Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Ilang Elemento ng Programa
International Communist League
(Fourth Internationalist)
1. Pandaigdigang Sosyalistang Rebolusyon at ang International Communist League (Fourth Internationalist)
Ang International Communist League (Fourth Internationalist) ay isang proletaryo, rebolusyonaryo at internasyonalistang tendensi na nagtataguyod sa tungkulin ng pagtatag ng mga Leninistang partido bilang mga pambansang seksyon ng isang demokratiko-sentralistang internasyonal na layunin ay pamunuan ang uring manggagawa sa tagumpay sa pamamagitan ng mga sosyalistang rebolusyon sa buong daigdig.
Tanging ang proletaryado lamang, sa pag-agaw ng kapangyarihang pulitikal at sa pagwasak sa kapitalismo bilang sistemang pandaigdig, ang makapaglalatag ng basehan para sa eliminasyon ng pagsasamantala at resolusyon ng kontradiksyon sa pagitan ng paglago ng produktibong pwersa ng ekonomiya sa daigdig at mga balakid ng mga pambansang-estado. Matagal nang nalipasan ng kapitalismo ang progresibo-istorikal na papel nito sa pagbuo ng modernong ekonomiyang industriyal. Para mapanatili ang kanilang paghahari, kinakailangan gawin ng mga pambansa kapitalistang uri ang samantalahin ang nasyonal, etniko at makalahing hatian, na lalong pinatindi mula noong pagwasak ng Unyong Soviet. Ang lalong magkakabangayang imperyalistang kapangyarihan at mga magkaribal na bloke ay higit na nangangailangang apihin ang mga mamamayan ng dating kolonyal na bahagi ng daigidig at ang mga nasa ilalim pa ng pamatok ng kolonyal na pagka-alipin, paghirapin ang masa ng daigdig, masangkot sa walang tigil na digmaan para sa pananatili at sa redibisyon ng mga pandaigdigang pamilihan sa layuning tukuran ang bumabagsak na tantos ng ganansya, at magtangkang durugin ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mga manggagawa saan man ito pumutok. Sa huling nagdedeliryong pagsisikap nitong mapanatili ang makauring paghahari, ang burgesya ay hindi mag-aatubiling ilugmok ang sangkatauhan sa isang nukleyar na pagkapugnaw o sa diktatoryal na opresyon na di pa napaparisan ang pagkabangis.
Sa kabilang banda, ang tagumpay ng proletaryado sa pandaigdigang antas ay maglalagay ng di pa nasisilayang materyal na kasaganaan sa pagsilbi ng mga pangangailangan ng sangkatauhan, ilatag ang basehan ng pagpawi ng mga uri at ang eradikasyon ng panlipunang di pagkakapantay-pantay na nakabatay sa kasarian at ang ultimong abolisyon ng panlipunang pagkasignipikante ng lahi, bansa at etnisidad. Sa unang pagkakataon, hahawakan ng sangkatauhan ang renda ng kasaysayan at kukontrolin ang sariling likha, ang lipunan, at magbubunga sa di pa naaatim na emansipasyon ng potensyal na pantao, at isang monumental na lunsad pasulong ng sibilisasyon. Sa pagkakataong ito lamang magiging posible na makamtan ang malayang pag-unlad ng bawat indibidwal bilang kundisyon ng malayang pag-unlad ng lahat. Sinabi Isaac Deutscher sa kanyang talumpati, On Socialist Man (1966) [Hinggil sa Sosyalistang Tao]:
Hindi natin sinasabi na ang sosyalismo ay makakalutas sa lahat ng suliranin ng sangkatauhan. Tayong lahat sa unang banda ay nakikihamok sa mga suliranin na gawa ng tao at maaaring malutas ng tao. Nais ko lang ipaalala sa inyo na bilang halimbawa isinaad ni Trotsky, sa isang banda, na may tatlong batayang trahedya—gutom, sex at kamatayan—na kinakaharap ng tao. Ang kagutuman ay ang kaaway na hinamon ng Marxismo at ng modernong kilusang paggawa.... Oo, tutugisin pa rin ng sex at kamatayan ang sosyalistang tao; subalit kami ay kumbinsido na siya [ang sosyalistang tao] ay magkakaroon ng nakahihigit na kakayahan kaysa sa atin para harapin kahit ang mga ito.
2. Ang Krisis ng Proletaryong Liderato
Ang pananaig o pagkabigo ng uring manggagawa na makamit ang tagumpay ay nakadepende sa organisasyon at kamalayan ng masang nakikibaka, ibig sabihin, nasa rebolusyonaryong liderato. Ang rebolusyonaryong partido ang indispensableng sandata ng masang manggagawa para sa kanilang tagumpay.
Pinanghahawakan ng naghaharing uri ang monopolyo sa instrumento ng karahasan, ang dominanteng aparatong pulitikal at burukratiko, ang dambuhala nitong kayamanan at koneksyon, at ang kontrol nito sa edukasyon, mass media at iba pang institusyon sa kapitalistang lipunan. Laban sa ganitong kapangyarihan ang isang estado ng mga manggagawa ay mailuluwal lamang ng proletaryado na mulat sa sariling tungkulin, organisado para isakatuparan ang mga ito, at determinadong ipagtanggol ang mga nasakop nitong tagumpay laban sa kontrarebolusyonaryong dahas ng naghaharing uri.
Sa pagkamit ng uring manggagawa ng kamalayang pulitikal nagtatapos ang kalagayan nito bilang simpleng uri [class in itself] at nagiging uri na para sa sarili [class for itself], gising sa makasaysayang tungkulin nitong agawin ang kapangyarihang pang-estado at reorganisahin ang lipunan. Ang kamalayang ito ay hindi ispontanyong inaanak sa landas ng mga pang-araw-araw na maka-uring pakikibaka ng manggagawa; kailangan itoy dalhin sa mga manggagawa ng rebolusyonaryong partido. Kung kayat tungkulin ng rebolusyonaryong partido ang pandayin ang proletaryado sa pagiging isang sapat na pwersang pampulitika sa paraan ng pagkintal ng kamalayan ng tunay na kalagayan nito, pagsasanay sa mga aral ng kasaysayan ng maka-uring pakikibaka, pagpapatatag nito sa mas pinalalim na pakikipaglaban, pagwasak sa mga ilusyon nito, pagpapatibay ng rebolusyonaryong loob at tiwala-sa-sarili, at sa pag-organisa ng pagbagsak ng lahat ng pwersa na tumatayong hadlang sa pagsakop ng kapangyarihan. Ang mulat na uring manggagawa ang mapagpasyang lakas sa kasaysayan.
Ang indispensableng kalikasan ng tungkulin ng pagpanday ng talibang partido at ang pagpapatalas ng rebolusyonaryong talim nito bilang paghahanda sa di-maiiwasang rebolusyonaryong krisis ay idinidiin ng imperyalistang epoka. Tulad ng itinuro ni Trotsky sa The Third International After Lenin (1928) [Ang Ikatlong Internasyonal Pagkalipas ni Lenin]:
Ang rebolusyonaryong karakter ng epoka ay hindi nakasalalay sa pagpapahintulot ng pagpapatupad ng rebolusyon, ibig sabihin ang pag-aagaw ng kapangyarihan sa bawat pagkakataon. Ang rebolusyonaryong karakter nito ay binubuo ng malalim at matalas na pagbabago at biglaat madalas na mga transisyon mula sa kagyat na rebolusyonaryong sitwasyon.... Ito ang natatanging balon kung saan dumadaloy ang buong kahalagahan ng rebolusyonaryong istratehiya kumpara sa taktika. Dito rin nagmumula ang bagong kahalagahan ng partido at ng lideratong pampartido.... [Ngayon] ang bawat bagot matinding bwelta sa pampulitikang sitwasyon tungo sa Kaliwa ay naglalagay ng desisyon sa kamay ng rebolusyonaryong partido. Kung mamintis nito ang isang sitwasyong kritikal, ang huli ay matatransporma sa kabaligtaran nito. Sa ganitong kalagayan ang papel ng liderato ng partido ay nagkakaroon ng bukod-tanging halaga. Ang wika ni Lenin na ang epekto ng dalawa o tatlong araw ay maaaring magpasya sa kapalaran ng pandaigdigang rebolusyon ay halos di-maunawaan noong epoka ng Ikalawang Internasyonal. Sa ating epoka, sa kontraryo, ang mga salitang ito ay mas sa kadalasan nakumpirma at maliban sa halimbawa ng Oktubre, parati sa negatibo.
3. Kami ang Partido ng Rebolusyong Ruso
Ang Rebolusyong Ruso ng Oktubre 1917 ang nag-angat ng Marxistang doktrina ng proletaryong rebolusyon mula sa larangan ng teorya at binigyan ito ng katotohanan, naglikha ng lipunan kung saan ang naghahari ang manggagawa sa pamamagitan ng diktadura ng proletaryado. Ang proletaryong rebolusyong ito na pinamunuan ng Bolshevik Party sa Rusya ay isinakatuparan hindi lamang para sa Rusya. Para sa mga Marxistang rebolusyonaryo, ang Rebolusyong Ruso ay tiningala bilang unang putok sa kinakailangang internasyonal na pakikibaka ng paggawa laban sa pandaigdigang paghahari ng kapital. Nilagot ng mga Bolshevik ni Lenin ang kapitalistang tanikala sa pinakamahinang bahagi nito, na may pag-unawa na hanggat ang proletaryong rebolusyon ay hindi sumaklaw sa pangunahing kapitalistang kapangyarihan, pangunahin sa Alemanya, ang nag-iisa na diktadura ng proletaryado sa Rusya ay hindi magtatagal.
Ang mga oportunidad ay marami, ngunit ang mga bagong rebolusyonaryong partido sa labas ng Rusya ay bagung-bago, ibig sabihin ay, walang sapat na lakas at pampulitikang maturidad, para samantalahin ang mga ito. Sa Europa, lalung-lalo na sa Alemanya, pinaglingkuran ng Sosyal Demokrasya ang mga among burges, tumulong sa muling pagpapatatag ng kanilang kaayusan at nakiisa sa kanilang antagonismo sa Rebolusyong Oktubre. Sa ibang bahagi, sa mga bansa at rehiyon na di gaanong maunlad, ang naging pangunahing ideolohikal na balakid at pwersa laban sa Bolshevismo ay nasyonalismo.
Ang presyur ng pamamalibot ng mga imperyalista, ang pananalanta sa uring manggagawang Ruso sa panahon ng Digmaang Sibil at ang matagal na isolasyon ng Rebolusyong Ruso ay nagbigay daan sa isang burukratikong saray sa pamumuno ni Stalin na agawin ang pampulitikang kapangyarihan sa isang kontrarebolusyong pampulitika noong 1923-24, na tinagurian ni Trotsky bilang Soviet Thermidor. Habang nakatuntong at humahango ng mga pribilehiyo mula sa proletaryong anyo ng ari-arian ng deheneradong estado ng mga manggagawang Soviet, ang Stalinistang burukrasya ay hindi naging tunay sa kanilang komitment sa pagdepensa ng ganitong anyo ng ari-arian. Ang teorya ni Stalin ng sosyalismo sa iisang bansa [socialism in one country], bilang ekspresyon ng pambansang limitadong interes ng burukrasya sa Kremlin, ang nag-transporma sa Communist International mula sa pagiging instrumento ng pandaigdigang rebolusyon tungo sa pagiging isang bagong balakid.
Ang sosyalismo sa iisang bansa ni Stalin ay pagtanggi sa mga pundamental na prinsipyo ng Marxismo. Tinapos ang The Communist Manifesto (1848) [Ang Manipestong Komunista] sa, Manggagawa ng lahat ng bansa, magkaisa! Ang mga Rebolusyon ng 1848 ang naging senyal ng pagbukas ng modernong era—nakipagkaisa ang burgesya sa reaksyon laban sa proletaryado na noon din ay kinilala bilang banta sa kapitalistang paghahari. Isinulat ni Engels sa kanyang Principles of Communism (1847) [Mga Prinsipyo ng Komunismo].
Katanungan 19: Magiging posible ba para sa rebolusyong ito na maganap sa iisang bansa lamang?
Sagot: Hindi. Ang pang-malakihang industriya, sa paglikha ng pandaigdigang pamilihan, ay nag-ugnay na sa lahat ng mga sambayanan ng daigdig, at lalu na ang mga sibilisadong sambayanan, na ang bawat sambayanan ay naka-asa sa mangyayari sa iba. Dagdag pa, sa lahat ng sibilisadong bansa ang malawakang industriya ay nagpantay na sa antas ng panlipunang pag-unlad na sa mga bansang ito ang burgesya at ang proletaryado ay naging dalawang mapagpasyang uri sa lipunan at ang labanan sa pagitan ng dalawa ang pangunahing laban ng panahon. Sa gayon ang komunistang rebolusyon ay hindi pambansa lamang.... Ito ay rebolusyong pandaigdigan at gayoy magiging pandaigdigan ng saklaw.
Bilang oposisyon sa nasyonalistang oportunismo ni Stalin, ang Kaliwang Oposisyon [Left Opposition] ni Trotsky ay itinatag sa programa ng tunay na Marxismo na nagbigay-buhay sa Rebolusyong Bolshevik. Ang Kaliwang Oposisyon ay lumaban para ipreserba at palawakin ang mga nakamit ng Rebolusyong Ruso na pinagtaksilan ngunit di pa napapabagsak. Sa kanyang matinding analisis ng dehenerasyon ng Rebolusyong Ruso, ng dobleng kalikasan ng Stalinistang burukrasya, at ng ekplosibong kontradiksyon sa lipunang Soviet (The Revolution Betrayed, 1936) [Ang Rebolusyong Pinagtaksilan] maliwanag na inihain ni Trotsky ang pamimilian: Lalamunin ba ng burukrata ang estado ng mga manggagawa, o ililigpit ba ng uring manggagawa ang burukrata? Ang maka-propetang babala ni Trotsky ay nabigyan ng mapait na patunay sa negatibo.
