuning ito ay isang kasunduan sa pagitan ninyo at ng X Corp., na nagbibigay sa X at Mga Serbisyo, 1355 Market Street, Suite 900, San Francisco, CA 94103 U.S.A. Ang ibig sabihin ng mga salitang “kami,” “amin,” at “namin” ay X Corp.

1. Sino ang Maaaring Gumamit ng Mga Serbisyo

Maaari lang ninyong gamitin ang Mga Serbisyo kung sang-ayon kayong makipagkontrata sa amin at hindi kayo isang taong pinagbabawalang tumanggap ng mga serbisyo sa ilalim ng mga batas ng angkop na hurisdiksiyon. Sa kahit anong sitwasyon, dapat ay nasa 13 taong gulang pataas na kayo upang magamit ang Mga Serbisyo. Kung tinatanggap ninyo ang Mga Tuntuning ito at ginagamit ninyo ang Mga Serbisyo sa ngalan ng isang kompanya, organisasyon, pamahalaan, o iba pang legal na entidad, kinakatawan at ginagarantiya ninyo na pinahihintulutan kayong gawin ito at may pahintulot kayong ipailalim ang nasabing entidad sa Mga Tuntuning ito, kung saan ang mga salitang “kayo”, “inyo” at "ninyo" tulad ng kung paano ginagamit ang mga iyon sa Mga Tuntuning ito ay tutukoy sa nasabing entidad.

2. Privacy

Inilalarawan sa aming Patakaran sa Privacy (https://www.x.com/privacy) kung paano namin pinangangasiwaan ang impormasyong ibinibigay ninyo sa amin kapag ginagamit ninyo ang Mga Serbisyo. Nauunawaan ninyo na kapag ginamit ninyo ang Mga Serbisyo, ibig sabihin, pinahihintulutan ninyo ang pagkolekta at paggamit (tulad ng nakatakda sa Patakaran sa Privacy na ito) ng impormasyong ito, kabilang na ang paglilipat ng impormasyong ito sa United States, Ireland, at/o iba pang bansa upang maitabi, maiproseso at magamit namin at ng aming mga affiliate.

3. Content sa Mga Serbisyo

May pananagutan kayo para sa inyong paggamit ng Mga Serbisyo at para sa anumang Content na ibinibigay ninyo, kabilang na ang pagsunod sa mga angkop na batas, patakaran, at regulasyon. Dapat lang kayong magbigay ng Content na komportable kayong ibahagi sa iba.

Ang anumang paggamit o pagbatay sa anumang Content o materyales na na-post sa pamamagitan ng Mga Serbisyo o nakuha ninyo sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ay sarili ninyong pananagutan. Hindi namin ineendorso, sinusuportahan, ikinakatawan o ginagarantiya na kompleto, totoo, tumpak, o maaasahan ang anumang Content o komunikasyong na-post sa pamamagitan ng Mga Serbisyo o ineendorso ang anumang opinyong ipinahayag sa pamamagitan ng Mga Serbisyo. Nauunawaan ninyo na kapag ginamit ninyo ang Mga Serbisyo, maaari kayong malantad sa Content na maaaring mapanakit, mapaminsala, di-tumpak o kaya naman ay di-angkop, o sa ilang sitwasyon, mga posting na may maling label o kaya naman ay mapanlinlang. Ang lahat ng Content ay nasa ilalim lang ng pananagutan ng taong pinanggalingan ng nasabing Content. Maaaring hindi namin mabantayan o makontrol ang Content na na-post sa pamamagitan ng Mga Serbisyo at, hindi kami puwedeng managot para sa nasabing Content.

Nakalaan sa amin ang karapatang alisin ang Content na labag sa Kasunduan para sa User, kabilang na ang halimbawa, mga paglabag sa copyright o trademark o iba pang maling pagpapatungkol sa intelektuwal na pag-aari, pagpapanggap, pag-aasal na labag sa batas, o panggigipit. Ang impormasyon hinggil sa mga partikular na polisiya at ang proseso para sa pag-uulat o pag-apela ng mga paglabag ay makikita sa aming Help Center (https://help.x.com/rules-and-policies/x-report-violation#specific-violations at https://help.x.com/managing-your-account/suspended-x-accounts).

Kung naniniwala kayo na kinopya ang inyong Content sa paraang may paglabag sa copyright, pakiulat ito sa pamamagitan ng pagpunta sa aming form para sa pag-uulat ng Copyright (https://help.x.com/forms/dmca) o pakikipag-ugnayan sa aming nakatalagang ahente sa copyright sa:

X Corp.
Attn: Copyright Agent
1355 Market Street, Suite 900
San Francisco, CA 94103
Mga Ulat: https://help.x.com/forms/dmca
Email: copyright@x.com

Ang Inyong Mga Karapatan at Pagkakaloob ng Mga Karapatan sa Content

Mananatili sa inyo ang inyong mga karapatan sa anumang Content na isusumite, ipo-post o ipakikita ninyo sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo. Ang sa inyo ay sa inyo — pagmamay-ari ninyo ang inyong Content (at ang inyong nakapaloob na mga audio, larawan at video ay ituturing na bahagi ng Content).

Kapag nagsumite, nag-post o nagpakita kayo ng Content sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, ibig sabihin, pinagkakalooban ninyo kami ng lisensiyang pandaigdigan, di-eksklusibo, walang royalty (na may karapatang i-sublicense) upang gamitin, kopyahin, i-reproduce, iproseso, i-adapt, baguhin, i-publish, ipasa, ipakita at ipamahagi ang nasabing Content sa anuman at sa lahat ng media o mga pamamaraan ng pamamahagi na umiiral na o ide-develop pa lang kalaunan (bilang paglilinaw, kabilang sa mga karapatang ito, halimbawa, ang pag-curate, pagpapanibago, at pag-translate). Pinahihintulutan kami ng lisensiyang ito upang gawing available ang inyong Content sa lahat ng iba pa sa mundo at hayaan ang iba na gawin din ito. Sang-ayon kayo na kabilang sa lisensiyang ito ang karapatan naming ibigay, i-promote, at pagandahin ang Mga Serbisyo at gawing available ang Content na isinumite sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo sa ibang kompanya, organisasyon o indibidwal para sa pag-syndicate, pag-broadcast, pamamahagi, pag-repost, pag-promote o pag-publish ng nasabing Content sa ibang media at serbisyo, na nakapailalim sa aming mga tuntunin at kondisyon para sa paggamit ng nasabing Content. Ang mga nasabing karagdagang paggamit namin, o ng ibang kompanya, organisasyon o indibidwal, ay isinasagawa nang walang kompensasyong babayaran sa inyo kaugnay ng Content na isinumite, na-post, ipinasa o kaya naman ay ginawa ninyong available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo dahil ang paggamit ninyo sa Mga Serbisyo ay sinasang-ayunan dito bilang sapat nang kompensasyon para sa Content at sa pagkakaloob ng mga karapatang nakasaad rito.

