Ipinakikilala ang Playlist para sa iOS.
Gumawa ng playlist ng content na gustong-gusto mo, nang direkta sa browser mo. Idagdag ang halos kahit na anong media at mag-play kahit kailan, kahit saan, Kahit offline.
Dalhin ang paborito mong content, kahit saan.
Gumawa ng playlist. Sa browser mo mismo.
Sa pamamagitan ng Brave Playlist, makakagawa ka ng playlist ng iyong mga paboritong stream ng audio at video, sa browser mo mismo. Walang kailangang karagdagang app sa iyong device.
Magdagdag ngayon, mag-play mamaya
Huwag hayaan ang mahinang signal na pumigil sa iyong panoorin at pakinggan ang iyong mga paboritong stream ng video at audio. Sa pamamagitan ng Playlist, puwede kang manood o makinig ng content kahit kailan, kahit saan—kahit offline.
Kahit na anong media, kahit na anong stream
Audio o video. YouTube o Twitch o Vimeo. Soundcloud o halos kahit na anong podcast na maisip mo. Kaya ng Brave Playlist ang lahat ng ito.
Gumawa ng iyong sariling playlist.
Kunin ang Brave para sa iOSMga FAQ tungkol sa Playlist
-
Oo. Sa pamamagitan ng Brave Playlist, puwedeng i-play sa background ang kahit na anong media na idaragdag mo. Ibig sabihin, puwede kang makinig ng stream ng audio o puwede mong pakinggan ang audio ng stream ng video, habang gumagamit ka ng iba pang app. O ilagay ang iyong telepono sa bulsa mo, at makinig on the go!
-
Oo, libreng feature ang Playlist. I-download lang ang Brave browser at i-click para magsimula.
-
Puwedeng mag-save ng Audio at Video para sa offline mode, para ma-playback ito kapag wala kang internet, ngunit hindi ito puwedeng i-download o ilipat sa hiwalay na device.
-
Oo, sinusuportahan ng Brave Playlist ang pag-stream ng video.
-
Sinusuportahan ng Brave Playlist ang karamihan ng mga open web standard. Gayunpaman, hindi nito kasalukuyang sinusuportahan ang mga tool para sa Digital Rights Management (DRM) o ang mga serbisyo sa paghahatid ng media (hal. Spotify o Netflix).
-
Gumagana ang Brave Playlist sa mga Apple iPhone at iPad na gumagamit ng iOS 13 at mas bago.
-
Kapag nagdagdag ka ng item sa iyong playlist, ginagawa ng Brave na available ang item na iyon para sa offline na pag-playback. Ang item ay pansamantalang sine-save sa iyong iPhone o iPad sa format na magagamit lang ng Brave Media Player.