Ang anti-internasyonalistang doktrina ng sosyalismo sa iisang bansa ay nagresulta sa mapahamak na pagdalos mula ultrakaliwang pakikipagsapalaran hanggang sa makauring kolaborasyon. Tinagurian ni Trotsky si Stalin bilang tagapaglibing ng rebolusyonaryong pakikibaka sa ibat-ibang bansa, mula sa ikalawang Rebolusyong Chino noong 1925-27 at ang Panlahatang Welgang British ng 1926 hanggang sa Alemanya, kung saan hinayaan ng CP [Partido Komunista], pati ang mga Sosyal Demokrata, na makamit ni Hitler ang kapangyarihan na wala ni isang baril ang pinaputok. Sa konteksto ng kataksilang naganap sa Alemanya at ang sumunod na kodipikasyon ng Comintern ng lantarang anti-rebolusyonaryong linya ng pagbuo ng prente popular, na ang naging pinakabuong ekspresyon ay ang kriminal na pagsakal ng mga Stalinista sa Rebolusyong Espanyol, inorganisa ng mga Trotskyista ang Fourth International [Ika-Apat na Internasyonal], na itinatag noong 1938.
Ipinatotoo ng planadong ekonomiya ng Unyong Soviet (at ang mga burukratikong depormadong estado ng mga manggagawa na malaon ay nagsulputan batay sa Stalinistang modelo) ang superyoridad nito hambing sa kapitalistang anarkiya sa panahon ng mabilisang pag-unlad. Subalit ang walang lubay na presyur dulot ng patuloy na ekonomiyang pamamalibot ng nananatiling pandaigdigang dominanteng kapitalistang anyo ng produksyon sa pamamagitan ng pandaigdigang pamilihan ay di-mapipigilan kung walang internasyonal na ekstensyon ang rebolusyon. Sinulat ni Trotsky sa The Revolution Betrayed:
Ang usapin na isinapormula ni Lenin na—Sino ang mananaig?—ay usapin ng korelasyon ng pwersa sa pagitan ng Unyong Soviet at ang pandaigdigang rebolusyonaryong proletaryado sa isang banda, at sa kabila ng internasyonal na kapital at ang antagonistikong pwersa sa loob ng Unyon [Soviet].... Ang interbensyong militar ay isang panganib. Ang pagpasok ng murang-halagang bilihin sa bagahe ng mga kapitalistang hukbo ay tunay na mas malaking panganib sa isa.
Ang kahinaan ng organisasyon ng Fourth International, ang kawalan ng malalim na ugat sa proletaryado, ang kakulangan ng teoretikal na kapabilidad at disoryentasyon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII) ay nagbibigay ng mabigat na ambag sa pampulitikang pagkaputol ng pagpapatuloy ng programa ng Fourth International ni Trotsky. Sa naunang diyesimasyon sa mga Trotskyistang kadre sa buong Europa sa kamay ng pasista at Stalinistang panunupil—ang mga masaker ng mga Trotskyista sa Vietnam at ang pagpiit sa mga Trotskyista sa China, mga bansa kung saan ang Kaliwang Oposisyon ay nakakuha ng mahalagang base ng suporta—nalimas sa kilusan ang mga mahusay na kadre sa isang krusyal na pagkakataon.
Ang paglawak ng Stalinistang paghahari sa Silangang Europa pagkatapos ng digmaan ay nagharap ng isang bagong programatikong hamon sa kilusang Trotskyista na kung saan ang pormal na ortodoxiya [orthodoxykumbensyunal na pananaw] ay hindi sapat na depensa. Matapos ang walang patid na hilera ng pagkabigo at pagtataksil, mula China (1927) at Alemanya (1933) hanggang sa Digmaang Sibil Espanyol, at ang madurugong pamumuksa ni Stalin, ang pagpapatuloy ng Unyong Soviet ay nalagay matinding panganib. Ang Red Army [Pulang Hukbo] ang gumapi kay Hitler sa kabila ni Stalin na—matapos tagapasin ang ulo ng sandatahang Soviet noong bisperas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mga madugong pamumuksa—layong sinabotahe ang depensa ng Unyong Soviet sa pagsampalataya una kay Hitler at sumunod sa mga alyadong demokratiko.
Subalit ang tagumpay ng Red Army laban sa pasismo ay lalong nagpatampok sa awtoridad ng burukratikong deheneradong Unyong Soviet, isang posibleng kahihinatnan na hindi nakita ni Trotsky. Ang mga Stalinista sa Kanlurang Europa ay sumulpot matapos ang WWII sa pamunuan ng mga masang organisasyon ng mga militanteng manggagawa sa Italya, Pransya at saan pa. Samantala, sa Silangang Europa na okupado ng Soviet, ang kapitalistang ari-arian ay sinamsam at isang kolektibisadong ekonomiya ang itinatag sa paraan ng rebolusyong panlipunan sa ilalim ng burukratikong kontrol, na nagbunga ng mga depormadong estado ng mga manggagawa na isinunod sa modelo ng Stalinistang-pinaghahariang USSR.
Sa bahagi ay kinondisyong ng Digmaang Vietnam at ng internal na kaguluhan sa U.S., lalo pa ang pakikibaka para sa pagpapalaya ng mga itim, saksi ang huling bahagi ng dekada 60/maagang dekada 70 ng serye ng mga pre-rebolusyonaryo at rebolusyonaryong sitwasyon sa Europa—Pransya 1968, Italya 1969, Portugal 1974-75. Ang mga ito ay kumatawan sa mainam na pagkakataon para sa proletaryong rebolusyon sa mga abanteng kapitalistang bansa matapos ang panahon kasunod ang WWII. Muling nagawang maipreserba ng mga pro-Moscow na Partido Komunista ang mga nayanig na burges na kaayusan sa rehiyon na ito. Ditoy di masusukat ang kontribusyon ng kontrarebolusyonaryong papel ng Kanluraning Stalinistang partido sa sumunod na pagkawasak ng Unyong Soviet. Ang muling pag-istabilisa ng burges na kaayusan sa mga estadong imperyalista ng Kanluran noong kalagitnaan ng 1970s ay agad sinundan ng panibagong opensibang Cold War laban sa blokeng Soviet.
Ang Stalinistang burukrasyang Soviet—dulot ng pagkaliban ng proletaryado bilang kaagaw sa kapangyarihan—sa daglian o mahaba-habang panahon ay pipihit rin sa market socialism, na, kaalinsabay ng pagpapaamo sa imperyalismong U.S. sa Afghanistan at ng pagiging ahente ng kapitalistang restorasyong sa Silangang Europa, ang nagbukas ng maluwang ng lagusan sa kapitalistang kontrarebolusyon sa dating Unyong Soviet noong 1991-92. Ang proletaryado, dahil sa kawalan ng pinuno, ay hindi nakayang tumutol, at naging resulta sa pagkawasak ng estado ng mga manggagawa.
Ang Rebolusyong Iranian ng 1979 ay nagbukas ng panahon ng lumalakas na pulitikal na Islam sa istorikong lupaing Muslim, isang kaganapan na nag-ambag sa at lalong pinalakas ng kontrarebolusyonaryong pagkawasak ng Unyong Soviet. Ang pag-agaw at konsolidasyon ni Khomeini ng kapangyarihan sa Iran ay isang pagkatalo kawangis ng pagdurog ni Hitler sa proletaryadong Aleman noong 1933, bagamat sa mas makitid at rehiyonal na antas. Ang slogan ng international Spartacist tendency Ibagsak ang Shah! Walang suporta sa mga mullah! at ang aming pagtutok sa suliranin ng kababaihan (Tutulan ang hijab!) ay tumayo bilang matalas na oposisyon sa kapitulasyon ng iba pang nasa kaliwa sa reaksyong pinamunuan ng mga mullah.
Pangunahing nakasandig ang preserbasyon ng proletaryong kapangyarihan sa pampulitikang kamalayan at organisasyon ng uring manggagawa. Matapos ang pisikal na likidasyon ni Stalin ng rebolusyonaryong kawing ng mga Bolshevik, ang pagpapatuloy ng tradisyon ng Rebolusyong Oktubre ay sistematikong binura sa ala-ala ng uring manggagawa. Sa kamalayan ng masang Soviet, batbat ng propagandang nasyonalistang-Ruso na ipinalabas ni Stalin, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang humalili sa Rebolusyong Oktubre at naging pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayang Soviet. Sa kalaunan, nagtagumpay si Stalin at ang kanyang mga tagapagmana na itatak ang kanilang nasyonalistang pananaw sa mga mamamayang Soviet; ang proletaryong internasyonalismo ay tinatwa bilang isang obskurong erehiyang Trotskyista ng pag-export ng rebolusyon o di kaya ay sinikal na binasyo ang kahulugan.
Atomisado at wala ni anumang anti-kapitalistang liderato, kapos sa malinaw at matatag na sosyalistang makauring kamalayan, at duda sa posibilidad ng makauring pakikibaka sa mga kapitalistang bansa, ang uring manggagawang Soviet ay hindi sumulong para lumaban sa nanghihimasok na kapitalistang kontrarebolusyon. At, tulad ng punto ni Trotsky sa The Third International After Lenin: Kung ang isang hukbo ay sumuko sa kaaway sa isang kritikal na sitwasyon ng di man lumaban, ang kapitulasyong ito sa kabuuan ang humahalili sa mapagpasyang paglaban, maging sa pulitika o sa digmaan.
Ang analisis ng terminal na krisis ng Stalinismo ay matatagpuan sa Spartacist No. 45-46 Winter 1990-91 sa mga dokumento nina Joseph Seymour, On the Collapse of Stalinist Rule in Eastern Europe [Hinggil sa Pagbagsak ng Stalinistang Paghahari sa Silangang Europa], at Albert St. John, For Marxist Clarity and a Forward Perspective [Para sa Marxistang Kalinawan at Pasulong na Perspektiba], at ang Spartacist Pamphlet ng Agosto 1993, How the Soviet Workers State Was Strangled [Kung Paano Binigti ang Estado ng mga Manggagawang Soviet]. Tulad ng nabanggit sa dokumento ni Seymour:
Sa kanyang mahabang pakikibaka laban sa Stalinistang burukrasya kinonsidera ni Trotsky ang ilang magkakaibang landas kung paano manunumbalik ang kapitalismo sa Unyong Soviet.... Ginamit ni Trotsky ang pariralang running backwards the film of reformism [patakbuhin ng pa-urong ang pelikula ng repormismo] para mag-polemiko laban sa mga naninidigan bilang maka-kaliwa na nagsasabing natransporma na ng rehimeng Stalin ang USSR sa isang estadong burges sa paraan ng gradwal at organikong proseso—Bersteinismong pa-urong.... Sa pananaw ni Trotsky na ang kapitalistang kontrarebolusyon, maging ang proletaryong rebolusyong pampulitika, sa Rusya ni Stalin ay kasasangkutan ng digmaang sibil ay isang prognosis, hindi isang dogma. Ito ay nakasalalay sa paglaban ng uring manggagawa, hindi sa paglaban ng konserbatibong elemento ng burukratikong aparato. Ganito nahaharap ang usapin sa The Revolution Betrayed.... Ang mapagpasyang elemento ay ang kamalayan ng uring manggagawang Soviet, na hindi naka-pirmi kundi apektado ng di mabibilang at papalit-palit na dahilan sa larangang domestiko at internasyonal.
Ayon kay St. John:
Di tulad ng anarkistikong ekonomiyang burges hindi awtomatiko kundi mulat na ipinupundar ang planadong ekonomiyang sosyalista. Kung gayon, sinulat [ni Trotsky] na, Ang pagsulong tungo sa sosyalismo ay hindi mahihiwalay sa kapangyarihang pang-estado na nagnanais ng sosyalismo o napipilitang naisin ito [The Workers State, Thermidor and Bonapartism, (1935) Ang Estado ng mga Manggagawa, Thermidor at Bonapartismo]. Kaya, konklusyon niya na kung wala ang interbensyon ng mulat na proletaryong taliba, ang pagbagsak ng Stalinistang pampulitikang rehimen ay di-maiiwasang magtungo sa likidasyon ng planadong ekonomiya at ang panunumbalik ng pribadong ari-arian.
Sa ika-20 siglo, ang suliraning Ruso ang pampulitikang usapin na nakapagbigay ng depinisyon at naging pamantayan para sa mga rebolusyonaryo. Kaming mga Trotskyista ay nanatili sa aming mga poste at lumaban para ipreserba at palawakin ang rebolusyonaryong tagumpay ng uring manggagawa habang ang iba pang tendensi sa planeta ay sumuko sa ideolohikal na presyur ng imperyalistang anti-komunismo. Higit sa lahat ang aming pagtanggol sa Unyong Soviet ay binigyang ekspresyon sa aming paglaban para sa mga bagong Rebolusyong Oktubre sa lahat ng panig ng mundo.
Ang responsibilidad para sa kontrarebolusyonaryong pagwasak ng Unyong Soviet ay nakasalalay rin sa lahat ng anyo ng repormismo at mga centrista na humanay sa likod ng kanilang naghaharing kapitalista laban sa USSR, pati na rin ang pagsuporta sa lahat ng reaksyonaryong kilusan mula Solidarnosc sa Poland hanggang sa mga Islamikong pundamentalistang berdugo sa Afghanistan. Ang mga mapangwasak at pandaigdigang kinalabasan ng kontrarebolusyong Soviet ay dumurog din sa antas teoretikal ng mga anti-Marxistang teorya na nagsasabing ang Stalinistang burukrasya ay kapitalista de estado, binabanggit ng mga ito na ang kontrarebolusyong Soviet ay simpleng pagpapalit ng anyo ng kapitalismo.
