Ano’ng bago sa Brave?

Isang mabilis na pagtingin sa ikinasasabik naming pinakabagong mga feature.

Browser

Subukan ang mga vertical tab sa desktop

Mga vertical tab sa desktop

Maranasan ang isang bagong paraan para pamahalaan ang mga nakabukas na tab sa iyong browser, gamit ang feature na mga vertical tab ng Brave. Tumutulong na alisin ng mga vertical tab ang siksikan sa window ng iyong browser, at pinapalawak ang iyong screen.

Para magsimula, i-right click ang kahit na anong umiiral na tab at piliin ang opsyon na Vertical tabs, o bumisita sa brave://settings/appearance at piliin ang Vertical tabs.

Matuto pa tungkol sa Brave vertical tabs.


Web Discovery Project

Tulungang gawing mas mahusay ang mga resulta ng Brave Search para sa iyo…at sa lahat ng user ng Brave.

Kamakailan, ang Brave Search ay removed all 3rd-party data calls to Bing and became a 100% independent search engine. Para manatiling ganap na indipyendente at patuloy na pagandahin ang Brave Search, kailangan nating tuloy-tuloy na i-refresh ang index. Dahil dito, ginawa namin ang Web Discovery Project.

Binibigyang-daan ng Web Discovery Project ang mga user ng Brave na mag-ambag ng walang pagkakakilanlang data sa pagba-browse sa Brave Search index. Kapag mas maraming tao ang nag-opt in, nagiging mas mahusay ang engine, at mas maganda ang mga resulta. Sinusuportahan din nito ang aming misyong magtayo ng karanasan sa search kung saan pangunahin ang privacy, iyong ganap na indipyendente mula sa Big Tech, ngunit maaari pa ring makikumpitensya sa kalidad, pagkakumpleto, at nuance.

Handa nang suportahan ang misyon ng Brave? Bisitahin lang ang brave://settings/?search=web+discovery+project para i-enable ang Web Discovery Project.


VPN

Gamitin ang Brave VPN sa desktop

Ine-encrypt at pinoprotektahan ng Brave VPN ang kahit na anong gawin mo online, maging sa labas ng browser ng Brave. Iyon ay sa bawat app, sa iyong buong device. Ngayon, maaari mong protektahan ang hanggang 5 device sa isang subscription, sa desktop, Android, at iOS.

Para magsimula sa desktop, i-tap lang ang icon ng VPN na lilitaw sa address bar. Para makapagsimula sa mobile, buksan ang Settings ng Brave at i-toggle ang VPN sa On.

Matuto pa tungkol sa Brave VPN.


Privacy

Pag-block sa abiso para sa pahintulot ng Cookie

Alam mo iyong mga nakakainis na mga abiso para pahintulutan ang cookie na lumilitaw tuwing bumibisita ka sa bagong website? Maaaring i-hide ng mga bagong bersyon ng Brave—at kung maaari—ganap na iba-block ang mga ito. Mag-update lang sa pinakabagong bersyon ng Brave.

Kapag di mo nakita ang prompt para i-block ang mga pahintulot ng cookie sa unang pagkakataon, maaari kang bumisita sa brave://settings/shields/filters at madaling i-enable / disable ang opsyon na EasyList-Cookie List.


News

Libre, personalized na news feed at RSS reader sa Brave

Gusto mong manatiling nakakasunod sa mga current events? Magbukas lang ng bagong tab sa Brave, at mag-scroll up. Sa Brave News, maaari mong ma-customize ang bawat news feed mo sa mismong browser. Mamili mula sa listahan ng mga pinagmulan na na-curate ng Brave, o idagdag ang iyong sarili.

Ang iyong mga personal na update sa feed ay awtomatiko sa buong araw, at iaangat ang nangungunang trending story para matulungan kang manatling may alam na hindi nakokompromiso ang privacy.

Matuto pa sa brave.com/brave-news/.


Web3

Brave Wallet, ang secure na built-in na crypto wallet

Brave Wallet, ang secure na built-in crypto wallet

Ginagawang madali ng Brave ang pag-browse Web3 gamit ang isang secure, multi-chain crypto wallet na naka-built in sa mismong browser. Sa Brave Wallet maaari kang mag-imbak, magpadala, makatanggap, makipagpalit, at pati na ang bumili ng crypto sa desktop, Android, at iOS. Maaari ka ring kumonekta sa libo-libong decentralized apps (DApps) sa lahat ng nangungunang network kabilang ang Solana, Ethereum, at Polygon.

Handa nang magsimulang gamitin ang Brave Wallet? Sa desktop, i-click lang ang Wallet icon icon sa address bar. Sa Android at iOS, buksan ang mga setting ng Brave at piliin ang Wallet.

Tingnan ang lahat ng note sa release
brave mobile graphic

Brave Browser para sa mobile

Ang Brave ay available bilang isang mabilis, libre, at secure na web browser para sa iyong mga mobile device. May kasama itong built-in na ad blocker na humahadlang sa tracking, at naka-optimize para sa mobile data at pagtitipid sa baterya. Kunin ang Brave Browser (mobile) para sa Android o iOS.

Google Play Store button Apple App Store button
close
close

Malapit na…

60 segundo lang para magkaroon ka ng pinakamahigpit na privacy online

Kung hindi awtomatikong nagsimula ang iyong download, .

  1. I-download ang Brave

    I-click ang “I-save” sa window na magpa-pop up, at hintaying matapos ang download.

    Hintaying makumpleto ang pag-download (pwedeng kailanganin mong i-click ang “I-save” sa isang window na nagpa-pop up).

  2. Patakbuhin ang installer

    I-click ang na-download na file sa kaliwang bahagi sa ibaba ng iyong screen, at sundin ang mga instruction para i-install ang Brave.

    I-click ang na-download na file sa kanang bahagi sa itaas ng iyong screen, at sundin ang mga instruction para i-install ang Brave.

    I-click ang na-download na file, at sundin ang mga instruction para i-install ang Brave.

  3. I-import ang mga setting

    Habang nagse-set up, i-import ang mga bookmark, extension, at password mula sa iyong dating browser.

Kailangan ng tulong?

Makakuha ng mas mahigpit na privacy. Kahit saan!

I-download ang Brave mobile para sa privacy na on the go.

Download QR code
Brave logo I-click ang file na ito para i-install ang Brave
I-click ang file na ito para i-install ang Brave Brave logo