Mayroon kaming nagbabago-bagong hanay ng mga patakaran para sa kung paano puwedeng makipag-ugnayan sa inyong Content sa Mga Serbisyo ang mga kasosyo sa ecosystem. Umiiral ang mga patakarang ito upang magbigay-daan sa isang bukas na ecosystem nang isinasaisip ang inyong mga karapatan. Nauunawaan ninyo na maaari naming baguhin o i-adapt ang inyong Content tulad ng kung paano namin ito, at ng aming mga kasosyo, ipinamamahagi, sini-syndicate, pina-publish, o bino-broadcast at/o gawan ng pagbabago ang inyong Content upang mai-adapt ang Content sa ibang media.

Ikinakatawan at ginagarantiya ninyo na mayroon kayo, o nagkaroon kayo, ng lahat ng karapatan, lisensiya, pahintulot, permiso, kakayahan at/o awtoridad na kailangan upang ipagkaloob ang mga karapatang ipinagkakaloob dito para sa anumang Content na isinusumite, ipino-post o ipinakikita sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo. Sang-ayon kayo na ang nasabing Content ay hindi magkakaroon ng materyal na nakapailalim sa mga karapatan sa copyright o iba pang karapatan sa pagmamay-ari, maliban kung mayroon kayo ng kinakailangang permiso o kaya naman ay karapat-dapat kayo, ayon sa batas, na i-post ang materyal at ipagkaloob sa amin ang lisensiyang inilalarawan sa itaas.

4. Paggamit ng Mga Serbisyo

Pakisuri ang aming Mga Patakaran at Polisiya, na bahagi ng Kasunduan para sa User at nakabalangkas na pag-aasal na ipinagbabawal sa Mga Serbisyo. Maaari lang ninyong gamitin ang Mga Serbisyo alinsunod sa Mga Tuntuning ito at sa lahat ng angkop na batas, patakaran at regulasyon. Kikilos ang X upang magpatupad ng patakaran kapag ang Content o pag-uugali ng user ay labag sa aming Mga Patakaran at Polisiya o may kinalaman sa sensitibong media. Puwede ninyong suriin ang mga opsiyon sa pagpapatupad ng X at kung paano ninyo maiaapela ang aming desisyon sa pagpapatupad rito.

Tuloy-tuloy na nagbabago ang Mga Serbisyo. Dahil dito, maaaring magbago ang Mga Serbisyo paminsan-minsan, batay sa sarili naming pagpapasya. Maaari naming ihinto (nang permanente o pansamantala) ang pagbibigay ng Mga Serbisyo o anumang feature sa loob ng Mga Serbisyo sa inyo o sa mga user sa pangkalahatan. Mananatili rin sa amin ang karapatang gumawa ng mga limitasyon sa paggamit at pag-store batay sa sarili naming pagpapasya anumang oras. Maaari din naming alisin o tanggihang ipamahagi ang anumang Content sa Mga Serbisyo, limitahan ang pamamahagi o visibility ng anumang Content sa serbisyo, suspendihin o tanggalin ang mga user, at bawiin ang mga username nang walang sagutin sa inyo.

Bilang pagsasaalang-alang para sa pagkakaloob namin sa inyo ng access at pagpapagamit sa Mga Serbisyo, sang-ayon kayo na kami, at ang aming mga third-party na provider at kasosyo, ay maaaring mag-place ng advertising sa Mga Serbisyo o nang may kaugnayan sa pagpapakita ng Content o impormasyon mula sa Mga Serbisyo na isinumite ninyo o ng iba pang tao. Nakalaan din sa amin ang karapatang i-access, basahin, ipreserba, at isiwalat ang anumang impormasyong makatwiran naming pinaniniwalaang kailangan upang (i) sundin ang anumang angkop na batas, regulasyon, legal na proseso o hiling ng pamahalaan, (ii) ipatupad ang Mga Tuntunin, kabilang na ang pagsisiyasat ng mga posibleng paglabag dito, (iii) tukuyin, pigilan, o kaya naman ay tugunan ang mga isyu sa panloloko, seguridad o teknikal, (iv) tumugon sa mga hiling ng user para sa suporta, o (v) protektahan ang mga karapatan, ari-arian o kaligtasan ng X, ng mga user nito at ng publiko. Hindi kami nagsisiwalat ng impormasyong personal na nakikilala sa mga third party maliban kung nakaayon sa aming Patakaran sa Privacy.

Maaaring mag-alok ng ilang partikular na serbisyo o feature sa X na maaaring mapatawan ng mga karagdagang tuntunin at kondisyon nang may kaugnayan sa inyong paggamit ng mga serbisyong iyon. Kapag ginamit o binayaran ninyo ang alinman sa mga karagdagang serbisyong ito, ibig sabihin, sang-ayon kayo sa anumang karagdagang tuntuning angkop sa mga serbisyong iyon, at magiging bahagi ng aming kasunduan sa inyo ang mga karagdagang tuntuning iyon. Kung ang alinman sa mga angkop na karagdagang tuntunin ay salungat sa Mga Tuntuning ito, mananaig ang mga karagdagang tuntunin habang ginagamit ninyo ang mga serbisyong iyon kung saan ipinapataw ang mga ito.

Kung gagamit kayo ng may bayad na mga feature ng Mga Serbisyo, sang-ayon kayo sa angkop na Mga Tuntunin para sa May Bayad na Mga Serbisyo (https://legal.x.com/purchaser-terms.html).

Kung gagamit kayo ng mga feature ng Mga Serbisyo para sa developer, na kinabibilangan ng, ngunit hindi nalilimitahan sa X for Websites (X para sa Mga Website) (https://developer.x.com/docs/twitter-for-websites), X Cards (Mga Card ng X) (https://developer.x.com/docs/twitter-for-websites/cards/overview/abouts-cards), Public API (Pampublikong API) (https://developer.x.com/docs), or Sign in with X (Mag-sign in sa X) (https://developer.x.com/docs/authentication/guides/log-in-with-twitter), sang-ayon kayo sa aming Kasunduan para sa Developer (https://developer.x.com/developer-terms/agreement) at Patakaran para sa Developer (https://developer.x.com/developer-terms/policy). Kung gusto ninyong i-reproduce, baguhin, gawan ng mga halaw, ipamahagi, ibenta, ilipat, ipakita sa publiko, itanghal sa publiko, ipasa, o kaya naman ay gamitin ang Mga Serbisyo o Content sa Mga Serbisyo, dapat ninyong gamitin ang mga interface at tagubiling ibinibigay namin, maliban kung pinahihintulutan sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, Mga Tuntuning ito, o ng mga tuntuning ibinibigay sa https://developer.x.com/developer-terms. Kung hindi man, mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng nasabing kilos. Kung kayo ay mananaliksik sa seguridad, kailangan ninyong sundin ang mga patakaran sa aming Vulnerability Reporting Program (Programa sa Pag-uulat ng Kahinaan) (https://hackerone.com/x). Ang mga pangangailangang nakatakda sa naunang talata ay maaaring hindi angkop sa mga kalahok sa aming Vulnerability Reporting Program.

Kung gagamit kayo ng mga feature sa advertising ng Mga Serbisyo, sang-ayon kayo sa aming Master Services Agreement (Pangunahing Kasunduan sa Mga Serbisyo) (https://ads.x.com/terms).