Ang pag-ahon ni Boris Yeltsin at mga pwersa ng kapitalistang-restorasyon noong Agosto 1991 ay susing pangyayari sa pagdetermina ng kapalaran ng Unyong Soviet, ngunit ang pangwakas na pagkatastas sa Rebolusyong Oktubre ay hindi isang di-maiiwasang konklusyon. Ipinamahagi ng mga Spartacist sa buong Unyong Soviet ang higit sa 100,000 kopya sa Ruso ng aming Agosto 1991 na artikulo, Manggagawang Soviet: Biguin ang Kontrarebolusyong Yeltsin-Bush! Doon namin isinulat na dapat nilampaso ng mobilisasyon ng mga manggagawa ang kontrarebolusyonaryong pagtitipon sa barikada ni Yeltsin at itoy maghahawan ng landas tungo sa proletaryong rebolusyong pulitikal. Nanawagan kami para sa isang rebolusyong pulitikal upang biguin ang kapitalistang restorasyon at ibalik ang proletaryadong Soviet sa kapangyarihang pulitikal. Tanging mga nasa ilalim ng impluwensya ng kapitalistang ideolohiya o ang materyal na dagdag sa kita ang mga nagmamadali na talikuran ang Unyong Soviet sa panahong iyon. Ang kawalan ng pagtutol ng uring manggagawang pinagtaksilan at atomisado ng dekada ng Stalinistang bulok na pamamahala at mabagsik na panunupil ang naging mapagpasyang salik sa pagkawasak ng estado ng mga manggagawang Soviet.
Ang aming pagtanggol sa USSR ay hindi limitado sa aming programa para sa USSR: ang walang kundisyong depensang militar laban sa imperyalismo at internal na kontrarebolusyon; para sa proletaryong rebolusyong pulitikal na layunin ang patalsikin ang burukrasya at ibalik ang USSR sa landas nina Lenin at Trotsky. Ito rin ay ipinamalas sa aming walang kundisyong depensang militar ng Rebolusyong Vietnamese; sa aming oposisyon sa pagtulak ng Solidarnosc na sinuportahan ng Wall Street at ng Vatican para itaob ang depormadong estado ng mga manggagawang Polish; sa aming panawagan na Ipagbunyi ang Red Army sa Afghanistan—Ipaabot ang panlipunang tagumpay ng Rebolusyong Oktubre sa mga mamamayang Afghan!; sa aming aktibong interbensyon para sa rebolusyonaryong reunipikasyon ng Alemanya.
Mariin na idinideklara ng kasaysayan ang hatol nito. Ang pagsulong ng kontrarebolusyon sa dating USSR ay isang di pa napapantayang kabiguan ng masang manggagawa sa buong mundo na mapagpasyang nagpabago sa pampulitikang heyograpiya ng planeta. Sa pagkawala ng paghamon ng lakas militar ng Soviet, nagpahayag ang imperyalismong U.S. ng mundong may nag-iisang superpower, habang sinasagasaan nito ang mga mamamayang malakolonyal mula Persian Gulf hanggang Haiti. Bagamat hindi na ito ang nakalalamang na pwersang pang-ekonomiya sa pandaigdigang imperyalismo, nananatili pa rin sa United States ang mapamuksang bentahe nito sa kapangyarihang militar, habang madalas na ikinukubli ang pananakot nito sa likod ng makataong maskara ng United Nations na isang pugad ng mga magnanakaw (ang deskripsyon ni Lenin sa League of Nations na sinundan ng UN). Subalit, ang mga karibal na imperyalismo, pangunahin dito ang Alemanya at Japan, na di na pinipigilan ng anti-Soviet na pagkakaisa, ay agresibong nagpupursigi ng kanilang gana na ma-kontrol ang mga pandaigdigang pamilihan at kaakibat na pagpapalapad ng lakas militar. Sa kasalukuyang alitan sa pagitan ng mga magkaribal na rehiyonal na blokeng pangkalakalan, tumitingkad ang balangkas ng mga digmaang darating. Sa harap ng tumitinding pagkukumpitensya sa pagitan ng mga imperyalista, iginigiit namin: Ang pangunahing kaaway ay nasa sariling bayan!
Sa pagbabalik-tanaw sa kasaysayan, makikita sa kasalukuyang post-Cold War na daigdig ang maraming pagkakaparis sa panahon bago mag Unang Digmaang Pandaigdig. Sa usaping ng bagong labanan sa pagitan ng mga imperyalista na ating kinakaharap, makaka-asa tayo na kikilos ang mga kasalukuyang repormista at centrista sa diwa ng 4 Agosto 1914 kung kailan sinuportahan ng kanilang mga sosyal-demokratikong ninuno ang sarili nilang tagapag-hari sa panahon ng digmaan. Binuo sa diwang ito ang kanilang ring pagsuporta para sa kontrarebolusyon sa USSR.
Kaalinsabay ng malawakang paghihikahos sa USSR, pumapaigting ang pratrisidyong ethnic cleansing sa mga mahuna at bagong luwal na kapitalistang estado sa Silangang Europa at mga dating republikang Soviet na kung saan ang nasyonalistang ideolohiya ang humalili sa di-pa namumuong kapital bilang pwersang-motor ng kontrarebolusyon. Kadalasan isang panunumbalik ng mga pambansang antagonismo na namagitan sa mga kapitalistang estado sa rehiyon bago mag-Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kabuntot ng kontrarebolusyon, ang nasyonalistang ideolohiya ay ang nagiging pangunahing hadlang sa daan na dapat buwagin ng mga rebolusyonaryo.
Sa Kanlurang Europa, ang lambat ng mga kagalingang panlipunan ay pinunit dahil hindi na nakita ng burgesya ang pangangailangang pigilan ang multo ng komunismo sa paraan ng pagtustos ng mga batayang pangangailangan. Habang ang klimang ideolohikal ng kamatayan ng komunismo [death of communism] ay nakaapekto sa kamalayan ng proletaryado, sa maraming bansa sa daigdig ang matalas na labanang maka-uri ang nagbibigay ng obhetibong basehan para sa rehenerasyon ng Marxismo bilang teorya ng siyentipikong sosyalismo at ng proletaryong rebolusyon. Hindi ang komunismo kundi ang parodya nito, Stalinismo ang nailantad bilang isang landas na walang patutunguhan.
Ang matagumpay na kontrarebolusyon ay hindi lamang nanalanta sa kalagayang materyal at ideolohikal ng proletaryadong Soviet at ng Silangang Europa; ganundin sa isang buong serye ng mga bansa (hal., Italya, Pransya) kung saan may mga Partido Komunistang umaakit sa respeto ng abanteng saray ng uring manggagawa, ang proletaryado ay binentahan ng kasinungalingan na sosyalismo ay nabigo, na pinangangalandakan ng naghaharing Stalinistang burukrasya na namuno sa mga depormadong estado ng mga manggagawa at namatnugot sa pagkawasak ng mga ito. Ang Kremlin sa pakikipagtulungan ng mga Stalinista sa Silangang Alemanya ang nanguna sa kontrarebolusyon sa DDR [Demokratikong Republikang Aleman], sa pagmamadaling isuko ang bansang ito sa Fourth Reich [Ika-Apat na Reich—gobyernong Aleman]. Ang burukrasyang Kremlin sa ilalim ni Gorbachev ang nagpatupad ng walang-kapantay at pangwakas na kataksilan, sa pag-deklara na ang sosyalismo ay eksperimentong utopyan na walang kahihinatnan at pagproklama ng pagiging mas magaling ang sistema ng kapitalistang pamilihan. Ang nalulusaw na CPSU ay nanganak sa mga pangkat na lantarang kontrarebolusyonaryo sa pamumuno ni Boris Yeltsin na siyang kumilos bilang hayag na ahente ng imperyalismong U.S. sa restorasyon ng kapitalismo. Kaya ang mga Stalinistang naghaharing caste [keyst—isang esklusibong panlipunang saray] at ang kanilang mga kapanalig-isip sa Kanluran ang may direktang responsibilidad sa pagkawasak ng mga sosyalistang aspirasyon ng mga sulong na proletaryong leyer sa Kanlurang Europa at iba pang lugar.
Ang iginiit ni Trotsky sa Programang Transisyonal ng 1938 na: Ang pangunahing katangian ng pampulitikang sitwasyon sa buong daigdig ay ang istorikal na krisis sa liderato ng proletaryado ay una pa sa malalim na kasalukuyang regresyon sa kamalayang proletaryo. Ang realidad ng post-Soviet na panahon ay nagdagdag ng bagong dimensyon sa obserbasyon ni Trotsky. Ang tanging landas para pangimbabawan ang regresyong ito at para ang uring manggagawa ay maging uri na para sa sarili [class for itself], ibig sabihin, lumalaban para sa sosyalistang rebolusyon, ay ang muling pagpanday ng internasyonal na Leninista-Trotskyistang partido bilang liderato ng uring manggagawa. Dapat muling maakit ng Marxismo ang katapatan ng proletaryado.
Sa China, ang sukdulang ideolohiyang nasyonalista na itinutulak ng naghaharing Stalinistang burukrasya ay direktang tulay sa kapitalistang restorasyon. Ang esensya ng kontrarebolusyong market reforms sa China ay nasa pagsisikap ng burukrasya na maging kasosyo sa pagsasamantala ng mga pwersang kapitalista at lalo na ng mga kapitalistang Chino na hindi nadurog bilang uri (katulad ng kanilang mga katwang na Ruso matapos ang Oktubre 1917) kundi patuloy na umiral sa Taiwan, Hong Kong, Singapore at iba pang lugar. Ang China ay umukit ng mga special economic zones bilang mga pulo ng imperyalistang pagsasamantala at hinahayaan na umiral ang kapitalistang ekonomiya sa Hong Kong matapos mabalik ito, habang ang hukbo at burukrasya sa pangkaraniwan ay nasasangkot sa malakihang pagnenegosyo. Ang burukrasya, na may mga bahaging nagnanasang maging bagong kapitalistang tagapagsamantala, ngayoy nakatutok tungo sa malawakang pagwasak ng industriyang pang-estado, sa gayon nahaharap ang paglansag ng mga nalalabi sa planadong ekonomiya sa depormadong estado ng mga manggagawa.
Ang landas na ito ay hindi maisasakatuparan liban kung dudurugin ang pagtutol ng militanteng uring manggagawa. Ipinakita ng naghaharing Stalinistang burukrasya sa Tiananmen Square noong 1989—sa isang namumuong rebolusyong pulitikal—ang patas na pagkatakot nito sa proletaryado at ang intensyong gumamit ng brutal na pamumuwersa na walang palamuti gaya ng glasnost (ang pampulitikang kaluwagan ng lider Soviet na si Gorbachev). Ang tanging pagpipilian ng China ay proletaryong rebolusyong pulitikal o kapitalistang kontrarebolusyon. Ang mapagpasyang sangkap ay rebolusyonaryong liderato para maibalik ang internasyonalistang makauring kamulatan na nagpakilos sa mga tagapagpundar na Komunistang Chino noong maagang bahagi ng 1920s. Malaki ang nakataya para sa manggagawa ng buong daigdig sa laban para sa pampulitikang rebolusyong manggagawa sa China. Ang kahihinatnan nito ay may mabigat na epekto sa mga natitirang depormadong estado ng mga manggagawa (Cuba, Vietnam at North Korea) at maging sa mga bansa sa Asia tulad ng Indonesia, South Korea, Thailand, Malaysia at Pilipinas, kung saan umusbong bilang makapangyarihang pwersa ang militante at batang proletaryado.
4. Ang Teoretikal at Istorikal na Pinagmulan ng International Communist League (Fourth Internationalist)
Kung paano isinalarawan ni Trotsky sa kanyang 1937 na artikulong Stalinism and Bolshevism [Stalinismo at Bolshevismo]: Ang reaksyunaryong epoka tulad ng sa atin ay hindi lamang nakapanlulusaw o nakapanghihina sa uring manggagawa at ang taliba nito kundi ibinababa ang panlahatang antas ideolohikal ng kilusan at ihinahangis pabalik ang pampulitikang pag-iisip sa mga antas na matagal nang nalampasan. Sa ganitong kundisyon, ang ng tungkulin na taliba pangunahin sa lahat ang huwag pabayaang maanod sa daloy-pagkati: kailangan nitong lumangoy kontra sa agos. Sa panahong post-Soviet, kung saan malawakan ang maling pagparehas ng Marxismo sa Stalinismo, nagkakaroon ng panunumbalik ng lahat ng anyo ng ideya mula sa anarkistang simpatiya hanggang sa anti-materyalistang idealismo at mystisimo. Ipinaliwanag ni Karl Marx: Ang relihiyosong pagdurusa ay iisa at kawangis ng ekspresyon ng tunay na pagdurusa at isang protesta laban sa tunay na pagdurusa. Ang relihiyon ay ang pagbuntung-hininga ng aping nilalang, ang puso sa mundong walang puso at ang kaluluwa ng kundisyong walang kaluluwa. Itoy opyo ng mamamayan. Ang abolisyon ng relihiyon bilang ilusyonaryong kaligayahan ng mamamayan ay kahilingan para sa tunay na kaligayahan. Ang manawagan na itatwa nila ang kanilang mga ilusyon tungkol sa kanilang kalagayan ay ang manawagan sa kanila na talikuran ang kundisyon na nangangailangan ng mga ilusyon (Critique of Hegels Philosophy of Right, 1844 [Kritik ng Pilosopiya ng Nararapat ni Hegel]).
Ang International Communist League ay bumabase sa Marxistang istorikal, dialektikal na materyalismo at nagpapatuloy ng rebolusyonaryong tradisyon ng internasyonal na kilusan ng uring manggagawa na nagsisilbing halimbawa ang British na kilusang Chartist ng 1840s at ang Polish na Partido Proletariat (1882-86), ang unang partido ng manggagawa sa imperyong tsarist. Kami ay naninindigan sa obra ng mga rebolusyonista tulad nina Marx, Engels, Lenin, Trotsky, Luxemburg at Liebknecht. At una sa lahat tumitingin kami sa karanasan ng Partido Bolshevik na nagtampok sa Rebolusyong Ruso ng 1917, ang tanging rebolusyon hanggang ngayon na ginawa ng uring manggagawa. Ang kasaysayang ito ang nagbibigay liwanag sa aming pinagmulan, sa aming nais ipagtanggol at sa aming nais patunguhan.
