Brave Firewall + VPN
Ine-encrypt at pinoprotektahan ng Brave VPN ang kahit na anong ginagawa mo online, kahit sa labas ng Brave browser. Sa bawat app. Sa iyong buong device.
I-download ang Brave ngayon I-launch ang Brave VPN ngayonPagkatapos i-download ang Brave, buksan ang browser at i-click ang “VPN” sa address bar.
Para magsimula sa mobile, buksan ang Brave sa phone o tablet, i-tap ang Mga Setting ("…"), at i-on ang VPN.
Para makapagsimula sa mobile, I-download at buksan ang Brave sa iyong telepono o tablet, i-tap ang Mga Setting ("…"), at i-toggle sa VPN.
Proteksyon para sa 5 device sa desktop, Android, at iOS.
Protektahan ang iyong sarili laban sa mga banta, sa bawat app, kahit saan
Nagbibiyahe ka ba? Nasa bago o public na Wi-Fi network? Huwag mag-alala. Bina-block ng Brave VPN ang mga tracker, ine-encrypt at pinoprotektahan nito ang bawat koneksyon sa Web. Para 'yan sa bawat app, sa anumang device, sa desktop, Android, at iOS.
Itago ang traffic at lokasyon mula sa mga Internet Service Provider
Nakikita ng karamihan ng Internet service provider (ISP) kung ano'ng ginagawa mo online, kahit sa mga private / Incognito window. Pwede nilang kolektahin at ibenta ang iyong data. Itinatago ng Brave VPN ang iyong Internet traffic mula sa mga ISP para makapag-browse ka nang malaya at ligtas.
Protektahan ang lahat ng iyong device gamit ang isang subscription
Medyo kumplikadong manatiling secure online. Tinutulungan ka ng Brave na pasimplehin ito. Kasama na mismo sa browser namin ang aming VPN, at pinoprotektahan ng isang subscription ang hanggang 5 device, sa Android, iOS, macOS, at Windows.
Subukan ang Brave Firewall + VPN ngayon
I-launch ang Brave VPN ngayon I-download ang Brave ngayonPagkatapos i-download ang Brave, buksan ang browser at i-click ang “VPN” sa address bar.
Para magsimula sa mobile, buksan ang Brave sa phone o tablet, i-tap ang Mga Setting ("…"), at i-on ang VPN.
Para makapagsimula sa mobile, I-download at buksan ang Brave sa iyong telepono o tablet, i-tap ang Mga Setting ("…"), at i-toggle sa VPN.
Proteksyon para sa 5 device sa desktop, Android, at iOS.
Mga FAQ tungkol sa Brave VPN
-
Bumubuo ang firewall ng ligtas na barrier sa pagitan ng device mo (telepono, tablet, o computer) at ng internet—bina-block nito mula sa iyong device ang hindi kilalang mga tracker, mga virus, at marami pa. Gumagawa ang virtual private network (VPN) ng pribadong network para sa iyo at sa device mo, kahit paano mo i-access ang internet—kahit sa pampubliko o kahit na sa hindi secure na Wi-Fi network. Nag-aalok ang Brave VPN ng mga benepisyo ng parehong VPN at firewall para maprotektahan ang lahat ng ginagawa mo online. Bino-block nito ang hindi inaasahang surveillance na may proteksyon sa antas ng network, sa buong device mo, sa bawat app na ginagamit mo.
-
Available ang Brave VPN sa Brave Browser para sa Android, iOS, macOS, at Windows. Dapat ay naka-install sa iyo ang Brave upang magamit ang Brave VPN.
-
Oo. Nagpoprotekta ang Brave VPN ng hanggang 5 device, basta naka-install ang Brave browser sa bawat isa sa mga ito.
-
Ang Brave VPN ay isang subscription service. Available ito sa Brave Browser sa mga desktop at mobile device sa halagang $9.99 / buwan. Ang bawat subscription ay may kasamang 7 araw na libreng trial. Kung magsu-subscribe ka sa Brave VPN mula sa App o Play store, pwede kang pumili ng taunang subscription sa halagang $99.99 / taon.
Para simulan ang isang trial o bilhin ito sa mobile, buksan ang Brave Browser sa mobile device mo, buksan ang menu ng Mga Setting (“…”), pagkatapos ay i-on ang VPN at sundin ang mga prompt para ma-set up ito. Para simulan ang isang trial o bilhin ito sa desktop, bisitahin ang account.brave.com at piliin ang Brave Firewall + VPN.
-
Ang paglipat sa lokal na server ay puwedeng magpabilis at magpahusay sa performance ng VPN, gayundin ang mangyayari sa mga app na ginagamit mo sa iyong device. Para pumili ng lokal na server, buksan ang mga setting ng browser mo at mag-navigate sa tab na Brave Firewall + VPN.
-
Sa unang pag-setup ng Brave Firewall + VPN, sasabihan kang mag-install ng profile sa device mo. Sa kasong ito, isang file lang ang profile na naglalaman ng mga detalye ng koneksyon sa VPN. Kinakailangan ang profile para gumana ang VPN, at para paganahin ang functionality tulad ng pag-filter / pagharang ng mga tracker. Tandaan na hiwalay ang profile na ito sa Brave Browser.
Para sa mga user ng iOS, hinihiling ng Apple na i-enter ng mga user ang kanilang pin code / device biometrics kapag nagse-set up ng VPN.
-
Hindi sa ngayon, ngunit lubos naming pinagsisikapang gawin ito. Umaasa kaming maibigay ang opsyong bumili ng Brave Premium gamit ang BAT sa nalalapit na panahon.
-
Ang Brave VPN ay pinapagana sa pamamagitan ng partnership sa Guardian. Magkasamang iniaalok ng Brave at Guardian ang 24 / 7 na suporta, 365 araw sa isang taon. Hinding-hindi ka magkakaroon ng sirang koneksyon o mahihirapang makipag-ugnayan sa tech support.