Inyong Account

Maaaring kailangan ninyong gumawa ng account upang gamitin ang Mga Serbisyo. May pananagutan kayong ingatan ang inyong account, kaya gumamit ng matibay na password at limitahan ang paggamit nito sa account na ito. Hindi kami puwedeng managot at hindi kami mananagot para sa anumang pagkawala o pagkasira na idudulot ng inyong pagkabigong sumunod sa nasa itaas.

Puwede ninyong kontrolin ang karamihan ng komunikasyon mula sa Mga Serbisyo. Maaaring kailangan naming magbigay sa inyo ng ilang partikular na komunikasyon, gaya ng mga anunsiyo ng serbisyo at administratibong mensahe. Ang mga komunikasyong ito ay itinuturing na bahagi ng Mga Serbisyo at ng inyong account, at hindi kayo maaaring mag-opt-out mula sa pagtanggap sa mga ito. Kung idinagdag ninyo ang inyong numero ng telepono sa inyong account at kalaunan ay pinalitan o na-deactivate ninyo ang numero ng teleponong iyon, dapat ninyong i-update ang impormasyon ng inyong account upang tulungan kaming maiwasang makipag-usap sa sinumang nakakuha ng luma ninyong numero.

Ang Inyong Lisensiya sa Paggamit sa Mga Serbisyo

Nagbibigay kami sa inyo ng lisensiyang personal, pandaigdigan, walang royalty, di-naitatalaga at di-eksklusibo upang magamit ang software na ibinibigay sa inyo bilang bahagi ng Mga Serbisyo. Ang tanging layunin ng lisensiyang ito ay bigyan kayo ng kakayahang gamitin at i-enjoy ang benepisyo ng Mga Serbisyo tulad ng ibinibigay sa X, sa paraang pinahihintulutan ng Mga Tuntuning ito.

Protektado ang Mga Serbisyo sa pamamagitan ng copyright, trademark, at iba pang batas ng United States at iba pang bansa. Walang kahit ano sa Mga Tuntunin ang nagbibigay sa inyo ng karapatang gamitin ang pangalan ng X o alinman sa mga trademark, logo, domain name, iba pang natutukoy na feature ng brand, at iba pang karapatan sa pagmamay-ari ng X. Ang lahat ng karapatan, pamagat, at interes sa loob at sa Mga Serbisyo (maliban sa Content na ibinibigay ng mga user) ay sa amin at mananatiling sa amin at eksklusibong pagmamay-ari ng mga tagapaglisensiya namin. Ang anumang feedback, komento o mungkahi na maaari ninyong ibigay hinggil sa X, o sa Mga Serbisyo ay ganap na boluntaryo at malaya kaming gamitin ang nasabing feedback, komento o mungkahi sa paraang angkop para sa amin at nang walang obligasyon sa inyo.

Maling Paggamit ng Mga Serbisyo

Sang-ayon din kayong hindi ninyo gagamitin sa maling paraan ang Mga Serbisyo, halimbawa, sa pangingialam o pag-access sa mga ito gamit ang isang paraan bukod sa interface at sa tagubiling ibinibigay namin. Sang-ayon kayong hindi ninyo lulusutan ang anumang teknikal na limitasyon sa software na ibinibigay sa inyo bilang bahagi ng Mga Serbisyo, o ire-reverse engineer, ide-decompile o di-disassemble ang software, maliban lang at ayon lang sa lawak na hayagang pinahihintulutan ng angkop na batas. Hindi ninyo maaaring gawin ang alinman sa sumusunod habang ina-access o ginagamit ang Mga Serbisyo: (i) i-access, i-tamper, o gamitin ang mga di-pampublikong bahagi ng Mga Serbisyo, ang aming mga sistema ng computer, o ang mga teknikal na sistema ng pagpapadala ng aming mga provider; (ii) suriin, i-scan, o subukin ang kahinaan ng anumang system o network o labagin o ikutan ang anumang hakbang sa seguridad o authentication; (iii) i-access o i-search o tangkaing i-access o i-search ang Mga Serbisyo sa anumang paraan (automated o hindi) maliban kung sa pamamagitan ng aming kasalukuyang available at naka-publish na interface na ibinibigay namin (at alinsunod lang sa mga angkop na tuntunin at kondisyon), maliban kung partikular kayong pinapayagang gawin ito sa isang hiwalay na kasunduan sa amin (TANDAAN: hayagang ipinagbabawal ang pag-crawl o pag-scrape sa Mga Serbisyo sa anumang anyo, para sa anumang layunin nang wala ng aming paunang pahintulot); (iv) i-forge ang anumang TCP/IP packet header o anumang bahagi ng impormasyon ng header sa anumang email o posting, o gamitin sa anumang paraan ang Mga Serbisyo upang magpadala ng iniba, mapanlinlang o maling impormasyong may natutukoy na pinagmulan; (v) magsagawa ng anumang asal na labag sa aming Patakaran sa Pagmanipula at Pag-spam sa Platform o anupamang Mga Patakaran at Polisiya; o (vi) pakialamanan, o gambalain, (o tangkaing gawin iyon), ang access ng sinumang user, host o network, kabilang na ang, nang hindi nalilimitan sa, pagpapadala ng virus, pag-overload, pag-flood, pag-spam, pag-mail-bomb sa Mga Serbisyo, o pag-script sa paggawa ng Content sa paraang nangingialam o gumagawa ng di-makatwirang pasanin sa Services.gu Ituturing ding paglabag sa Mga Tuntuning ito ang pangangasiwa o pagtulong sa iba upang labagin ang Mga Tuntuning ito, kabilang na ang pamamahagi ng mga produkto o serbisyo na nagbibigay-daan o naghihikayat na labagin ang Mga Tuntuning ito.

Pagtapos sa Mga Tuntuning Ito

Maaari ninyong tapusin ang inyong legal na kasunduan sa amin anumang oras kapag nag-deactivate kayo ng account at inihinto ninyo ang inyong paggamit sa Mga Serbisyo. Tingnan ang https://help.x.com/managing-your-account/how-to-deactivate-x-account para sa tagubilin kung paano ide-deactivate ang inyong account at ang Patakaran sa Privacy para sa iba pang impormasyon tungkol sa kung ano ang mangyayari sa inyong impormasyon.

Maaari naming suspendihin o wakasan ang inyong account o itigil ang pagbibigay sa inyo ng lahat o bahagi ng Mga Serbisyo anumang oras kung may makatwiran kaming paniniwalang: (i) nilabag ninyo ang Mga Tuntuning ito o ang aming Mga Patakaran at Polisiya, (ii) nagdudulot kayo ng panganib o posibleng mailantad ninyo kami sa usaping legal; (iii) dapat alisin ang inyong account dahil sa pag-aasal na labag sa batas; (iv) dapat alisin ang inyong account dahil sa kawalan ng aktibidad sa loob ng matagal na panahon; o (v) hindi na mapagkakakitaan ang pagbibigay namin sa inyo ng Mga Serbisyo. Magsasagawa kami ng mga makatwirang pagsisikap upang abisuhan kayo gamit ang email address na nauugnay sa inyong account o sa susunod na pagkakataong tangkain ninyong i-access ang inyong account, depende sa mga sitwasyon. Sa lawak na pinahihintulutan ng batas, maaari din naming wakasan ang inyong account o itigil ang pagbibigay sa inyo ng lahat o bahagi ng Mga Serbisyo nang may anumang dahilan o nang walang dahilan kung kailan namin gusto. Sa lahat ng nasabing sitwasyon, wawakasan ng Mga Tuntunin, kabilang na, nang walang limitasyon, ang inyong lisensiya sa paggamit sa Mga Serbisyo, maliban sa patuloy pa ring ipapataw ang mga sumusunod na seksiyon: 2, 3, 5, 6, at ang mga probisyon sa maling paggamit ng Seksiyon 4 (“Maling Paggamit ng Mga Serbisyo”). Kung naniniwala kayong hindi dapat winakasan ang inyong account, puwede kayong maghain ng apela gamit ang mga hakbang na makikita sa aming Help Center (https://help.x.com/forms/account-access/appeals). Upang maiwasan ang pagdududa, ipagpapatuloy ang Mga Tuntuning ito sa kabila ng pag-deactivate o pagwawakas sa inyong account.