Nais namin partikular na isulong ang internasyonal na maka-uring manggagawang perspektiba ng Marxismo na pinaunlad sa teorya at praktika nina V.I. Lenin at L.D. Trotsky, na kinakatawan sa mga desisyon sa naunang apat na Kongreso ng Communist International at 1938 Programang Transisyonal at iba pang susing dokumento ng Fourth International, tulad ng War and the Fourth International (1934) [Digmaan at ang Ika-Apat na Internasyonal]. Ang mga materyal na ito ay indispensableng dokumentaryong kodipikasyon ng pandaigdigang kilusang komunista, at pundamental sa rebolusyonaryong tungkulin ng aming organisasyon.
Sa epoka ng kapitalismong nasa abanteng yugto ng pagkabulok, kaming mga komunista na layunin ang proletaryong pananakop ng kapangyarihang pang-estado at ang rekonstruksyon ng lipunan sa egalitaryong sosyalistang batayan ay kasabay sa pagiging pinakamatatag na tagapagtanggol ng mga ideal ng Enlightenment [Kaliwanagan] at ang mga nakamit ng rebolusyong burges: kami ang di-matitinag na tagapaglaban para sa mga burges-demokratikong kalayaan—para sa karapatan na mag-armas; para sa abolisyon ng lahat ng monarkiya at aristokratikong pribilehiyo; para sa paghihiwalay ng simbahan at estado; pagtutol sa imposisyon ng relihiyosong pundamentalismo bilang programang pulitikal; para sa pagtanggol sa malayang pamamahayag at pagtitipon laban sa panghihimasok ng estadong burges; paglaban sa barbarikong kaparusahan tulad ng parusang kamatayan; para sa huridikal na kapantayan ng kababaihan at mga minorya.
Kami rin ang di-matitinag na tagapagtanggol ng karapatang proletaryo na isinalarawan sa polyeto ni James Burnham, The Peoples Front—The New Betrayal (1937) [Ang Prenteng Bayan—Ang Bagong Kataksilan]: Mayroon sa ilalim ng kapitalistang demokrasya, sa maliit o malawakang banda, ang ikatlong grupo ng karapatan na hindi, kung tutuusin, mga demokratikong karapatan kundi mga karapatang proletaryo. Ang mga karapatang ito ay ang karapatang mag-piket at mag-welga at mag-organisa. Ang makasaysayang pinagmulan ng mga karapatang ito sa lahat ng kaso ay matutunton sa nagsasariling pakikibaka ng proletaryado laban sa burgesya at sa burges na estado.
Tumatanaw kami ng inspirasyon kay James P. Cannon, isang lider ng maagang yugto ng Partido Komunistang Amerikano na nakabig sa Trotskyismo sa Ika-6 na Kongreso ng Comintern at nakibaka para mahubog ang Trotskyistang pormasyon, unang-una sa Partido Komunista, at maipaloob ito sa pakikibaka ng uring manggagawa. Si Cannon, ay prinsipal na tagapagtatag ng Socialist Workers Party (SWP). Ang kanyang pakikibaka para maitayo ang isang proletaryong partido, pandayin ang Leninistang kolektibong lideratong pampartido (sa pagtalikod sa permanenteng paksyunalismo ng maagang CP at sa pagtutol sa intrigang klikista na naging salot halimbawa, ng mga Trotskyistang Pranses) at sa laban ng 1939-40 kontra sa petiburgis na oposisyon sa SWP (Shachtman at Burnham) na tumiwalag mula sa Trotskyismo sa usapin ng suliraning Ruso—ito ang rebolusyonaryong pamana na itinataguyod ng ICL.
Bagaman pahapyaw at pangunahin sa sarili niyang pambansang kalagayan, nilabanan ni Cannon ang Pabloistang rebisyonistang tunguhin na umusbong sa kilusang Trotskyista kasunod ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa aming batayang dokumentong (partikular sa Genesis of Pabloism, [Henesis ng Pabloismo] Spartacist No. 21, Fall 1972), habang matalas sa pamumuna sa mga pagkakamali ng mga anti-Pabloista, kami ay naninindigan kasama nila sa mapagpasyang laban para sa pagpapatuloy ng Trotskyismo. Pangunahing katangian ng Pabloismo ang renunsiyasyon ng nesesidad ng rebolusyonaryong pamumuno at ang adaptasyon sa mga nakatayong Stalinista, sosyal-demokratiko at petiburgis nasyonalistang liderato. Kasunod ng pagtatag depormadong estado ng mga manggagawa sa Silangang Europa, prediksyon ni Pablo ang mga siglo ng mga depormadong estado ng mga manggagawa at sinabi niya na ang mga Stalinistang partido ay maari na magaspang na bumalangkas ng rebolusyonaryong oryentasyon.
Dahil sa kakulangan sa kakayahan na maipaliwanag ang paglawak ng Stalinismo, sa unay sinikap ni Cannon at ng mga ortodoxong Trotskyista na bakahin ang mga konklusyong likidasyunista sa pagtanggi sa katotohanan (hal. ang tanggihang kilalanin ang China bilang depormadong estado ng mga manggagawa hanggang 1955). Nilabanan ni Cannon ang pagtakwil ni Pablo sa proletaryado bilang natatanging uri na may kayang magtransporma sa lipunan pati na rin ang pagtanggi sa pangangailangan para sa isang Trotskyistang partidong taliba. Subalit ang laban na ito ay hindi buong naisulong sa pandaigdigang antas. Ang pagtanggi sa proletaryong sentralidad ay nasa ilalim ng bawat isa sa pangunahiy mga bikaryosong eksperimento sa rebisyonismo (hal. ang gerilyang landas, estudyante bilang bagong pangmasang taliba) ni Pablo (at sinundan ni Ernest Mandel).
Ang ugat ng International Communist League ay nasa Spartacist League/U.S. na nagsimula bilang Revolutionary Tendency ng SWP at pangunahiy nakabase sa dokumento ng British Socialist Labor League, World Prospect for Socialism (1961) [Pandaigdigang Prospekt para sa Sosyalismo], at ang dalawang dokumento ng Revolutionary Tendency, In Defense of a Revolutionary Perspective (1962) [Pagtanggol sa Rebolusyonaryong Perspektiba] at bukod tanging Toward Rebirth of the Fourth International (1963) [Tungo sa Muling Pagsilang ng Ika-Apat na Internasyonal], ang huliy isinumite sa Kumbensyon ng SWP ng 1963. Sa kumperensya ng pagtatatag ng 1966, hinirang ng SL/U.S. ang isang Deklarasyon ng Prinsipyo (nasa SL/U.S. Marxist Bulletin No. 9) na nagsilbing modelo para sa Internasyonal na Deklarasyon ng mga Prinsipyong ito. Ang International Communist League, sa pag-ambag sa teoretikal na paglilinaw ng Marxistang kilusan at para sa muling pagpanday ng kinakailangang sandatang pang-organisasyon ng mga manggagawa, ay nagtataguyod ng mga rebolusyonaryong proletaryong prinsipyo ng Marxismo at dadalhin ang mga ito sa taliba ng uring manggagawa.
Likas sa katangian ng oportunismo ang pagkanasyonalista dahil ito ay nakasandal sa lokal at panandaliang interes ng proletaryado at hindi sa istorikong tungkulin nito.... Ang internasyonal na pagkakaisa ay hindi palamuting panlabas para sa atin, kundi ito ang pinaka-axis ng ating teoretikal na pananaw at mga tuntunin (Leon Trotsky, The Defense of the Soviet Union and the Opposition, 1929 [Ang Pagtanggol sa Unyong Soviet at ang Oposisyon]). Mula sa insepsyon nito bilang maliit na grupo ng kabataang Trotskyista na burukratikong pinatalsik mula sa SWP, ang perspektiba at mga aksyon ng Spartacist League ay nakadirekta sa muling pagsilang ng Fourth International at laban sa lubos na pagkasentro sa Amerika.
Noong 1974 ang Declaration for the Organization of an International Trotskyist Tendency [Deklarasyon para sa Organisasyon ng isang Internasyonal na Trotskyistang Tendensi] ay hinirang at pormal na binuo ang international Spartacist tendency. Matalas na inatake ng dokumentong ito ang pederatibo at di-Bolshevik na gawain ng aming mga huwad na Trotskyistang kakumpetensya, ang SWP, United Secretariat at ang International Committee ni Gerry Healy, na lahat ay nagtago sa likod ng tigreng papel na lantarang di-demokratikong U.S. Voorhis Act para maka-iwas sa paglapat ng rebolusyonaryong Leninistang internasyonalismo. Malaking pagkakaiba ang iSt (tagapanguna ng ICL) na buong katapangan na nagdeklara na ito ay pamamahalaan ng prinsipyo ng internasyonal na demokratiko-sentralismo.
Ang unang kumperensya ng mga delegado ay pinulong noong 1979 at naghalal ng international executive committee [internasyonal na komiteng tagapagpaganap]. Mula noon tinamo ng ICL ang mga katamtamang tagumpay sa internasyonal na ekstensyon ng aming tendensi sa Latin Amerika at South Africa at patuloy na paglawak sa Europa at Asia. Ang internasyonal na paglago ay mahalagang panimbang sa nakakadepormang presyur ng aming pinakamalaking seksyon na kumikilos sa ilalim ng matagalan at relatibong reaksyunaryong klimang pampulitika sa United States.
Noong 1989 ang iSt ay naging International Communist League (Fourth Internationalist).
Kinaladkad ng Stalinismo ang bandera ng komunismo sa putikan habang sistematiko nitong binabaluktot ang pagkakaunawa sa bawat batayang prinsipyo at termino ng Marxismo, at ang panlahatang identipikasyon ng progreso ng sangkatauhan sa ideya ng komunismo ay nasa relatibong kasadsaran. Subalit ang galaw ng kapitalistang imperyalismo ay nagbubunga ng sariwang subhetibong galit sa pang-aapi sa hanay ng milyun-milyon sa buong mundo. Ang kawalan ng awtentikong komunistang liderato ang masidhing nadarama ng marami at ang programa ng Leninistang internasyonalismo ay maaring isulong na may malakas na impak.
Ang pamumuhunan ng mga imperyalista sa ilang bansang Third World na may mababang pasahod ay bumuo ng konsentrasyong proletaryo sa mga lugar na dati-rati hindi inaasahang makaranas ng malakihang tunggalian sa pagitan ng paggawa at kapital. Sa aming pagsisikap na palawakin ang aming partido sa labas ng mga abanteng bansa sa Kanluran, hangad naming ikintal sa aming internasyonal ang kagitingan ng mga Bolshevik tulad ni Kote Tsintsadze:
Kinailangan ang pambihirang kundisyon tulad ng czarismo, ilegalidad, pagkapiit, at deportasyon, maraming taon ng pakikibaka laban sa mga Menshevik, at lalo na ang karanasan ng tatlong rebolusyon para mapanday ang mga militante tulad ni Kote Tsintsadze.... Ang mga Partido Komunista sa Kanluran ay hindi pa nakakapagpasulpot ng mga militante sa tipo ni Tsinsadze. Ito ang kahinaang pumuputakti sa kanila, at bagamat dinetermina ng mga istorikal na dahilan ay kahinaan pa rin. Ang Kaliwang Oposisyon sa mga bansang Kanluranin ay hindi taliwas sa ganitong respeto at dapat kilalanin ito.
— Trotsky, At the Fresh Grave of Kote Tsintsadze,
7 January 1931 [Sa Bagong Hukay na Paglilibingan ni Kote Tsintsadze]
5. Ang Internasyonal na Katangian ng Sosyalistang Rebolusyon
Ipinapakita ng istorikong karanasan na ang landas tungo sa sosyalismo ay mabubuksan lamang sa pagtatag ng dual power na tatampukin ng pagkawasak ng kapitalistang estado at ng kapangyarihan ng estado ng mga manggagawa at pag-unlad ng isang bagong kaayusang panlipunan. Ang aparatong pampulisya, militar, burukratiko, panghukuman, at pampulitika ng lumang kaayusan ay hindi marereporma para maglingkod sa interes ng proletaryado, kundi dapat itong durugin at halinhan ng diktadura ng proletaryado—isang gobyernong manggagawa na nakasandig sa sanggunian ng mamamayang manggagawa at suportado ng armadong lakas ng mga manggagawa. Ang ganitong estado ay magtatanggol sa sarili laban sa mg kontrarebolusyonaryong pagsisikap ng pinabagsak na naghaharing uri na makabalik sa kapangyarihan at irereorganisa ang ekonomiya sa rasyunal na kaayusan. Habang ang pang-ekonomiyang basehan ng mga uri ay nawawala, mas lalong nagiging pang-administratibo ang tungkulin ng estado ng mga manggagawa, sa kalaunay maluluoy sa pagsapit ng komunismong walang mga uri. Ngunit upang makamit ang ganitong layunin kinakailangan ang pagwasak sa kapitalistang imperyalismo bilang pandaigdigang sistema at ang pagtatag ng pandaigdigang sosyalistang dibisyon ng paggawa.
