Twitter for Good
Ipinapakita namin ang lakas ng Twitter sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayang panlipunan, bolunterismo, at pakikipagtulungan sa mga charity.
Mga pinagtutuunang larangan
Nakatuon kami sa kaligtasan, pagkakapantay-pantay, at malayang pagpapahayag.
Ang aming misyon sa pagkakawanggawa ay ang magamit ang positibong lakas ng Twitter para mas mapaganda ang mundo. Isinasabuhay namin ang ganitong layunin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayang panlipunan at bolunterismo, pati na pakikipagtulungan sa mga NGO at charity sa buong mundo pagdating sa content at data. Isinasabuhay ng aming kumpanya ang misyong ito sa pamamagitan ng pagbuhos ng aming suporta sa mga larangan kung saan kami makakagawa ng pinakamalaking pagbabago.
Kaligtasan at edukasyon sa Internet
Sinusuportahan namin ang mga organisasyong humaharap sa mga isyu tungkol sa online na kaligtasan gaya ng pambu-bully, pang-aabuso, pangha-harass batay sa kasarian, at mapoot na asal. Nakikipagtulungan din kami sa mga organisasyon para isulong sa mga kabataan ang kaalaman sa media at tamang paggamit ng digital na teknolohiya.
Mas malaki na ngayon ang pangangailangan sa kaalaman sa media kaysa dati. Nangangasiwa kami ng mga programang nakatuon sa pagbibigay-lakas sa aming mga user na paunlarin ang kanilang kritikal na pag-iisip at pagkonekta sa kanila sa mga mapagkukunan para mabigyan sila ng kontrol sa kanilang online na karanasan.
Kalayaan sa pagpapahayag at mga kalayaang sibil
Sinusuportahan namin ang mga organisasyong nagtatanggol at nagsusulong ng mga karapatan sa internet at kalayaan sa Pagpapahayag. Kabilang sa mga katuwang na organisasyong ito ang mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao, NGO para sa pamamahayag, tagapagsulong ng mga kalayaang sibil, at iba pang grupo para sa pampublikong interes.
Access at paggamit para sa lahat
Naniniwala kaming may abot-kayang access dapat sa internet ang lahat ng pamayanan. Kaya naman mahigpit kaming nakikipagtulungan sa mga NGO at charity sa buong mundo para maibahagi nila sa Twitter ang kanilang misyon at maipakita ang mga benepisyo ng access sa internet sa pamamagitan ng magagandang proyektong ginagawa ng mga NGO na ito sa kani-kanilang komunidad.
Pagkakapantay-pantay
Sinusuportahan namin ang pagkakapantay-pantay at ang pagtanggap sa lahat ng uri ng tao. Bilang bahagi ng pagsusumikap na ito, nakikipagtulungan kami sa mga organisasyon para matiyak ang mga pantay-pantay na pagkakataon sa mga programa para sa siyensya, teknolohiya, engineering, at matematika (STEM) at computer science para sa mga kababaihan at minoryang kulang sa representasyon, anuman ang edad.
Tugon sa emergency at pagbangon mula sa sakuna
Aktibo kaming mga mamamayan ng mundo. Kapag nagkaroon ng mga emergency o sakuna, nagbibigay kami ng mga tool at programang sumusuporta sa komunikasyon sa pagitan ng mga biktima, first responder, at programa para sa humanitarian relief.
Mga programa sa komunidad
Ang paglilingkod namin sa aming mga komunidad ang nagbibigay-daan sa aming matuto, kumonekta, at umunlad nang magkakasama.
Ang mga programa ng mga empleyado ng Twitter para sa kawanggawa sa buong mundo ay nakakatulong sa pagpapalago ng pang-unawa, pagkakapantay-pantay, at oportunidad sa aming mga komunidad.
Pakikipag-ugnayan sa pamayanan
Nakikipagtulungan kami sa mga nonprofit sa buong mundo para tulungan sila tungkol sa pinakamahuhusay na kagawian para makabuo ng mas epektibo at kahika-hikayat na presensya sa Twitter.
Sa San Francisco, ang @NeighborNest, na nasa tapat lang mismo ng Twitter HQ, ay nagsisilbing isang pampamilyang learning center para sa lokal na komunidad.
Sa Dublin, nagbibigay ang #ImpactNest ng espasyo at suporta sa mga startup para sa panlipunang innovation.
Pakikipag-ugnayan ng Empleyado
Maraming beses sa isang taon, nakikilahok ang aming mga empleyado sa pandaigdigang araw ng pagseserbisyo na tinatawag na #TwitterForGood Day. Nakikipagtulungan kami sa mga nonprofit na organisasyon at inilalaan namin ang araw sa pagtulong sa kanilang magbigay ng serbisyo sa aming mga lokal na komunidad.
Mga programa sa SF
Mga katuwang na organisasyon
Tingnan ang kumpleto naming listahan ng mga katuwang na organisasyon sa SF.
Higit pang impormasyon
Highlighting our social good initiatives in San Francisco, and around the world.