Kaligtasan sa Twitter
Nakatuon kaming gawing isang ligtas na lugar ang Twitter para sa malayang pagpapahayag.
- Ang diskarte namin
- Ang mga prinsipyo namin
Ang diskarte namin
Karapatang pantao ang malayang pagpapahayag. May tinig ang bawat isa, at may karapatan ang bawat isang gamitin ito. Sa Twitter, dapat mong maramdamang ligtas ka sa pagpapahayag ng sarili mong punto de bista sa bawat Tweet – at tungkulin naming maisakatuparan ito.
Ngunit minsan, maaaring maging mapang-abuso o mapagbanta ang Mga Tweet. Upang panatilihin kang ligtas, gumawa kami ng mga tool upang makontrol mo kung ano ang mga nakikita mo at kung sino ang mga nakakaugnayan mo; nakikipagtulungan kami sa isang komunidad ng mga eksperto sa online na kaligtasan para labanan ang pang-aabuso kahit saan; at bumubuo at nagpapatupad kami ng mga patakarang magbabawal sa mga mapang-abusong gawi.
Ang mga prinsipyo namin sa kaligtasan
Sa Twitter, dapat mong maramdamang ligtas ka sa pagpapahayag ng sarili mong punto de bista sa bawat Tweet. Gusto naming makatuklas ang lahat ng iba't ibang tinig at pananaw, at dahil dito, pinapahintulutan namin ang mga madamdaming opinyon at kontrobersyal na pananaw. Tungkulin naming gawing ligtas ang iyong karanasan hangga't maaari. Kaya kung makakaranas ka ng pang-aabuso o pangha-harass sa Twitter na maaaring makasama sa iyong kalayaan sa pagsasalita, hindi namin papahintulutang maging lugar ang Twitter kung saan ka matatakot, maha-harass, o mapapatahimik.
Narito ang mga prinsipyong gumagabay sa amin sa pagbuo ng kultura ng tiwala, seguridad, at paggalang.
- Naninindigan ang Twitter para sa kalayaan sa pagpapahayag ng lahat.
- Wala kaming kinikilingan. Ipinapakita namin ang mga panig. Ang bawat panig.
- Itinuturing naming pantay-pantay ang lahat: nalalapat sa lahat ang parehong Mga Patakaran sa Twitter.
- May karapatan kang ipahayag ang iyong sarili sa Twitter kung susunod ka sa mga patakarang ito.
Tweeting the latest safety tools, resources, and updates from @Twitter. For support, visit support.twitter.com