Ang internasyonal na katangian ng uring manggagawa ay nagbibigay dito ng malaking potensyal na superyoridad sa burgesya, habang ang kapitalismo ay umaandar sa kaparaanang anarkistiko na nagtutulak ng mga pambansang uring kapitalista laban sa isat-isa at palagiang nagbubunsod ng panibagong di-pagkakapantay at krisis. Para matamo ng proletaryado ang kanyang superyoridad, kinakailangan ang internasyonal na partido na papagkaisahin ang uri sa ibabaw ng pambansa at iba pang dibisyon at magkokoordina sa interdependyenteng pakikibaka ng mga manggagawa sa bawat bansa. Bagamat rebolusyon ay maaring magsimula sa iisang bansa, anumang parsyal na tagumpay ay mapapatatag lamang sa paglaganap ng rebolusyon sa iba pang mga bansa at laoy ang paghahari ng sosyalistang organisasyong pang-ekonomiya sa buong mundo. Kamiy nakikibaka para muling pandayin ang Fourth International, ang pandaigdigang partido ng sosyalistang rebolusyon, na may programa at layunin na nananatiling mabisa ngayon at maging sa pagkakatatag nito noong 1938.
Ang Leninistang partido ay hindi simpleng mabubuo sa pagrekrutang linyal, kundi sa mga isplit na may programatikong basehan mula sa mga oportunista, pati rin sa pakikipagsanib sa mga rebolusyonaryong elemento na kumalas mula sa centrismo. Partikular kung may pagsasanib na magaganap labas sa iisang bansa ang saklaw, kailangan ang masinsinang panahon ng pagsubok para mailatag ang matatag na pampulitikang kasunduan. Aming layunin ang pagkaisahin ang mga grupo na ang oryentasyon ay ang makamit ang mga bagong Rebolusyong Oktubre—walang iba pa, walang liliban pa, walang kukulang pa.
6. Ang Talibang Papel ng Uring Manggagawa sa Pagtanggol ng Lahat ng mga Inaapi
Sentral sa Marxistang perspektiba ng pandaigdigang sosyalismo ang talibang papel ng uring manggagawa, at partikular ang mapagpasyang timbang ng proletaryado ng mga industriyalisadong bansa. Tanging uring manggagawa lamang ang may kapangyarihang panlipunan at kompulsyon ng malinaw na obhetibong interes na palayain ang sangkatauhan mula sa pagka-api. Dahil wala silang nakataya sa paggpapanatili ng burges na kaayusan, ang napakalaking kapangyarihan ng uring manggagawa ay nakasandig sa kanilang papel sa produksyon, bilang at organisasyon.
Ang patuloy na paghahari ng isang sandakot ng kapitalista ay namimintina lamang sa pananatili ng di-pagkakaisa ng uring manggagawa at ang kanilang pagkalito sa tunay nilang sitwasyon. Sa United States, ang naghaharing uri ay nagtagumpay sa pagsasamantala ng malalim na dibisyon sa proletaryado, una ay relihiyoso at etniko at bandang huliy sa linyang makalahi [racial]. Bilang bahagi ng isang aping race-color caste [panlipunang saray na nakabatay sa lahi at kulay-balat], ang mga manggagawang itim ay dumaranas ng dobleng opresyon at nangangailangan ng tanging paraan ng pakikibaka (halimbawa, transisyonal na organisasyon tulad ng labor/black struggle leagues). Nalalampasan ng uring manggagawa ang mga dibisyong ito sa paraan lamang ng pakikibaka, na pagsulong ay sukdulang rebersible. Ang sosyalismo sa United States ay matatamo lamang sa paraan ng komon na pakikibaka ng mga manggagawang itim at puti sa ilalim ng pamumuno ng isang multiracial na rebolusyonaryong taliba.
Ang suliraning itim [black question] sa U.S. ay binigyang depinisyon ng partikular na kasaysayan ng United States: sistemang pang-aalipin, ang pagkatalo ng Katimugang slavocracy [paghahari ng mga panginoong-may-alipin] noong Digmaang Sibil sa kamay ng kapitalismong industriyal ng Norte at ang pagtaksil ng burgesya sa pangako ng pagkakapantay-pantay ng Rekonstruksyong Radikal, na nagtungo sa racistang segregasyon ng mamamayang itim sa kabila ng ekonomikong integrasyon ng manggagawang itim sa kailalaiman ng proletaryado. Ang sapilitang segregasyon ng mga itim, integral sa kapitalismong Amerikano, ay nilalabanan ng mga masang itim sa kung kailan ang nadaramang posibilidad para sa ganitong pakikibaka ay napipisil. Samakatwid ang aming programa para sa U.S. ay rebolusyonaryong integrasyonismo—ang buong integrasyon ng mga itim sa isang egalitaryong, sosyalistang Amerika—at ang aming programa ng pagpapalaya ng mga itim sa paraan ng sosyalistang rebolusyon [black liberation though socialist revolution].
Ang modernong kapitalismo, ibig sabihin, imperyalismo, na umaabot sa lahat ng rehiyon ng planeta, sa kurso ng makauring pakikibaka at kumporme sa hatak ng ekonomikong pangangailangan, ay nag-aambag sa proletaryado sa kailaliman ng mga bagong pagkukunan ng mas murang paggawa, pangunahiy mga imigrante mula sa mas mahirap at di-gaanong kaunlad na rehiyon ng daigdig—mga manggagawang kaunti lang ang karapatan at pinapalagay na mas dispensable sa mga panahon ng kontraksyong ekonomiko. Sa tuluy-tuloy na paraang ito binubuo ng kapitalismo ang ibat-ibang saray ng manggagawa, kasabay ng amalgamasyon ng mga manggagawa mula sa ibat-ibang lupain. Kahit saan, ang mga kapitalista, suportado ng mga oportunistang artistokrasiya-ng-paggawa, ay nagsusumikap lasunin ang maka-uring kamalayan at pagkakapatiran [solidarity] ng mga manggagawa sa pag-udyok ng mga relihiyoso, pambansa at etnikong dibisyon. Ang pakikibaka para sa pagkakaisa at integridad ng uring manggagawa laban sa chauvinismo at racismo ay napakahalagang tungkulin ng proletaryong taliba.
Sa kasalukuyan ang kakitirang-isip [bigotry] laban sa mga imigrante ay nagbibigay depinisyon sa racista/maka-kanang pulitika at isang kritikal na pagsubok [acid test] para sa kilusang manggagawa at kaliwa mula Kanlurang Europa hanggang South Africa at Silangang Asia. Nakikibaka ang ICL laban sa mga deportasyon—Para sa ganap na karapatang pagka-mamamayan [full citizenship rights] ng lahat ng mga imigrante! Para sa mobilisasyong manggagawa/minoridad upang sugpuin ang mga pasista! Para sa yunit pandepensa ng manggagawa! Para sa multiracial/multietnikong milisyang obrero laban sa komunalistang karahasan!
Ang mga pasistang demagogo ay nabubuhay sa kawalan ng trabaho, imiserasyon at inseguridad na endemiko sa sistemang kapitalista. Ang pasistang pananakot at atake ng gobyerno sa mga immigrant at iba pang aping minorya ay epektibong malalabanan mula lamang sa perspektiba ng pagpapabagsak ng sistemang kapitalista at paghalili rito ng planado at kolektibisadong ekonomiyang pandaigdig. Sinulat ni Trotsky noong 1930 ng sa ilalim ng impak ng Malawakang Depresyon sumulpot ang Partido Nazi bilang tunay na banta na susunggab sa kapangyarihan sa Alemanya: Ang Soviet United States ng Europa—ito ang natatanging wastong islogan na nagtuturo ng daan para maiwasan ang pagwatak-watak ng Europa, at ang banta hindi lamang sa Alemanya kundi sa buong Europa ng ganap na pagdalisdis ng ekonomiya at kultura (The Turn in the Communist International and the Situation in Germany, 26 September 1930 [Ang Pihit sa Communist International at ang Sitwasyon sa Alemanya]).
Ang opresyon ng kababaihan, kabataan, minoridad at lahat ng sektor ng mga api ay dapat suriin at harapin sa bawat bansa para mahanap ang pinakapaborableng punto kung saan dapat ituon ang Marxistang pingga. Sinulat ni Lenin sa What Is To Be Done? [Ano Ang Nararapat Gawin?] (1902): ...ang ideal ng Sosyal-Demokrata ay hindi dapat ang kalihim ng isang unyon, kundi ang tagapagtanggol [tribune] ng taumbayan, na may kakayahang tumugon sa bawat manipestasyon ng tiranya at pang-aapi, saan man ito sumulpot, anumang saray o uri ng taumbayan ang natigatig; na may kakayahang pagtagniin ang lahat ng mga manipestasyong ito at buuin ang iisang larawan ng karahasan ng pulisya at ng kapitalistang pagsasamantala; na may kakayahang samantalahin ang bawat pangyayari, bagamang kaliit, ng sa gayoy ilahad sa harap ng lahat ang kanyang sosyalistang paninindigan at ang kanyang demokratikong panawagan, para ipaliwanag sa lahat at kaninuman ang pandaigdigat-makasaysayang kahalagahan ng pakikibaka para sa emansipasyon ng proletaryado.
Ang ICL ay lumalaban para sa liberasyon ng kababaihan sa paraan ng sosyalistang rebolusyon. Sa mga bansa na nahuhuli ang kapitalistang pag-unlad, ang matinding kaapihan at pagmamaliit sa kababaihan ay may malalim na ugat sa pre-kapitalistang tradisyon at relihiyosong obskurantismo. Sa mga bansang ito kung gayon ang paglaban sa opresyon ng kababaihan ay pwersang motor [motor force] ng rebolusyonaryong pakikibaka. Ang kalagayan ng kababaihan sa mga mas abanteng kapitalistang bansa, habang may malaking pagkakaiba, ay nagpapamalas ng limitasyon ng kalayaan at progresong panlipunan sa ilalim ng kapitalismo; ang mga rebolusyonista ang pinakamasugid na tagapamayani ng batayang demokratikong karapatan ng kababaihan tulad ng libreng legal na aborsyon at pantay na sahod para sa kapantay na paggawa [equal pay for equal work]. Ang reaksyunaryong klimang panlipunan na pinalala ng pagbagsak ng Unyong Soviet at ang pinagsamang kampanya nakatuon sa pag-urong ng mga proteksyong welfare state sa masa ay nagresulta sa matinding paglago ng kakitirang-isip laban sa sex, sa kababaihan at sa mga homosexual. Kami ay tumututol sa lahat ng batas laban sa mga krimen na walang biktima, kasama na rin ang pagkriminalisa sa homosexual o iba pang konsenswal na aktibidad sexual, prostitusyon at paggamit ng droga.
Ang opresyon ng kababaihan, ang pinakamatagal na panlipunang inekwalidad sa kasaysayan ng tao, ay nagmula pa sa unang pagsulpot ng pribadong pag-aari at hindi ito mapapawi hanggat hindi pinapawi ang lipunang nahahati sa mga uri. Ang pundamental na institusyong panlipunang umaapi sa kababaihan ay ang pamilya; ang tungkulin ng pamilya ay ang pag-aaruga ng susunod na henerasyon; ang tungkulin na ito ay dapat halinhan, tulad ng paghalili sa gawaing-bahay ng kababaihan ng mga kolektibong institusyon sa sosyalistang lipunan. Kami ay naninindigan sa rekord na mga Bolshevik ng natatanging organisadong gawain sa hanay ng kababaihan para silay mahimok sa sosyalistang layunin, na isinalarawan sa mga unang isyu ng journal ng SL/U.S. na Women and Revolution.
Habang binabaka ang bawat manipestasyon ng burges na inhustisya, tinututulan namin ang sektoralismo, na tumatanggi sa posibilidad na maigpawan ng kamalayan ang pansariling karanasan ng opresyon ng indibidwal, at lumalaban para pagkaisahin ang taliba ng lahat ng inaaping saray ng lipunan sa likod ng proletaryado sa pakikibaka para sa sosyalismo.
Buksan ang daan tungo sa kabatan! Susi sa pagbuo ng internasyonal na rebolusyonaryong partido proletaryo ay ang laban para maakit ang bagong henerasyon ng kabataan sa mga prinsipyo at programa ng Trotskyismo. Kabilang dito ay hindi lamang ang pagsisikap na maka-rekrut ng kabataang manggagawa kundi pati rin ang gawain sa hanay ng mga estudyante. Isang partikular na mapusok na saray ng intelligentsiang petiburges, ang mga estudyante ay maaring gumanap ng aktibong papel sa mga radikal na aktibidad ng alinman sa kaliwa o kanan. Layunin natin ang makahatak ng mga mag-aaral sa panig ng uring manggagawa, bilang pagkilala tulad ni Lenin na ang rebolusyonaryong partido ay itinatayo sa pagsasanib ng mga desklasadong rebolusyonaryong intelektwal sa mga pinaka-sulong na saray ng proletaryado. Nagsisilbi ang kabataan sa partikular na papel na pambala sa kanyon ng mga digmaan at adbenturang militar ng mga kapitalista tagapaghari. Ang aming oposisyon sa burges na hukbo at sa konskripsyon ay kabaligtaran ng sa mga pasipista o sa mga naghahangad ng petiburges na pagka-eksento sa isang obligasyon na ipinapataw sa kabataang mula sa uring manggagawa sa maraming bansa. Kami ay pumapaloob kasama ng aming uri na may layunin na hatakin ang mga proletaryong sundalo sa programa at layunin ng komunistang rebolusyon. Sa rebolusyonaryong sitwasyon, nauunawaan namin na susi sa proletaryong tagumpay ang maka-uring pagbitak ng hukbong konskrip.
Sa paraan ng gawain sa hanay ng kabataan nais namin ang ma-rekrut at sanayin ang mga magiging kadre ng rebolusyonaryong partido sa pamamagitan ng pagtatag ng mga organisasyong transisyonal ng kabataan na may organisasyonal na kasarinlan at nakapailalim sa pulitika ng rebolusyonaryong partido.