5. Mga Pagtatatwa at Limitasyon sa Sagutin

Ang Mga Serbisyo ay Available nang "AS-IS"

Ang inyong pag-access at paggamit sa Mga Serbisyo o anumang Content ay sarili ninyong pananagutan. Nauunawaan at sang-ayon kayo na ibinibigay sa inyo ang Mga Serbisyo nang “AS IS” at “AS AVAILABLE”. Ang “X Entities” ay tumutukoy sa X Corp., sa mga pinagmulan, affiliate, kaugnay na kompanya, opisyal, direktor, empleyado, ahente, kinatawan, kasosyo, at tagapaglisensiya. Nang hindi nililimitahan ang nauna rito, sa maximum na lawak na pinahihintulutan sa ilalim ng angkop na batas, ITINATATWA NG X ENTITIES ANG LAHAT NG WARRANTY AT KONDISYON, HAYAGAN MAN O IPINAHIHIWATIG, PARA SA KAKAYAHANG MAIBENTA, KAAKMAAN SA PARTIKULAR NA LAYUNIN, O HINDI PAGLABAG. Hindi gumagawa ang X Entities ng warranty o pagkatawan at itinatatwa ang lahat ng pananagutan at sagutin para sa: (i) pagiging kompleto, tumpak, available, nasa tamang oras, seguridad, o pagiging maaasahan ng Mga Serbisyo o anumang Content; (ii) anumang pinsala sa inyong computer system, pagkawala ng data, o iba pang pinsalang resulta ng inyong pag-access o paggamit sa Mga Serbisyo o anumang Content; (iii) pagtanggal, o pagkabigong i-store o ipasa, ang anumang Content at iba pang komunikasyong pinananatili ng Mga Serbisyo; at (iv) kung matutugunan ng Mga Serbisyo ang inyong mga kinakailangan o magiging available nang walang abala, secure, o walang error. Walang payo o impormasyon, binanggit man o nakasulat, na kinuha mula sa X Entities o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, ang gagawa ng warranty o pagkatawan na hindi hayagang isinagawa rito.

Limitasyon sa Sagutin

SA MAXIMUM NA LAWAK NA PINAHIHINTULUTAN NG ANGKOP NA BATAS, HINDI MANANAGOT ANG X ENTITIES PARA SA ANUMANG DI-TUWIRAN, DI-SADYA, ESPESYAL, NAGRESULTA O MAPAGPARUSANG PINSALA, O ANUMANG PAGKAWALA NG PROFIT O KITA, NA NATAMO NANG TUWIRAN O DI-TUWIRAN, O ANUMANG PAGKAWALA NG DATA, PAGGAMIT, MABUTING-LOOB, O IBA PANG INTANGIBLE NA PAGKAWALA, NA MAGRERESULTA MULA SA (i) INYONG PAG-ACCESS O PAGGAMIT O KAWALAN NG KAKAYAHANG I-ACCESS O GAMITIN ANG MGA SERBISYO; (ii) ANUMANG PAG-AASAL O CONTENT NG ANUMANG THIRD PARTY SA MGA SERBISYO, KABILANG NA, NANG WALANG LIMITASYON, ANG ANUMANG MAPANIRANG-PURI, MAPANAKIT O ILEGAL NA PAG-AASAL NG IBA PANG USER O THIRD PARTY; (iii) ANUMANG CONTENT NA NAKUHA MULA SA MGA SERBISYO; O (iv) DI-AWTORISADONG PAG-ACCESS, PAGGAMIT O PAG-IBA SA INYONG MGA PAGLILIPAT O CONTENT. WALANG SITWASYON NA PUWEDENG LUMAMPAS ANG PANGKALAHATANG SAGUTIN NG X ENTITIES SA KUNG ANUMANG MAS MALAKI SA ISANG DAANG DOLYAR NG U.S. (U.S. $100.00) O SA HALAGANG BINAYARAN NINYO SA AMIN, KUNG MAYROON MAN, SA LOOB NG NAKARAANG ANIM NA BUWAN PARA SA MGA SERBISYONG DAHILAN NG PAGHAHABOL. ANG MGA LIMITASYON NG SUBSECTION NA ITO AY IPAPATAW SA ANUMANG TEORYA NG SAGUTIN, BATAY MAN ITO SA WARRANTY, KONTRATA, BATAS, PAGKAKAMALI (KABILANG NA ANG KAPABAYAAN) O KAYA NAMAN, AT KUNG NAIPAALAM MAN O HINDI SA X ENTITIES ANG POSIBILIDAD NG ANUMANG NASABING PINSALA, AT KAHIT NA NAPAG-ALAMANG HINDI NAGAMPANAN NG ISANG REMEDYONG NAKATAKDA RITO ANG PANGUNAHIN NITONG SILBI.

6. Pangkalahatan

Maaari naming rebisahin ang Mga Tuntunin paminsan-minsan. Hindi retroactive o walang epekto sa nakaraan ang mga pagbabago, at ang pinakakasalukuyang bersiyon ng Mga Tuntunin, na palaging nasa x.com/tos, ang sasaklaw sa aming ugnayan sa inyo. Susubukan namin kayong abisuhan tungkol sa mga materyal na rebisyon, halimbawa sa pamamagitan ng abiso sa serbisyo o email sa email na nauugnay sa inyong account. Kapag patuloy ninyong in-access o ginamit ang Mga Serbisyo pagkatapos maipatupad ang mga rebisyong iyon, ibig sabihin, sang-ayon kayong mapailalim sa nirebisang Mga Tuntunin. Sa lawak na pinahihintulutan ng batas, isinusuko rin ninyo ang karapatang lumahok bilang nagsasakdal o class member sa anumang paglilitis ng ipinagpapalagay na class action, collective action o representative action.

Ang mga batas ng Estado ng California, maliban sa piniling mga probisyon ng batas, ang sasaklaw sa Mga Tuntuning ito at sa anumang di-pagkakasundong mangyayari sa pagitan ninyo at namin. Ang lahat ng di-pagkakasundong kaugnay ng Mga Tuntunin o Mga Serbisyo ay ihahain lang sa mga korte na pederal at sa estado na matatagpuan sa San Francisco County, California, United States, at pahihintulutan ninyo ang personal na hurisdiksiyon at isusuko ang anumang pagtutol sa inconvenient forum o paghahain sa di-angkop na korte. Sa lawak na pinahihintulutan ng batas, isinusuko rin ninyo ang karapatang lumahok bilang nagsasakdal o class member sa anumang paglilitis ng ipinagpapalagay na class action, collective action o representative action. 

