Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Mindorensis.jpg

Ang tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, may iilan lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya nanganganib na ngayon ito. Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na parang titik V. Ito ang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa. Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang Piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990. May anyong pangkaraniwan sa pamilyang kinabibilangan nito (ang Bovidae) ang Bubalus mindorensis. May siksik, mabigat na kayarian, wangis-bakang katawan, apat na mga hitang nagtatapos sa mga unguladong paa at isang maliit, nasusungayang ulo sa hangganan ng maliit na leeg. May maliit ito at masiksik kung ihahambing sa Asyatikong pantubig na kalabaw (Bubalus bubalis).

Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

Doris Day - 1957 (cropped).jpg
  • Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2019: Bumoto ang mga botanteng Pilipino upang ihalal ang mga bagong kasapi ng Senado ng Pilipinas at Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, gayon din ang iba pang puwesto sa lokal na pamahalaan.
  • Isang glitch o depekto ang naganap sa transparancy server ng Komisyon sa Halalan na nagdulot sa pagkaantala ng bahagiang pagpapalabas ng resulta ng Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2019.
  • Pangkalahatang halalan ng Guatemala, 2019: Tinukoy ng Korteng Pang-konstitusyon na may sagabal sa konstitusyon si Zury Ríos na maging kandidato sa pagkapangulo at napaalis siya sa halalan. Ang kanyang sagabal sa konstitusyon ay ang pagiging anak ng dating diktador na si Efraín Ríos Montt.
  • Nagtala ang Amerikanong mangagalugad ng ilalim ng dagat na si Victor Vescovo ng bagong rekord para sa pinakamalalim na pagsisid sa dagat kailanman na umabot sa 10,972 metro (35,997 talampakan) sa Bambang ng Marianas sa Karagatang Pasipiko. May mga ilang kakaibang bagay ang natuklasan sa ilalim, kabilang ang apat na bagong espesye ng mala-hipong krustaseyo, kakatwang maliwanag na makulay na nakalitaw na mga bato at isang plastik na bag.
  • Namatay sa gulang na 97 ang artista at mang-aawit mula sa Estados Unidos na si Doris Day. (nakalarawan ang isang litrato ni Day noong 1957)
  • Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Chandra 04.jpg
    • ... na ang lungsod ng Lubumbashi sa Demokratikong Republika ng Congo ay ang pagmiminang kabisera ng bansa?
    • ... na ang Ika-10 Abenida, Caloocan pati na ang distrito ng Grace Park, Caloocan ay dating isang palapagan o airfield bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    • ... na ang makasaysayang lungsod ng Samarqand, Uzbekistan ay idinagdag ng UNESCO sa talaan nito ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook noong 2001 bilang Samarkand – Crossroads of Cultures?
    • ... na si Chandra Bahadur Dangi (nakalarawan) ay ang pinakamaigsing tao na namatay noong 2015?
    • ... na si Sultan Kösen ay ang pinakamatangkad na nabubuhay na tao sa mundo?
    Ang Space Shuttle Endeavour

    Mayo 16:

    Mga huling araw: Mayo 15Mayo 14Mayo 13

    Ngayon ay Mayo 16, 2019 (UTC) – Sariwain ang pahina
    Estonyano
    (Eesti)
    Azerbaijani
    (Azərbaycanca)
    Galisyano
    (Galego)
    Ingles (payak)
    (English (simple))
    Noruwego
    (nynorsk)
    (Norsk (nynorsk))
    Latin
    (Latina)
    Taylandes
    (ไทย)
    Griyego
    (Ελληνικά)
    Newar / Nepal Bhasa
    (नेपाल भाषा)
    Arumano
    (Armãneashce)
    Occitan
    (Occittan)
    Serbo-Kroato
    (Srpskohrvatski / Српскохрватски)
    Heorhiyano
    (ქართული)
    Masedonyo
    (Македонски)
    Tagalog
    (Wikang Tagalog)
    Haytian
    (Krèyol ayisyen)
    Piedmontese
    (Piemontèis)
    Telugu
    (తెలుగు)