7. Ang Burges na Basehan ng Rebisyonismo
Sa hangganan na ang rebolusyonaryong kamalayan ay hindi pa gaanong laganap sa mga manggagawa, ang kanilang kamalayan ay determinado ng ideolohiya ng naghaharing uri. Sa obhetibo, naghahari ang kapitalismo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pamumuhunan, ng monopolyo nito sa mga instrumento ng karahasan, at kontrol sa lahat ng mga nakatayong institusyong panlipunan. Subalit, kailan posible, mas pinapaboran ng kapitalismo ang maghari ng may permiso ng masa sa pamamagitan ng dominasyon ng burges na ideolohiya sa hanay ng mga inaapi, sa pag-engganyo sa mga ilusyon at sa pagkubli sa madugong esensya nito. Ang nasyonalismo, patriotismo, racismo at relihiyon ay tumatagos sa mga organisasyon ng mga manggagawa, pangunahin sa pamamagitan ng ahensya ng petiburges na tinyente ng paggawa [labor lieutenants]—ang mga parasitikong burukrasyang unyon, sosyal-demokratiko at Stalinistang nakasandig sa mapribilehiyo at nakakaangat na strata ng uring manggagawa. Kung hindi sila halinhan ng mga rebolusyonaryong pinuno, pababayaan ng mga repormista na mawalan ng bisa ang mga organisasyong ng mga manggagawa sa pakikibaka para sa pangangailangang pangekonomiya ng mga manggagawa sa ilalim ng kundisyon ng burges na demokrasya o lalo pay hayaan na ang mga organisasyong ito ay wasakin ng matagumpay na pasismo.
Sa kanyang akda ng 1916 hinggil sa Imperyalismo, ang Pinakamataas na Antas ng Kapitalismo, nilatag ni Lenin ang materyal na basehan ng oportunismo ng burukrasyang paggawa:
Ang pagkamal ng mataas na monopolyong ganansya ng mga kapitalista sa isa sa maraming sangay ng industriya, sa isa sa maraming mga bansa, atbp., ang nagbibigay ng pangekonomiyang posibilidad para kanilang suhulan ang ilang seksyon ng mga manggagawa, at sa isang panahon ang may-konsiderableng minorya sa kanila, at kabigin sila sa panig ng burgesya ng isang partikular na industriya o bansa laban sa lahat. Ang pagsidhi ng antagonismo sa pagitan ng mga imperyalistang bansa para paghatian ang daigdig ang nagpapatindi ng ganitong udyok. At sa gayon nabubuo ang bigkis sa pagitan ng imperyalismo at oportunismo.... Ang pinakamapanganib sa lahat sa ganitong banda [tulad ng Menshevik na si Martov] ay silang ayaw umunawa na ang paglaban sa imperyalismo ay isang pagkukunwari at kabulastugan kung wala itong mahigpit na kaugnayan sa pakikibaka laban sa oportunismo.
Ang dehenerasyon at kapitulasyon ng mga tendensi sa loob ng kilusang Marxista ay may partikular na kritikal na halaga sa preserbasyon ng imperyalistang paghahari. Ang pagsusumamo sa presyur ng lipunang burges ang paulit-ulit na nagtutulak sa mga nominal na Marxistang current tungo sa rebisyonismo, ang proseso na nagbubura sa esensyal na konklusyon ng Marxismo na ang estado ay instrumento ng maka-uring paghahari. Rebisyonismong Bernsteinian, Menshevismo, Stalinismo at ang Maoistang bersyon nito—ang lahat ng mga itoy ilustrasyon ng prosesong ito na nagsisilbing tulay sa mga lantarang repormistang praktika. Sa buong daigdig, maliban sa mga Stalinista at Sosyal-Demokrata, ang mga nasyonalista at ang relihiyosong pulitikal ay walang-humpay na kumikilos para madiskaril ang pakikibaka ng uring manggagawa.
Ang centrismo ay ang programatikong heterogeno at teoretikal na amorposong daloy sa kilusang manggagawa na umookupa ng maraming katingkaran sa pampulitikang spektrum sa pagitan ng Marxismo at repormismo, sa pagitan ng rebolusyonaryong internsyonalismo at oportunistang sosyal-patriotismo. Gaya ng pinunto ni Trotsky sa kanyang artikulo noong 1934 na Centrism and the Fourth International [Centrismo at ang Ika-Apat na Internasyonal]:
Para sa isang rebolusyonaryong Marxista ang pakikibaka laban sa repormismo ngayoy halos nang napalitan ng pakikibaka laban sa centrismo.... Ang pakikibaka sa mga nakatago at balatkayong oportunista ay dapat ilipat sa larangan ng mga praktikal na konlusyon mula sa mga rebolusyonaryon pangangailangan.
Sa mga sitwasyon ng matalas na makauring pakikibaka, ang mga mapagkunwaring centrista na bumubuo ng bahagi ng sipilitikong kadena na nagmimintina ng burges na paghahari ay nagiging parehong mas mapanganib at mas bulnerable sa harap ng rebolusyonaryong paglalantad. Ang paglaki ng rebolusyonaryong Trotskyistang taliba ay tutustusan ng aming mga centristang katuos o vice versa. Ang kahihinatnan ng komprontasyon sa pagitan ng Marxismo at centrismo ay krusyal na dahilan ng tagumpay o pagkabigo ng rebolusyon.
Ang di kaakit-akit na repormistang pagganap ng sosyal-demokrasya at Stalinismo ang umanak sa muling pagkabuhay ng anarkismo, isang anti-Marxistang ideolohiya na nakabase sa radikal demokratikong idealismo, na iniwang naghihingalo noong maagang taon ng siglong ito dulot ng rebolusyonaryong Marxismo ng mga Bolshevik. Ganundin ang panunumbalik sa hanay ng mga unyonista ng anti-pulitikal na sindikalistang disposisyon ay taglay ng pagkamuhi sa pagkilos ng lahat ng mga lumang sosyalistang parlyamentarista; subalit ang pag-urong sa dalisay na pakikibakang ekonomiko ay nagpapabaya lamang na maupos ang militanteng pakikibaka nang hindi man totoong hinahamon ang mga repormistang taksil.
8. Ang Pakikibaka Laban sa Imperyalistang Digmaan
Isinaayos ni Leon Trotsky ang programa ng proletaryong internasyonalistang oposisyon sa mga digmaang di-maiiwasang iluwal ng nabubulok na kapitalismo sa kanyang 1934 na dokumentong War and the Fourth International [Digmaan at ang Ika-Apat na Internasyonal]. Sinabi ni Trotsky na: Ang transpormasyon ng imperyalistang digmaan sa digmaang sibil ay ang panlahatang istratehikong tungkulin kung saan ang buong gawain ng isang proletaryong partido sa panahon ng digmaan ay dapat pumailalim. Sa inter-imperyalistang digmaan tulad ng WWI at WWII, at sa iba pang digmaan sa pagitan ng relatibong pantay na maunlad na kapitalistang estado, aming batayang prinsipyo ay rebolusyonaryong defeatismo: irekonsilyableng oposisyon sa kapitalistang pangangatay at ang pagkilala na ang pagkatalo ng sariling burgesya ay isang mas maliit na pinsala. Tulad ng sinabi ni Wilhelm Liebknecht, Wala ni isang tao o isang kusing para sa burges na militarismo.
Sa mga digmaan ng imperyalistang pandarambong laban sa mga bansang kolonyal, mala-kolonyal o dependente, ang obligasyon ng proletaryado sa bawat bansa ay tulungan ang bansang inaapi laban sa mga imperyalista, habang pinananatili ang kumpletong pampulitikang kasarinlan mula sa mga burges at petiburges na pwersang nasyonalista.
Ang proletaryado ay dapat maninidigan para sa walang kondisyong depensang militar ng mga depormadong estado ng mga manggagawa sa China, Vietnam, North Korea at Cuba laban sa imperyalismo. Ang aming posisyon ay dumadaloy mula sa proletaryong maka-uring karakter ng mga estadong nabanggit, at pinangangatawanan ng kolektibisadong relasyon sa pag-aari—nasyonalisadong ari-arian, planadong ekonomiya, monopolyo sa kalakalang panlabas at pinansya, atbp.—na itinatag ng mga panlipunang rebolusyong dumurog sa kapitalismo. Sa kabila ng burukratikong depormasyon ng mga estadong ito, puspusan ang aming pagtanggol sa mga ito laban sa maka-uring kaaway, ibig sabihin, hindi ito nakasalalay pangunahin sa pagpapabagsak ng mga Stalinistang burukrasya, o di kaya ay nakadepende sa mga sirkumstansya o kagyat na sanhi ng alitan.
Ang pagtulak tungo sa imperyalistang digmaan ay likas sa sistemang kapitalista. Ang kasalukuyang ideologo ng globalization ay nagbubulay ng hungkag na pananaw na ang magkaribal na interes ng nagkukumpetisyong bansang-estado ay nalampasan na sa post-Soviet na panahon. Ito ay simpleng pag-uulit ng teorya ng ultra-imperyalismo ni Karl Kautsky. Tulad ng sinulat ni Lenin sa Imperialism, the Highest Stage of Capitalism [Imperyalismo, ang Pinakamataas na Antas ng Kapitalismo]:
Ihambing ang katotohanan—ang malawak na dibersidad ng kundisyong pangekonomiya at pampulitika, ang matinding pagkakaiba ng tantos ng pag-unlad ng ibat-ibang bansa, atbp., at ang marahas na labanan sa pagitan ng mga imperyalistang estado—sa walang katuturat munting pabula ni Kautsky tungkol sa mapayapang ultra-imperyalismo.... Hindi bat ang puhunang pampinansya ng Amerikano at iba pa, na payapang pinaghatian ang buong daigdig ng may partisipasyon ng Alemanya, halimbawa sa international rail syndicate, o sa international mercantile shipping trust, ngayon ay nakikibahagi sa redibisyon ng daigdig batay sa bagong relasyon ng pwersa na binabago sa pamamaraan na anumat hindi mapayapa?
9. Ang Pambansang Suliranin at ang Karapatan ng Lahat ng Bansa sa Pansariling Pagpapasya
Tulad ng sinulat ni Trotsky sa War and the Fourth International (10 June 1934):
Pagkatapos gamitin ng kapitalismo ang bansa para umunlad, ang kapitalismo wala saanman, sa ni isang sulok ng daigdig, ay naglutas sa kabuuan ng pambansang suliranin.
Ang karapatan ng pansariling pagpapasya ay aplikable sa lahat ng bansa. Ang pakikibaka ng pamunuang proletaryo para sa pansariling pagpapasya ng mga bansang inaapi ay makapangyarihang kasangkapan para matanggal ang kapit sa masa ng mga nasyonalistang petiburges na lider. Naninindigan ang ICL sa polemiko ni Lenin (The Right of Nations to Self-Determination, February-May 1914 [Ang Karapatan ng mga Bansa na Magpasya para sa Sarili]) kung saan isinaad ni Lenin na: Ang interes ng uring manggagawa at ng pakikibaka nito laban sa kapitalismo ay nangangailangan ng kumpletong pakikiisa [solidarity] at pinakamahigpit na pagkakaisa ng mga manggagawa ng lahat ng bansa; ang mga itoy nangangailangan ng pagsalungat sa nasyonalistang patakaran ng burgesya ng bawat nasyonalidad.
Kami ay naninindigan sa argumento ni Lenin na Ang matagumpay na pakikibaka laban sa pagsasamantala ay nangangailangan na ang proletaryado ay maging malaya sa nasyonalismo, at maging absolutong nyutral sa labanan para sa dominasyon na nagaganap sa pagitan ng mga burgesya ng ibat-ibang bansa. Kung ang proletaryado ng isang bansa ay magbibigay ng gahiblang suporta para sa pribilehiyo ng sariling pambansang burgesya, tiyak na magbubunsod ito ng pagkawalang tiwala sa hanay ng proletaryado ng kabilang bansa; pahihinain nito ang pandaigdigang maka-uring pakikiisa ng mga manggagawa at mahahati sila, sa ikagagalak ng burgesya. Ang repudasyon sa karapatan ng pansariling-pagpapasya o ng secession [paghihiwalay] ay sa di maiiwasan nangangahulugan, sa praktika, ng pagsuporta sa pribilehiyo ng dominanteng bansa.
Subalit, kung ang partikular na panawagan para sa pambansang pansariling pagpapasya—isang demokratikong panawagan—ay kumokontra sa mga maka-uring suliranin o sa mga panlahatang pangangailangan ng maka-uring pakikibaka, kami ay salungat sa pagganap nito. Tulad ng ipinunto ni Lenin sa The Discussion on Self-Determination Summed Up (July 1916) [Paglalagom sa Diskusyon Hinggil sa Pansariling Pagpapasya]: Ang maraming karapatan ng demokrasya, kabilang ang pansariling-pagpapasya, ay hindi absoluto, kundi maliit na bahagi ng panlahatang-demokratiko (ngayon: panlahatang-sosyalistang) pandaigdigang kilusan. Sa indibidwal na mga konkretong kaso, ang isang bahagi ay maaring kontra sa kabuuan; kung gayon, dapat itong tutulan. Buong sinuportahan ni Lenin ang karapatan ng pansariling pagpapasya ng Poland, at ipinaggiitan niya ang puntong ito laban sa iba pang mga rebolusyonaryong sosyalista gaya ni Rosa Luxemburg. Ngunit sa partikular na konteksto ng Unang Digmaang Pandaigdig, ipinaglaban ni Lenin na: Ang mga Polish Social-Democrats ay hindi, sa panahong ito, maaaring magtaas ng slogan para sa kasarinlan ng Poland, dahil ang mga Poles, bilang mga proletaryong internasyonalista, ay walang magagawa sa usaping ito ng hindi yuyuko, tulad ng Fracy [mga social-chauvinist], bilang mapagkumbabang paglilingkod sa isa sa mga imperyalistang monarkiya.