Kung kayo ay entidad na pederal, ng estado, o lokal na pamahalaan sa United States na gumagamit sa Mga Serbisyo sa inyong opisyal na kapasidad at hindi ninyo legal na matatanggap ang nagkokontrol na batas, hurisdiksiyon o sangay ukol sa lugar na nasa itaas, hindi kayo saklaw ng mga sangay na iyon. Para sa mga nasabing entidad ng pederal na pamahalaan sa U.S., ang Mga Tuntunin at anumang kilos na kaugnay roon ay sasaklawin ng mga batas ng United States of America (nang walang kaugnayan sa salungatan ng mga batas), at ng mga batas ng State of California (nang hindi kasali ang piniling batas) kung walang pederal na batas at sa lawak na pinahihintulutan sa ilalim ng pederal na batas.

Nakasulat sa Ingles ang Kasunduan para sa User ng X ngunit ginawa itong available sa maraming wika sa pamamagitan ng pagsasalin. Sinisikap ng X na gawing tumpak hangga't maaari ang mga pagsasalin tulad ng orihinal na bersiyong Ingles. Gayunman, sakaling may anumang pagkakaiba o di-pagkakatugma, uunahin ang bersiyon sa wikang Ingles ng Kasunduan para sa User ng X. Kinikilala ninyo na Ingles ang wikang batayan para sa pag-interpret at pagbuo sa mga tuntunin ng Kasunduan para sa User ng X.

Sakaling ituring na di-wasto o di-naipatutupad ang anumang probisyon ng Mga Tuntuning ito, magkakaroon ng limitasyon o tatanggalin ang probisyong iyon sa minimum na lawak na kinakailangan, at patuloy na ipatutupad nang ganap ang natitirang mga probisyon ng Mga Tuntuning ito. Ang aming pagkabigong ipatupad ang karapatan o probisyon ng Mga Tuntuning ito ay hindi ipagpapalagay na pagsuko sa nasabing karapatan o probisyon.

Kung mayroon kayong anumang tanong tungkol sa Mga Tuntuning ito, makipag-ugnayan sa amin.

Ipinatutupad mula noong: Setyembre 29, 2023

Archive ng Mga Nakaraang Tuntunin

Mga Tuntunin ng Serbisyo ng X

Kung naninirahan kayo sa loob ng European Union, EFTA States, o United Kingdom

Ang Mga Tuntunin ng Serbisyo (“Mga Tuntunin”) na ito ang sumasaklaw sa inyong pag-access at paggamit sa mga serbisyo, kabilang na ang aming iba't ibang website, SMS, API, abiso sa email, application, button, widget, ad, serbisyo ng komersiyo, at ang aming iba pang sinasaklaw na serbisyo (https://help.x.com/rules-and-policies/x-services-and-corporate-affiliates) na nauugnay sa Mga Tuntuning ito (na sama-samang tinutukoy bilang “Mga Serbisyo”), at anumang impormasyon, text, link, graphics, larawan, audio, video, o iba pang materyales o ayos ng materyales na na-upload, na-download, o lumalabas sa Mga Serbisyo (na sama-samang tinutukoy bilang “Content”). Kapag ginamit ninyo ang Mga Serbisyo, ibig sabihin, sang-ayon kayong mapailalim sa Mga Tuntuning ito.

Ang Mga Tuntuning ito ay kasunduan sa pagitan ninyo at ng Twitter International Unlimited Company (Co. number 503351, VAT number IE9803175Q), isang kompanyang Irish, na nagbibigay sa X at sa Mga Serbisyo, sa rehistrado nitong tanggapan sa One Cumberland Place, Fenian Street Dublin 2, D02 AX07 Ireland. Ang ibig sabihin ng mga salitang “kami,” “amin,” at “namin” ay Twitter International Unlimited Company.

1. Sino ang Maaaring Gumamit ng Mga Serbisyo

Maaari lang ninyong gamitin ang Mga Serbisyo kung sang-ayon kayong makipagkontrata sa amin at hindi kayo isang taong pinagbabawalang tumanggap ng mga serbisyo sa ilalim ng mga batas ng angkop na hurisdiksiyon. Sa kahit anong sitwasyon, dapat ay nasa 13 taong gulang pataas na kayo upang magamit ang Mga Serbisyo. Kung tinatanggap ninyo ang Mga Tuntuning ito at ginagamit ninyo ang Mga Serbisyo sa ngalan ng isang kompanya, organisasyon, pamahalaan, o iba pang legal na entidad, kinakatawan at ginagarantiya ninyo na pinahihintulutan kayong gawin ito at may pahintulot kayong ipailalim ang nasabing entidad sa Mga Tuntuning ito, kung saan ang mga salitang “kayo”, “inyo” at "ninyo" tulad ng kung paano ginagamit ang mga iyon sa Mga Tuntuning ito ay tutukoy sa nasabing entidad.

2. Privacy

Inilalarawan sa aming Patakaran sa Privacy (https://www.x.com/privacy) kung paano namin pinangangasiwaan ang impormasyong ibinibigay ninyo sa amin kapag ginagamit ninyo ang Mga Serbisyo. Nauunawaan ninyo na kapag ginamit ninyo ang Mga Serbisyo, ibig sabihin, pinahihintulutan ninyo ang pagkolekta at paggamit (tulad ng nakatakda sa Patakaran sa Privacy na ito) ng impormasyong ito, kabilang na ang paglilipat ng impormasyong ito sa United States, Ireland, at/o iba pang bansa upang maitabi, maiproseso at magamit namin at ng aming mga affiliate.

3. Content sa Mga Serbisyo

May pananagutan kayo para sa inyong paggamit ng Mga Serbisyo at para sa anumang Content na ibinibigay ninyo, kabilang na ang pagsunod sa mga angkop na batas, patakaran, at regulasyon. Dapat lang kayong magbigay ng Content na komportable kayong ibahagi sa iba.

Ang anumang paggamit o pagbatay sa anumang Content o materyales na na-post sa pamamagitan ng Mga Serbisyo o nakuha ninyo sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ay sarili ninyong pananagutan. Hindi namin ineendorso, sinusuportahan, ikinakatawan o ginagarantiya na kompleto, totoo, tumpak, o maaasahan ang anumang Content o komunikasyong na-post sa pamamagitan ng Mga Serbisyo o ineendorso ang anumang opinyong ipinahayag sa pamamagitan ng Mga Serbisyo. Nauunawaan ninyo na kapag ginamit ninyo ang Mga Serbisyo, maaari kayong malantad sa Content na maaaring mapanakit, mapaminsala, di-tumpak o kaya naman ay di-angkop, o sa ilang sitwasyon, mga posting na may maling label o kaya naman ay mapanlinlang. Ang lahat ng Content ay nasa ilalim lang ng pananagutan ng taong pinanggalingan ng nasabing Content. Maaaring hindi namin mabantayan o makontrol ang Content na na-post sa pamamagitan ng Mga Serbisyo at, hindi kami puwedeng managot para sa nasabing Content.

