Isang linggo na din mula nung mag break tayo, K. Wala akong nakakausap kaya I will just have to let this go here.
Mag aanim na taon sana tayo, K. Dalawang taong nagsasama sa isang bahay. Ideal couple ika nga ng iba. May aso pa nga at para ng isang pamilya. Humantong pa nga na inalok kita ng kasal. Bakit, K?
At ikaw yung babae na ang mantra e: “you don’t support adultery”. Anyare, K?
We are both 32 years old. Yung mga kaibigan mo sa Genshin e mga mas bata sa iyo which I don’t have an issue. Kasal na lang ang kulang sa atin e.
Isang linggong lang tayong hindi nag usap dahil sa mga bagay na hindi natin napapag usapan dati at nahuli kita na may ka-chat at kalandian sa Discord niyo sa Genshin Impact. I just felt apart. Now come this guy trying to save you as a damsel in distress pero may boyfriend ka pa. Bakit, K?
Take note: Nag uusap kayo ng kalandian niyo habang ako nagwowork sa labas na ang init init. Trying to be the best version of me while working.
Ikaw tong marupok at binigyan lang ng time, sige bumigay naman at not knowing na hindi pa tayo naghihiwalay. That guy did not respect me, did not respect us. Kung seryoso man siya sa’yo sana pinag move on ka muna niya at inantay mo siya diba. Na kahit na hindi pa tayo technically naghihiwalay ay todo porma and kept on pushing himself to you.
Tama pala ang intuition ko at ang sakit sakit na. Oo tama kayo ng basa, yung babae ang nag cheat sa lalake. She cheated on me sa nakilala niya na guy sa Genshin Impact.
Ako na nag wowork sa sala na napaka init at walang maayos na desk. Ikaw, naka aircon, naka on ang PS5, at masayang nakikipag usap sa Discord sa lalaking nakilala mo.
Bakit, K?
Nung una, wala akong issue sa pag Gegenshin Impact mo sinuportahan kita sa lahat ng gusto mong gawin pero lately I just felt something is off.
I just hope you the best. Even if maging kayo man sa huli nung guy na nakilala mo sa Genshin Impact, I totally understand. I guess I just have to deal with this alone with our dog (now my dog).
Kahit walang respeto yung guy, handa akong magparaya kahit ang sakit sakit.
Lahat ng comfort para maka move on ka, ibinigay ko na. Yung bahay natin, malapit sa magulang mo, you have friends come over, you have access sa lahat. Ako, wala. You will have an amazing support at for sure nakakausap mo pa yung guy. Yung ng naipundar ko/natin iyo na. Ang mga appliances na binili natin, iyo na. Smart TV, Inverter ref, inverter aircon, coffee stuff. Those are all yours to keep.
Ako, eto. Kinakausap na lang yung aso. Walang nadalang gamit kundi laptop at iilang damit. Checking in to one Airbnb to another.
Awang awa na ako sa sarili ko. Wala akong masabihan ng nararamdaman ko. Wala akong mapagsabihan na para akong sasabog kaya dito ko na lang ilalabas.
Di ko na alam paano magsisimula, K. Bakit, K? Bakit?
Sa pelikula lang ba yung ganitong eksena? Hindi ata at ang sakit sakit na. Parang di ko na kaya. Parang gusto ko na lang mawala.
-K