Sa aming pagsisiyasat sa interpenetrasyon ng dalawa o humigit pang sambayanan na umaangkin sa iisang teritoryo, ang ICL ay pinapatnubayan ng praktika at karanasan ng mga Bolshevik, partikular ang diskusyon tungkol sa Ukraine noong Ikalawang Kongreso ng Communist International. Ang ICL ay nagpalawig sa posisyong ito hinggil sa Near East, Cyprus, Northern Ireland at ang dating Yugoslavia. Sa ganoong mga sitwasyon, na pumapailalim sa kapitalismo—kung saan ang kapangyarihan ng estado ay di maiiwasang maging dominado ng iisang bansa—ang demokratikong karapatan ng pansariling-pagpapasya ay hindi matatamo ng isang sambayanan ng hindi lalabag ang pambansang karapatan ng iba. Sa gayon ang mga ganitong alitan ay walang ekitatibong resolusyon sa balangkas ng kapitalismo. Ang prekondisyon para sa demokratikong solusyon ay itaboy ang lahat ng mga burgesya ng rehiyon.
10. Rebolusyong Kolonyal, Permanenteng Rebolusyon at ang Gerilyang Landas
Ang karanasan mula Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagbigay ng kumpletong patunay sa Trotskyistang teorya ng permanenteng rebolusyon na nagpapahayag na sa imperyalistang epoka ang burges-demokratikong rebolusyon ay makukumpleto lamang ng proletaryong diktadura na suportado ng mga magsasaka. Tanging sa ilalim ng pamumuno ng rebolusyonaryong proletaryado lamang makakamit ng mga kolonyal at malakolonyal na bansa ang tunay na pambansang emansipasyon. Upang mabuksan ang daan tungo sa sosyalismo, kinakailangan ang rebolusyon sa mga abanteng kapitalistang bansa.
Pinasinungalingan ng Rebolusyong Oktubre ang ideyang Menshevik na ang rebolusyon ay magaganap ng bai-baitang; isinulong ng mga Menshevik ang blokeng pampulitika sa liberal na partidong Cadet para iluklok ang burgesya sa kapangyarihan. Ang tunay na kahulugan ng ideyang Menshevik ng pakakaisa sa pagitan ng proletaryado at burgesya ay ang pagpapahinuhod ng mga manggagawa pati na ang mga magsasaka sa mga liberal.... Noong 1905 ang mga Menshevik ay simpleng walang tapang na halawin ang mga kinakailangang konklusyon mula sa kanilang teorya ng burges na rebolusyon. Noong 1917, sa pagtahak ng kanilang ideya hanggang sa mapait na katapusan, binali nila ang sarili nilang leeg (Trotsky, Three Concepts of the Russian Revolution, [Tatlong Konsepto ng Rebolusyong Ruso] unang nilathala 1942).
Mas malapit sa pananaw ni Trotsky ang mga Bolshevik ni Lenin sa kanilang paggiit na ang burgesyang Ruso ay walang kakayahang mamuno ng isang demokratikong rebolusyon. Ipinaglaban ng mga Bolshevik ang alyansa sa pagitan ng uring manggagawa at ng mga magsasaka, na magtatampok sa demokratikong diktadura ng proletaryado at mga magsasaka, isang depektibong islogan na nagpaanino ng isang estado na magtatanggol sa kapwa mga interes ng dalawang magkaibang uri. Noong 1917 kasunod ng rebolusyong Pebrero, kinailangan ng matalas na tunggalian sa loob ng Partido Bolshevik upang manaig ang linyang April Theses ni Lenin para sa diktadura ng proletaryado. Gayunpaman ang kabiguan ng Partido Bolshevik na tiyakin ang pagkilala na pinatotohanan ng Reblusyong Oktubre ang teorya ng permanenteng rebolusyon ni Trotsky at ang kaligtaang linawin ang pagtakwil sa demokratikong diktadura ng proletaryado at mga magsasaka ang naging daluyan ng mga pwersa na nagpostura bilang Bolshevik old guard (hal. si Stalin) para atakehin si Trotsky, ang teorya ng permanenteng rebolusyon at ang mga rebolusyonaryong internasyonalistang basehan at implikasyon ng Rebolusyong Bolshevik.
Sinulat ni Trotsky sa kanyang 29 Marso 1930 na introduksyon sa edisyong Aleman ng The Permanent Revolution [Ang Permanenteng Rebolusyon]:
Sa anyong pagbibigay ng katwirang pang-ekonomiya para sa internasyonalismo, sa katotohanan ipiniprisinta ni Stalin ang isang katwiran para sa pambansang sosyalismo. Walang katotohanan na ang pandaigdigang ekonomiya ay simpleng suma ng mga pambansang bahagi ng iisa at magkaparehong tipo. Walang katotohanan na ang mga partikular na katangian ay simpleng suplementaryo sa panlahatang katangian, tulad ng mga kulugo sa isang mukha. Sa katotohanan, ang mga pambansang pekularidad ay kumakatawan sa isang orihinal na kombinasyon ng mga batayang katangian ng pandaigdigang proseso.
Sa The Permanent Revolution (30 November 1929) ipinaliwanag ni Trotsky:
Sa ilalim ng mga kondisyon ng imperyalistang panahon ang pambansa demokratikong rebolusyon ay maaring dalhin hanggang sa matagumpay na katapusan kapag ang panlipunan at pampulitikang relasyon ng bansa ay hinog para sa pagluklok ng proletaryado sa kapangyarihan bilang pinuno ng masa ng sambayanan. At kung hindi pa ito ang kalagayan? Kung gayon ang pakikibaka para sa pambansang pagpapalaya ay magbubunga lamang sa mga baha-bahagyang resulta, mga resultang ang kabuuay nakadirekta laban sa masang anakpawis.
Ang isang atrasadong bansang kolonyal o mala-kolonyal, kung saan ang proletaryado nito ay hindi pa handang pagkaisahin ang mga magsasaka at agawin ang kapangyarihan, ay walang kakayahang isulong hanggang sa konklusyon ang demokratikong rebolusyon.
Ang bahagyang karakter ng anti-kapitalistang rebolusyon sa kolonyal na daigdig ay nagtuturo sa atin na muling patunayan ang Marxista-Leninistang konsepto na ang proletaryado ang tanging pwersang panlipunan na may kakayahan gumawa ng sosyalistang rebolusyon. Pundamental na tinututulan ng ICL ang Maoistang doktrina, na naka-ugat sa Menshevismo at Stalinistang repormismo, na nagtatakwil sa talibang papel ng uring manggagawa at naghahalili ng digmaang gerilyang nakasandig sa magsasaka bilang landas tungo sa sosyalismo.
Isang karagdagang ekstensyon ng Marxismo na inambag ng International Communist League sa analisis ng Stalinismo ay ang aming pagkaunawa sa Rebolusyong Cubano (tingnan Marxist Bulletin No. 8, Cuba and Marxist Theory [Ang Cuba at Marxistang Teorya]), na sa pagbabalik-isip ay nagbigay liwanag sa takbo ng Rebolusyong Yugoslav at Chino. Sa Cuba, isang kilusang petiburges sa ilalim ng mga bukod-tanging sirkumstansya—ang kawalan ng papel ng uring manggagawa bilang katunggali para sa pansariling karapatan sa kapangyarihang panlipunan, ang pag-alsa-balutan ng pambansang burgesya at ang mabalasik na imperyalistang pangungubkob at ang saklolo mula sa Unyong Soviet—ang nagpabagsak sa lumang diktadurang Batista at kalaunay dumurog sa kapitalistang relasyon sa pag-aari. Subalit hindi mailuluklok ng Castroismo (o iba pang kilusang gerilyang nakabase sa magsasaka) ang uring manggagawa sa kapangyarihang pampulitika.
Sa pinaka-paborableng sirkumstansyang istorikal na maiisip, ang petiburges na magsasaka ay may kakayahan lamang na bumuo ng isang burukratikal na depormadong estado ng mga manggagawa, ibig sabihin, isang estado na kawangis ng kaayusan na nagmula sa pampulitikang kontrarebolusyon ni Stalin sa Unyong Soviet, isang rehimeng na kontra-uring manggagawa na humahadlang sa posibilidad ng pagpapalawak ng rebolusyong panlipunan sa Latin Amerika at Norte Amerika, at pumipigil sa patuloy na pag-unlad ng Cuba sa direksyon ng sosyalismo. Ang pagluklok ng uring manggagawa sa kapangyarihang pampulitika at pagbukas ng daan para sa sosyalistang pag-unlad ay nangangailangan ng suplemental na rebolusyong pulitikal na pinangungunahan ng isang partido Trotskyista. Sa pagkawasak ng deheneradong estado ng mga manggagawang Soviet at ang bunga nitong pagkaputol ng mapagkukunan ng suporta laban sa imperyalistang pangungubkob, ang makipot na pagkakataon kung saan maaring itumba ng mga pwersang petiburges ang lokal na paghaharing kapitalista ay nasara na, at itoy nagbibigay diin sa Trotskyistang perspektiba ng permanenteng rebolusyon.
11. Ang Prente Popular: Hindi isang Taktika Kundi ang Pinakamalaking Krimen
Mula sa Espanya noong 1936 hanggang sa Chile ng 1973, ang hinog na pagkakataon para sa proletaryong rebolusyon ay nadiskaril sa pamamagitan ng mekanismo ng prente popular [popular front], na nagtatali ng mga pinagsasamantalahan sa kanilang tagapagsamantala, at nagbubukas ng daan sa mga pasista at bonapartistang diktadura. Iginiit ni Leon Trotsky: Dulot ng pagpapaamo sa manggagawa at magsasaka sa paraan ng ilusyong parlyamentaryo, ng pagparalisa ng kanilang determinasyong makibaka, ibinubunga ng Prente ng Bayan [Peoples Front] ang paborableng kondisyon para sa tagumpay ng pasismo. Dahil sa patakaran ng koalisyon sa burgesya pagbabayarin ang proletaryado sa pamamagitan ng mga taon ng panibagong pagpapahirap at sakripisyo, kung hindi man mga dekada ng pasistang pananakot. (The New Revolutionary Upsurge and the Tasks of the Fourth International, July 1936 [Ang Bagong Rebolusyonaryong Bugso at ang Tungkulin ng Ika-Apat na Internasyonal]).
Tulad nina Lenin at Trotsky, tinututulan ng ICL sa prinsipyo ang anumang pakikipag-koalisyon sa mga kapitalistang partido (mga prente popular) maging sa pamahalaan o bilang oposisyon, at tinututulan rin namin ang pagboto para sa mga partidong manggagawa na kabilang sa mga prente popular. Ang mga parlyamentaryong gobyerno na binuo ng mga repormistang partidong manggagawa (burges na partidong manggagawa ayon sa depinisyon ni Lenin) ay mga kapitalistang gobyerno na nagpapatupad ng kapitalistang paghahari (halimbawa, ibat-ibang gobyerno ng Labor Party sa Britanya). Sa mga kaso kung saan isang repormistang masang partidong manggagawa ay nagpiprisinta ng sarili bilang kinatawan ng interes ng uring manggagawa na nagsasarili at laban sa mga partido ng burgesya, maaaring maging angkop para sa mga rebolusyonaryong ilapat ang taktika ng kritikal na suporta (tulad ng pagsuporta ng lubid sa isang taong nakabigti). Gayong kritikal na suportang elektoral ay nagsisilbi bilang paraan ng mga rebolusyonistang patindihin ang kontradiksyon sa pagitan ng baseng proletaryo at ng lideratong maka-kapitalista. Subalit, ang inklusyon ng kahit maliit na di-proletaryong pormasyong pulitikal (tulad ng mga liberal o eco-faddist na Greens sa Kanluran, o ng mga burges na nasyonalista) ay tumatayo bilang garantiya ng programang burges, at sumusupil sa ganitong kontradiksyon.
Ang anti-imperyalistang nagkakaisang prente [anti-imperialist united front] ay ang partikular na hugis ng maka-uring kolaborasyon na kadalasang umuusbong sa mga bansang kolonyal at dating kolonyal, mula sa likidasyon ng Partido Komunistang Chino sa Guomindang ni Chiang Kai-shek noong dekada 20 hanggang sa mga dekadang pangangayupapa ng kaliwa ng South Africa sa harap ng African National Congress (ANC), na ngayoy mga alipuris na tinatangkilik ng mga imperyalista para sa kapitalismong neo-apartheid. Kasalukuyan sa Latin Amerika, ang nasyonalismong anti-Yankee ay ang pangunahing kasangkapan kung saan ang mga militanteng manggagawa at insurhenteng magsasaka ay naaakit na ilaan ang kanilang pag-asa sa mga burges na radikal. Ang programa ni Trotsky ng permanenteng rebolusyon ay ang alternatiba sa paglaan ng kumpiyansa sa mga pantasya na nakasandal sa atrasado, imperyalistang-dependenteng burgesya ng sariling bansang inaapi bilang behikulo ng pagpapalaya.
12. Ang Rebolusyonaryong Partido: Ang Programa, Organisasyon at Disiplina Nito
Kung walang partido, hiwalay sa isang partido, lampas sa ulunan ng isang partido, o may kahalili sa isang partido, ang proletaryong rebolusyon ay hindi magtatagumpay. (Leon Trotsky, The Lessons of October [1924]—Ang mga Aral ng Oktubre). Aming sinisikap itayo ang rebolusyonaryong partido, ang instrumento ng pagdala ng kamalayang pampulitika sa proletaryado, sa hangad na maging pangunahing pang-opensiba at taga-giyang pwersa na sa pamamagitan nito ay maisasakatuparan at kokonsolidahin ng uring manggagawa ang sosyalistang rebolusyon. Ang aming layunin ay isang rebolusyonaryong estado-mayor na may nangungunang kadre na pinagsanay at subok sa maka-uring pakikibaka. Ang partido ay lumalaban para makamit ang liderato ng uri batay sa kanyang programa at rebolusyonaryong determinasyon; sinisikap nitong alamin ang buong nakaraan upang matasa ang kasalukuyang sitwasyon. Ang hamon ay nasa pagkilala at mapangahas na pagresponde sa rebolusyonaryong sandali kapag itoy dumating, ang sandaling nasa pinakamataas ang kumpyansa at kahandaan ng mga pwersa ng proletaryado at matindi ang demoralisasyon at disorganisasyon ng pwersa ng lumang kaayusan. Sa ganitong rebolusyonaryong partido nagiging kristal ang aspirasyon ng masa para makamit ang kalayaan; itoy sumasagisag sa kanilang rebolusyonaryong hangarin at magiging instrumento ng kanilang tagumpay.