Nakalaan sa amin ang karapatang alisin ang Content na labag sa Kasunduan para sa User, kabilang na ang halimbawa, mga paglabag sa copyright o trademark o iba pang maling pagpapatungkol sa intelektuwal na pag-aari, pagpapanggap, pag-aasal na labag sa batas, o panggigipit. Ang impormasyon hinggil sa mga partikular na polisiya at ang proseso para sa pag-uulat o pag-apela ng mga paglabag ay makikita sa aming Help Center (https://help.x.com/rules-and-policies/x-report-violation at https://help.x.com/managing-your-account/suspended-x-accounts).

Kung naniniwala kayo na kinopya ang inyong Content sa paraang may paglabag sa copyright, pakiulat ito sa pamamagitan ng pagpunta sa aming form para sa pag-uulat ng Copyright (https://help.x.com/forms/dmca) o pakikipag-ugnayan sa aming nakatalagang ahente sa copyright sa:

X Corp.
Attn: Copyright Agent
1355 Market Street, Suite 900
San Francisco, CA 94103
Mga Ulat: https://help.x.com/forms/dmca
Email: copyright@x.com

Ang Inyong Mga Karapatan at Pagkakaloob ng Mga Karapatan sa Content

Mananatili sa inyo ang inyong mga karapatan sa anumang Content na isusumite, ipo-post o ipakikita ninyo sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo. Ang sa inyo ay sa inyo — pagmamay-ari ninyo ang inyong Content (at ang inyong nakapaloob na mga audio, larawan at video ay ituturing na bahagi ng Content).

Kapag nagsumite, nag-post o nagpakita kayo ng Content sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, ibig sabihin, pinagkakalooban ninyo kami ng lisensiyang pandaigdigan, di-eksklusibo, walang royalty (na may karapatang i-sublicense) upang gamitin, kopyahin, i-reproduce, iproseso, i-adapt, baguhin, i-publish, ipasa, ipakita at ipamahagi ang nasabing Content sa anuman at sa lahat ng media o mga pamamaraan ng pamamahagi na umiiral na o ide-develop pa lang kalaunan (bilang paglilinaw, kabilang sa mga karapatang ito, halimbawa, ang pag-curate, pagpapanibago, at pag-translate). Pinahihintulutan kami ng lisensiyang ito upang gawing available ang inyong Content sa lahat ng iba pa sa mundo at hayaan ang iba na gawin din ito. Gayunman, kung pinili ninyo sa pamamagitan ng aming mga feature na limitahan ang pamamahagi ng inyong Content sa may restriksiyong komunidad, igagalang namin ang pagpiling iyon. Sang-ayon din kayo na kabilang sa lisensiyang ito ang karapatang suriin ang text at iba pang impormasyong ibinibigay ninyo upang mapaganda pa ang Mga Serbisyo. Sang-ayon kayo na kabilang sa lisensiyang ito ang karapatan naming ibigay, i-promote, at pagandahin ang Mga Serbisyo at gawing available ang Content na isinumite sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo sa ibang kompanya, organisasyon o indibidwal para sa pag-syndicate, pag-broadcast, pamamahagi, pag-repost, pag-promote o pag-publish ng nasabing Content sa ibang media at serbisyo, na nakapailalim sa aming mga tuntunin at kondisyon para sa paggamit ng nasabing Content. Ang mga nasabing karagdagang paggamit namin, o ng ibang kompanya, organisasyon o indibidwal, ay isinasagawa nang walang kompensasyong babayaran sa inyo kaugnay ng Content na isinumite, na-post, ipinasa o kaya naman ay ginawa ninyong available sa pamamagitan ng Mga Serbisyo dahil ang paggamit ninyo sa Mga Serbisyo ay sinasang-ayunan dito bilang sapat nang kompensasyon para sa Content at sa pagkakaloob ng mga karapatang nakasaad rito.

Mayroon kaming nagbabago-bagong hanay ng mga patakaran para sa kung paano puwedeng makipag-ugnayan sa inyong Content sa Mga Serbisyo ang mga kasosyo sa ecosystem. Umiiral ang mga patakarang ito upang magbigay-daan sa isang bukas na ecosystem nang isinasaisip ang inyong mga karapatan. Nauunawaan ninyo na maaari naming baguhin o i-adapt ang inyong Content tulad ng kung paano namin ito, at ng aming mga kasosyo, ipinamamahagi, sini-syndicate, pina-publish, o bino-broadcast at/o gawan ng pagbabago ang inyong Content upang mai-adapt ang Content sa ibang media.

Ikinakatawan at ginagarantiya ninyo na mayroon kayo, o nagkaroon kayo, ng lahat ng karapatan, lisensiya, pahintulot, permiso, kakayahan at/o awtoridad na kailangan upang ipagkaloob ang mga karapatang ipinagkakaloob dito para sa anumang Content na isinusumite, ipino-post o ipinakikita sa o sa pamamagitan ng Mga Serbisyo. Sang-ayon kayo na ang nasabing Content ay hindi magkakaroon ng materyal na nakapailalim sa mga karapatan sa copyright o iba pang karapatan sa pagmamay-ari, maliban kung mayroon kayo ng kinakailangang permiso o kaya naman ay karapat-dapat kayo, ayon sa batas, na i-post ang materyal at ipagkaloob sa amin ang lisensiyang inilalarawan sa itaas.

4. Paggamit ng Mga Serbisyo

Pakisuri ang aming Mga Patakaran at Polisiya, na bahagi ng Kasunduan para sa User at nakabalangkas na pag-aasal na ipinagbabawal sa Mga Serbisyo. Maaari lang ninyong gamitin ang Mga Serbisyo kung susundin ang Mga Tuntuning ito at ang lahat ng angkop na batas, patakaran, at regulasyon. Kikilos ang X upang ipatupad ang batas kapag nilalabag ng Content o pag-uugali ng user ang aming Mga Patakaran at Polisiya o kung may kinalaman sa sensitibong media. Puwede ninyong suriin ang mga opsiyon sa pagpapatupad ng X at kung paano ninyo maiaapela ang aming desisyon sa pagpapatupad rito.

Tuloy-tuloy na nagbabago ang Mga Serbisyo. Dahil dito, maaaring magbago ang Mga Serbisyo paminsan-minsan, batay sa sarili naming pagpapasya. Maaari naming ihinto (nang permanente o pansamantala) ang pagbibigay ng Mga Serbisyo o anumang feature sa loob ng Mga Serbisyo sa inyo o sa mga user sa pangkalahatan. Mananatili rin sa amin ang karapatang gumawa ng mga limitasyon sa paggamit at pag-store batay sa sarili naming pagpapasya anumang oras. Maaari din naming alisin o tanggihang ipamahagi ang anumang Content sa Mga Serbisyo, limitahan ang pamamahagi o visibility ng anumang Content sa serbisyo, suspendihin o tanggalin ang mga user, at bawiin ang mga username kung naaayon, kabilang na ang para sa mga sumusunod na dahilan: (i) pagprotekta sa Mga Serbisyo o sa aming mga user; (ii) pagsunod sa mga angkop na batas o utos mula sa mga naaayong awtoridad; (iii) paglabag sa Mga Tuntuning ito o sa aming Mga Patakaran at Polisiya o intelektuwal na pag-aari o iba pang karapatan ng mga third party; (iv) kung ilalantad ninyo kami o ng inyong Content, iba pang user o anumang third party sa panganib sa usaping legal o pangregulatoryo; at/o (v) kawalan ninyo ng aktibidad sa loob ng matagal na panahon. 

