Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
King Jigme Khesar Namgyel Wangchuck (edit).jpg

Si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck (Dzongkha: Jigme khesar namgyel wangchuck name.svg, ipinanganak noong 21 Pebrero 1980) ay ang ikalimang Haring Dragon ng Bhutan at puno ng dinastiyang Wangchuck. Siya ay kasalukuyang pinakabatang monarka at puno ng estado. Si Khesar ay panganay ng ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan, Jigme Singye Wangchuck, at ang ikatlong asawa ng kanyang ama, Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Siya ay may mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Siya ay wala pang asawa. Kaugnay ng pamilya, si Khesar ang panganay ng ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan na si Jigme Singye Wangchuck, at ang ikatlong asawa ng kanyang ama, Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Siya ay may mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Siya ay wala pang asawa. Noong Disyembre 2005, ipinahayag ni Haring Jigme Singye Wangchuck ang kanyang intensiyon sa pagbababa sa trono alang-alang sa kanyang anak bilang bigaylugod, at sinisimula niyang ipasa nang kagyat ang mga tungkulin sa kanya. Siya ay opisyal na pinutungan ng korona noong 6 Nobyembre 2008, sa buwan ng lalaking Daga (tahaklaw o lupang daga), sa maharlikang palasyo sa Timpu. Ang marangyang koronasyon ay binubuo ng sinauna at makulay na rituwal, dinaluhan ng mga libong dayuhang dignitaryo.

Nürnberg St. Lorenz Dreikönigsaltar Geburt 01.jpg

Ang natibidad ni Jesus, natibidad ni Cristo, kapanganakan ni Cristo o kapanganakan ni Jesus ay nilalarawan sa mga ebanghelyo ng Bibliya na Lucas at Mateo. Sumasang-ayon ang dalawang salaysay na ipinanganak si Jesus sa Bethlehem sa Judea, na tinakdang ikasal ang kanyang inang si Maria sa isang lalaki na nagngangalang Jose, na nagmula sa lahi ni Haring David at hindi amang pambiyolohiya ni Jesus, at dulot ng dibinong pamamagitan ang kanyang kapanganakan. Batayan ang natibidad para sa pistang Kristiyano ng Pasko tuwing Disyembre 25, at gumaganap ito ng isang pangunahing papel sa panliturhiyang Kristiyanong taon. Maraming mga Kristiyano ang tradisyunal na pinapakita ang mga maliliit na mga belen sa kanilang mga tahanan na isinasalarawan ang eksena sa natibidad, o dumadalo sa mga Palabas ng Natibidad o mga Paskong pagtatanghal na nakatuon sa siklo ng natibidad sa Bibliya. Ang pinainam na mga pinapakitang natibidad na tinatawag na "mga eksenang creche", na tinatampukan ng mga estatwang kasing-laki ng tao, ay isang tradisyon sa panlupalop na mga bansang Europeo tuwing Kapaskuhan.

May-akda ng larawan: Uoaei1

Michael Collins (S69-31742, restoration).jpg
  • Sa boksing, nagwagi si Nonito Donaire matapos mapatumba nang tatlong beses ang Pranses na si Nordine Oubaali hanggang sa ikaapat na yugto ng labanan sa Showtime Championship Boxing main event na naganap noong Mayo 29 sa Carson, California, Estados Unidos. Napanalunan niya ang titulong WBC bantamweight.
  • Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Batas Republika Bilang 11552 noong Mayo 27 na may layong ireporma ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (Epira) na mapapaso sa darating na Hunyo 26. Nakasaad dito ang pagpapahaba at ekstensyon ng panahon para sa mga nakakabit na kabahayan sa linya ng kuryente, lalo na ang mga taong mahihirap, at pagsubsidiyahan ang kabayaran sa mga ito sa loob ng 50 taon.
  • Krisis sa Israel–Palestina: Nakipagsunduan ang Israel at Hamas para sa tigil-putukan ng hidwaan sa Gaza noong Mayo 20 matapos masawi ang halos 200 na mga tao sa loob ng 11 na araw ng pakikipagbakbakan.
  • Pumanaw ang Amerikanong astronota na si Michael Collins (nakalarawan) noong Abril 28 dahil sa sakit na kanser sa edad na 90. Siya ang nag-piloto palibot ng buwan lulan ng command module habang isinasagawa nina Neil Armstrong at Buzz Aldrin ang unang paglapag sa buwan na bahagi ng programang Apollo 11 noong 1969.
  • Umabot na sa higit 1 milyong mga naitalang kaso ng COVID-19 ang Pilipinas noong Abril 26 (lunes) matapos mapabilang ang halos 8,930 na mga bagong kaso sa loob ng isang araw. Ang kabuuang bilang ay umabot na sa 1,006,428 kung saan 74,623 (7.4%) ang mga aktibong kaso at 914,952 (90.9%) ang mga gumaling. 16,853 pa lang ang mga naitalang nasawi dahil sa sakit.

Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Os d'Ishango IRSNB.JPG

Hunyo 6

Robert Francis "Bobby" Kennedy


Mga huling araw: Hunyo 5Hunyo 4Hunyo 3

Ngayon ay Hunyo 6, 2021 (UTC) – Sariwain ang pahina
Newar / Nepal Bhasa
(नेपाल भाषा)
Arumano
(Armãneashce)
Occitan
(Occittan)
Tagalog
(Wikang Tagalog)
Haytian
(Krèyol ayisyen)
Piedmontese
(Piemontèis)
Telugu
(తెలుగు)