Sinulat ni Trotsky sa Programang Transisyonal:
Ang istratehikong gawain sa susunod na peryod—isang pre-rebolusyonaryong peryod ng agitasyon, propaganda, at organisasyon—ay binubuo ng pangingibabaw sa kontradiksyon sa pagitan ng maturidad ng obhetibong rebolusyonaryong kondisyon at ng imaturidad ng proletaryado at ang taliba nito (ang kalituhan at pagkasira ng loob ng nakatatandang henerasyon, kawalan ng karanasan ng nakababatang henerasyon). Kailangan na tulungan ang masa sa proseso ng pang-araw-araw na pakikibaka na hanapin ang tulay sa pagitan ng mga pangkasalukuyang panawagan at ang sosyalistang programa ng rebolusyon. Ang tulay na ito ay dapat magtaglay ng isang sistema ng mga transisyonal na panawagan na umuugat mula sa mga kasalukuyang kondisyon at mula sa kasalukuyang kamalayan ng malawak na strata ng uring manggagawa at di maiiwasang magtungo sa iisang pinal na konklusyon: ang pagsakop sa kapangyarihan ng proletaryado.
Dapat ilaan ng partidong taliba ang parehas na mulat na atensyon sa usapin ng pampartidong liderato gaya ng paglaan ng partido sa pakikibaka para sa kamalayan ng mga nakaka-abanteng manggagawa. Sa The Mistakes of Rightist Elements of the Communist League on the Trade Union Question (4 January 1931) [Ang mga Pagkakamali ng mga Elementong Maka-Kanan ng Liga Komunista hinggil sa Suliranin ng Unyon ng Paggawa] sinulat ni Trotsky:
Anuman ang panlipunang pinagmulan at pampulitikang dahilan ng mga oportunistikong pagkakamali at debyasyon, parati ang mga ito ay ideyolohikal na ma-reredyus sa maling pagkaunawa hinggil sa rebolusyonaryong partido, ng relasyon nito sa iba pang mga organisasyong proletaryo at sa uri sa pangkabuuan.
Ang nagkakaisang prente ay isang pangunahing taktika lalung-lalo na sa panahong tagligalig para kapwa mamobilisa ang malawak na masa sa pakikibaka para sa isang panlahatang panawagan at palakasin ang awtoridad ng talibang partido sa hanay ng uri. Ang ibig sabihin ng pormula na hiwalay na mag-martsa, sama-samang bumira ay ang sama-samang aksyon para ipagtanggol ang interes ng mga manggagawa, habang hinahayaan ang tagisan ng magkatunggaling opinyon sa konteksto ng komon na pampulitikang karanasan.
Ang komunistang taktika ng nagkakaisang prente ay nagbibigay daan para makalapit ang taliba sa mga hiwalay at anupamay kakontrang organisasyon para sa komon na aksyon. Ito ay kontrapunto sa nagkakaisang prente mula sa ibaba ng Third Period na Stalinismo na ang pinanana wagan ay pagkakaisa ng hanay laban sa mga lider, na nagpapatigas sa linyang pang-organisasyon at hadlang sa nagkakaisang pagkilos. Kailangan ng nagkakaisang prente ang kumpletong kalayaan sa pagpuna—ibig sabihin nito, ang lahat ng nakikilahok ay maaaring maghayag ng kanya-kanyang slogan at propaganda.
Isang palatandaaan ng pag-urong mula sa rebolusyonaryong layunin ay ang praktika ng mga blokeng pampropaganda: ang subordinasyon ng programang proletaryo sa mga oportunista sa ngalan ng pagkakaisa. Nagsisilbi sa kahalintulad na layunin ang ideya ng istratehikong nagkakaisang prente na nagtratransporma ng nagkakaisang prente sa isang inaasam na koalisyon na nakatindig sa programang may pinakamababang antas. Kabaligtaran ng mga iskemang ganito, ang rebolusyonaryong partido ay hindi maitatayo ng walang pakikipaglaban para sa pampulitikang klaridad at walang humpay na paglantad sa mga repormista at lalo na sa mga centristang pwersa.
Ang ICL ay nakatindig sa mga prinsipyo at sa rekord ng International Labor Defense, ang Amerikanong sangay ng International Red Aid ng Comintern. Hangad namin na isulong ang pamana ng ILD na di-sektaryan, pampartisan na maka-uring pakikibakang gawaing depensa, na nagtatanggol ng walang kaugnayan sa mga pinanghahawakang pampulitikang pananaw ng sinumang militanteng nakikibaka para sa uring manggagawa at mga api. Habang ginagamit ang lahat ng demokratikong karapatan na meron ang ligal na sistemang burgis, hangad namin na mag-mobilisa ng protestang masa na nakasentro sa paggawa, ang paglagay ng aming pananalig sa kapangyarihan ng masa at ang kawalan ng pananalig sa anumang hustisya ng mga korteng burgis. Ang pinakamalaking balakid sa muling pagbuhay ng mga tradisyon ng solidaridad sa paggawa ay ang mga nakakasukang praktika ng mga Stalinista at sosyal-demokratikong organisasyon: ang karahasan sa loob ng kilusang manggagawa, paninirang-puri sa mga katunggali, at ang manipulatibong pagmamaniobra ng mga grupong pamprente.
Ang organisasyonal na prinsipyo sa loob ng International Communist League ay demokratiko-sentralismo, ang balanse sa pagitan ng internal na demokrasya at disiplinang pangtungkulin. Bilang isang organisasyong nakikibaka, dapat mayroon ang rebolusyonaryong taliba ng kapabilidad ng unipikado at desididong aksyon sa lahat ng pagkakataon ng maka-uring pakikibaka. Lahat ng kasapi ay dapat ma-mobilisa para ipatupad ang mga desisyon ng mayoridad; ang awtoridad ay dapat sentralisado sa hinalal na kolektibong liderato na nagbibigay ng taktikal na interpretasyon sa programa ng organisasyon. Ang internal na demokrasya ay nagpepermiso sa kolektibong determinasyon ng linya ng partido na bumabagay sa pangangailangan na dama ng hanay ng partido na siyang pinakamalapit sa uri sa pangkabuuan. Ang karapatan sa paksyonal na demokrasya ay esensyal sa isang buhay na kilusan; ang mismong pagkakaroon ng karapatang ito ay tumutulong padaluyin ang mga pagkakaiba sa mapanlinaw at di-mapanirang paraan ng resolusyon.
Ang disiplina ng International Communist League (Fourth Internationalist) ay dumadaloy mula sa programa at layunin, ang tagumpay ng sosyalistang rebolusyon at ang pagpapalaya buong sangkatauhan.
13. Kami ay Makikilahok sa Pagbabago ng Kasaysayan!
Ang Marxismo ay hindi dogma, kundi giya sa pagkilos. Ang International Communist League (Fourth Internationalist) ay nasa pinaka-unahan ng pakikibaka para sa isang sosyalistang kinabukasan. Ang ICL ay natatanging internasyonal na organisasyon na sa kasalukuyan ay may wastong panlahatang konsepsyon ng sitwasyong pandaigdig at ng mga tungkulin na kinakaharap ng pandaigdigang proletaryado. Ang disparidad sa pagitan ng aming maliit na bilang at ang kapangyarihan ng aming programa ay malaki. Sa kasalukyan ang mga seksyon ng ICL ay mga o naghahangad na maging palabang grupong pampropaganda. Ang aming kagyat na tungkulin ay ang edukasyon at pormasyon ng mga kadre, ang pag-rekrut ng pinaka-abanteng saray ng mga manggagawa at kabataan sa pagkabig sa kanila para sa aming buong programa sa pamamagitan ng eksplanasyon ng aming mga pananaw na matalas ang kontraposisyon sa aming mga centristang katunggali. Ang mga rebolusyonaryong regrupment sa programa ng Leninistang internasyonalismo ay ang paraan para maresolba ang disproporsyon sa pagitan ng aming mga pwersang maliit at ng aming tungkulin.
Tulad ng mga Bolshevik ni Lenin, aming layunin ay mapagsanib ang mga intelektwal at proletaryong elemento, una sa lahat sa paraan ng pagpapaunlad at pakikibaka ng mga komunistang praksyong industriyal. Sa paraan ng propagandistikong literatura ang isay makakapagturo sa mga unang kadre, subalit hindi magagawa ng isa ang ma-rali ang talibang proletaryo na hindi nabubuhay sa loob ng isang sirkulo o sa silid-aralan kundi sa maka-uring lipunan, sa isang pabrika, sa mga organisasyon ng mga masa, ang taliba na kung kanino ang isay dapat bihasang makipagtalastasan sa wika ng kanilang mga karanasan. Kahit ang pinakamahusay na mga propagandistikong kadre ay di maiiwasang magkakawatak-watak kung hindi sila makaka-ugnay sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mga masa.
Ang komunistang gawain sa mga unyon ay dapat nakatutok sa pagkabig sa base, hindi sa mga walang prinsipyong bloke at maniobra sa tuktok. Sa relasyon ng mga unyon sa kapitalistang estado, pinaka-esensyal ang pakikibaka para sa kompleto at walang kondisyong pagsasarili ng mga unyon. Ang paggamit ng mga burgis na korte laban sa mga katunggaling pulitikal sa loob ng mga unyon o ng kilusang manggagawa ay isang paglabag sa prinsipyo ng proletaryong kasarinlan at isang atake sa lakas ng kilusang paggawa. Ang pag-imbita sa kaaway na uri na manghimasok sa internal na usapin ng mga unyon ay nagpapalakas ng mga ilusyon sa burgis na demokrasya sa pagsasalarawan na ang estado ay walang kinikilingan sa pagitan ng mga uri. Ang pulisya ay hindi mga manggagawang naka-uniporme kundi sila ay mga bayarang gatilyo ng kapitalistang estado; sila ay walang lugar sa mga organisasyon ng mga manggagawa. Ang ICL ay lumalaban para patalsikin ang mga pulis sa mga unyon. Ang aming laban para sa prinsipyo ng proletaryong kasarinlan mula sa estado ay nakadiin sa tendensi na itinuro ni Trotsky sa kanyang di natapos na sanaysay ng 1940, Trade Unions in the Epoch of Imperialist Decay [Ang mga Unyon sa Panahon ng Pagka-agnas ng Imperyalismo], na ang mga repormistang unyon ay lalong nagiging kapilipit ng estado.
Sinisikap ng mga komunista na ipundar ang pinakamalakas na pagkakaisa ng uring manggagawa laban sa mga kapitalistang nagsasamantala; sa gayon, tinututulan namin ang dibisyon sa proletaryado batay sa espesyal na kahusayan sa paggawa at naninindigan kami para sa industriyal na unyonismo, tinututulan rin namin ang pagkakahati ng uring manggagawa sa nagpapaligsahang mga unyong nakabatay sa nagkakaibang tendensing pulitikal o grupong etniko. Sa kontradistinksyon, ang tungkulin ng komunistang taliba ay ang pagklaripika at pagpapatalas ng mga pagkakaiba sa pagitan ng mga magkatunggaling tendensing pulitikal upang matipon ang kadre para sa isang Leninistang partido. Sa panahon ni Lenin ang magkakaibang tungkuling pulitikal ay may repleksyon sa magkakaibang anyo ng organisasyon: ang Comintern na binubuo ng mga pampartidong organisasyon na kumakatawan ng unikong Bolshevik na programang pulitikal at ang Profintern na kumakatawan sa pakikibaka para sa pagkakaisa ng uring manggagawa sa mga unyon.
Naniniwala kami na ang muling pagpanday ng isang komunistang Fourth International, binubuo ng mga awtentikong komunistang partido sa lahat ng pinaninirahang lupalop at sinubok sa puspusang interbensyon sa maka-uring pakikibaka, ay sadyang mahirap at kadalasay mapanganib. Ang daang pasulong para sa buong sangkatauhan ay nasa kasalukuyang mga maliliit na pwersang kumakatig sa rebolusyonaryong programa nina Lenin at Trotsky na magpanday ng mga partido na may karanasan, lakas ng loob at awtoridad sa mga masa upang pamunuan ang mga matagumpay na proletaryong rebolusyon. Subalit habang aming sinisikap na igiit ang programang ito sa mga manggagawa at mga api ng daigdig, dapat naming kilalanin na ang posesyon ng teknolohiya ng nukleyar na pagkapugnaw ng isang irasyunal na imperyalistang naghaharing uri ay nagpapatamang-sipat sa mga posibilidad: kakaunti lang ang ating panahon.
Kami ay pinapatnubayan ng mga tuntunin at praktika ng mga kasama tulad nina Lenin at Trotsky:
Ang harapin ang realidad ng matuwid; at hindi hanapin ang linya ng pinakamaliit na paglaban; ang tawagin ang mga bagay sa tama nilang katawagan; ang magsalita ng katotohanan sa mga masa, gaano man ito magiging kapait; ang hindi matakot sa mga balakid; ang pagiging totoo sa maliit na mga bagay tulad ng sa malaki; ang ibatay ang iyong programa sa lohika ng maka-uring pakikibaka; ang maging walang takot sa pagsapit ng oras ng pagkilos—ito ang mga alituntunin ng Fourth International. (The Death Agony of Capitalism and the Tasks of the Fourth International, 1938 [Ang Naghihirap na Paghihingalo ng Kapitalismo at ang mga Tungkulin ng Ika-Apat na Internasyonal])
Ito ang mga alituntunin ng International Communist League (Fourth Internationalist) sa aming pagsulong sa makasaysayang tungkulin na pamunuuan ang uring manggagawa tungo sa tagumpay ng pandaigdigang sosyalismo!
—Pebrero 1998 |