Bilang pagsasaalang-alang para sa pagkakaloob namin sa inyo ng access at pagpapagamit sa Mga Serbisyo, sang-ayon kayo na kami, at ang aming mga third-party na provider at kasosyo, ay maaaring mag-place ng advertising sa Mga Serbisyo o nang may kaugnayan sa pagpapakita ng Content o impormasyon mula sa Mga Serbisyo na isinumite ninyo o ng iba pang tao. Nakalaan din sa amin ang karapatang i-access, basahin, ipreserba, at isiwalat ang anumang impormasyong makatwiran naming pinaniniwalaang kailangan upang (i) sundin ang anumang angkop na batas, regulasyon, legal na proseso o hiling ng pamahalaan, (ii) ipatupad ang Mga Tuntunin, kabilang na ang pagsisiyasat ng mga posibleng paglabag dito, (iii) tukuyin, pigilan, o kaya naman ay tugunan ang mga isyu sa panloloko, seguridad o teknikal, (iv) tumugon sa mga hiling ng user para sa suporta, o (v) protektahan ang mga karapatan, ari-arian o kaligtasan ng X, ng mga user nito at ng publiko. Hindi kami nagsisiwalat ng impormasyong personal na nakikilala sa mga third party maliban kung nakaayon sa aming Patakaran sa Privacy.

Maaaring mag-alok ng ilang partikular na serbisyo o feature sa X na maaaring mapatawan ng mga karagdagang tuntunin at kondisyon nang may kaugnayan sa inyong paggamit ng mga serbisyong iyon. Ang mga karagdagang tuntuning ito ay naa-access mula sa aming mga site at application na nakatalaga sa mga serbisyo o feature na ito. Kapag ginamit o binayaran ninyo ang alinman sa mga karagdagang serbisyong ito, kakailanganin ninyong sumang-ayon sa anumang karagdagang tuntuning angkop sa mga serbisyong iyon, at pagkatapos, magiging bahagi rin ng aming kasunduan sa inyo ang mga karagdagang tuntuning iyon. Kung ang alinman sa mga angkop na karagdagang tuntunin ay salungat sa Mga Tuntuning ito, mananaig ang mga karagdagang tuntunin habang ginagamit ninyo ang mga serbisyong iyon kung saan ipinapataw ang mga ito.

Kung gagamit kayo ng may bayad na mga feature ng Mga Serbisyo, sang-ayon kayo sa angkop na Mga Tuntunin para sa May Bayad na Mga Serbisyo (https://legal.x.com/purchaser-terms.html).

Kung gagamit kayo ng mga feature ng Mga Serbisyo para sa developer, na kinabibilangan ng, ngunit hindi nalilimitahan sa X for Websites (X para sa Mga Website) (https://developer.x.com/docs/twitter-for-websites), X Cards (Mga Card ng X) (https://developer.x.com/docs/twitter-for-websites/cards/overview/abouts-cards), Public API (Pampublikong API) (https://developer.x.com/docs), o Sign in with X (Mag-sign in sa X) (https://developer.x.com/docs/authentication/guides/log-in-with-twitter), sang-ayon kayo sa aming Kasunduan para sa Developer (https://developer.x.com/developer-terms/agreement) at Patakaran para sa Developer (https://developer.x.com/developer-terms/policy). Kung gusto ninyong i-reproduce, baguhin, gawan ng mga halaw, ipamahagi, ibenta, ilipat, ipakita sa publiko, itanghal sa publiko, ipasa, o kaya naman ay gamitin ang Mga Serbisyo o Content sa Mga Serbisyo, dapat ninyong gamitin ang mga interface at tagubiling ibinibigay namin, maliban kung pinahihintulutan sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, Mga Tuntuning ito, o ng mga tuntuning ibinibigay sa https://developer.x.com/developer-terms. Kung hindi man, mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng nasabing kilos. Kung kayo ay mananaliksik sa seguridad, kailangan ninyong sundin ang mga patakaran sa aming Vulnerability Reporting Program (Programa sa Pag-uulat ng Kahinaan) (https://hackerone.com/x). Ang mga pangangailangang nakatakda sa naunang talata ay maaaring hindi angkop sa mga kalahok sa aming Vulnerability Reporting Program.

Kung gagamit kayo ng mga feature sa advertising ng Mga Serbisyo, sang-ayon kayo sa aming Master Services Agreement (Pangunahing Kasunduan sa Mga Serbisyo) (https://ads.x.com/terms).

Inyong Account

Maaaring kailangan ninyong gumawa ng account upang gamitin ang Mga Serbisyo. May pananagutan kayong ingatan ang inyong account, kaya gumamit ng matibay na password at limitahan ang paggamit nito sa account na ito. Hindi kami puwedeng managot at hindi kami mananagot para sa anumang pagkawala o pagkasira na idudulot ng inyong pagkabigong sumunod sa nasa itaas.

Puwede ninyong kontrolin ang karamihan ng komunikasyon mula sa Mga Serbisyo. Maaaring kailangan naming magbigay sa inyo ng ilang partikular na komunikasyon, gaya ng mga anunsiyo ng serbisyo at administratibong mensahe. Ang mga komunikasyong ito ay itinuturing na bahagi ng Mga Serbisyo at ng inyong account, at hindi kayo maaaring mag-opt-out mula sa pagtanggap sa mga ito. Kung idinagdag ninyo ang inyong numero ng telepono sa inyong account at kalaunan ay pinalitan o na-deactivate ninyo ang numero ng teleponong iyon, dapat ninyong i-update ang impormasyon ng inyong account upang tulungan kaming maiwasang makipag-usap sa sinumang nakakuha ng luma ninyong numero.

Ang Inyong Lisensiya sa Paggamit sa Mga Serbisyo

Nagbibigay kami sa inyo ng lisensiyang personal, pandaigdigan, walang royalty, di-naitatalaga at di-eksklusibo upang magamit ang software na ibinibigay sa inyo bilang bahagi ng Mga Serbisyo. Ang tanging layunin ng lisensiyang ito ay bigyan kayo ng kakayahang gamitin at i-enjoy ang benepisyo ng Mga Serbisyo tulad ng ibinibigay sa X, sa paraang pinahihintulutan ng Mga Tuntuning ito.

Protektado ang Mga Serbisyo sa pamamagitan ng copyright, trademark, at iba pang batas ng United States at iba pang bansa. Walang kahit ano sa Mga Tuntunin ang nagbibigay sa inyo ng karapatang gamitin ang pangalan ng X o alinman sa mga trademark, logo, domain name, iba pang natutukoy na feature ng brand, at iba pang karapatan sa pagmamay-ari ng X. Ang lahat ng karapatan, pamagat, at interes sa loob at sa Mga Serbisyo (maliban sa Content na ibinibigay ng mga user) ay sa amin at mananatiling sa amin at eksklusibong pagmamay-ari ng mga tagapaglisensiya namin. Ang anumang feedback, komento o mungkahi na maaari ninyong ibigay hinggil sa X, o sa Mga Serbisyo ay ganap na boluntaryo at malaya kaming gamitin ang nasabing feedback, komento o mungkahi sa paraang angkop para sa amin at nang walang obligasyon sa inyo.

Maling Paggamit ng Mga Serbisyo

Sang-ayon din kayong hindi ninyo gagamitin sa maling paraan ang Mga Serbisyo, halimbawa, sa pangingialam o pag-access sa mga ito gamit ang isang paraan bukod sa interface at sa tagubiling ibinibigay namin. Sang-ayon kayong hindi ninyo lulusutan ang anumang teknikal na limitasyon sa software na ibinibigay sa inyo bilang bahagi ng Mga Serbisyo, o ire-reverse engineer, ide-decompile o di-disassemble ang software, maliban lang at ayon lang sa lawak na hayagang pinahihintulutan ng angkop na batas. Hindi ninyo maaaring gawin ang alinman sa sumusunod habang ina-access o ginagamit ang Mga Serbisyo: (i) i-access, i-tamper, o gamitin ang mga di-pampublikong bahagi ng Mga Serbisyo, ang aming mga sistema ng computer, o ang mga teknikal na sistema ng pagpapadala ng aming mga provider; (ii) suriin, i-scan, o subukin ang kahinaan ng anumang system o network o labagin o ikutan ang anumang hakbang sa seguridad o authentication; (iii) i-access o i-search o tangkaing i-access o i-search ang Mga Serbisyo sa anumang paraan (automated o hindi) maliban kung sa pamamagitan ng aming kasalukuyang available at naka-publish na interface na ibinibigay namin (at alinsunod lang sa mga angkop na tuntunin at kondisyon), maliban kung partikular kayong pinapayagang gawin ito sa isang hiwalay na kasunduan sa amin (TANDAAN: hayagang ipinagbabawal ang pag-crawl o pag-scrape sa Mga Serbisyo sa anumang anyo, para sa anumang layunin nang wala ng aming paunang pahintulot); (iv) i-forge ang anumang TCP/IP packet header o anumang bahagi ng impormasyon ng header sa anumang email o posting, o gamitin sa anumang paraan ang Mga Serbisyo upang magpadala ng iniba, mapanlinlang o maling impormasyong may natutukoy na pinagmulan; (v) magsagawa ng anumang asal na labag sa aming Patakaran sa Pagmanipula at Pag-spam sa Platform o anupamang Mga Patakaran at Polisiya; o (vi)pakialamanan, o gambalain, (o tangkaing gawin iyon), ang access ng sinumang user, host o network, kabilang na ang, nang hindi nalilimitan sa, pagpapadala ng virus, pag-overload, pag-flood, pag-spam, pag-mail-bomb sa Mga Serbisyo, o pag-script sa paggawa ng Content sa paraang nangingialam o gumagawa ng di-makatwirang pasanin sa Services.gu Ituturing ding paglabag sa Mga Tuntuning ito ang pangangasiwa o pagtulong sa iba upang labagin ang Mga Tuntuning ito, kabilang na ang pamamahagi ng mga produkto o serbisyo na nagbibigay-daan o naghihikayat na labagin ang Mga Tuntuning ito.

Pagtapos sa Mga Tuntuning Ito

Maaari ninyong tapusin ang inyong legal na kasunduan sa amin anumang oras kapag nag-deactivate kayo ng account at inihinto ninyo ang inyong paggamit sa Mga Serbisyo. Tingnan ang https://help.x.com/managing-your-account/how-to-deactivate-x-account para sa tagubilin kung paano ide-deactivate ang inyong account at ang Patakaran sa Privacy para sa iba pang impormasyon tungkol sa kung ano ang mangyayari sa inyong impormasyon.

Maaari naming suspendihin o wakasan ang inyong account o itigil ang pagbibigay sa inyo ng lahat o bahagi ng Mga Serbisyo anumang oras kung may makatwiran kaming paniniwalang: (i) nilabag ninyo ang Mga Tuntuning ito o ang aming Mga Patakaran at Polisiya; (ii) nagdudulot kayo ng panganib o posibleng mailantad ninyo kami sa usaping legal; (iii) dapat alisin ang inyong account dahil sa asal na labag sa batas; (iv) dapat alisin ang inyong account dahil sa kawalan ng aktibidad sa loob ng matagal na panahon; o (v) hindi na mapagkakakitaan ang pagbibigay namin sa inyo ng Mga Serbisyo. Magsasagawa kami ng mga makatwirang pagsisikap upang abisuhan kayo gamit ang email address na nauugnay sa inyong account o sa susunod na pagkakataong tangkain ninyong i-access ang inyong account, depende sa mga sitwasyon. Sa lahat ng nasabing sitwasyon, wawakasan ng Mga Tuntunin, kabilang na, nang walang limitasyon, ang inyong lisensiya sa paggamit sa Mga Serbisyo, maliban sa patuloy pa ring ipapataw ang mga sumusunod na seksiyon: 2, 3, 5, 6, at ang mga probisyon sa maling paggamit ng Seksiyon 4 (“Maling Paggamit ng Mga Serbisyo”). Kung naniniwala kayong hindi dapat winakasan ang inyong account, puwede kayong maghain ng apela gamit ang mga hakbang na makikita sa aming Help Center (https://help.x.com/forms/account-access/appeals). Upang maiwasan ang pagdududa, ipagpapatuloy ang Mga Tuntuning ito sa kabila ng pag-deactivate o pagwawakas sa inyong account.

5. Mga Limitasyon sa Sagutin

Kapag ginamit ninyo ang Mga Serbisyo, ibig sabihin, sang-ayon kayo sa X Corp., sa mga pinagmulan, affiliate, kaugnay na kompanya, opisyal, direktor, empleyado, kinatawang ahente, kasosyo at tagapaglisensiya, limitado ang sagutin sa maximum na lawak na pinahihintulutan sa inyong bansang tinitirhan.

6. Pangkalahatan

Maaari naming rebisahin ang Mga Tuntunin paminsan-minsan. Hindi retroactive o walang epekto sa nakaraan ang mga pagbabago, at ang pinakakasalukuyang bersiyon ng Mga Tuntunin, na palaging nasa x.com/tos, ang sasaklaw sa aming ugnayan sa inyo. Bukod sa mga pagbabagong tumutugon sa mga bagong function o ginawa nang may mga dahilang legal, aabisuhan namin kayo nang maaga nang 30 araw tungkol sa paggawa ng mga ipatutupad na pagbabago sa Mga Tuntuning ito na may epekto sa mga karapatan o obligasyon ng anumang partido sa Mga Tuntuning ito, halimbawa sa pamamagitan ng abiso sa serbisyo o email sa email na nauugnay sa inyong account. Kapag patuloy ninyong in-access o ginamit ang Mga Serbisyo pagkatapos ipatupad ang mga rebisyong iyon, ibig sabihin, sang-ayon kayong mapailalim sa nirebisang Mga Tuntunin.

Sa lawak na pinahihintulutan ng batas, isinusuko ninyo ang karapatang lumahok bilang nagsasakdal o class member sa anumang paglilitis ng ipinagpapalagay na class action, collective action o representative action.